Sabi nila kapag nagmahal ka. Lahat gagawin mo. Lahat kakayanin mo. Lahat ng imposible nagiging posible. At lahat ng taong sumusulong sa isang relasyon kailangang magsakripisyo. Kailangang masaktan. Dahil kadugtong ng kaligayahan ang kalungkutan. At kung hindi ka nasasaktan hindi ka nagmamahal. Isang magandang umaga ang sumalubong sa akin nang magmulat ako ng mata. Sariwang hangin agad ang aking nalalanghap. Naalala ko tuloy noon sa sarili kong panahon hindi ko na naappreciate ang kapaligiran dahil sa unang mulat ng mata ay cellphone o gadgets agad ang hinahanap at kinakapa. Ni magdasal nga para magpasalamat ay hindi ko nakaugalian o ginagawa. Pero ngayon heto ako. Nakapikit. Taimtim na pinagdikit ang mga palad. "Sa ngalan ng ama ng anak ng espirito, santo. Amen. Ama naming mahabagin.. La

