Nagkaroon ng sunod na bisita ang Hacienda dahil sa nalalapit na pag iisang dibdib ni Ate Clarissa at Gian. Labis ang paghahanda ng mga tao sa nalalapit na araw. Isang araw nalang ay ikakasal na sila kaya sobrang pinagtutunan ng pansin ni ama at ina ang mga kakailanganin simula sa pag hahanda ng pagkain at mga palamuti sa Mansion at ang mga magulang ni Gian at mga opisyales ng gobyerno at simbahan ay nandoon rin . Ang motif ng kasal ay kulay puti, pink at asul na katulad ng kulay ng ulap. Ang mga kagamitan ay araw araw na paulit ulit nililinis ang mga upuan at bahagi ng mansyon na gawa sa kahoy ay paulit ulit na nililiha para kuminis at nilalangis para hindi ito maagnas agad. Kapansin pansin ang Family portrait sa dingding ng Mansion. Ang mag iina ay nakaupo habang nakatayo si Ate Cla

