Kabanata XII

3096 Words
KOMPIRMASYIYON NG KATOTOHANAN *** PUMUNTA silang lahat na magkakapatid at ilang mga kamag-anak sa sementeryo para alayan ng dasal ang kanilang abuela. Nagkaroon din ng kaunting salo-salo para sa pasiyam nito. Ramdam pa rin ni Humphrey ang pagkawala ng kanilang abuela. At hindi lang siya ang nakakaramdam niyon kundi pati na rin ang mga kapatid niya at ilan sa kanilang kamag-anak. Napakabuting tao ng lola Lucija nila at marami itong mga naging kaibigan noong buhay pa ito. Kaya ngayon ay labis na dinadala nila ang pagkawala nito. Pero kailangan nilang mag-move on. Alam niya iyon. Hindi nga lang ganoon kadali. Kahit na nga nakikita niya paminsan-minsan sa panag-inip ang kanilang lola, hindi pa rin niyon mapapantayan kung naroon ito sa tabi niya, buhay at sinisermunan siyang makipaglaro sa mga kapatid niya. Napakurap si Humphrey mula sa malalim na pag-iisip nang maramdaman ang tapik sa balikat niya. Nang magtaas siya ng tingin, si Francheska pala iyon. "Ayos ka lang ba?" tanong nito. Halata ang pag-aalala sa mukha. Tumango siya. "As fine as I can be. Kumusta si Ashelynn?" "Natutulog na naman. Pero napakain ko na siya kanina nang magising siya. Mukhang kahit walang pisikal na ebidensiyang muntik na siyang mamatay ay dinaramdam pa rin niya iyon." Tumango siya. "Internal pain siguro. Or kung ano man. Hindi ko talaga akalaing may ibang mundo maliban sa atin. Doon siguro nanggaling ang mga elyen." Ngumiti si Francheska. "Ang papangit kaya ng mga elyeng naiimbinto ng mga tao. Mas magaganda pa yata sa atin iyong ibang mga nilalang." "Wala ka bang confidence sa sarili mong ganda?" Francheska smirked. "Of course I have." There was a light in her eyes that he could not quite read. Pero hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataong pag-aralan iyon nang bigla na lang lumitaw mula sa kung saan si Thad. "Nagtatago ka na naman sa isang sulok, Humpty." Eksaheradong bumuntong hininga ito. "Napaka-anti-social mo talaga." "At least hindi ako madaldal na gaya mo." Bumukas ang bibig ni Thad para kuntrahin ang sinabi niya pero naroon na si Light para putulin ang anumang sisimulan nilang dalawa. "O, kids, ipinapatawag tayo sa principal's office. Ang late may parusa. Alam niyo na." Naihilamos niya ang palad. Meaning, Zane was calling a meeting. And the funishment for being late is running around the house. Ngumiti si Francheska. "Wala talaga kayong laban doon sa nakatatanda ninyong kapatid, ano." "Sinabi mo pa," Thad said under his breath. Thankfully, walang late sa kanila. Naroon silang lahat, ang mga kapatid niya at si Thad. Hindi na sumama si Francheska dahil titingnan daw nito si Ashelynn. Zane looked up from reading something in a book as they approach. Isa-isa silang tiningnan nito hanggang sa tumigil ang tingin nito sa kanya. "How was Ashelynn?" "Still asleep. Pero nagising at nakakain na siya kanina. Pinuntahan ni Francheska ngayon para i-check." Tumango ito. "Good. Anyway, gusto kong ipakita sa inyo ang libro ni Lola Lucija." Zane flipped a few pages from the book and showed it to them. Nakakunot ang noong tinitigan niya ang libro. Blanko iyon maliban sa isang drawing na pormang susi. Wala man lang iyon detalye. Basta linya lang. Inilipat ng kapatid niya ang pahina