Nagising si Joymi na wala na si Franz sa tabi. Napatingin siya sa orasan. Alas singko pa lamang ng umaga. Napakunot noo tuloy siya. "Saan naman napadpad iyon ng ganito kaaga?" nagtatakang sambit pa niya bago bumangon at nagtungo sa kusina. At mas lalo pa ngang lumalim ang pagkaka-kunot sa noo ni Joymi nang sa halip na ang ina ay si Franz ang nadatnan niya sa kusina at nagluluto. Nang maramdaman nito ang presensya niya ay agad itong lumingon at ngumiti. "Good morning, Wife. Bakit ang aga mo namang magising? Hindi pa ako tapos magluto. Gusto mo ng coffee o me? Wala kasi tayong tea kaya wala sa choices." "Ang aga-aga napaka-corny mo," kunwari'y pagtataray ni Joymi kahit na gusto niya naman talaga matawa. Hindi dahil sa nakakatawa ang joke nito kung hindi dahil corny ito. "Kung sabagay, ka

