Kabanata XIV

3025 Words
KAMPO NG KALABAN *** MABILIS na tumakbo si Humphrey palabas ng bahay. Masama ang pakiramdam niya habang papalapit sa puting tela na sumabit sa matitinik na rosas. Kinuha niya iyon at ininspeksiyon. Tela iyon sa damit ni Ashelynn kanina. Kumuyom ang kamao niyang nakahawak sa tela at malutong na nagpakawala siya ng mura. "Anong nangyari?" tanong ni Thad. Ipinakita niya sa mga kapatid at pinsan ang puting tela na may bahid ng dugo. "Sa damit ni Ashelynn ang telang ito," Mariing naglapat ang mga labi ni Zane. "Saan natin hahanapin sina Ashelynn at Francheska? Wala tayong alam tungkol sa ibang nilalang maliban sa hindi talaga sila mga sabi-sabi lang." Wala pang isang minuto pagkatapos sabihin iyon ni Zane ay biglang lumitaw ang isang lalaking matangkad. Mas matangkad pa sa kahit na sino sa kanilang tatlo, considering that Zane was the tallest at six-five. Walang suot na pang-itaas ang lalaki, malaki ang katawan nito at may mga tribal na tattoo sa mga braso. His angular face was void of emotion, his dirty blond hair sticking everywhere, his eyes, a blazing blue fire. He's wearing a tight black jeans and was barefoot. His presence demanded obedience and respect. At kilala ni Humphrey ang lalaki. "Phanoer?" Phanoer inclined his head in greeting. "Seeker of Fire, Humphrey." "You're the Guardian of the World of Fire?" tanong ni Thad mula sa likod niya. Phanoer's eyes glinted with something. But it was gone in a second that Humphrey thought he was imagining it. "Yes." Phanoer's voice was a deep rumble with a slight tilt in it. "Humphrey, your woman was kidn*pped by Aerthen and Ashelynn went after them. Kailangan natin silang iligtas." Nanlaki ang mga mata niya. "Aerthen? Iyong nakaharap namin noon?" "Oo. Kailangan nating magmadali. Balak buhayin ng mga traydor si Lacresia at para magawa iyon, kailangan nila ng labing dalawang puso ng mga espesiyal ng mortal. Isa na roon ang babae mo." "Espesyal?" "Nakatakda ng magkrus ang landas ninyo ni Binibining Francheska noon pa man. Dahil siya ang makakatulong sa iyong buksan ang seal na nakapaloob sa susi ng apoy." "Seal?" "Naka-seal ang mga susi para hindi iyon mahanap ng mga may masasamang balak. Tanging ang mga nakatakda lang ang makakahanap niyon pero oras na mahanap na ang susi ng nakatakda, may posibilidad ng pisikal iyong mahawakan ng mga nilalang. Kahit anong uri pa man sila. Kaya kailangang maibigay mo kaagad ang susi sa Keeper oras na mahanap mo iyon." "Pero hindi namin kilala kung sino ang Keeper." Protesta niya. "Hindi ninyo mahahanap ang Keeper kahit ano pa ang gawin ninyo o nang kahit na sino man. Magpapakita lang ang Keeper doon sa mga gusto niyang makita at makakita sa kanya. Pero oras na mahanap mo ang susi, ang Keeper na mismo ang lalapit sa iyo para kunin at muling i-seal sa libro ang susi." "Buhay pa si Lacresia?" tanong ni Thad. "Akala ko ba patay na siya?" "Nai-seal lang si Lacresia. Hindi pwedeng patayin ang babaeng iyon. Katulad na lang ng walang kamatayan si Reyna Lucija." "Hindi pa patay si Lola?" mariringgan ng pag-asa ang boses ni Thorn. "Hindi. Pero hindi na siya magkakaroon pang muli ng mortal na vessel. Bumalik na siya sa mundo ng mga Buhay." "Kung ganoon hindi pa rin pala natin makikita si Lola." Inakbayan ni Thaddeus si Thorn. "Alam kong marami kayong gustong malaman pero kailangan na nating puntahan sina Ashelynn, Seeker. Habang nagtatagal na hindi natin sila nakikita mas lalong lumalaki ang posibilidad na hindi na talaga natin sila makita." Mariin siyang tumango. Kailangang maging prayoridad nila ang pagliligtas kay Francheska at Ashelynn. Hindi mapapatawad ni Humphrey ang sarili kapag may mangyaring masama sa dalawa. Saglit pa man silang nagkakakilala ni Ashelynn ay itinuturing na niya itong mahalagang kaibigan. At hindi siya ang tipo ng taong tumatalikod sa mga kaibigan niya. "Sasama kami." sabi ni Zane. Binalingan ito ni Phanoer. "Masaya akong malamang handa kayong sumuong sa kamatayan para lang maprotektahan ang mga taong mahahalaga sa buhay ninyo pero hindi ko kayo maaaring dalhin. Tanging ang nakatakdang Seeker of Fire lang ang pwede kong tulungan at gabayan. Isa pa, isa rin ito sa pagsubok na kailangang harapin ng Seeker of Fire." "Hindi kami pwedeng maghintay na lang dito ng walang ginagawa." Protesta ni Thad. "May gagawin kayo. Kailangan din ninyong hanapin ang mga susing nakatakda para sa inyo. At may mga gabay ding ipinadala para sa inyo." Wika ni Phanoer sa pormal na boses. Hinarap niya ang mga kapatid. "Kuya Zane, kaya ko na ang sarili ko. Isa pa, ito na rin ang pagkakataon ko na ipakita sa iyo ang mga natutunan ko sa istrikto mong training." "Kuya..." Nginitian niya si Thorn. "Magiging maayos din ang lahat, bunso." Binalingan naman niya si Thad. "At ikaw, tutuksuhin pa kita tungkol kay Asia." Hinawakan siya ni Phanoer sa balikat. Umikot ang paningin niya at para siyang nahihilo hanggang sa matagpuan niya ang sariling nakatingin sa isang kastilong matayog na nakatayo sa isang bundok. Nilingon niya si Phanoer. "Alam mong nandito sina Ashelynn at Francheska?" "Hindi. Pero nararamdaman ko ang kapatid ko. At mabilis ko lang siyang mahahanap kung sakaling mawala na naman siya." "Huh, sarap sigurong maglaro ng tagu-taguan kapag may ganyan din akong kapangyarihan." bulong niya sa sarili. Muli siyang tumingin sa kastilyong nasa ibabaw ng bundok. Magandang tingnan iyon. Hindi katulad ng mga napapanood niyang drama na parang nababalutan ng maitim na aura ang kastilyo ng mga kalaban. "Ang enggrande naman yata ng palasyong iyan?" "May mga bagay talagang kay gandang tingnan pero bulok naman ang loob." Mariing naglapat ang mga labi niya sa sinabing iyon ni Phanoer. Oo nga naman. Kahit gaano pa kagandang tingnan ang isang bagay mula sa labas, kung bulok naman ang loob nito, wala pa rin iyong kwenta. Nagulat siya nang bigla na lang kuminang ang mga mata ni Phanoer. Para iyong mata ng tigre mula sa madilim na kakahuyan. Kulay asul nga lang ang kay Phanoer at mukhang apoy na anumang sandali ay tutupukin ang kung sinong tamaan ng tinging iyon. "Traydor." Phanoer said in disgust. Napatingin siya sa tinitingnan nito at nakita niya ang isang napakagandang babae na may suot ng hood at may hawak na bastong umiilaw. Parang hindi makamundo ang kagandahan nito. Napansin niya ang kulay asul nitong mga mata na katulad ng kay Phanoer. Ang hula niya ay isa ring dragon ang babae. At hindi lang basta kalahing dragon ni Phanoer. Mas higit pa. Nararamdaman niya ang labis na pagkamuhi galing kay