ng libro. May linyang susi na naman doon pero sa pagkakataong iyon ay iba na ang hugis sa bandang uluhan. Para bang may nakapulupot na kung ano roon. Ganoon din ang mga sumunod. Labin-dalawang susi na iba't-iba ang hugis. "Hindi kaya labin-dalawang susi ang hahanapin natin?" tanong ni Light. "Iyon din ang na isip ko pero ang apoy lang ang nararamdaman ni Humphrey. Si Claude hangin lang. At ang nararamdaman ko lang ay kung may papalapit na bagyo o pagbabago sa klima. Unless you're not telling us everything?" Umiling siya. "Iyon lang. Apoy lang ang palagi kong nakikita sa tuwing nananag-inip ako. Wala ng ibang elemento." "Ganoon din iyong sa akin." sagot ni Claude. Tumango si Zane. "This might mean that we're not the only ones destined to find these keys." Nagkatinginan silang lahat. May punto ito sa sinabi. Isa pa, si Zane ang utak ng pamilya nila. Mas gusto ni Humphrey ang aksyon. "Humphrey, saan mo nga nakuha ang librong ito," tanong ni Zane at itinaas ang librong nakita nila sa silid-aklatan noon. Sandali siyang nag-isip. Sa pagkakaalala niya, hindi parte ang librong iyon sa mga itsi-check-out sana nila ni Francheska. Ni hindi nga iyon ich-in-eck-out ng librarian. Ang naaalala lang niya, may nabangga siyang babae noon at nahulog ang mga librong dala nila...ngayon niya naalala na nasilip niya noon ang mga mata ng babae. Itim ang mga mata nito pero kumislap iyon ng ginto ng ilang segundo. Ang akala niya noon ay trick of the lights lang iyon. Pero ngayong nakita na niya ang totoong kulay ng mga mata ni Ashelynn... Nanlaki ang mga mata niya. "Si Ashelynn!" Ikinuwento niya sa mga kapatid ang nangyari noon sa library at pareho ang mga ekspresyon ng mga mukha nila. "Talagang tinutulungan ka na ni Ashelynn noon pa man," sabi ni Zane pagkatapos ng sandaling katahimikan. "At ikaw lang ang tinutulungan niya sa atin. Dahil kapatid siya ng Guardian of Fire. Hindi rin malayong mangyari na mayroon tayong kanya-kanyang mga Guardians. Ang tanong, bakit wala pa sa kanila ang nagpaparamdam sa atin? Maliban kay Humphrey?" Napakunot ang noo niya. Tama ito. Sana ay nagpakita na rin ang mga aalalay sa mga kapatid nila. "Hindi kaya may masamang nangyari sa kanila? Ang sabi kasi ni Ashelynn hindi lang ang mundo nila ang nagkakagulo ngayon. Pati na rin ang iba." Tumango si Zane. "Kailangan nating hintayin na magising si Ashelynn." Pagkatapos na pagkatapos sabihin iyon ni Zane ay may kumatok sa pinto. Sabay-sabay silang napalingon sa pinto. Wala munang nagsalita sa kanila hanggang tumikhim si Zane. "Pasok." Bumukas ang pinto at pumasok si Ashelynn habang inaalalayan ni Francheska. "Alam kong marami kayong gustong malaman. At handa akong tulungan kayo sa abot ng makakaya ko." Napaubo ito at kumapit kay Francheska na para bang ang huli ang dahilan kung bakit ito nakatayo pa rin. Magulo ang buhok ni Ashelynn at maputla pa rin. Suot nito ang damit ni Francheska at mukhang ano mang sandali ay bibigay na ang tuhod nito. Napatingin siya sa kapatid na si Zane. Matamang pinagmamasdan nito si Ashelynn na para bang pinag-aaralan at inaalam kung dapat ba itong pagkatiwalaan. Pagkatapos ng ilang saglit ay tumango ito. "Francheska, alalayan mo si Ashelynn na maupo." Kaagad namang sumunod si Francheska. Inalalayan nito si