Page 42 ***** “Anong gagawin mo?” boses ni Seri, “Kumain ka ng gulay at masusustansyang pagkain, uminom ka ng gatas.” Napa-irap ako sa hangin. Kanina pa ako sinesermunan ni Seri na parang nanay. Tsk. Natatawa naman si Rian habang nakikinig sa amin thru video chat. Nakabalik na kami ni Seri sa condominium unit nila at agad naming ibinalita kay Rian ang sitwasyon ko. I was not afraid to tell them the truth. Sila lang naman ang mga kaibigan ko na maaasahan ko lalo na sa ganitong pagkakataon. “Bakit naman kasi hindi nag-iingat?” wika ni Rian. Tila may paninisi sa tono niya. Nasa out-of-town project pa rin kasi siya kaya sa video call lang namin siya nakaka-usap. Napa-ismid ako, “Nag-iingat ako ano!” “Ah, kaya pala nabuo?” pang-aasar pa ni Rian. “Baka siya, hi