Phanoer at alam niyang malapit ang dalawa sa isa't-isa. "Sino—" "Isang traydor." Phanoer said with so much hate that Humphrey kept his mouth shut. Mas mabuti na sigurong tumahimik siya kaysa siya pa ang mapagbalingan ng galit ni Phanoer. Nang mawala sa paningin nila ang babae ay nag-umpisa na ulit silang maglakad palapit sa kastilyo. Pero ramdam pa rin niyang mainit ang ulo ni Phanoer kaya tahimik na lang siyang sumunod kahit na nga gusto niyang magtanong. Tahimik silang nakapasok sa loob ng kastilyo. Pero iyon ang nagpakaba sa kanya. Parang may hindi tama sa mabilis nilang pagpasok sa kastilyo. "Hindi kaya patibong ito?" pabulong niyang tanong kay Phanoer. "Halata naman." sagot nito sa tonong parang walang gana. Nanlaki ang mga mata niya. "Kung ganoon, bakit pa rin tayo pumasok? Sana naghanap tayo ng mas tahimik na pagpasok." "Mahigpit ang guwardiya sa kastilyong ito, kahit anong gawin nating pagpasok ay malalaman nila kaagad. At wala na tayong oras para magpatumpik-tumpik. Kailangan nating mailabas dito sina Ashelynn sa lalong madaling panahon." Tahimik na tumango siya at sumunod dito. Tama ito, kailangan nilang mailabas kaagad doon sina Ashelynn at Francheska bago pa mahuli ang lahat. Biglang huminto si Phanoer sa paglalakad at waring nakikinig sa kung anong hindi naman niya marinig. Ikiniling nito ang ulo ng ilang beses bago tumuon ang tingin nito sa isang pintong mukhang ordinaryo lang naman. Wala kasi iyong ipinagkaiba sa ibang pinto pero hindi rin siya dapat magpalinlang sa mga nakikita niya. Humarap si Phanoer sa kanya at tinitigan siyang mabuti. Nailang siya sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya. Para bang may hinahanap ito sa kanya na hindi niya maintindihan. "Bakit?" "Palagi mong pakatandaan na ang nananalaytay na dugo sa ugat mo ay galing kay Lady Lucija na siyang reyna sa mundo ng mga buhay at isa kang Seeker of Fire. Ayusin mo ng tama at para sa makabubuti ang kapangyarihang ipinagkaloob sa iyo ng reyna." Kumunot ang noo niya. Bakit bigla na lang nagsasalita ito na para bang magpapaalam na? "Magagamit mo lang ang kapangyarihang ipinagkaloob sa iyo kapag binuksan mo ang iyong puso, Seeker." "Bakit bigla ka na lang nagsasalita riyan ng ganyan?" kinakabahang tanong niya. Phanoer stared at him silently again before he gestured with his head towards the door he was looking earlier. "Pumasok ka sa pintong iyon at gawin mo ang lahat ng makakaya mo para mabawi sina Ashelynn at Francheska." Tumango siya. "Hindi ka ba sasama sa akin?" "Hindi kita masasamahan sa loob dahil kailangan kong harapin ang mga pipigil sa atin." Doon lang niya napansin ang tila mga aninong nakadikit sa pader. Nahintakutan siya nang unti-unting nagkakalaman ang mga aninong iyon pero hindi niya hinayaang manaig ang takot sa dibdib niya. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para iligtas sila." Pangako niya kay Phanoer. Tumango lang ito at walang pasabing nagpakawala ng malaking enerhiya dahilan upang maghiyawan ang mga aninong nasa paligid lang pala nila. At iyon din ang signal nito para tumakbo siya. Malapit na siya sa pinto nang bigla na lang may humarang sa kanya pero hindi pa man nakakakilos iyon ay natupok na ng kulay asul na apoy. Hindi na niya nilingon pa si Phanoer at nagpatuloy na lang sa pagtakbo papunta sa pinto. Nang marating niya ang pinto, sinubukan niya iyong buksan pero wala iyong seradura. Waring pader lang na desenyong pinto. "Alalahanin mong dugo ni Lady Lucija ang nananalaytay sa 'yo," Ipinikit niya ang mga mata. Nagpokus siya sa kailangang gawin. Humugot ng enerhiya mula sa kalooban niya. At nang hawakan niya ang pinto, kusa iyong bumukas. His heart leaped in his throat. Hindi niya alam kung paano iyon nagawa, pero nabuksan pa rin niya ang mahiwagang pinto. Pero kaaga siyang napahinto nang makita ang nasa kabilang bahagi ng pintong iyon. Para iyong high tech na laboratoryo. May kung anu-anong machines sa paligid. At may mga malalaking test tube na nakahilira sa bandang dulo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mamahangha o matakot sa natuklasang iyon. Lumapit siya sa mga test tube nang mapansing may mga laman iyon. Napasinghap siya nang makitang mga tao ang laman niyon. O mga nilalang sa iba't-ibang mundo dahil nakita niya sa ikalawang test tube si Ashelynn na lumulutang sa kulay berdeng likido. "Ashelynn!" binayo niya ang test tube na kinalalagyan nito pero walang nangyari. Bumilis ang t***k ng puso niya dahil natagpuan na niya ito sa wakas. Sinuyod niya ng tingin ang ilang aparato na nakakabit sa test tube. May nakita siyang pulang bilog doon na siyang nakikita niya sa mga napapanood sa sine kung saan iyon ang magpapabukas sa kung anu-anong bagay. Sinubukan niya iyong pindutin pero walang nangyari. Huminga siya ng malalim. Mabubuksan niya ang test tube at maililigtas si Ashelynn. Ipinikit niya ang mga mata. Ngayong minsan na niyang nagamit ang kapangyarihang sinabi ni Phanoer kanina, madali na lang niyang nailabas iyon at pinadaloy sa kanyang kamay na yari bang kuryenteng nagwawala sa mga ugat niya. Nang itapat niya ang palad sa pulang bilog, kusa iyong napindot kahit na hindi pa lumalapat ang kamay niya. Nakarinig siya ng waring pagkabukas ng kung ano. At ilang sandal pa lang ay unti-unti nang nawawala ang berdeng likido mula sa pinagkulungan kay Ashelynn. Unti-unti ring bumaba sa sahig ang dalaga ng walang malay at nahiga na lang roon nang tuluyan nang mawala ang likido. May kung anong tila nag-click bago kusang bumukas ang test tube. Mabilis na dinaluhan ni Humphrey si Ashelynn na napakaputla. Nang mahawakan niya ito ay kinabahan siya dahil malamig na ang balat nito. Natural lang na mainit ang balat at temperature ni Ashelynn dahil may lahing Phoenix at Dragon ito kaya alam niyang hindi na maganda ang lagay nito ngayon. Kinakailangan niyang madala kaagad sa ligtas na lugar ang dalaga. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. "Ashelynn, Ashelynn." Umungol ito at umubo bago dahan-dahang iminulat ang mga mata. Ilang beses itong kumurap bago tumingin sa kanya. "Humphrey?" tanong nito sa garalgal na boses. "Ako nga. Ililigtas kita. Sandali lang at hahanapin ko lang si Francheska." Tumango ito at umubo na naman. Sa pagkakataong iyon, may dugo nang lumabas sa bibig nito. Mariing naglapat ang mga labi niya. Pagbabayarin niya ang gumawa nito kay Ashelynn. Nanghihina man ay pilit nitong itinaas ang kamay at may itinuro. Sinundan niya ng tingin iyon at napansin ang isa pang test tube. Na kulay rosas ang likido. May laman din iyon pero hindi niya maaninag ang mukha dahil nasa madilim na bahagi ang puwesto niyon. Malakas ang pakiramdam niyang naroon si Francheska. Muling inihit ng ubo si Ashelynn. Hinagod niya ang likod nito at pinahilid sa isang machine. "Diyan ka lang muna. Kukunin ko lang muna si Francheska. Tapos aalis na tayo rito nina Phanoer." Nanghihina itong tumango at bumagsak ang kamay sa sahig. Kailangan niyang magmadali para malunasan na si Ashelynn. At si Francheska. Inisa-isa niya ang mga test tubes hanggang sa nakita niya sa dulo ng ikatlong hanay si Francheska. Lumulutang din ito sa kulay berdeng likido at hindi sigurado si Humphrey kung buhay pa ang babae dahil paano ito makakahinga habang nasa loob ng likidong iyon? Mariin siyang umiling. Hindi siya dapat mag-isip ng mga negatibo. Mabilis niyang nabuksan ang test tube sa pagkakataong iyon at sinalo si Francheska. Mariin niya itong niyakap ng maramdaman ang malamig nitong balat. "Franky?" Marahan niyang tinapik ang pisngi nito para gisingin pero hindi ito nagmulat ng mata. Medyo nakahinga siya ng maluwang nang maramdaman ang hininga nito sa kanyang leeg. Binuhat niya ang dalaga at bumalik kay Ashelynn. "Kaya mo bang tumayo, Ash?" Marahan itong tumango at sa nangnginginig na tuhod ay tumayo. Kumapit ito sa laylayan ng suot niyang pang-itaas. "Kailangan na nating umalis kaagad." Halos hindi na niya marinig ang sinasabi nito dahil sa paos nitong tinig kaya dumukwang siya. "Papalapit na sila." Tumango siya at ibinaba sandali si Francheska para ilipat sa likod niya. Hinawakan naman niya ang kamay ni Ashelynn para hindi sila magkahiwalay. Nagtungo sila sa kabilang bahagi ng silid kung saan may maliit na nakakandadong pinto. Nagkonsentrayt siya para palabasin ang hiram niyang kapangyarihan. Dahan-dahang natunaw ang kandado at bumukas ang pinto. Walang sinabi si Ashelynn. Tahimik lang itong sumunod sa kanya. Pero hindi pa man sila nakakailang hakbang papasok sa kabilang silid ay tumilapon na sila at waring sumalpak ang katawan ni Humphrey sa sementong dingding. Ikiniling niya ang ulo para mawala ang pagkahilo. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo, mga alipin?" tanong ng isang napakagandang babae. Kalmado lang itong nakatingin sa kanila na wari bang hindi sila banta. Mariing nagtagis ang ngipin ni Humphrey. Mukha lang mahina at walang muwang ang nasa harap nila pero nararamdaman niya ang matinding kapangyarihan nito. Hindi basta-bastang tauhan lang ang babae. "Urd." Napatingin si Humphrey kay Ashelynn na nakatingin naman sa magandang babae. "Ashelynn, ang Halfling na kapatid ni Phanoer." Walang makitang emosyo si Humphrey sa mata ng babae kahit na nga ngumiti ito. "Hindi ninyo dapat pinapakialaman ang tadhana naming mga nilalang." Mariing sabi ni Ashelynn. "Hindi nga ba dapat? Sawang-sawa na akong manood sa mga kababuyang ginagawa ninyo sa mga nilikha." "Si Lacresia ang sumisira sa lahat!" "Si Lacresia nga lang ba?" Namaywang ang babae. "Hindi ba't kayu-kayo rin ang sumisira sa isa't-isa? Puro na lang digmaan at paghihigante ang nasa utak ninyong mga nilalang. Sinisira ninyo ang lahat ng mga nilikha." Bahagyang natigilan si Ashelynn pero nagtagis din ang ngipin nito. "Kaya ba kumakampi ka ngayon kay Lacresia? Kaya ninyo sinusubukang gisingin siya?" "Ginagawa lang namin ang dapat. At nakatakda." "Kahit na alam ninyong si Lacresia rin ang sisira sa inyo?" balik ni Ashelynn. "Kung iyon ang nakatakda." May pinalidad sa boses na sagot ni Urd. Hindi sila nakapaghanda nang bigla na lang itong sumalakay mula sa kung saan kaya tumilapon silang dalawa ni Ashelynn. Pakiramdam niya ay parang dinaganan siya ng naglalakihang mga bato sa lakas ng pagkakahampas niya sa dingding. Nakita niyang pilit na tumatayo si Ashelynn mula sa kinalulugmukan nito sa kabilang panig ng kwarto. Umusbong ang protective instinct niya, hindi lang bilang isang mandirigma kundi bilang isang kaibigan. He could feel his nerves tingling as sparks ignite the ends of his fingers. Before he could really think about it, he formed that energy into a ball of fire before throwing it to the enemy. It resulted into a big explosion that threw him off his feet. Hindi na niya hinintay pang malaman kung natamaan nga ba niya ang kalaban o hindi, tinakbo na lang niya ang kinaroroonan ni Francheska para kargahin ito. Mabilis ang pintig ng puso niya habang hinahanap si Ashelynn. Nakita niya itong pilit na tumatayo kahit halatang hirap. Muntik na siyang mawalan ng balanse nang biglang may malakas na kapangyarihan ang pumalibot sa buong silid. Pero hindi siya nag-alala dahil kilala niya ang kapangyarihang iyon. "Ashelynn, tayo na." Tinulungan niya itong tumayo. "Nandito na si Phanoer." Tumango ito kaya inagak niya ito palayo sa naglalaban na ngayong sina Phanoer at ang Norn Sisters. Nagawa nilang makalabas sa palasyong iyon ng walang problema. Hindi nga lang siya mapalagay dahil nag-iisa lang si Phanoer sa loob para makipaglaban. Hindi rin siya sigurado sa kakayahan ng magkakapatid ng kapalaran kaya hindi niya maiwasang mag-alala ng husto. Lalo na't nagawa nilang lumabas ng walang aberya. "Anong...?" biglang sumikip ang dibdib niya na para bang may pumipiga sa puso niya. "Humphrey?" Sunud-sunod ang naging pag-ubo niya hanggang sa may naisuka na siyang dugo. "H-Hindi ko alam kung ano ang nangyayari." Napaluhod siya at muntik ng mabitawan si Francheska. "Urd!" Nag-angat siya ng mukha para makita ang isa sa mga magkapatid na nasa harap nila. Kaagad din siyang napalingon sa likod kung saan nanggaling ang malakas na pagsabog. Nakita niyang tumilapon si Phanoer palabas ng palasyo. "Kailangan kong kunin ang mga pag-aari ni Lady Lacresia," sabi ni Urd. "Anong ibig mong sabihin?" "Ang puso ni Francheska at ang kaluluwa ni Ashelynn ay pag-aari na ni Lady Lacresia." "Baliw ka ba?" galit na tanong niya rito. Wala siyang pakialam kung isa man ito sa mga tadhana. Napaatras siya nang may itim na awra na pumalibot kay Urd. Hinila niya si Ashelynn palayo dahil masama ang pakiramdam niya sa bagay na pumapalibot kay Urd. Nag-iba ang ihip ng hangin. Parang hinihigop iyon ni Urd hanggang sa may transparent na mga espadang nakalutang sa hangin at nakatutok sa kanila. Bago pa may makakilos sa kanila ay umulan papunta sa kanila ang mga espada. Niyakap niya si Francheska para hindi ito matamaan, habang naramdaman naman niyang may tumusok sa tagiliran niya. At nang lingunan niya si Ashelynn, nanikip ang dibdib niya sa nakita.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD