Gumala kami ni Xavier nang sumunod araw at pumunta sa pagtitipon ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Akala nga nila ay kasintahan ako nito dahil hindi daw ito nagpapakilala ng babae. Hindi nalang niya kinorek ang sinabi ng mga ito dahil ayaw niyang ipahiya si Xavier. Labis ang sayang nararamdaman niya roon. Nang dumating ang ika labing dalawa ng Pebrero ay maagang nag ayos ang pamilya Dela Cruz para sa nalalabing kasal na magsisimula sa oras na alas nuebe. Inayusan ng mga dama si Jillian na parang isang diwata na nag anyong tao. Kumikinang ang kulay puti na may halong pink na bestida na sayad sa lupa. Napapalibutan iyon ng kumikinang na beads sa bawat lining. Konserbatibo ang klase ng bestidang 'yon pero hindi iyon nakabawas sakanyang ganda. Ang malambot niyang facial features ay mas lal

