Page 19
*****
HINDI ko maintindihan pero parang kinakabahan na ako sa darating na share holder's meeting ng Almonte Shipping Company. Kinakabahan ako sa kung ano ang plano ni Jared.
D*mn.
Hindi ko magawang magtiwala sa kanya ng husto. Feeling ko, this will all fail. Ayokong maging negative thinker pero, I just can't help it.
I need to get him off my mind and my system!
I need to divert my feelings. I need to end this as soon as possible.
Hindi ko naman kayang itanggi ang matinding atraksyon ko sa kanya. Kahit noon pa man. Pero hindi sa hinagap nang isipan ko na darating kami sa gan'tong punto.
He likes me. He said he likes me. He said he likes me and it bothers me a lot!
"What's with you?" Hindi ko kaagad napansin na dumating na si Rian. Naupo siya sa tabi ko at mahinang pinagbangga ang aming mga balikat.
"Rian," I mumble in a sweet tone. I'm so glad she's here na.
"Okay ka lang?" tanong niya.
"I don't know," I honestly answered tapos ay saka dumating si Seri at naupo sa katapatan ko na upuan.
"Nakainom ka na?" gulat na puna niya sa akin.
Tama. Naka-dalawang bote na ako ng light alcoholic drink.
"Sige. Kung anoman yan, iinom na lang muna natin," wika ni Rian. Sumenyas kaagad siya sa dumaan na waiter at um-order ng karagdagang bucket at pulutan. "Tamang tama dahil kailangan ko din talaga ng pampa-chill."
Napangiti naman ako at tinignan saglit ang dalawa kong napakagagandang kaibigan. I am so glad they're my friends. They never pressure me at palaging nandiyan sa tabi ko. I am blessed.
So the three of us drank and talk about all sort of things. Maliban na lang sa lovelife. Wala kasi kami nun. Little by little ay nababanggit ko na rin ang tungkol sa amin ni Jared. Without dropping his name.
"He's a scumbag! He'll leave you after a few months for sure," wika ni Rian. Medyo tipsy na kaming tatlo pero maaga pa ang gabi para sa amin.
"I know, right?" sang-ayon ko.
"Baka naman gusto ka niya talaga? Let's give him a benefit of the doubt," wika ni Seri.
"Oo nga," segunda ni Rian. Never knowing na nagiging balimbing na siya. "Baka gusto ka talaga niya."
Natawa ako ng bahadya pero ganun talaga si Rian kapag lasing, "Imposible kasi."
"Bakit imposible?" React kaagad ni Rian, "Maganda ka. Matalino. Career-woman. Hindi niya lang alam, heiress ka din---hmf--"
Mabilis kong tinakpan 'yung bibig niya, "Huy! Wag kang maingay!"
Marahas na tinanggal ni Rian ang kamay ko, "Ano ba?! Wala namang sekretong hindi nabubunyag."
"Sssh... wag ka na lang maingay." Tinampal tampal ko ng mahina ang labi niya.
"Hmf!" Napasinok pa si Rian then natahimik na. Bigla siyang tumayo. "Let's dance."
"Huh?" Nanliliit ang mga matang sinundan ko siya ng tingin.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila patayo, "Tara na. Sabi mo gusto mo siyang makalimutan. The only way to forget him is to find another man. At marami dito iyan! Kaya tara na!"
Dahil wala na akong masyadong lakas ay nagpa-hila na lang ako kay Rian. Nagpa-iwan naman sa mesa namin si Seri cause she doesn't really enjoy dancing.
Pumunta kami sa gitna ng dance floor at sumayaw kasabay ang iba pang mga naroroon. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na madala sa malakas at nakaka-indayog na musika sa paligid.
Ilang sandali lamang at naramdaman ko na may sumasayaw sa likod ko. Napamulat ako ng mga mata at lumingon. Tatarayan ko sana kung sino man iyon pero napaatras ang dila ko at natigil ako sa pagsayaw ng tumama sa mukha nito ang ilaw mula sa umiikot na spotlight at makilala ko kung sino ito.
"Hi," he smile warmly habang nakatitig sa mukha ko.
Hindi kaagad ako naka-imik. Humarap ako sa kanya at tinitigan pa siyang maige.
He was towering over me. Hindi ko na realize na gano'n pala siya katangkad maliban ngayong magkaharapan na kami at konti na lang ang distansya sa isa't isa.
"Attorney?" Bulalas ko sa wakas. Halos pasigaw kasi sobrang lakas ng sounds sa paligid. I didn't expect Allen de Silva here.
Paano niya ko nakilala? Ahhh..... oo nga pala. Galing pa ko ng office at hindi pa nagtatanggal ng disguise. Tsk. Silly.
He smirked. Yumuko siya ng konti para makapagsalita sa tapat ng tenga ko, "Don't call me like that. Nahihiya ako."
Nagkatinginan kami then sabay na natawa.
"Bakit nandito ka?"
Masuyo niyang inilagay sa beywang ko ang isa niyang palad at hinapit akong palapit. Kinilabutan ako. Suddenly, nadama ko ang kakaibang init na nagmumula sa kanyang katawan. My body reacts obviously.
"I came to have fun," sagot niya and then smiled.
I bit my lower lip gently. Ang bango niya, as in. Parang bagong ligo lang pero may amoy na rin ng alak. He was just wearing a casual blue shirt and then fitted black pants. Bumabakat sa suot niya ang maganda niyang built. Hindi siya iyong tipo na mamuscle na tulad ng mga nagdi-gym pero he was slim and fit at the right places.
"It's nice to see a familiar face in a place like this," wika niya habang iginigiya muli ako sa pagsayaw. Nasa baywang ko pa rin ang isa niyang kamay.
"Swerte mo nakita mo ako," I smiled sweetly.
"Yeah."
Sabay kaming nagulat ng biglang may bumangga sa akin sa likod. Mabuti at nasa harap ko siya, naisandal ko kaagad ang mga kamay ko sa dibdib niya. Lalo ding lumapit ang katawan namin sa isa't isa.
Bumilis ang pintig ng dibdib ko at dama ko rin na gano'n din ang sa kanya. Nagkatitigan kami ng ilang sandali.
"I hope you don't mind," Anas niya sa tapat ng tenga ko. Hinapit niya ako ng dalawang kamay niya sa baywang. Idinikit niya ang kanyang katawan sa akin at damang dama ko na ngayon ang kanyang katigasan sa ibaba.
Lihim akong napalunok at dinama ang init na nire-release niya.
Siguro dahil na rin sa alak na nainom ko, it felt so good feeling him.
Ipinatong ko sa kanyang mga balikat ang dalawa kong braso. Para na kaming magkayakap at hindi nagsasayaw ngayon and we don't mind. Hindi lang naman kami ang ganoon. Mayroon pang iba.
"Buti nakita mo ko dito?" Tanong ko habang nakatitig sa gwapo niyang mukha.
Yes. He is definitely handsome. Mapupungay na mga mata, matangos na ilong, mamula mula at tila malambot na labi. He has the vibe of a boy-next-door. While Jared has a very manly features which gives him the arrogant and strict guy looks.
Lihim akong napabuga ng hangin.
Why him again?
"Why wouldn't I? Ikaw yata ang pinakamaganda sa mga nandito." Nakangiting wika ni Allen, "Galing mo pang sumayaw."
Natawa ako, "Attorney ka nga."
"Bakit?"
"Lakas mong mambola."
Siya naman ang natawa pagdaka, "I'm just stating the truth."
"Hmm.... " napatango na lang ako ng mahina.
Bumaba palapit sa mukha ko ang kanyang mukha. Magkalapat na ang aming mga noo. Bahadyang naningkit ang mga mata ko at hindi ko na siya matitigan ng husto sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Halos maduling ako. Dama ko ang init ng kanyang katawan na nakalapat na rin sa akin. Lihim akong napalunok.
"Ikaw talaga ang sinadya ko dito sa Manila," he said in a small voice. "Hindi ko lang inasahan na makikita kita rito ngayon."
"At bakit mo naman ako hinahanap?" Napasinghap ako ng muli niya akong hapitin. Hindi ko na alam kung saan ako magpo-focus, eh. Sa nararamdaman kong init o sa sinasabi niya.
"Later. Ayokong sirain ang gabing ito," unti-unting nawala ang pagitan sa aming mga mukha. Lumapat sa aking labi ang malambot niyang labi at kusang loob ko iyong tinanggap.
He kissed me gently at first. Para bang tinatantiya ang reaksyon ko at ng humalik ako pabalik, his kiss become more wanting and aggressive. Lalo din humigpit ang yakap niya sa akin.
Habol namin ang sariling paghinga nang maghiwalay ang aming mga labi. Mariin pa rin akong nakapikit.
"Let's get out of here," anas niya.
Nagmulat ako ng mga mata at tumitig sa kanyang mukha. Kita ko sa mga mata niya ang matinding pagnanasa. Dama ko rin ang kanyang pangangailangan. Pero.....
Napaawang labi ako pero walang boses na lumabas mula sa akin.
Is this what I wanted?
Gusto kong lumimot.
Isang side ng isip ko ang sumisigaw ng SIGE. Pero......
Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa braso ko at marahas akong hinaklit palayo kay Allen. Muntik pa akong ma-out of balance. Maging si Allen ay nabigla. Paglingon ko para makita kung sino iyon ay lalo akong nagulantang ng makilala na si Jared iyon.
Tiim-bagang siya. Galit na galit. Tila dragon na anomang oras ay magbubuga ng apoy sa galit. Noon ko lang siya nakita na ganoon kagalit habang nakatingin kay Allen.
"How dare you....." madiin niyang wika habang nakatitig ng masama kay Allen, "Touch my woman."
Dumaloy sa akin ang nakakakilabot na kuryente. Parang pati lahat ng alak na ininom ko kanina ay nawala na lahat ng epekto. Lalo na ng walang ano ano'y umangat ang malaya niyang kamao at dumapo sa mukha ni Allen.
Napanganga ako sa sobrang gulat.
Napaatras si Allen pero hindi natinag sa pagkakatayo. Nakita ko ang pagtagis ng kanyang mga bagang dahil sa galit. Natigil na sa pagsasayaw ang mga nasa paligid namin.
"Jared, stop!" sigaw ko. Malakas kong itinulak sa dibdib si Jared. Nag-bounce lang ang katawan niya sa pwesto pero hindi natinag. Lalo pang humigpit ang hawak niya sa braso ko. "Awch!" Napangiwi na ako sa sakit.
Tinignan niya lang ako ng nangangalit niyang mga mata tapos ay tinapunan niya ng matalim na tingin si Allen bago ako marahas na hinila paalis. Wala man lang humarang o pumigil sa kanya habang hinihila ako palabas ng club. Tuloy-tuloy lang siya sa mabilis na paghakbang, halos makaladkad na niya ako hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang itim na pick-up car. Isinandal niya ako sa pinto niyon bago binitiwan ang braso ko.
"Get in!" madiin niyang utos.
Napakunot noo ako habang nakatitig sa kanya. Kita ko pa rin ang galit sa kanyang mukha, namumula ang kanyang mga tenga, tiim-bagang at umiigting pati ugat niya sa leeg patungo sa braso.
"No. Uuwi na ko," sabi ko at umakmang aalis pero mabilis niyang iniharang ang kanyang mga braso sa magkabilang gilid ng ulo ko. Napapitlag na lang ako sa gulat.
"I said get in the car right now!" Mariin niyang wika pigil ang pagsigaw.
Bumilis ang pintig ng puso ko. Nakaramdam ako ng takot. Kesa naman gumawa pa kami ng eksena dito, siguro mas maganda nang sumunod na lang sa kanya.
Dahan-dahan akong sumunod sa sinabi niya. Binuksan ko 'yung pinto at pumasok sa loob. Nang makaupo na ako ng maayos ay halos pabalibag niya iyong itinulak pasara. Napapitlag na lang ako sa pwesto. Akala ko maiipit ako sa pinto, eh.
Kahit gusto ko siyang sigawan ay hindi ko pwedeng sabayan ang galit niya. Baka kung ano ang gawin niya sa akin, mahirap na.
Hindi kaagad siya sumakay ng kotse. May ilang minuto bago siya umikot sa kabilang side ng sasakyan at sumakay. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan at umalis na kami roon.
Dalawa lang ang naiisip kong pwede niyang pagdalhan sa akin. Una, sa condominium unit niya o di kaya ay sa hotel o sa motel.
Sa condo niya nga ako dinala. Pero tahimik lang siya hanggang sa makapasok kami. Nakasunod lang ako sa kanya, hinihintay kung ano ang kanyang gagawin.
Pagkapasok sa condo ay dumeretso siya sa may bar counter, kumuha ng alak na maiinom at walang anumang tinungga iyon na nakabote. Nakamata lang ako sa kanya. Pagkaraan ng ilang minuto ay saka niya ako tinignan.
"Was it fun?" Tila nanghihina niyang wika habang nakatitig sa akin. Mamula mula ang kanyang mga mata. "Was it fun torturing me?"
Parang hinaplos ng awa ang puso ko. Gusto ko siyang lapitan at amuin pero hindi ko magawa. Hindi ko magagawa.
Mabigat akong bumuntong hininga, "Hindi ko alam na naroon ka."
"Kung wala ba ako roon ay higit pa doon ang ginawa niyo?" Bahadyang tumaas ang kanyang boses.
Nagbaba ako ng tingin.
"How could you kiss some stranger without even thinking of me?"
"Eh, ikaw? Hindi ba ganun ka rin naman," matapang na muli ko siyang tinitigan.
"I told you before, I never kissed a stranger in a club."
"Talaga?" Sarkastiko kong wika.
"Talaga! Don't try to twist the story!" Banta niya sa akin.
"Eh, ano naman kung makipaghalikan ako sa club? Single ako. Pwede ko 'yung gawin kahit kanino. I can flirt to anyone who flirt with me. Who cares?! Hindi naman kita boyfrined para pigilan ako, 'di ba?"
Siya naman ang natigilan pagkaraan. Mataman lang siyang tumitig sa akin.
"Don't act like you really care for me. Alam na alam ko naman na katulad nila, katulad ng iba, iyon din lang naman ng habol mo sa akin. 'Di ba?" pagpapatuloy ko.
Hindi kaagad siya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin na parang binabasa ang aking katauhan. I feel so naked infront of him. Kahit naka office dress pa ako. Parang.... parang hubad na ako sa kanya.
Tumiim-bagang siya at ibinaba ang hawak na bote ng alak. Tumindig siya ng deretso habang nakatitig pa rin sa mukha ko. "Who in the hell made you feel like that?"
Napaatras ako nang bigla siyang humakbang papalapit. Bumilis lalo ang pintig ng puso ko.
"Is this why you're putting all that disguise? Is it why you are pretending to be someone else that you are not? Tell me." namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya. "Who hurt you so much that scarred your heart?"
*****