Abala na si Joymi sa harapan ng kaniyang computer ng nakatanggap siya ng tawag mula sa manager na si Gabriel. "Pumasok ka muna sandali dito sa opisina ko, Mrs. Miares," anito at saka siya pinatayan ng hindi man lang hinihintay ang sagot niya. Seryoso rin ang boses nito kaya may ideya na siya kung ano ang pag-uusapan nila. Nagpakawala pa muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago tumayo. At nagulat pa nga siya ng hawakan siya sa braso ni Mira para pigilan. And when she looked at her ay napansin niyang mukhang worried ito. "Saan ka pupunta?" "Sino iyong tumawag?" segunda naman ni Lyka. "Si Sir Gabriel. Kakausapin daw ako saglit." Nginitian niya pa muna ang mga ito bago tuluyang iwan. At muli nga siyang napabuntong-hininga nang makarating sa tapat ng opisina ni Gabriel. At bago p

