Page 41 ***** Nagulat ako nang biglang tumawa nang malakas si Janine. Kanina pa kami mahinang nag-tatalo rito at nakaalis na lahat ng board of members ng kumpanya maliban sa amin. Naroon pa rin naman sa tabi ko si Allen at naka-alalay sa akin. Nababaliw na yata ang babaeng ito. “As if may magagawa ka?” nakangising aniya. Tinitigan ko lang siya ng masama. I mean, nagawa ko na nga. Hindi niya ba alam na isa ako sa tumulong kay Jared na makarating sa puntong ito? Sabagay, hindi niya iyon malalaman at hindi na rin kailangang malaman. Waste of time lang. Napatingin ako kay Josephine ng lumapit na ito at tinabihan ang kanyang anak. “Halika na, Janine. Wala ka namang mapapala kapag kinausap mo ‘yan. May mahalaga pa tayong dapat na gawin,” wika ni Josephine sa anak niya habang masama

