MY BLIND WIFE

875 Words
CHAPTER FOUR YANNA'S POV NANDITO ngayon sa sala nakaupo lang at hindi alam ang gagawin. Hindi ko rin alam kong anong oras na ito baka mamaya uuwi bigla si Zion tapos wala pang nakahain. Kinapa ko ang aking baston at pilit na lumakad. Kahit na wala akong maaninag sadyang gusto ko parin makalinis sa bahay na ito, alam ko kasi na aawayin na naman ako ni Zion. Nadapa ako bigla ng matapilok ang paa ko kaya napaupo nalang din sa sahig. Hinihimas ko ang aking paa para mawala ang sakit doon. Tumayo akong muli at naglakad patungo sa kusina, kinapa kong muli ang kaldero at hinahanap ang mga ingredients na iluluto ko. Ngunit hindi ko ito maaabot sa pinakadulo ng cabinet. Taranta naman akong bumaling ang tingin ng may nagsalita sa likuran ko kaya natahimik ako. “Sabi na nga ba e, hindi ka magluluto. Anong klaseng babae ka?” tanong niya at narinig kong tinapon nito ang bag sa lamesa. Kumabog bigla ang dibdib ko at sa ilang minuto nalang ay iiyak na'ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang aking dalawang braso.“Alam muna ang gagawin ko diba?” sigaw niya sa mukha ko. Umiyak ako habang napatango nalang din. “Hm, pinauwi mo'ko dito para ako magluto ha?! Ang kapal ng mukha mo babae. Wala kana ngang ginawa dito nagawa mo pang umiyak.” sigaw niya parin. Napayuko ako ng wala sa oras. Mas malakas s'ya sa'kin e, kahit anong tulak ko na tigilan niya ang paghawak sa braso ko ng mahigpit dahil nasasaktan na ako. “ANO?” “Huwag mo'kong saktan please. Pasens'ya kana hindi ko alam ang iluluto ko...”turan ko. Binaklas niya ang kamay nitong nakakapit sa braso ko at narinig ko na ding padabog s'yang umalis. Napaupo ako bigla sa sahig dahil sa ginawa niya sa'kin. Ito ang unang beses niya akong saktan, bakit ba kasi ako nagkaganito? Iyan tuloy wala na'kong pag-asa pang lutuan s'ya ng masarap na pagkain kapag umuwi galing sa eskuwelahan. “Bakit ba kasi ako ang binigyan ng walang mata?” bulong ko habang umiiyak. Hindi ko naman siguro masisi na bulag ako diba? Ito na kasi ang binigay sa'kin e, hindi ko sana tanggap pero wala akong magawa. — Napabalikwas ako ng gising dahil sa may yumugyog sa'kin. “B...bakit?” “Diyan ka matutulog?” malamig na boses niya ang bumungad agad sa'kin. “A...anong oras naba?” Bumuntong-hininga ito.“Alas siyes ng gabi.” Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang aking damit saka kinapa ang baston ngunit si Zion ang nahawakan ko sa tiyan. “What are you doing?” “Pasensiya na...nakita mo ba ang baston ko? Kailangan ko kasi iyon para makabili ako ng pagkain sa labas.” Hindi ko na din alam ang reaksiyon niya at kahit mukha niya hindi ko pa nakikita. Gwapo kaya s'ya? Gusto ko makita ang mukha niya kahit paano. “Huwag na, nakabili na'ko kanina pa. Saka sorry sa nagawa ko sayo kanina nagkataon lang na sinaktan kita. Nagutom ako e!” aniya. Ngumiti naman ako.“Ok lang iyon, sorry din kasi hindi ko magawang ipagluto ka.” Napasinghap s'ya at inalalayan akong umupo at pinagsilbihan din. Nagbabait-baitan ba s'ya? Nakakatakot naman ang lalaking ito. “Salamat!” tanging sambit ko ng s'ya mismo ang nagpakain sa'kin. Ilang sandali pa natapos na'ko sa pagkain ko at tumayo bago naglakad patungo sa kwarto. Medyo kabisado ko na ang sulok ng bahay na ito, maliit lang kasi s'ya kasya iyong apat na tao o anim. “Matutulog kana ba?” tanong ko. “Hindi pa, mauna kana at susunod ako. Magpapahangin lang sa labas mainit rito e.” aniya. Naramdaman ko naring papaalis na s'ya kaya naman napahiga ako sa malambot na kama. Huminga muna ako ng malalim at nag pray. “Dear God, ang hiling ko lang po sana mabigyan ako ng mga mata para naman makita ko ang liwanag ng mundo at saka ang aking mukha. Gusto ko makakita kasi ayaw ko na ganito lang ako, nahihirapan na'ko e. Sana naman po maintindihan niyo ang nararamdaman ko. Anak niyo din po ako god. Amen.” panalangin ko at natulog nalang. Simula kasi pagkabata ko wala na'kong nakikita kundi ang itim nalang. Pinanganak akong may kapansanan sa mga mata, kaya napapaisip ako kong bakit sa'kin pa ito nangyari? Madaming ibang tao diyan bakit ako pa? Mabait naman ako ah! Bakit pinarusahan ako ng ganito? May mali ba akong nagawa na dapat ay itama ko? Hmm, napapagod na'ko sa pagkakapa ko at sympre sa mga nanghuhusga sa'kin dahil isa akong babaeng bulag na walang ginawa kundi ang tumahimik nalang sa sulok. Kahit minsan hindi ko nakita ang sarili ko na ganun na'ko sa lahat, pinag-kakait, pinagtatawanan, minamaltrato at higit sa lahat basura. Dalawa kaming magkakapatid, si kuya nasa abroad may asawa na s'ya at pamilya tapos si mama naman nagpapatakbo ng kompanyang mineral water at si papa naman ay isang kusinero sa munti naming tindahan. Kahit ganun paman hindi ko ikinahihiyan ang mga trabaho ng mga magulang ko dahil sa trabahong iyon umunlad ang buhay namin. I, Yanna Valenciana Arnaiz. 20 years old ang babaeng bulag na may laban sa puso. Hindi ako magpapatalo sa mga tukso na aking narating noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD