Pananapatan sa bisperas ng Undás o Araw ng mga Patay ang pangángaluluwá. Kadalasang grupo ng mga batà o kayâ'y kabataan ang gumagawa nito. Tumatapat sila sa mga bahay, gaya ng ginagawa sa harana at karoling, at sa pamamagitan ng pag-awit ay nagkukunwari silang mga kaluluwang naligaw mula sa purgatoryo. Ang mga napupuntahang bahay ay inaasahang mag-aabuloy ng mga kakanin o kayâ'y maliit na halagang mabibitbit ng mga "kaluluwa" pabalik sa mundo ng mga patay. Halimbawa ng kanilang inaawit: Kaluluwa kaming tambing Sa Purgatoryo nanggaling Duon po ang gawa namin Magdasal at manalangin Kung kami po'y lilimusan Dali-dalian po lamang Baka kami'y mapagsarhan Nang pinto sa Kalangitan Nang gabing iyon ay napakaraming kabataan at bata ang ilang beses na nangaluluwa sa aming tapat. Mga batan