Ashelynn sa pang-isahang sofa na nasa harap ng mesa. Nagpakawala ng mahabang hininga si Ashelynn at lumubog sa kinauupuan. "Ayos ka na ba talaga? Baka mabinat ka." Nag-aalalang tanong niya. Pilit na ngumiti ito. "Ayos lang ako. Hindi ako basta-basta mamamatay." "So, ah, hi, I'm Thaddeus." "I'm Light. Nice to meet you, Ashelynn." Nakangiting bati ni Light. "Hello, ako si Thorn." Medyo nahihiyang sabi ni Thorn pero napansin ni Humphrey na hindi na ito masyadong katulad ng dati na skittish kapag may bagong tao itong nakikilala. Which is good, he think. "Claude," kalmadong pakilala ni Claude. "Salamat sa pagligtas mo kay Kuya Humphrey." "Zane." Magkasalikop ang mga kamay na sabi ni Zane. "You probably already know that." Tumango si Ashelynn. "Matagal ko ng sinusubaybayan at binabantayan si Humphrey. Bago pa man kayo pumunta sa Aurora." "Kung ganoon, bakit hindi ka nagpakita sa akin ng mas maaga?" "Dahil hindi pa pwede. Buhay pa noon ang Keeper." "Keeper?" tanong ni Thad. "May nabanggit ang libro na Keeper," sabi ni Zane. "Tagapangalaga ng mga susi." "May iba't-ibang mundo. Labin-tatlo lahat." Inilahad ni Ashelynn ang palad at kusang lumipat ang librong hawak ni Zane papunta sa palad nito. Nanlaki ang mga mata ni Light at Thaddeus. Napasinghap naman sila ni Claude at mahigpit ang pagkakatikom ng bibig ni Thorn. Iyon ang libro ng kanilang lola, kung saan ang simbolo ng iba't-ibang mundo ang nasa cover. Ashelynn traced the symbol and a replica of it appeared at the center of the room, almost like a hologram, making them gasped in amazement. "Fire." Lumitaw ang apoy sa dulo ng star na simbolo. Ganoon din ang mga nangyari sa bawat pagbanggit ni Ashelynn sa mga 'mundo.' "Light, Water, Earth, Air, Storm, Blood, Darkness, Time, Ice, Moon, Stars." Umilaw ang nasa gitna. Unti-unting nabuo ang yin at yang. "Life and Death." Katahimikan ang naghari sa opisina. "Sandali, mundo rin ang Life at Death?" tanong ni Light. "Anong klaseng mga nilalang naman ang naninirahan sa mga mundong iyon?" "Gods and goddesses are the creatures in Life. They're much stronger than any of the creatures in the other worlds. But they keep to themselves so there wasn't war for thousands of years." "Thousands of years? Meaning there was a war?" tanong ni Light. "The First Great War. But they subdued Lacresia, a creature of Death. But she was like Lady Lucija's twin. They were both equal in physical and magic." "Wait, Lady Lucija?" tanong ni Claude na siya ring tanong niya. Tumango si Ashelynn. "The balance of the universe tip on a dangerous scale eight thousand years ago when the war between Life and Death started. The worlds chose their sides. It was bloody and full of misery." She shivered and her eyes became glassy like she was relieving a nightmare or rather a memory. "I was just a kid back then, but I remember well. Muntik nang matalo ang Life noon. Pero nabuo ni Lady Lucija ang keys na siyang kumakatawan sa bawat mundo. "Ang Life at Death ang sentro ng balanse. Ngayong nakakulong sa mga susi ang essence ng bawat mundo, hindi na basta-basta mawawasak ang mundo. At hanggat mayroong mga susi, hindi pwedeng basta-basta na makalabas ang mga nilalang sa ibang mundo. Dahil ang mga susi na ang nagpapanatiling sarado sa bawat portal