"Joy, tanghali na. Hindi ka pa raw nag hapunan kagabi." Marahang tapik sa braso ang gumising kay Joymi. At pagmulat niya ng kaniyang mata, ang gwapong mukha ng kaniyang asawa ang bumungad sakaniya. Naka-upo ito sa gilid ng kama sa tabi niya. "Gusto ko pang matulog," sagot niya naman at saka kinuha ang unan para itakip sa mukha. "Tanghali na. Kailangan mo ng bumangon or else mala-late tayo pareho," giit naman nito at saka pilit na hinahatak ang unan na itinatakip niya sa mukha. Hindi na lang naman siya umimik. Wala na talaga siyang will pumasok kaya ayaw niyang bumangon. Nahihiya siya kay Gabriel, kay Troy at pati na rin kay Franz kahit na hindi nito alam ang nangyari. Pakiramdam niya lang talaga ay wala na siyang mukhang maihaharap sa mga ito dahil sa pagiging tanga at incompetent niya

