Page 29 ***** Kausap ko pa si Seri bago ako bumaba nang nasakyan ko na taxi. May five minutes pa bago ang takdang oras ng pagkikita namin, muli, ng step-mother ko. Hindi ko lang sure kung kasama niya rin ang step-sister ko pero wala namang problema kung magkasama sila. Wala silang ideya na ako ang nakabili ng property na gusto na nilang i-dispose at gustong gusto ko nang makita ang reaksyon sa mga mukha nila kapag nalaman na nila. Just like noong board member's meeting. Maging mas epic kaya ang reaction nila? I wonder. Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid. Maganda itong place na napili ni Brent, ah. Very cozy ang ambience at tahimik. Kahit nasa gitna ito ng isang malaking business area ay nagawa nilang tila aesthetic at out-of-town feels ang restaurant. Mamahalin din siguro