ng mga mundo. "Dahil doon, nabuo rin ang mga Guardians. Sila ang bantay sa bawat portal. Mayroong labin-tatlong mundo, may labin-tatlong Seekers, labin-tatlong Guardians. Isang Keeper." "Isa lang ang Keeper?" tanong ni Light. Tumango si Ashelynn. "Si Lady Lucija ang gumawa ng susi. Siya ang sentro nito. Ang kapangyarihan niya ang nagbubuklod sa mga susi. At tanging siya lang ang may kakayahang gamitin ang mga iyon. " "Pero paano iyan ngayong wala na si Lola?" tanong ni Claude. "Assuming that Lola Lucija and the Lady Lucija you are talking about are one." Muling tumango si Ashelynn. "Dahil sa paggawa ni Lady Lucija sa mga susi na nangangailangan ng matinding kapangyarihan para pagbuklurin, nanghina siya ng husto. Dumagdag pa ang pinsamang natamo niya sa laban nila ni Lacresia at ang pag-seal niya rito. Kinailangan niyang magtago habang nagpapagaling kaya gumawa siya ng paraan para maihatid ang kaluluwa niya sa mundo ng mga mortal kung saan walang makakahanap sa kaniya." "Teka, kung nai-seal na niya si Lacresia, bakit kailangan pa niyang magtago?" tanong ni Light. "Maaaring wala na si Lacresia pero buhay pa rin ang ilan sa mga matatapat niyang mga tauhan. Isa na roon ang Norn Sisters." "Sino?" "Triplets ang Norn Sisters, ang isa ay propeta ng hinaharap, isang propeta ng nakaraan, at isang propeta ng kasalukuyan." Tumaas ang isang kilay ni Humphrey. "Ano 'to, Greek Mythology? Or was it Norse?" Claude looked at him funnily. "You actually read that s**t?" He shrugged. "Once." In my life, when all I could do was dream. Dagdag ng isip niya pero hindi niya isinatinig. "Parang ganoon na nga." sabi ni Ashelynn. "Lahat ng mundo ay alam ang nangyari sa Unang Dakilang Digmaan. O kaya ay nakasulat iyon sa pahina ng mga libro ng nakaraan. Pero sa mundong ito, ginawang alamat na lang ang mga nangyari noon. Pilit na kinakalimutan. Dahil mapait ang mga nangyari noon para sa mga nakatataas sa mundo ng mga mortal." Mas lalong sumimangot si Zane, kung pwede man iyon. "Nakatataas sa mundo ng mga mortal?" "Hindi lang mga tao ang mga nilalang sa mundong ito," sabi ni Ashelynn at binigyan ng makahulugang tingin si Thorn bago muling binalingan si Zane. "At lahat sila, naging alamat na lang para sa mga tao. Minsan silang nakisalamuha sa mga tao pero nang muntik nang maubos ang lahi ng mga ito, napagdesisyunan nilang magtago na lang at pabayaang isipin ng mga nilikha nila na isa lang silang alamat." "Anong klaseng mga nilalang ba ang mga nakatataas sa mundong ito?" Umiling si AShelynn. "Pasensiya ka na pero hindi ko pwedeng sabihin. Pinili nilang magtago sa mga tao dahil sa sarili nilang rason at nirirespito ko iyon. Pero kung magdesisyon silang lumabas, desisyon din nila iyon." Tumango si Light. "Naiintindihan ko iyon. Pero sinu-sino ang mga Seekers at anong klaseng Seekers kami?" Isa-isang tiningnan ni Ashelynn silang magkakapatid sa mga mata. "May hinala ako kung anong klaseng Seekers kayo pero hindi ako pwedeng magsalita tungkol doon maliban kay Humphrey na siyang ginagabayan ko. Kailangan ninyong malaman ang mga iyon sa mga sarili ninyo. Kaya ako lumitaw kaagad para kay Humphrey dahil madali niyang natukoy kung anong klaseng Seeker siya." Nagulat siya sa sinabi nito. "I did?" Tumango si AShelynn. "Matagal mo ng alam na ikaw ang Seeker of Fire. Mula pa lang noong una mong napanag-inipan si Lady Lucija. Pero hindi mo lang maamin sa sarili mo dahil ayaw mo pang maniwala sa mga kababalaghang nangyayari sa buhay mo at ng mga kapatid mo." Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Para kasing ang labo ng sinabi nito dahil ni wala nga siyang ideya sa mga napapanag-inipan niya. Tinitigan siya ng matiim ni Ashelynn na para bang inaarok ang iniisip niya. O kaya ay sinusubukan nitong basahin ang kung ano man ang nasa puso talaga niya. "Sa tingin mo, Seeker of Fire, bakit ang dali para sa iyo na tanggapin ang lahat ng mga kababalaghang nangyayari sa buhay mo?" Pain exploded in his head making his gasp and clutch his head as he slumped in his seat. Before he could say or do anything, he was reliving a memory that was long ago forgotten. Napasinghap si Humphrey nang magtaas siya ng tingin at nakitang nagbago ang paligid. Ngayon ay nakatayo na siya sa loob ng isang maliit na bahay. Tatlong kwarto lang ang bahay. Isang bedroom, bathroom at sala na kasamang kusina at komidor. Pero hindi iyon ang nakapagpagulat sa kanya kundi ang makita ang sarili niya na nasa walo/siyam na taong gulang palang. Bumukas ang bibig niya para magsalita pero walang lumabas na tinig. Napakurap siya at napatingin sa pinto nang bumukas iyon. "Humpy! Humpy!" tili ng batang babae na sa hula niya ay limang taong gulang pa lang. Ngumiti ang batang bersiyon ng sarili niya at kumaway. "Hello, Claire! Kumusta?" "Humpy, buti bisita ka. Wala akong kalaro kasi alis na sina Mae at Leo. Punta na sila layo lugar." Mae at Leo. Magkapatid ang dalawang nabanggit na nakatira sa katabing bahay ng bahay na kinaroroonan nila. Kung paano iyon nalaman ni Humphrey, hindi niya alam. Napatingin siya ulit sa dalawang bata na ngayon ay lumalabas na ng bahay. Sumunod siya sa mga ito. Sa likod-bahay lang pumunta ang dalawa. May kinuha ang batang Humphrey mula sa mga batong ipinagpatong-patong. Isa iyong kitchen set na laruan. Makukulay ang mga maliliit na plato at kalderong nakalagay sa isang plastic bag. "Halika, laro na lang tayo para hindi ka malungkot." Yaya ng batang Humphrey. Sumimangot naman ang Humphrey na binata. Hindi niya maalalang ganoon siya kasiglang bata noon. Ang akala nga niya ay palagi na siyang bugnutin bata pa man. Pero hindi niya magawang balewalain ang pangungulilang nararamdaman niya habang pinapanood ang mga bata. "Yey! Ako 'yong mommy 'tas ikaw daddy." sabi ni Claire. "Si Angelika ang baby natin." Itinaas nito ang munyikang kinuha rin nito sa plastic bag. Magandang manika iyon pero may karumihan na. At alam ng binatang Humphrey na siya ang nagbigay ng manyikang iyon na pinabili niya sa kanyang ina. Tumawa ang batang Humphrey. "Okay. Hello, baby." Kinarga nito ang manyika na para bang totoong baby iyon. "Luto muna ako ng kain natin. Dito ka lang. Bantay ka ni baby." "Okay, Mommy." Nakatayo lang ang binatang Humphrey habang pinapanood ang dalawang batang naglalaro. Pangungulila at pagsisisi ang nararamdaman niya. Alam niyang hindi lang basta panag-inip ang nangyayari kundi bahagi ng nakaraan niya. Pero hindi nagtagal ang kapayapaan ng dalawang bata dahil may maskuladong lasing na lalaki ang dumating at galit na pinapasok sa bahay si Claire. Nang hindi sumunod ang batang babae ay kumuha ng stick na kawayan ang estranghero at pinalo ang bata. Sinubukan iyong pigilan ng batang Humphrey pero itinulak lang nito ang estranghero na walang dudang ama ni Claire. Walang nagawa ang batang Humphrey nang makapasok na sa loob ng bahay si Claire at ang lalaki dahil ini-lock ng huli ang pinto. Narinig na lang nilang sumigaw si Claire at iyak ng iyak. Sinubukan ng binatang si Humphrey na pumasok sa bahay pero hindi niya magawa kaya sumunod siya sa batang Humphrey na umikot sa bahay at pumasok sa nakabukas na bintana ng kwarto. Lumabas sila ng kwarto papunta sa sala saktong sinampal ng lalaki si Claire at dahil sa lakas ng impact ng pagkakasampal ay tumilapon ang pobreng bata at tumama ang ulo nito sa nakausling kahoy sa kahoy na mesa. Sumigaw ang batang Humphrey at sinuntok sa maliliit na kamao ang likod ng lalaki. Ito naman ang binalingan ng lalaki at sinuntok. Walang laban ang batang Humphrey na napaluhod sa sementadong sahig. Gustong tumulong ng binatang Humphrey pero tumatagos lang siya sa katawan ng mga tao roon. "Sinabihan na kitang umuwi. Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!" sigaw ng lalaki. Naglitawan ang mga ugat sa leeg nito. Ang pulang mga mata ay nanlisik at walang kiyiming sinipa ang batang si Humphrey sa tiyan dahilan upang gumulong sa sahig ang bata at mamilipit sa sahig. "Baka naman trip mo rin itong anak ko?" Ngumisi ng malademonyo ang lalaki. "Ha, kung ganoon ay hahayaan kitang makita kung paano dapat ituring ng totoong lalaki ang mga babae." Namimilipit pa rin sa sakit ang batang Humphrey. Bumaling ang lalaki sa kay Claire at sinimulang hubarin ang suot nitong pantalon habang nakangisi pa rin na malademonyo. Nanlaki ang mga mata ng binatang Humphrey sa ibig sabihin ng lalaki. Sinubukan niyang itulak ang lalaki pero tumagos pa rin ang mga kamay niya. Galit na pinagsusuntok niya ang lalaki. Pero walang nangyayari dahil tumatagos lang ang mga suntok niya. Walang malay si Claire kaya hindi ito makatakbo. Sinipa ng lalaki si Claire sa tiyan at napaigik ang bata pero hindi ito nagising. At noon lang napansin ng binatang si Humphrey ang mga pasá sa katawan ng batang babae. "Itigil mo 'yan!" sigaw ng batang Humphrey. Napalingon ang binatang Humphrey sa batang bersyon ng sarili niya at nakita niya ang matinding galit at poot sa mga mata nito habang nagtatagis ang mga bagang na nakatingin sa lalaki. Napakislot ang binata nang biglang sumiklab ang apoy sa segarilyong may sindi na iniwan ng lalaki. Habang patuloy sa pagbaboy ang lalaki at pilit na tumatayo ang batang Humphrey ay lumalaki naman ang apoy. Hindi makapaniwala ang binatang Humphrey habang nakatingin sa nangyayayari. Patuloy sa pagkalat ang apoy habang hindi naman iyon napapansin ng lalaki. "Ah, ang sarap talaga ng mga bata. Presh at ang kikipot," ungol ng lalaki habang patuloy sa ginagawa. Wala pa ring malay si Claire. "Claire!" sigaw ng batang Humphrey at subog ang bahay sa biglang pagkalat ng apoy sa buong bahay. At hindi lang iyon basta ordinaryong apoy dahil kulay asul iyon. At sobrang init ng apoy na iyon habang nasa loob ng bahay ang lalaki, si Claire at ang batang Humphrey.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD