Kabanata XIII

3031 Words
PAGHARAP SA NAKARAAN *** MALAKAS na napasinghap si Humphrey at yumuko dahil pakiramdam niya ay masusuka siya. Nanginginig ang katawan niya at pinagpapawisan iyon ng malapot. Sinubukan niyang kontrolin ang nararamdaman pero hindi niya magawa. "Humphrey!" sigaw ni Francheska at dinaluhan ang binata. Nagulat naman ang mga kapatid niya pero kalmadong nakatingin lang sa kanya si Ashelynn. "Humphrey, ayos ka lang ba?" tanong ni Light. Makikita ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi sanay si Humphrey na makita ang ganoong reaksiyon mula sa mga kapatid. "Kuya Humphrey." "Anong ginawa mo sa kanya?" galit na tanong ni Thaddeus at lumapit kay Ashelynn na para bang sasaktan nito anumang sandali ang babae. Nagulat siya sa ginawa ni Thad dahil ito ang huling inaasahan niyang dedepensa sa kanya. Guess, he was wrong about his cousin after all. Hindi sumagot si Ashelynn. Nakatingin pa rin ito sa kanya pero hindi niya mabasa ang emosyon sa mukha nito. Tumayo naman si Zane at lumapit sa kanya para i-check ang panginginig niya. Hinayaan lang niya itong suriin siya. Ipinikit niya ang mga mata nang manginig na naman siya. Malalim ang paghinga niya na para bang hindi makakuha ng sapat na hangin ang baga niya. "Deep breathes, Humphrey. Come on." seryosong sabi ni Zane habang hawak nito ang mukha niya. Sinubukan niyang huminga ng malalim pero hindi niya magawa. Nagpa-panic siya. Alam niya iyon pero mas lalo lang siyang nag-panic nang malamang nagpapanik siya. Hinanap ng mga mata niya si Ashelynn para kumpirmahin ang mga nakita niya sa panag-inip o alaala nga ba iyon? Hindi na siya sigurado. Pero hinigpitan ni Zane ang hawak nito sa mukha niya kaya sinalubong niya ang mga mata nito. "Humphrey, focus on me. Sa akin ka lang tumingin. At sundin mo ang mga sinasabi ko. Tumango ka kung naiintindihan mo ako." Pinilit niya ang sariling tumango. "Good. Now, inhale through your nose." Sinunod niya ito. Nag-inhale din si Zane para makita niya ang gagawin. They hold their breath for five seconds before Zane exhaled through mouth. Humphrey copied him. "Another one." Ilang ulit nilang ginawa iyon hanggang sa tuluyan ng kumalma ang sistema niya. He flushed with embarrassment when he realized what just happened. He just had a panic attack! Hindi niya magawang tumingin sa mga kapatid. Zane clapped his shoulder and squeezed, letting him know that everything is okay. Tumango siya pero hindi nagtaas ng tingin. He spread his legs and put his arms on his knees, clasping his hands together. Umupo si Francheska sa tabi niya at hinimas ang likod niya. "Okay ka lang?" Nilingon niya ito at tumango pero kaagad ding bumalik ang tingin niya sa magkahugpong na mga kamay. Hindi niya gustong maungkat ang isang bagay na bumabagabag sa kanya pero kailangan niya ng sagot. "Si Claire, hindi lang siya panag-inip, `di ba?" He saw on his periphery view Light sucked a breath and Zane going still. So alam ng dalawa. Kilala nila si Claire. "Bakit wala kayong sinasabi sa `kin? Karapatan kung malaman ang tungkol sa kanya." Hindi niya maiwasan ang panunumbat sa boses niya. Ayaw niyang sumabatan ang mga kapatid. Kasalanan niya kung bakit hindi na niya naaalala si Claire. "That day was traumatizing for you." sagot ni Zane. "Lola and I came to fetch you up. But what we saw was the house on fire and screaming inside. Kaya inakala kaagad namin na nasa loob ka pa. Humingi kami ng tulong sa isang lalaking napadaan lang sa lugar. Ang sabi niya, nakita ka niya sa isang sulok na hindi iniinda ang sunog na nangyayari sa paligid mo. You were just sitting there crying, watching Claire being—" Tumikhim ito at hindi itinuloy ang sasabihin pero alam niya kung ano sana ang sasabihin nito. "Anyway, nang dalhin ka namin sa ospital, ang sabi ng doktor wala ka naman daw serious injury. Himala nga raw na ni wala ka man lang galos sa sunog na iyon." Mas lalong humigpit ang pagkakasugpong ng mga kamay niya. "Nasusunog din ako ng araw na iyon. Naramdaman ko iyon. Mainit." Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ng mata niya ang mga mata ni Ashelynn. "Nang ipinanganak kayo, nakatakda na kayong maging Seekers. At lumalakas ang affinity ninyo sa mundong nakatakda sa inyo sa pagdaloy ng panahon. Mortal kayo kaya wala kayong kakayahang gumamit ng kapangyarihan pero dala ng matinding emosyon mo nang araw na iyon, magawa mong buksan ang channel sa mundo ng mga apoy. Naramdaman ng hari namin ang emosyon mong iyon. Kaya niya nalamang papalapit na ang araw ng pagbabalik ni Lady Lucija. Pero hindi lang siya ang nakaramdam niyon. Pati na ang mga nilalang sa mundo namin na may masamang balak." Mariing naglapat ang mga labi niya. "Naaalala ko pa. Ako ang gumawa ng apoy na iyon." Tumango si Ashelynn. "Ako ang pumatay kay Claire." bulong niya. "Ako ang..." Hindi niya magawang dugtungan iyon. Hindi kaya ng utak niya. At ng puso niya. Muli niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib. Kailangan niyang umalis sa kwartong iyon kundi malulunod siya. Bigla siyang tumayo. "Lalabas lang ako." Naramdaman niyang tumayo rin si Francheska pero pinigilan iyon ng nakababata niyang kapatid na si Thorn. Umiling ang kapatid niya habang hawak sa kamay ni Francheska. Hindi niya alam kung paano siyang nakaalis sa lugar na iyon pero natagpuan na lang niya ang sariling nakatingin sa isang bakanteng lote, kung saan may mga batong pinagpatungpatong sa isang tabi. At alam niya kung ano ang mayroon sa ilalim ng mga batong iyon.   "NAG-AALALA ako para kay Humphrey." Katahimikan ang namayani sa buong silid mula nang lumabas si Humphrey. Gustong sundan ni Francheska ang binata pero alam niyang kailangan nito ng panahon para mag-sink in ang mga naaalala nito. Hindi niya akalaing may ganoong klase ito ng nakaraan. Naaawa siya para sa kaibigan. Sa loob ng mahabang panahon ay dinala nito ang bigat ng pangyayaring iyon. Maaaring wala nga itong naaalala pero sa puso nito, alam nitong may nawala ritong mahalaga na kalainman ay hindi na nito maibabalik pa. Ipinikit niya ang mg mata. Gusto niyang umiyak para sa kaibigan pero kailangan niyang maging matatag para dito. "Bakit kinailangan mo pang ibalik ang alaalang iyon!" singhal ni Thad na nagpamulat kay Francheska. Nakita niya itong nasa harap ni Ashelynn, galit ang nakapinta sa mukha. Kalmado namang hinarap ni Ashelynn si Thad. "Wala akong ginawa. Kusang naalala ni Humphrey ang mga iyon. Matagal din niyang kinulong ang mga alaalang iyon sa puso niya pero pasasaan man at kailangan niyang harapin ang mga nangyari sa nakaraan." "Pero kailangan ba talagang..." sabi ni Claude. Lumunok ito at hindi na itinuloy ang sasabihin. "Alam ni Lady Lucija na masasaktan at masasaktan si Humphrey sa oras na maalala niya ang mga nangyari pero wala siyang nagagawa roon. Pero walang madaling paraan para sa pagpapanatili ng balanse ng mundo." Halos magtagpo ang mga kilay ni Light nang tumingin ito kay Ashelynn. "Si Lola ba ang..." Umiling si Ashelynn. "Si Humphrey mismo ang nagkulong ng mga alaala niya. Pero para mahanap ang susi, kailangan mong buksan ang puso at ang pagkatao mo. Pati ang mga nakaraang pilit mo ng kinakalimutan. Gaano man iyon kasakit." Muli silang natahimik. Parehong nag-iisip kung ano ang magagawa nila para kay Humphrey. Mayamaya'y tumikhim si Zane. "Meeting dismiss. Saka na natin ipagpatuloy ito kapag handa na si Humphrey. Sa ngayon wala tayong magagawa para sa kapatid natin kundi manatili sa tabi niya at siguraduhing alam niya na may mahihingan siya ng tulong oras na hindi na niya kaya." Nagtanguan ang mga magkakapatid. Naunang lumabas si Thad kasunod si Light at Claude. Si Thorn naman ay kinuha ang mga libro at binuksan ang mga iyon. "Ashelynn, magpahinga ka na rin muna. Alam kong hindi pa sapat ang naging pahinga mo kanina." sabi ni Zane. "Ikaw naman Francheska, magpahinga ka na rin muna. Wala tayong magagawa para kay Humphrey sa ngayon." Tumango siya at tinulungan si Ashelynn. Pero nang makalabas sila sa silid ay humiwalay ito sa kanya. "Lalabas lang ako. Sisiguraduhin kong walang ibang nilalang sa lugar na ito maliban sa mga nandito." "Pero hindi ka pa magaling." "Ayos lang ako. Kaya ko ang sarili ko." Nag-alinlangan siya pero kailangan din naman nilang masiguro na walang ibang nagbabantay sa bahay. At si Ashelynn lang ang makagagawa niyon. "Okay. Pero bumalik ka kaagad." Tumango si Ashelynn at tumalikod na. "Sandali, Ashelynn." Huminto ito pero hindi lumingon. "Si Humphrey..." "'Wag kang mag-alala. Binabantayan siya ngayon ni Kuya." Nakahinga siya ng maluwang. "Okay." Tumalikod na rin siya para pumunta sa kwarto niya.   HINDI alam ni Humphrey kung ilang oras na siyang nakatayo sa harap ng bakanteng lote. Hindi siya gumagalaw. Paulit-ulit lang na nagre-replay sa utak niya ang nangyari kay Claire noon. Kasalanan niya ang nangyari rito. Kasalanan niya kung bakit ito namatay. Siya ang gumawa ng sunog na iyon. At hindi niya mapapatawad ang sarili kahit kailan. Napapikit siya nang umihip ng malakas ang hangin. Napaatras naman siya nang magmulat ng mga mata. Nag-unahang tumulo ang mga luha niya nang mapagmasdan ang batang nasa harap niya. "Claire..." he rasped, his throat tight with emotion. "Humpy! Matagal na kitang hinihintay." Nakangiting sabi ni Claire. "Hindi mo na ako dinalaw dito. Pero intindi kita." "Paanong...pero wala ka na." "Patay na ako sa mundo pero buhay pa ako sa puso mo, Humpy." Napaluhod siya at hindi na napigilan pa ang mga hagulhol na pilit na kumakawala. Nanginginig na inabot niya ito pero tumagos lang ang kamay niya. Labis na lungkot ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. "Claire..." Malungkot ang mga mata ni Claire habang nakatingin sa kanya. Waring apektado rin ito nang tumagos ang kamay niya sa katawan nito. "Humpy, 'wag na lungkot ikaw." Ngumiti ito. "Hindi ikaw sisi ko dahil wala na ako. Hindi mo kasalanan 'yon." "Kasalanan ko 'yon." Umiling si Claire. "Hindi. Nangyari ang mga nangyari dahil may rason. Saya na ako sa kinaroroonan ko. Malungkot lang ako kapag kita kita lungkot." "Sorry, Claire. I'm so sorry." Sinubukan ulit niyang hawakan ang nakababatang kaibigan pero ganoon pa rin ang nangyari, tumagos pa rin ang kamay niya. "Sorry kung hindi kita naligtas. Sorry dahil hindi ako nakadalaw sa 'yo. At sorry dahil nakalimutan kita." Ngumiti si Claire. "Okay. Tawad na kita. Dahil naaalala mo na ako at pinuntahan mo na rin ako. Pwede na ako matahimik." Mas lalo siyang umiyak dahil sa sinabi nito. "Humpy, saya na ako dahil kahit wala na ako, may magbabantay na sa 'yo. At magpapasaya sa 'yo. Huwag kang susuko, ha? Lumaban ka. Dahil ikaw ang hero ko. 'Wag na 'wag mo akong bibiguin. Kundi tampo ako sa 'yo." Pilit siyang ngumiti kahit ang bigat ng pakiramdam niya. Itinaas nito ang pinky finger. "Promise ka, Humpy. Hindi ka susuko." Itinaas din niya ang pinky finger niya. "Hindi ako susuko. Promise, Claire." Masayang ngumiti si Claire. "At palagi mong tandaan na hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin." Tumango siya. "Good boy ka na, ha? Sad Kuya Zane at 'Ayt dahil lagi kang sad." Muli siyang tumango. Nang sandaling iyon, hindi na nagsalita si Claire. Tahimik lang itong nakangiti habang tinititigan siya na para bang minimemorya nito ang mukha niya. Nataranta siya nang makitang unti-unti na itong naglalaho. "Claire!" Tumagos ang kamay niya sa katawan nito nang subukan niya itong abutin. "Claire!" "Bye, Humpy." "Claire!" Lumapit si Claire sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Naramdaman niya ang init ng labi nito pero hanggang doon lang iyon dahil hindi pa rin niya ito mahawakan. Tuluyang naglaho ang imahe ni Claire at naiwan siyang luhaan habang yakap ang sarili. Naramdaman naman niya ang mainit na ihip ng hangin na yari bang niyayakap siya. Mas lalo lang siyang napaiyak. Ramdam niya ang dalawang pares ng brasong nakayakap sa kanya. "Mahal kita, Humpy." Bulong ng hangin. Nagtagis ang mga ngipin niya. "Mahal din kita, Claire."   "BUMALIK na ba si Humphrey?" Umiling si Light sa tanong na iyon ng nakatatanda nilang kapatid. "Si Ashelynn at Francheska?" "Nasa kwarto pa rin nila." Sumimangot ang nakatatanda nilang kapatid pero wala na itong sinabi pa. Napatingin naman siya sa bintana. Dumilim ang kalangitang kanina lang ay maaliwalas. Muli siyang napatingin kay Zane. Mukhang masama ang gising ng kapatid nila. Binalingan naman niya ang pinakabata sa kanilang magkakapatid. "Thorn, kumusta na nga pala ang thesis mo?" "Ayos naman, Kuya." sagot ni Thorn sa malambing na boses. "Malapit na akong matapos." Ngumiti siya at ginulo ang buhok nito. Umiwas naman ito at sinamaan siya ng tingin na siyang ikinagulat niya. "At kailan mo pa ako natutunang tingnan ng ganyan?" Namula ang mukha nito na siyang ikinangisi niya. Nang hindi siya nito sagutin ay kinulit niya ito. "Nagpapa-impress ka ba sa isang babae kaya ayaw mong nagugulo ang buhok mo?" "Kuya!" "What? That was a valid question. One of the reasons why men styled their hair is because they want to look good for a girl." "Like you?" nakasimangot na tanong ni Thad. Nginisihan niya ito. "Come on, don't deny it, Thad. Ni hindi nga magawang tibagin ng hangin 'yang buhok mo nang magkasama kayo ni Asia kamakailan lang." "f**k off, fucker." Sinundan niya ng tingin si Thaddeus nang mag-walk out ito sa hapagkainan. Ngumiwi naman siya. "Still bitter, huh. Akala ko pa naman nagkaayos na ang dalawang iyon." "We never know between those two." bulong ni Claude. "Maybe. But we certainly do know Humphrey's love life." Ngumiwi si Claude. "Hindi rin." Tumaas ang isang kilay niya. "May problema ba sila ni Francheska?" Nagkibit-balikat lang ito. Iniikot niya ang mga mata. Kung si Humphrey ang kausap niya, malamang minura na siya pero itong si Claude wala siyang matinong sagot na nakukuha. Sinulyapan niya si Zane. Kalmado lang ito kung titingnan pero alam niyang bad mood ito dahil sa makulimlim na panahon sa labas. Pero pwede rin namang nagkakamali lang siya. Matagal na kasi niyang napapansin na nagiging makulimlim ang kalangitan sa tuwing wala sa mood ang kapatid niyang ito. Hindi lang siya nagsasalita noon dahil imposibleng mangyari iyon pero dahil sa mga kababalaghang nangyayari sa kanila ngayon, well, hindi na mahirap paniwalaan ang mga super powers. Storm manipulations and all. Umiling siya at tinitigan ang pagkaing nasa harap niya. Ang daming nangyayari sa pamilya nila. Sana lang malagpasan nila ito ng walang nangyayaring masama sa kahit na sino sa kanila. Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan niyang lumabas muna ng bahay para naman makalanghap siya ng sariwang hangin. Pakiramdam kasi niya ay malulunod na siya sa loob ng bahay. Nakapamulsang naglalakad siya nang makita si Humphrey na papalapit sa kanya. Nakayuko ito at bagsak ang balikat. Nalungkot siya para sa kapatid. "Humphrey." Hindi ito nagsalita. Patuloy lang sa paglalakad. Humugot siya ng malalim na hininga saka ito nilapitan. Nang hawakan niya ito sa balikat at gulat na napaatras ito. "Light." "I'm not gonna ask you if you're okay because it's obvious you're not. But please know that we're here for you. Me, Kuya Zane, Thorn, Thad and Claude." Tumingin ito sa malayo. Para bang may naaalala. "Nakita ko si Claire." Napasinghap siya. "Nagpaalam siya sa akin." Hindi siya nagsalita dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Kilala niya si Claire dahil minsan na niyang sinundan noon si Humphrey nang lumabas ito. Hindi kasi niya maintindihan noon kung bakit palagi itong nagpapabili ng mga laruang pambabae sa lola nila. At doon nga niya nakilala si Claire. Sa edad na limang taong gulang ay hindi pa rin ito marunong magsalita ng tuwid na pangungusap. Wala na itong ina at nakatira lang sa ama na walang ibang ginawa sa buhay kundi uminom ng alak. Nagplano pa nga noon ang Lola Lucija nila na ampunin na lang ang bata dahil naaawa ito sa kalagayan ni Claire. Pero huli na ang lahat dahil nasunog ang bahay nina Claire kasama ito at ang ama nito. Ilang buwan ding hindi nakapagsalita si Humphrey. At noong nagsalita na ito ay malaki ang pagbabago rito. At unti-unti iyong lumala sa pagdaan ng panahon. Walang binabanggit si Humphrey tungkol kay Claire kaya hindi na rin nila iyon inungkat ni Zane. Sa murang edad, naintindihan niyang may mga bagay talaga na wala tayong kontrol. Mariing naglapat ang mga labi niya. Moral support lang ang maibibigay niya sa kapatid niyang ito ngayon. Niyakap niya ito at tinapik sa likod. Sa gulat niya ay gumanti rin ito ng yakap. Sandali lang iyon pero sapat na para mapanatag ang loob niya.   HUMPHREY was berating himself while standing awkwardly beside Light. Kung bakit niya niyakap ang kapatid, hindi niya alam. Nahihiya tuloy siya ngayon. Alam niyang hindi niya dapat iyon ikahiya pero hindi na kasi siya sanay sa mga ganoong gestures. "Alam kung matatagalan bago ka maging maayos talaga pero medyo gumaan-gaan na ba iyang nararamdaman mo?" Tumango siya. "Nakatulong ang pakikipag-usap ko kay Claire." Tumingin siya sa kalangitan. Makulimlim ang langit. Waring nakikiayon sa nararamdaman niya. "Hinihintay daw niya akong dalawin siya." Sumilay ang munting ngiti sa mga labi niya nang maalala ang nakangiting mukha ni Claire. "It would take a while. But I will be okay." "Mabuti naman." sagot ni Light. "Para may ma-bully na naman kami ni Thad." Umiling siya. "Hindi ako na-bully kahit kailan. Oo nga pala, nasaan sina Francheska at Ashelynn?" "Hindi pa lumalabas ng kwarto si Francheska. Si Ashelynn naman, itsi-check daw ang bahay para siguraduhing walang gumagalang multo." "Ewan ko sa 'yo. Takot ka lang yata sa mga multo eh." Sinuntok niya ito ng mahina sa balikat. "Puntahan ko lang sila." "Pakisabi kay Kuya Zane magliliwaliw na muna ako. Babalik ako sa bahay bago mawala ang araw." Tumango siya at iniwan na ang kapatid. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagmasdan ang bahay ng lola nila sa di kalayuan. Kitang-kita ang madilim na kalangitan. Pero parang may mas madilim pang aura ang bahay. Ikiniling niya ang ulo. Noon kasi kahit bumagyo pa, palaging welcoming ang aura ng bahay kahit na noong namayapa na ang kanilang abuela. Pero kakaiba ang nararamdaman niya habang papalapit sa bahay. Kakapasok lang niya sa bahay nang makita niya si Zane galing sa kusina, nakasimangot. "Bakit, Kuya?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang iniinspeksiyon siya kung may injury ba siya. Nang wala naman itong makita ay sinalubong nito ang mga mata niya. "Kanina ko pa hindi makita sina Claude at Light." "Mamamasyal daw muna si Light. Nagkasalubong kami kanina." Tumango ito. Napatingin sila sa hagdan nang marinig ang mga yabag ng nakababata nilang kapatid na si Thorn kasunod si Thad. "Wala sa loob ng kwarto si Ate Francheska. At kanina pa lumabas si Ate Ashelynn kaya dapat bumalik na siya ngayon." sabi ni Thorn. Napasimangot siya sa sinabi nito. "Ganoon din si Claude. Wala siya rito sa bahay." sabi naman ni Thad. Hinimas ni Zane ang baba. Siya naman ay malalaki ang hakbang na pumunta sa ikalawang palapag ng bahay. Nang buksan niya ang kwarto ni Francheska ay wala nga roon ang dalaga. Pero malinis ang silid na para bang hindi iyon inukupa. Mabilis na lumipat siya sa kwarto ni Ashelynn, ngayon ay nasa likod na niya ang dalawang kapatid at pinsan. Wala rin doon si Ashelynn. Bumalik siya sa kwarto ni Francheska at pumasok. He surveyed the room with narrowed eyes. He felt a strong breeze came from the only open window in the room and looked. What he saw drained the blood from his face.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD