MY BLIND WIFE

974 Words
CHAPTER FIVE RIVOR ZION'S POV Lumabas ako ng kwarto at nag-muni-muni sa labas. Gusto ko magpahangin para naman may laman itong utak ko, palagi nalang sarado e. Naiinis tuloy ako. “Kay gandang tanawin.” bulong ko. Bumalik ako sa kwarto at tiningnan kong gising paba iyong yanna na iyon. Tumungo ako sa kama at umupo sa tabi nito. Hinihimas ko naman ang kaniyang buhok bago tumabi sa kaniya. Natulog ako ng mahimbing dahil bukas panibagong araw na naman argh! Stress na nga sa babaeng ito dinagdagan pa ng mga activities. Baka next year wasak na utak ko. — Nauna akong nagising sa babaeng ito. Nagtungo ako sa kusina upang magluto ng miryenda para hindi matuyo ang utak ko sa mga lesson na mas mabigat pa sa nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos non kumain agad ako para busog saka na naligo sa banyo. Uniform ang susuotin ngayon kasi Martes, kahapon hindi ako nakapag ready hindi ko kasi nalabhan. 10 minutes tapos na, ayos na iyong buhok ko at ang aking mukha. Naglagay din ako ng pabango para fresh. “Zion diyan kaba?” “Obvious ba?” pilosopo kong tanong. “Ay, akala ko kasi umalis kana. Magluluto pa sana ako ng pagkain mo.” Suminghap ako saka tinitigan s'ya.“Hindi mo na kailangang magluto kasi nakaluto na'ko. At puwede ba babae maglinis ka din ng bahay saka maglaba ng damit. Daming gawain dito hindi mo nagagawa tsk.” inis ko at aakma na sana akong aalis ng magsalita s'ya. “Bulag ako e. Alam mo namang hindi ako makakita.” “Kasalanan ko bang naging bulag ka? Basta ang inuutos ko sayo susundin mo. Ganun lang naman diba? Hindi mo magawa.” “Pero....hindi nga ako makakita.” Nairita naman ako sa sinabi niya.“Ah so, ako pala magsisilbi sayo? Ganun ba gusto mo? Palagi kitang pagsilbihan bilang amo? Ikaw ang babae dapat may alam ka. Paano nalang kapag ka magkaroon ka ng tunay na asawa? Anong gagawin mo? Tutunganga?” galit ko. Kinuha ko naman ang bag ko at lumabas na ng bahay. Ayoko ng makitang umiiyak iyon nabubuwesit ako e. “Zion, buti nandito kana. Kamusta?” bungad ni George. “Walang kamusta sa umaga.”inis ko. “Bakit? HAHAHA, ano kawawa ka naman tol.” “Hoy Zion nabalitaan ko palang may asawa kana?” ani ni Jake. “Ah oo, iyong bulag na babae ba? Tsk, hindi ko s'ya asawa.” “Bulag? Ayy, sayang naman non. Gwapo ka tapos may asawang bulag? Omg Zion paano kapag nalaman ng university na ganun pala asawa mo?” Inismiran ko s'ya.“Gago! Fix marriage lang iyong naganap, hindi ko s'ya asawa. Nakakaintindi kaba?” “Oh ok HAHA huwag kanang magalit uwu.” pang-aasar ni George. Padabog akong pumasok ng classroom. This day is fvcking boring, gusto ko na yatang matulog nalang buong magdamag. Nakakatamad mag-aral pero kailangan para sa sarili ko. “Rivor Zion C. Montello” “Here ma'am. Pasens'ya na po sa may mga maling guhit.” “It's ok, maganda naman itong naiguhit mo. So you will presented here in front of our class.” seryosong sabi niya. Napalunok naman ako doon. Masyadong bulol pa naman ako magsalita. “Go Zion, baby boy namin iyan.” cheer ng dalawang bugok. “So, this is my artwork for project in Arts. Pinangalanan ko itong my blind wife. I don't kong bakit ganun, iyon lang ang tanging paraan ko para makapresent dito ng ganitong artwork na gawa ko. Btw iyong babaeng nakaupo sa sahig ay.....” naputol ang sabihin ko ng may pumasok. “Excuse me po ma'am. Si Zion pala hinahanap nitong babae.” turan ng guard. Nanlaki ang mata ko ng makita si Yanna na nakatayong may dalang tungkod. “Oh Zion hinahanap ka ng babaeng ito. Sino s'ya?” saad ng kaklase ko. “Salamat guard” ngiti ko at hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka nandito? Paano ka nakapunta dito ha?” bulong ko. “Ha? Tinawagan ko ang aking kaibigan e. Sinabi ko na pupunta ako rito sayo, umalis kaagad s'ya e kaya si manong guard iyong umalalay sa'kin.” “Bulag ba iyan Zion? Sino s'ya?” Nag-alinlangan pa akong sumagot sa tanong ng mga kaklase ko. Kinakabahan na din ako, at pinagpapawisan. “Ah....s'ya si yanna bale itong babae sa painting ko s'ya iyan. She's blind but terrible.”saad ko nalang. Kumapit bigla si Yanna sa braso ko at nakikinig lang. “Ahh, e sino ang lalaking iyan?” “Ito? Ako sympre. Sa artwork na nagawa ko ito ang maganda.” “Sana all dinodrawing. Nga pala ano mo s'ya?” Daming tanong ito. Reporter siguro e, chismosa din. “S....she's my....yaya.” bigla kong sabi. “Yaya?” Tumunog na ang bell hudyat na recess. Nauna kaming lumabas ni yanna patungo sa library. “Bakit kaba nandito ha? Sinisira mo araw ko. Akalain mo iyon muntik na'kong mapahiya buti nalang may paraan pako.” “Sorry, ito pala ang paborito mong afritada. Kaibigan ko ang nagluto niyan, tikman mo ha?” ngiti niya sabay abot ng topper ware na may lamang ulam at kanin. “Umuwi kana.” “Pero....dito muna ako sa eskuwelahan mo, uuwi lang ako kapag umuwi ka din. Baka ano pang mangyari sa'kin e.” “Hindi ko kasalanan iyon kong ano man ang mangyari sayo. Sino ba nagsabing pupunta ka dito tapos hindi ka naman uuwi?” “Pasensya na, dito nalang ako Zion.” pamimilit niya kaya wala na'kong nagawa pa at pinaupo s'ya sa kong saan ang desk at upuan ko. Sobrang nakakainis ito.“Ang ganda naman mag-aral.” bulong niya. “Tumahimik ka, nag-di-discuss si sir.” “Sorry naman.” “Humanda ka mamaya sa bahay.” bulong ko din sa kaniya kaya natamimi ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD