Kabanata XI

3023 Words
PANAG-INIP AT KATOTOHANAN *** HINDI pa rin kumakalma ang mabilis na t***k ng puso ni Francheska. Tahimik ang biyahe nila ni Humphrey pero parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak niya ang nangyaring halikan sa pagitan nila. Kagat ang labing sinulyapan niya si Humphrey. A smile was playing at his lips. And she doubt if it would go away soon. Umarangkada na naman ang puso niya nang mahuli siya nitong nakatingin dito. Kinindatan pa siya nito. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Binuksan niya iyon dahil puro puno na ang nadadaanan nila. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin Dahil ang dumi na ng utak niya. Napo-pollute na. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at hinaplos niya ang alaga nito sa pagitan ng hita. Namula na naman ang pisngi niya nang maalala ang ginawa. Nataranta na siya kanina kaya hindi na siya nakapag-isip ng matino. Basta na lang niyang hinaplos ang nasaktang p*********i nito para maibsan ang sakit dahil pinagpapawisan na ito. She could only imagine how much it hurts. Napasulyap siya sa pagitan ng hita nito. Nakagat na naman niya ang labi nang maisip kung paano iyon nabuhay sa kamay niya. "Eyes up, Franky. Baka ma-late tayo at parusahan ako ni Kuya Zane ng twenty laps." She looked at him through her lashes. He was giving her a lustful look before turning to the road immediately. Maghuhurumintado ang puso niya sa isiping matitikman niya ulit ang labi nito. She'd never felt like this before. She liked feeling this, but she was nervous too. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. At ang inaasahan niyang mapayapang pagtulog ay naging makahulugan. "Francheska, apo. Tulungan mo si Humphrey na makita ang susi." sabi ni Lola Lucija sa kalmado at nakakaantok na boses. "Paano ko po gagawin iyon, Lola Lucija? Hindi ko rin po alam kung nasaan ang susing hinahanap namin." Ngumiti ang matanda. "Ikaw ang nakakaalam, hija. Tulungan mo ang apo ko." Nagising si Francheska na blanko ang utak. Kumuha siya ng tissue at ballpen. Wala sa sariling nagsulat siya. May mga senaryo siyang nakikita sa isipan niya. Si Humphrey tumatakbo. Siya umiiyak. Si Ashelynn nakikipaglaban. Narating ni Humphrey ang isang napakagandang pinto. Napakataas niyon at napakalapad. Gawa sa bakal at may desenyo ng mga phoenix na nakaukit sa pinto. At may dalawang estatuwa ng phoenix din ang bawat gilid niyon. Gawa man sa bato ang mga estatuwa, alam ni Francheska na iyon ang mga phoenix ng pinakaunang hari at reyna ng mundong iyon. Hanggang sa pagpanaw ng mga ito ay nais pa ring protektahan ang kanilang mundo. Napaiyak si Francheska habang nakatingin sa dalawang phoenix. Malungkot ang mga ito sa hindi niya malamang kadahilanan. Nararamdaman niya ang hinagpis ng dalawa. Hindi siya emosyonal na babae pero habang nakikita ang lungkot sa mga mata ng dalawang estatuwa, parang pinipiga ang puso niya. Gusto niyang tulungan ang mga ito. Biglang nag-iba ang mga imahe sa harap niya. Nakikita niya si Humphrey na hawak ang susi. Kulay ginto iyon at may phoenix na nakapulupot. Ibinigay nito ang susi sa isang magandang babae. May kasamang naka-hood na damit na lalaki ito. Tila bantay ng babae. Hindi niya makita ang mukha ng babae at lalaki pero ramdam niyang importanteng mga tao ang mga ito. Kinuha ng babae ang susi at inilagay iyon sa isang...libro? Nalilitong napatitig si Francheska sa libro dahil unti-unting naglalaho ang susi na para bang hinihigop iyon. Nag-iba na naman ang imahe. Nasa isang madilim na kwarto siya ngayon. Ang tanging ilaw lang ay ang mumunting bombilya na nakatapat sa dalawang dosenang jars. Napatitig siya sa laman ng jars. Sumabit sa lalamunan niya ang sigaw nang makita ang mga tumitibok pang puso sa loob ng maliliit na jars. Mayroon ding jars na may lamang maliwanag na bagay. Hindi niya matukoy kung ano ang maliwanag na bagay pero tumitibok-t***k iyon at nararamdaman niya ang pighati at labis na pagsisisi sa mga jars. May malalaking jars din kung saan kasya ang mga...tao? Nanindig ang mga balahibo niya sa katawan nang makitang lumulutang sa tubig sa loob ng jars ang mga katawan ng tao. Pero alam niyang hindi basta-bastang tao lang ang mga iyon. Iba't-ibang nilalang. Then to Francheska's mortification, she realized that she was inside in one of the jars, floating in the water inside it. She panicked and looked around. She saw a white haired woman, her arms crossed in her chest, her nails so long. She was lying on a bed at the center of all the jars. Francheska screamed at the top of her lungs, but no one heard her. And then the woman's eyes opened. Francheska knew she was doomed.   HABOL ni Francheska ang hininga nang magising siya. Napakabilis ng t***k ng puso niya at hindi na siya makahinga dahil doon. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Humphrey. Hindi siya sumagot dahil pakiramdam niya ay may nakabara sa lalamunan niya. Saka lang niya napansin na mahigpit pala ang hawak niya rito. Dahan-dahan niya itong binitiwan. Kinuha ni Humphrey ang bottled mineral water sa compartment, binuksan iyon at ibinigay sa kanya. Naubos niya ang laman niyon. Naramdaman niya ang unti-unting pagbalik sa normal ng hininga niya. "Francheska," Hinawakan ni Humphrey ang kamay niya at pinisil iyon. "Ayos ka lang ba? May nangyari ba? Napunta ka na naman ba sa dark room?" Hindi pa rin siya sumasagot dahil pakiramdam niya ay naubos ang lahat ng lakas niya. Sumandal siya at ipinikit ang mga mata. Mayamaya ay naramdaman niya ang maingat na pagdampi ng panyo sa kanyang noo at pisngi. Nagmulat siya ng mga mata. Malambot ang ekspresiyon sa mga mata ni Humphrey habang pinupunasan ang pawis niya. Nahigit niya ang hininga sa sobrang lapit nito. Nang matapos ito sa ginagawa ay kinalag nito ang seatbelt niya at maingat siyang pinaupo sa hita nito. Noon lang niya na-realize na nasa loob pa rin pala sila ng kotse nito. Humphrey was gently rocking her back and forth. Buong ingat din ang pagkakayakap nito sa kanya. Dahil doon ay unti-unting kumalma ang panginginig ng katawan niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Napanag-inipan ko si Lola Lucija. Sabi niya tulungan daw kitang hanapin ang susi pero biglang nagbago ang panag-inip ko..." Ikinuwento niya rito ang lahat ng napanag-inipan niya. O panag-inip nga bang maituturing iyon? Sa dami ng mga nangyayari ngayon sa kanila hindi na alam ni Francheska kung ano ang paniniwalaan. Masama ang pakiramdam ni Francheska sa mga napanag-inipan niya. Alam niyang hindi niya magugustuhan ang katapusan niyon. Pero hindi na niya isinatinig pa ang alalahanin dahil hindi niya gustong mag-alala pa si Humphrey. Tama nang inaalala na nito ang paghahanap sa susi. He was still rocking her. "Hinding-hindi kita pababayaan, Francheska. Puprotektahan kita. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyayari sa 'yo." She hummed her agreement and leaned on his body. He nuzzled on her hair, sniffing her scent. She would lie if she denied that she like the way he want to sniff her. "I love you," Napakahina lang niyon pero rinig na rinig niya. Mabilis na dumagondong ang puso niya. Bahagya siyang lumayo rito para lingunin ito. "Ano?" Gusto niyang marinig ng malinaw at malakas ang sinabi nito. Para hindi siya mag-assume. Narinig naman talaga niya ang sinabi ni Humphrey pero gusto ng puso niya na marinig uli iyon galing sa binata. Would that make her greedy? Pero sa halip na sagutin siya ay ngumiti lang ito at kinintalan siya ng mabilis na halik sa labi. "Magpatuloy na tayo sa biyahe dahil late na talaga tayo."   NAKANGIWING p-in-ark ni Humphrey ang kotse sa harap ng bahay. Nasa gate palang kasi sila ay kitang-kita na niya ang nakatatandang kapatid na nakahalukipkip sa harap mismo ng pintuan. At base sa mga kotseng naka-park na roon ay sila ang pinakahuling dumating. "Kailangan na ba nating magdasal?" tanong ni Francheska na hindi nilulubayan ng tingin si Zane. "Eh, parang ganoon na nga." Sabay silang bumaba ng kotse. Walang kangiti-ngiti pa rin ang kapatid niya. Tabingi ang ngiting ibinigay niya rito. "Kuya." "You two are late." Istriktong sabi nito. "Two minutes, explain." "Kailangan kong ihinto ang kotse dahil..." nilingon niya si Francheska. Bahagyang tumango ito. Zane narrowed his eyes on them. "Well, dinalaw si Franky ni Lola Lucija." Tumaas ang kilay ni Zane, saka binalingan si Francheska. Tumango naman ang dalaga. "Iyon lang?" Nagkatinginan sila ni Franky. Siya ang sumagot. "Iyon lang kuya." Alangan naman kasing sabihin niya ritong isa sa mga dahilan kung bakit sila na-late ay dahil nag-make out pa sila? Baka putulin ng kuya niya ang kaligayahan niya ng wala sa oras. "Late pa rin kayo." sabi nito, saka may pinalidad ang boses na idinagdag. "Twenty laps, Humphrey. Ten for being late, and ten for lying. Ten for Francheska for being late. At dahil ikaw ang dahil kung bakit kayo na-late, ikaw lang ang tatakbo." "Kuya," angal niya. "May reklamo?" Napakamot siya sa batok. "Wala." "Good. Start your thirty laps. Or I'll double it." Iyon lang at pumasok na ito sa bahay. "Gusto sana kitang damayan pero..." Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Francheska. "kaya mo na iyan. Goodluck. And I'll see you later." "Franky!" Binilatan lang siya nito bago pumasok sa bahay. Bumuntonghininga siya at sinimulan na ang pagtakbo. Knowing his brother, alam niyang tutotohanin nito ang sinabing dudoblehin nito ang laps niya.   HUMIHINGAL na huminto si Humphrey sa pagtakbo. Halos magpang-abot ang hininga niya. Basang-basa na siya ng pawis. At tirik na tirik pa ang araw. Halos maglupasay na siya sa tapat ng pinto dahil sa pagod. "Mamaya na lang muna ako papasok," sabi niya sa sarili habang hinahabol pa rin ang hininga. Bumabalik na sa normal ang paghinga niya nang makarinig ng kaluskos sa damuhan sa gilid ng bahay. Kaagad na naging alerto siya. Kalkulado ang bawat hakbang niya papunta sa pinanggalingan ng ingay. Mukha siyang tanga sa ginagawa pero kailangan niyang mag-ingat dahil baka bigla na lang sumulpot ang Aerthen na iyon. Mukha lang siyang matapang pero ang bilis ng kabog ng puso niya. Huminga siya ng malalim para ihanda ang sarili. "Humphrey, ano'ng ginagawa mo riyan?" Muntik na siyang mapatalon. Pakiramdam niya ay lumabas sa dibdib niya ang puso. Nilingon niya ang salarin at nakita si Thad na nakakunot ang noong nakatingin sa kaniya. "Thaddeus!" he hissed. Pinag-ekis ni Thad ang mga braso sa dibdib nito at tinitigan siya. "Ano'ng nangyari sa 'yo?" Umiling siya at muling ipinalibot ang tingin sa kakahuyan. Wala namang kakaiba roon. "Wala. Napapraning na ako." "Himala yata at umamin ka?" "Shut-up, fucker." Nilampasan niya ito. Mabilis pa rin ang takbo ng puso niya pero hindi niya iyon ipinahalata hanggang sa makita niya ang mga kapatid sa sala. "Bilis yata ng thirty laps natin ngayon, ah?" nakangiting tanong ni Light. "I'll just take a shower." akmang hahakbang na siya sa unang baitang nang mapansing wala roon si Francheska. Huminto siya at muling humarap sa mga kapatid. "Nasaan si Franky?" "Nasa kwarto niya. Magpapahinga raw muna." Marahan siya tumango. Natulog na si Francheska sa biyahe kanina. Hindi kaya may nangyari na naman? Umiling siya. Hindi siya pwedeng mag-isip ng negatibo. Magsa-shower na lang muna siya tapos ay iche-check niya ang dalaga. Malamig ang tubig na galing sa shower pero hindi niya iyon ininda. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Alam niyang importanteng mahanap ang susi. Dahil sigurado siyang hindi sila patatahimikin ng abuela nila. Pero alam din niyang mapanganib ang misyon na ito. Lalo na at may ibang mundo rin palang kasali sa larong iyon. At mortal lang siya. Kailangan niyang magsanay. May alam naman siya sa pakikipaglaban dahil sinanay sila ng kapatid nilang si Kuya Zane. Pero laban lang iyon para sa mga mortal. Hindi sa mga immortal. O sa ibang nilalang. Sa nakikita niya may mga kapangyarihan ang makakalaban nila sa misyon. Nanindig ang mga balahibo niya na para bang may nakatingin sa kanya kaya naman mabilis na lumingon siya pero nabagok lang ang ulo niya sa dingding ng banyo. Malutong siyang napamura at inalalayan ang ulo. Pakiramdam niya ay nakakita siya ng mga bituin. Sandaling tumigil siya sa paggalaw. Nang maibsan ang sakit na nararamdaman niya ay mabilis na tinapos niya ang pagligo. Nagpalit siya ng puting v-neck shirt at itim na boardwalk shorts. Pagkatapos tuyuin ang buhok ay basta na lang niyang itinapon ang tuwalya at pumunta sa kwarto ni Francheska. Nang makitang natutulog pa rin ito, lumabas na muna siya sa hardin sa likod-bahay. Iyon ang paboritong tambayan noon ng kanyang abuela noong buhay pa ito. Doon din sila madalas na maglarong magkakapatid noong kabataan pa nila. Madalas ay may nababasag silang mga pasó dahil nga malilikot sila at puro pa mga lalaki. Pero ni minsan ay hindi nagalit ang abuela nila. Mapagpasensiya lang itong pinangngangaralan sila. Napangiti siya. Mami-miss talaga niya ang abuela. Pumikit siya nang maramdaman ang mainit na hanging pumalibot sa kaniya. Pakiramdam niya ay niyayakap siya ng abuela. "I miss you and I love you, lola Lucija." bulong niya sa hangin. Naging kalmado ang pakiramdam niya habang pinapakiramdaman ang hardin. Nararamdaman kasi niya ang presensiya ng kanyang abuela. Napamulat siya nang marakarinig ng kaluskos. Alertong nilibot niya ng tingin ang kabuuan ng hardin. Nakinig siyang mabuti dahil baka tumunog ulit iyon. At ayon nga ulit. Nagtaas siya ng tingin nang maramdaman ang presensiya ng kung sino sa itaas ng puno. "Ashelynn!" Nasa sanga ng puno ang dalaga at basa ang damit. Kung hindi siya nagkakamali sa itim na likidong mabilis na kumakalat sa damit nito ay dugo iyon. Kita niya ring puro bugbog ang babae. "Ashelynn!" Nagmulat ng mata ang babae na para bang hindi nito alam kung nasaan ito. Nang makita siya nito ay bumukas ang bibig nito para sana magsalita pero inihit ito ng ubo na dugo na ang lumalabas sa bibig. "Bumaba ka riyan! Pumasok tayo sa loob ng bahay. Doktor ang isa sa mga kapatid ko." Muli na namang inihit ng ubo ang babae bago basta na lang nahulog. Mabuti na lang at naka-ready na ang mga bisig niya. Walang kahirap-hirap na nasalo niya ito. "Kuya! Kuya Zane!" sigaw niya habang tumatakbo papasok sa bahay.   IT TOOK an hour to patch Ashelynn and Humphrey was getting antsy. He wanted to know what happened but he can't do anything as of the moment. He didn't like being helpless. "Humphrey, nahihilo na kami sa 'yo. Maupo ka nga muna." sabi ni Light. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa. Naroon silang lahat sa sala habang hinihintay na matapos ang nakatatanda nilang kapatid sa paggamot kay Ashelynn. Bumuntonghininga siya bago naupo sa tabi ni Francheska. Nagising ito nang magkaroon ng komosyon sa bahay dahil sa pagsisisigaw niya kanina. Hinagod naman nito ang likod niya para pakalmahin siya. Pero kaagad din siyang napatayo nang makita ang kapatid nilang si Zane na lumabas na ng kwarto na pinagdalhan niya kay Ashelynn. "Kumusta na si Ashelynn, Kuya?" Ginulo ni Zane ang buhok bago tumingin sa kanila. "Nasa maayos ng kalagayan si Ashelynn. Her genetics and blood is different from ours. And thankfully, she healed fast because if not, she'd be dead." Mariing nagdikit ang mga labi niya. Nagsalita si Francheska mula sa tabi niya. "Wala ba siyang malubhang tama?" Umiling naman si Zane. "Thankfully, wala. Dahil hindi ko alam kung paano ko gagamutin ang uri niyang phoenix?" Siya ang tiningnan nito sa huling sinabi. There’s no use hiding who she was. The Seeker has the right to know. "Only half." "A halfling, eh." sabi naman ni Thad. "But what is her other half?" Umiling siya. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko, half-brother niya ang Guardian of Fire." "Ano nga ulit ang Guardian of Fire?" tanong ni Claude. "Sila ang tagabantay ng bawat mundo. Nasa portal sila ng mundo nila para siguraduhing walang makakalabas at pasok ng walang pahintulot mula sa mga nakatataas." Hindi niya alam kung bakit siguradong-sigurado siya sa sagot niyang iyon pero para bang tama ang lahat ng sinabi niya. Tumango si Zane. "Well, lahat ng sugat niya ay naghihilom na at an alarming stage in our case. But she was not a human. So I think it's their natural healing process." "Huh, masaya palang maging ibang nilalang, ano?" Thad said. "If you want constant war and disagreements in the world you live in then be my guest and go to the other world." He deadpanned. Thad rolled his eyes and crossed his arms in front of his chest. "Anyway," Zane cut through the brewing argument. "hindi pa natin makakausap ngayon si Ashelynn dahil wala pa siyang malay. Hintayin na muna natin siyang magising. At ipagdasal nating tama si Humphrey at hindi kalaban ang babae dahil kung hindi ako mismo ang papatay sa kanya." "Guard duty ka muna Humphrey." sabi ni Light saka pumunta sa kusina para siguro kumain. Isa-isang nagsilayasan ang mga kapatid at pinsan niya. Silang dalawa lang ni Francheska ang natira. "Hindi ka na ba nanag-inip ng tungkol kay Lola o sa susi?" tanong niya rito. "Thankfully, maayos naman ang tulog ko. Ni hindi nga ako nanag-inip." Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. "Mabuti naman kung ganoon. Makakapagpahinga ka na rin sa wakas." "Masyado ka namang nag-aalala." "Siyempre." Without really thinking about it, he leaned down and kissed her smack on the lips and pulled away instantly. "Mahalaga ka sa akin. Let's go see, Ashelynn." Palihim na napangiti siya nang makitang natigilan ito. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila papunta sa kwarto na inuukupa ni Ashelynn. Lumapit siya sa tabi ng kama at tiningnan ang dalaga. Para lang itong nahihimbing. Ni walang bakas sa mukha nito na galing ito sa laban na muntik ng kumitil sa buhay nito. Wala rin itong galos maliban sa imprinta ng kamay sa leeg nito na para bang sinakal ito. At kung hindi siya nagkakamali, sinakal nga ito ng Aerthen na iyon. Mariing naglapat ang mga labi niya. Ayaw niyang may nakikitang nasasaktan. Kahit sino pa man iyon. Oo at basagulero nga siya pero hindi niya kayang manakit ng mga taong wala namang mga kasalanan. At alam niyang mabuting tao-half-pheonix si Ashelynn. Dahil kung hindi, sana pinabayaan na nito si Francheska nang makulong na naman ito sa Dark Room. Isa pa, may pakiramdam siyang matagal na siyang binabantayan ni Ashelynn. Iyon ang hinala niya nang balikan ang pangyayari nitong mga nakaraang araw. Lalo na nang mabangga ang kotse niya habang nakikipagkarera. Naalala niya ang malakas na impact niyon pero nang magising siya sa ospital, parang binugbog lang ng sampong bakla ang katawan niya. Bukod doon ay wala na siyang malalang pinsala. Wala sa sariling hinaplos niya ang puting buhok nito. Yaring buhay ang buhok nito dahil mainit iyon. Hindi iyong nakakapaso kundi iyong pakiramdam mo kapag niyayakap ka? Arg, nababaliw na yata siya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito. Napakagandang dalaga ni Ashelynn at walang dudang maraming kalahi nitong lalaki ang nababaliw dito. Kung hindi nga lang niya mahal ni Franky, malamang ay mahuhulog ang loob niya rito. Napahinto siya nang gumalaw ang talukap ng mga mata nito. Dahan-dahan bumukas ang mga mata nito at iyon na naman ang otherworldly nitong gintong mga mata. "Seeker."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD