Sabado, alas-otso ng gabi. Katatapos ko lang maligo nang biglang mag-ring ang phone ko si Rico ang tumatawag gamit ang bago niyang numero. Tumayo ako at agad itong sinagot. “Pwede ba tayong magkita?” tanong niya. Napahinto ako. Nag-aalangan akong lumabas ng hideout ni Tita Yell. Buong compound ay naka-lock na pagsapit ng alas-sais ng gabi, kaya’t imposible nang makalabas. Sa mga oras na iyon, mahimbing na ring natutulog si Tita Yell at siya ang may hawak ng mga susi. “Bakit? Ano’ng kailangan mo?” seryoso kong tanong. Narinig ko siyang suminghap sa kabilang linya. “Is there something wrong?” Ilang sandali ang lumipas bago siya nakasagot. “I just want to talk to you personally. Pwede ba?” muli niyang hingi ng permiso. Napakagat ako sa labi ko. Mahigpit na ipinagbawal ni Tita Yell ang

