"Iba talaga ang pakiramdam kapag nagsasalo-salo sa hapag kainan at kumakain ng sabay-sabay ang pamilya. Sa mga nakalipas na taon, ang lungkot dahil madalas na dalawa lang kami nitong si Leo ang magkasabay kumain dahil madalas ngang night shift si Joan," madamdaming sambit ni Lorna na may malawak na ngiti sa mga labi habang nasa hapagkainan at kumakain ng hapunan. "Kaya nga nagpasya ako na dumito muna kami at dalawin ang mga bata dahil napapadalas nga ang pagkakasakit nitong mama niyo. Madalas na malungkot at nami-miss kayo. Ngayon na nga lang iyan ulit naging ganiyan kasigla. Madalas na parang walang gana iyan noon sa bahay at malungkot," sambit naman ni Leo. Tila nakonsensya naman tuloy si Joymi sa narinig dahil nga gusto niya pa sanang paalisin ang mga ito kaagad. "Nakakawala kasi ng s

