"Pasensya na, Kai, ha? Kinakailangan mo pa talagang mag-byahe papunta dito para lang sa lunch. Alam mo naman, saiyo lang makapal ang mukha ko," nakangiwing sambit ni Joymi sa kaibigan. Naroon sila ngayon sa may fast food restaurant 'di kalayuan sa building ng Julian's at doon nga kumakain ng tanghalian. "Ano ka ba, okay lang. Ten minutes lang din naman ang biyahe from our office to here," masiglang sagot naman nito. "May kasama ka na ngang diyosa pero hindi mo pa rin nakakain 'yang nasa pinggan mo. Hindi magpa-function ng maayos ang utak mo kung gutom ka kaya kumain ka na," sermon pa nga ni Kaira nang mapansing kanina pa niya nilalaro lamang ang kaniyang pagkain gamit ang kutsara. Napabuntong hininga naman si Joymi. "Hindi ko talaga kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I really

