Kabanata X

3092 Words
"ALAM kong alam mo na ang mortal na iyon ang Seeker of Fire. Siya ang isa sa mga susi para maibalik ang balanse ng iba't-ibang mundo." Kumislap ang mga mata ni Aerthen na siyang nakapagpatindig ng mga balahibo niya sa katawan. "Bakit hindi na lang pag-isahin ang lahat ng mundo?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Imposible iyang sinasabi mo." "Posible iyon. At para mangyari iyon, kailangan ko ang puso ng isang halfling na katulad mo." Sa unang pagkakataon simula nang makaharap niya ito sa mundong iyon ay nakaramdam siya ng matinding takot. Nanginig ang buong katawan niya. Pero hindi siya pwedeng magpadala sa takot. Kailangan niyang lumaban. Kaya naman nang sumugod si Aerthen sa kanya, handa niyang sinalag ang bawat atake nito. Malakas ito, inaamin niya iyon. Hindi ito magiging bahagi ng konseho kung hindi ito tatagal sa isang laban. Pero hindi rin naman siya pwedeng sumuko. Ibinilin ng kapatid niya ang Seeker sa kanya. Kung mamamatay siya habang pinuprotektahan ito, mamamatay siyang kontento. Nakakita siya ng pagkakataong sipain ito pero nagalusan din siya ng espada nito. Wala man lang itong pinsala. Nauubusan na siya ng lakas. Maraming dugo na rin ang nawala sa kanya. Hindi na niya kayang tumagal sa laban. Napakurap siya nang bigla na lang mawala si Aerthen sa paningin niya. Huli na nang lumitaw ito sa harap niya. Ramdam niya ang pagbaon ng matatalim nitong kuko sa dibdib niya. Napasinghap na lang siya dahil sa bilis ng pangyayari. Umagos ang dugo galing sa bibig niya pababa sa leeg. Napapikit siya sa sakit nang magsimulang kumuyom ang mga daliri nito sa loob ng dibdib niya. Ang puso niya ang target nito. Naglapat ang mga labi niya para pigilin ang sarili na mapasigaw. Ang mala-demonyo nitong mukha ang huli niyang nakita. Katapusan na ba niya? Nang hindi man lang niya nagagawa ang misyon? "Mag-iingat ka!" Mariing ipinikit niya ang mga mata. Hindi pa tapos ang misyon niya. Kailangan pa niyang tulungan ang Seeker. Humigpit ang hawak niya sa espada.   HALOS lumipad na sina Humphrey at Francheska sa bilis ng takbo nila. Kaya hindi sila nakapreno kaagad nang makita ang bangin. He saw her fell and he caught her wrist to prevent her from falling. But his stance wasn't correct. The two of them stumbled down the cliff. He hugged her tightly, his palm flat on the back of her head to prevent her from injuring it. Nagpagulong-gulong sila pababa. Ininda ni Humphrey ang lahat ng matatalim na bagay na bumubugbog sa katawan niya habang gumugulong. Hindi niya alam kung ilang minuto silang nagpagulong-gulong. Namalayan na lang niyang nasa gilid na pala sila ng daan. Nakahinga siya ng maluwang at ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng lugar. Nasa gitna pa rin sila ng gubat pero nasa may hindi kalawakang kalsada sila. "Francheska!" Niyugyog niya ang balikat ng dalaga. "Hmm..." "Gumising ka. Come on, baby. Wake up." Unti-unti nitong iminulat ang mga mata na siyang nakapagpagaan ng loob niya. "May masakit ba sa 'yo?" Nag-aalalang sinipat niya ang katawan nito. Naghahanap ng sugat pero sa awa ng Diyos wala naman itong galos. "Para akong nasagasaan." reklamo nito at mas lalo pang lumubog sa katawan niya. "Kailangan na nating umalis dito. Kaya mo pa bang maglakad?" Tumango ito. "Pero paano si Ashelynn?" Nag-igting ang panga niya. "Gustuhin ko mang bumalik doon, wala rin tayong magagawa. Magiging pabigat lang tayo kay Ashelynn. Hindi basta-basta ang lalaking iyon. Sa naiintindihan ko, mataas ang antas ng lalaking iyon sa mundo ng mga phoenix." Kumunot ang noo nito. "Naiintindihan mo ang sinasabi nila? Mukhang lengguwaheng elyen iyon ah." Umiling siya. "Lingguwahe iyon ng mga phoenix. Hindi ko alam kung bakit ko naiintindihan ang lengguwahe nila. Pero malamang dahil ako ang Seeker of Fire." Napansin niya ang dalawang ilaw na nasa malayo. Napakunot ang noo niya. Ang una niyang instinct ay protektahan si Francheska. Kaya humarang siya sa harap nito habang nakatingin sa papalapit na ilaw. "Bakit?" "May papalapit." Naramdaman niya ang paghila ni Francheska sa laylayan ng t-shirt niya sa likod. Ganoon na lang ang pagluwang ng dibdib niya nang makitang isa iyong kotse. Mabilis na humarang siya sa daan at winagayway ang mga kamay sa ere. Huminto ang kotse nang sapat ang distansya nito sa kanila. Mabilis na lumapit sila ni Francheska sa driver's side. Bumaba ang bintana ng ford na kotse. Iniluwa niyon ang isang lalaking may itim na buhok at kulay silver na mga mata. Parang kumikislap ang mga mata nito sa dilim. Namangha si Humphrey nang magtagpo ang mga mata nila. Nakaramdam kasi siya ng koneksyon dito. Katulad ng naramdaman niya nang magtagpo ang mga mata nila ni Ashelynn. Isa rin kaya ito sa mga nilalang sa ibang mundo? Kung ganoon ay mapagkakatiwalaan ba niya ito? Wala naman siyang maramdamang masama rito kaya siguro pwede nila itong pagkatiwalaan. Napansin niyang pinag-aaralan din siya nito na para bang inaarok kung masamang loob ba sila. "Pasensya ka na, p're. Pwede bang maki-hitch? Naligaw kasi kami sa gubat at ginabi na kami." "Bakit ganyan ang ayos niyo?" Napatingin siya kay Francheska na nasa likod niya. Bumaling ulit siya sa lalaki. "Hinabol kasi kami ng baboy ramo tapos nahulog kami sa bangin." May pakiramdam siyang hindi ito naniniwala sa kanya. Pero hindi na ito nagsalita pa. Narinig niya ang pag-click ng lock sa sasakyan. "Sakay na."   KATATAPOS lang ilahad ni Humphrey ang mga nangyari sa kanya at kay Francheska simula noon magkahiwa-hiwalay silang magkakapatid. Katahimikan ang naghari sa buong condo unit. Walang niisa sa mga kapatid niya ang nagsalita. Nakatingin lang ang mga ito sa kanya na para bang tatlo ang ulo niya. And he didn't like it. Not one bit. Hindi pa rin kasi niya maiwasang mag-isip ng negatibo kahit na nagpaliwanag na sa kanya ang nakatatandang kapatid. Guess, old habits die hard. It was their older brother Zane that broke the silence with a sigh. "Alam ko ang mukhang iyan, Humphrey. Quit it. Wala kaming sinasabi rito. Nabigla lang kami sa mga sinabi mo." Napakamot siya sa batok. "Sorry." "Whoa!" eksaheradong sambit ni Thad. "See that? Hear that? Nag-sorry ang ating black sheep. It must be the end of the world." He showed Thad his middle finger. Bago pa sila magrambulan na dalawa, pumalakpak na si Light para kunin ang atensiyon nila. "Okay, children. That's enough. Back to our main topic, please." Biglang sumeryoso ang mukha nito. "Mahirap lang talagang paniwalaan. Pero sa tingin ko naman sa lahat ng nangyayari sa pamilya natin, may basehan ka sa lahat ng mga sinabi mo. Even I experienced some weird things. I have trouble deciding if what's happening is just a dream or reality." Napatitig siya sa kapatid. Napansin niya ang kakaibang kinang sa mga mata nito pero hindi niya matuloy kung ano iyon. Natawa ito. "Ako yata ang nababaliw sa atin eh." Light scratch the back of his head and grinned at him. "Nothing much happened to me except I kept hearing things." biglaang singit ni Claude mula sa sulok ng living room. Nalipat dito ang tingin nilang lahat. Nang mapansin nito iyon ay nagkibit-balikat ito. "Parang may bumubulong sa akin pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi. At ewan pero nagiging masyado yata akong sensitive this past few days." "Bakit Kuya Claude?" puno ng kyuryusidad na tanong ni Thorn, ang pinakabata sa kanila. "I felt even the slightest stirrings of the air. I don't know. Basta alam ko lang kung lumakas ba ang ihip ng hangin. Even its slightest of movements made my skin prickle. Katulad ngayon. Tahimik lang ang hangin sa loob ng condo. But it's raging outside." Nagkatinginan silang magkakapatid. It was Light that stood and went to look outside through the window. Nabigla silang lahat nang hawiin ni Light ang kurtina sa tabi. Kanina kasi bago sila nag-meeting ay ang ganda ng panahon pero ngayon parang babagyo na. Hindi pa nga sila mag-iisang oras sa condo. Zane's brows are drawn together as he looked back and forth between him and Claude. Nagkatinginan silang dalawa ni Claude. His younger brother looked bored. "Wow! Pwede ka nang mag-weather caster, Claude." Namamanghang sabi ni Light. "Humphrey," He tenses when his brother said his name. "Ang sabi mo, ikaw ang Seeker of Fire?" Tumango siya. "Nararamdaman mo ba ang apoy?" Kumunot ang noo niya. "Ang ibig kong sabihin ay may koneksiyon ka ba sa apoy? May mga insidente bang involve ang apoy na nangyari sa 'yo?" Nagtagpo ang mga kilay niya at nag-isip. Wala sa loob na napahagod ang hinlalaki niya sa pilat na nasa kamay niya. Naalala niya ang sandaling nananag-inip siya ng gising habang nagluluto. "Hindi ko alam kung panag-inip ba talaga iyon o totoo. Pero noong una akong napunta sa kagubatan, kung nasaan ang simbolo, nag-aapoy iyong puno sa harap ko na kalaunan ay naging pinto. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang pinto sa mundo ng apoy. Na binabantayan ng kapatid ni Ashelynn. Nasusunog iyon pero...hindi ako nakaramdam ng init nang tupukin ako ng apoy. Pakiramdam ko nga eh ipinaghehele ako." Napatingin siya sa mga kapatid niya. Nakatingin ang mga ito sa kanya. Nagtagpo ang mga mata nila ni Francheska. Tahimik lang ito na nakaupo sa pinakasulok ng silid na iyon. Lumunok siya. "Hindi ako natutupok ng apoy pero nang hawakan ko ang susi, saka ko lang naramdaman ang init. Init na parang sinusunog pati ang kaluluwa ko." Tumingin siya sa nakatatandang kapatid pero hindi ito nakatingin sa kanya. Para itong may malalim na iniisip habang hinahagod ang munting balbas na tumubo sa baba nito. "Claude," biglang sabi nito at tumingin ng deretso sa kapatid na tinawag. "Ang sabi mo nararamdaman mo ang hangin?" Nagkatinginan sila ni Claude bago ito tumango at muling bumaling sa kapatid nila. "Hindi kaya ikaw ang Seeker of Air?" konklusyon ni Zane. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. May posibilidad nga iyon. Matiim niyang tinitigan si Claude. Parang hindi man lang nabigla ang kapatid niya. "Siguro." "Maaaring may mensahe ring ipinaparating sa iyo ang mga bulong ng hangin." sabi ni Light. Humphrey didn't miss the forlorn look that crossed Claude's face. He needs to talk to his brother. "This is getting weirder and weirder everyday." Thad exaggerated. The rest of the Castillion's took turns in speaking of their experiences. But Humphrey's mind kept on drifting back to Ashelynn and the man with silver eyes and dark hair. "Meeting dismissed. We will go to Baler tomorrow. Pasiyam na ni lola Lucija." sabi ni Zane. "Okay ka lang? Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" tanong ni Francheska nang makalapit ito sa kanya. Inihilamos niya ang palad sa mukha. "Iniisip ko lang kung ligtas ba si Ashelynn." "Nag-aalala rin ako sa kanya." "Humphrey, Francheska." Napaigtad siya dahil hindi man lang niya namalayang nakalapit na pala si Zane sa kanila. "Kuya." "Kung hindi ako nagkakamali, bahagi si Francheska sa misyon mo. Dahil kung hindi, hindi rin siya tatargetin ng mga nilalang na iyon. Kaya ang mas mabuti pa, huwag muna kayong maghiwalay. Francheska, manatili ka muna kay Humphrey. Mas mapoprotektahan ka ng kapatid ko kapag ganoon." Tumango si Francheska. More than willing naman siyang tanggapin ang iminumungkahi ng kapatid. Having Francheska in his side gives him a sense of relief in all this messed up situation. "Salamat Kuya." Pabalik na sila sa condo unit ni Humphrey nang biglang huminto si Francheska. "Bakit, Franky?" "May naalala ako." Hinila siya nito. Nang makapasok sila sa condo unit niya ay kaagad siya nitong binitiwan na siyang ikinalungkot niya. "Naaalala mo iyong nakatulog tayo sa hardin ng lola mo? Noong himatayin si Thorn sa library?" Dahan-dahan siyang tumango. "Yes. What about it?" "Hinila ako ulit no'n sa Dark Room." Nanlamig ang katawan niya sa sinabi nito. "What? At ngayon mo lang naisipang sabihin sa akin?" Francheska looked guilty as she bit her lower lip. Causing him to drop his eyes on the very tempting mouth he had ever seen. "Hindi ko lang gusto na mag-alala ka sa akin. At saka isa pa ligtas naman ako." He gave her a hard look. "Don't do it again. Do you understand me?" Tumango ito. "Yes, Sir. Anyway, may tumulong sa akin na makalabas doon. Alam mo ba kung sino?" Nalilitong tiningnan niya ito. "Hindi ko alam. Paano ko malalaman eh wala naman ako roon?" "Si Ashelynn!" Franky exclaimed. "Ngayon ko lang naalala kung bakit pamilyar sa akin ang puti niyang buhok. Hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya noon. Pero sigurado akong si Ashelynn ang tumulong sa akin na makawala sa Dark Room." "Oh, god. Kung ganoon hindi iyon ang unang pagkakataon na tinulungan niya tayo. Ngayon ay nakokonsensiya ako kung bakit natin siya iniwan doon sa gubat." "Hindi naman siguro napahamak si Ashelynn. Malakas din naman siya." "Kung ganoon bakit hindi pa siya nagpapakita sa atin? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya." "Humphrey," "Malakas ang hinayupak na Aerthen na iyon. Sana makita natin ulit si Ashelynn." Tumango si Francheska at pinisil ang nakakuyom niyang kamao dahilan para ma-relax iyon. Niyakap niya ang dalaga at hiniling sa mga nakikinig na sana walang mapahamak sa kanila.   NAKASAKAY sina Humphrey at Francheska sa sports car ng binata. Nagbibiyahe sila papunta sa Baler. Nauna na kasi ang ibang kapatid niya. "Nagugutom ka na ba?" tanong niya kay Franky. "May madadaanan tayong karenderya mayamaya lang." "I'm good." sabi ni Francheska. Pinaglalaruan nito ang ballpen na kinuha nito sa bag nito. Nilagay nito ang ballpen sa pagitan ng ilong at itaas na labi, saka ito ngumuso para hindi mahulog ang bagay. May hina-hum itong kanta na hindi niya maintindihan. Ni-recline nito ang passenger seat at nilagay ang mga paa sa dash board. "Franky! Umayos ka nga ng upo. Dinudumihan mo iyong windshield ko." Nakataas ang kilay na nilingon siya nito. "Excuse you, malinis ang paa ko." "Ang baho kaya ng paa mo." sabi niya kahit hindi naman. Gusto lang niyang asarin ang dalaga. Namilog ang mga mata nito at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Ibinaba ni Francheska ang paa, saka ito umuklo at inamoy iyon. Natawa siya sa ginawa nito. "Hindi mabaho ang paa ko! Ano ka!" "Mabaho nga." Ipinaypay pa niya ang kamay sa ilong for dramatic effect. "Eww..." Francheska narrowed her eyes at him. He just stared straight ahead and forced himself not to laugh at the look of mortification on her face. But he cannot hide the twitching of his lips. "Hindi mabaho ang paa ko! O, amoyin mo!" Bago pa maproseso ng utak niya kung ano ang ibig sabihin nito, bigla na lang lumitaw ang paa nito sa harap ng mukha niya. "What the hell, Francheska!" bulalas niya sa pagkagulat. "Amoyin mo! Mabango ang paa ko. Naligo kaya ako bago tayo umalis ng Manila." Itinulak niya palayo sa mukha niya ang paa nito. "Quit it, Francheska! Baka bumangga tayo." Pero hindi ito nakinig sa kanya at pinagduldulan talaga ang paa sa mukha niya. "s**t!" bulalas niya nang muntik na siyang lumipat sa kabilang lane. Mabuti na lang at wala na silang masyadong nakakasalubong na sasakyan. "Oo na, oo na. Mabango na ang paa mo. Now, get it off my face." He heard her smirked. "Good." Bigla nitong ibinagsak ang paa sa hita niya at sa kamalas-malasan nasagi nito ang jewels niya sa pagitan ng hita. "f**k!" sigaw niya at diniinan ang pagtapak sa preno. Napasubsob ito sa dash board pero hindi niya magawang mag-alala rito dahil iniinda niya ang sakit na pakiramdam niya ay humahati sa kaluluwa niya. "Damn! f**k, f**k! s**t! Argg!" Nagtagis ang ngipin niya habang pinapakalma ang sarili. Pinagpawisan siya sa sakit. "Humphrey! Oh, my god! I'm sorry!" malaki ang mga matang sabi nito. Kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Aligaga ito at hindi alam ang gagawin. "Oh, my! Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko sinasadya, Humphrey." Hinawakan siya nito sa balikat, sa braso. At sa gulat niya ay hinimas nito ang pagitan ng hita nito na animo'y mawawala ang sakit sa ginagawa nito. Well, f**k. Hindi lang nawala ang sakit. Nabuhay pa ang alaga niya. Impit siyang napaungol at napapikit ang mga mata. "Humphrey? Masakit pa ba?" inosente nitong tanong. Kinagat nito ang ibabang labi at mas diniinan ang paghimas doon. "f**k-s**t!" Mas lalong nanlaki ang mga mata nito nang ma-realize nito ang ginagawa. "Oh, my god! Hindi ko sinasadya. Promise!" Ang kaninang sakit na nararamdaman niya ay napalitan ng pagnanasa rito. Her hand felt so good on top of his covered erection. He could feel his eyes dilate as he took her in. She wore a legs hugging black jeans and a crop top that shows skin just above her navel. Her hair was messy and her eyes were wide as saucers as she watched him devour her with his eyes. "Humphrey?" Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pagtitig dito. Napansin niya ang paglalim ng hininga nito. At hindi rin nakaligtas sa matalas na paningin niya ang pagtayo ng mga u***g nito. Dinilaan niya ang ibabang labi. Muntik na siyang mapangiti nang sundan ng tingin ni Francheska ang dila niya. Lumunok ito. Ang mga mata ay nakatitig sa bibig niya ng may pag-asam. Nararamdaman niya ang makapal na s****l tension sa ere. Matagal ng gusto ni Humphrey ang matalik niyang kaibigan. Halos gabi-gabi ay pinagnanasaan niya ito. Pero alam din niyang hindi niya ito pwedeng galawin. Nang mga oras na iyon, hindi na kayang magpigil ni Humphrey. Matagal na niyang gustong angkinin ang dalaga. At iyon lang ang tanging nasa utak niya ng mga sandaling iyon. "Franky," his voice dropped an octave. It was husky and raspy. His sharp eyes did not miss the light shiver that runs through her body. Hinawakan niya ito sa braso at hinila paupo sa hita niya. She was straddling him. And he felt contented having her sit where she belong. He nuzzled her neck and leave small kisses on it. "What am I going to do to you, woman?" Napapikit ito. Nang magmulat ulit ito ng mga mata ay sumalubong sa kanya ang pagnanasa at pag-asam sa mga iyon. That was his undoing. He crushed his lips on her slightly parted one. He groaned at the sweet taste of her while she moaned, accepting everything he gave without reservation. "Humphrey..." Ibinuhos niya ang lahat ng pagmamahal niya rito sa halik na iyon. His longing for her was poured on the kiss. He nibbled at her lower lip and watched as emotions swirl deep on her eyes. Base sa emosyong nakikita niya sa mga mata nito, matagal na rin nitong hinihintay na mangyari sa kanila ang sandaling iyo. Hinaplos niya ang likod nito. Habang naghahalikan ay nagtititigan sila dahilan para bumilis ang t***k ng puso niya. Walang ibang babae na nagparamdam sa kanya ng ganoon kundi ito lang. Dahan-dahang ipinasok niya ang dila sa loob ng bibig nito para hindi ito mabigla. Francheska welcomed him and together, their tongue danced in a sensual way. Only the two of them hearing the music of their beating hearts. Ipinikit niya ang mga mata. Kailangan na niyang tapusin ang halik na iyon dahil baka kung saan pa umabot iyon. Sa huling pagkakataon, diniinan niya ang labi sa labi nito bago niya pinutol ang halik. Francheska looked disappointed and it made his heart swell with pride. "As much as I want to continue kissing the hell out of you, we need to stop. Or else I would take you right here, right now." The corner of his lips lifted when her face brightened red. He took a peck at her lips again before setting her down on the passenger seat and buckling her in seatbelt. He adjusted his jeans and winced when his erection rubbed painfully at the fitted jeans. Nevertheless, a proud smile remained on his lips.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD