Page 18
*****
RUMORS spread like fire.
Kinabukasan lang ay nasa front page na naman ng mga malalaking pahayagan ang pangalan ng Escaner and this time karugtong na ang surname na Almonte. That is how popular their name is.
"Mukhang seryoso na sila sa isa't isa," wika ni Seri habang nakaupo sa katapatan ko na upuan at hawak ang isang full page magazine.
Nasa isang coffee shop kami sa labas ng Metro Manila. It's already weekend at nagkaayaan kami na mag unwind naman sa ibang lugar. Hindi nga lang nakasama sa amin si Rian dahil busy sa work.
"Atleast they are progressing," sabi ko.
"Talaga ba?"
"Yeah. The day after the party ay nagpunta si Janine sa office. They had breakfast together. Then kahapon din," hindi nakatingin kay Seri na sabi ko. Abala kasi ako sa pagse-search sa internet gamit ang cellphone ko.
Imagine how I manage to survive those days. Ang aga-aga ay nasa office na si Janine at naglalampungan sila ni Jared right infront of my eyes. Mga eyesore! Kainis!
"Okay lang sa 'yo 'yon?"
"Okay lang. Janine actually called me the day after Jermaine's birthday. She thank me for informing her about the party. Maganda daw ang naging usapan nila ni Jared. Good job to me."
"They are always together at nasa office niyo lagi ang Almonte girl na iyon. Okay lang sa'yo 'yon?"
Natigilan ako sa pagta-type then tumingin sa kanya, "Of course. Why?"
"Your actions states otherwise," tapos ay ngumisi siya sa akin.
"What?" Hindi ko siya ma-gets.
"Feeling ko, you dislike them seeing together. Kahapon late ka sa work. At ngayon, imbes na nasa office ka ay nandito tayo at nagka-kape."
Hindi kaagad ako nakasagot, "Hindi sa gano'n. It's weekend today. Hindi ba ako pwedeng mag-unwind kahit kaunti?"
"Iyon nga lang ba talaga?"
"Hmmm... well..... binibigyan ko lang sila ng time to know each other. Hindi ko naman sila iniistorbo. Atsaka, magre-resign na rin naman na ako."
"Totoo ba 'yan?" she teased me again.
Mabigat akong napabuga ng hangin, "Well, honestly it's not! They're eyesore! Kung pwede lang layasan sila sa office ginawa ko na. Sa totoo lang, I can't wait to resign."
Mataman akong tinitigan ni Seri na tila binabasa ang kung ano sa mukha ko. Medyo naasiwa ako pero totoo naman ang sinabi ko. Well, atleast.
"Tuloy pa rin ba ang alis mo?" Iyon ang biglang tanong niya na nagpa-alis ng kaba ko.
"Oo. Iyon na ang plano."
"Eh, paano ang ancestral house?"
"May plan na rin ako. Don't worry."
"Hindi naman ako nag-aalala 'don. Mas nag-aalala ako sa 'yo."
"Huh? Bakit?" Natawa naman ako ng konti. Bakit naman siya mag-aalala sa akin, eh, ang tanda ko na. Hello. I'm already twenty eight. I have known and seen so much in life. Pero marami pa rin akong gustong malaman at makita.
"Wala lang. Nag-aalala lang."
Natawa na ako ng tuluyan, "Ano kaya 'yon?"
She heavily sighed, "Hindi ko lang mapigilan isipin na may iba pang dahilan kaya ka magre-resign. Kahit alam ko naman na matagal mo na 'yung plano. Anyway, malapit na rin naman na ang share holders meeting ng Almonte and you are confident na makukuha ni Jared ang President's position."
Napatingin lang ako kay Seri at hindi na nagsalita.
Biglang pumasok sa isip ko iyong mga sinabi ni Jared the night of Jermaine's birthday.
Pareho kaming nakatingin kay Janine Almonte while she's making her grand entrance sa mansyon ng mga Escaner. No one in the family invited her, it is me who told her about the party. I wanted to make Jared see the goal.
"Is this what you really wanted?" Mahina pero sapat na para marinig ko na wika ni Jared sa tabi ko.
HIndi ko siya nilingon but my reflexes are alert of what his going to do next.
"I told you before, I like you, and I still do."
My heart skipped a beat suddenly. I tried to hide it though.
Why do he always blurted out the words at the wrong time and place?
"But if this is what you wanted, then I'll give it to you. Pero hindi ibig sabihin noon na tinalikuran na kita. Remember, I always get what I want." Tapos ay lumakad na siya pababa ng hagdan at nilagpasan na ako.
Sinalubong na niya si Janine and the night goes on.
His words scares me sa totoo lang. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako kahit alam ko naman na hindi iyon posibleng mangyari. I mean, if he really likes me, to what extend ba ang gagawin niya para sa akin?
Isa iyon sa rason kung bakit ako umiiwas.
Totoo, umiiwas ako kay Jared dahil natatakot ako hindi lang sa kanya kundi sa sarili kong damdamin. This feeling of wanting him drives me crazy. Hindi naman ako iyong tipo na kapag may gustong bagay at hindi pupwede ay pinipilit pa rin. I have learned in life that you can't get everything you wanted and that It comes with a price. Life is never easy on me, kaya ayokong magtiwala.
Natatakot ako sa kayang gawin ni Jared. I don't know what to expect from him. Most of all, I hate suprises.
One week na lang Annielle. Matatapos na ang trabaho mo kay Jared then it will all be okay.
Okay.
Atleast it will be okay.
*****
"ANNIELLE?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita si Yvette na papalapit na sa desk ko.
Isang bagong araw na naman sa office at wala pa si Jared.
"Wala daw si Sir Jared ngayon," wika ni Yvette.
"Gano'n ba," nothing is new about that.
"Pero may mga documents siya na pinapadala. Sabi niya ikaw daw ang magdala sa unit niya."
Bahadya akong natigillan at hindi nakapagsalita.
"Sabi ko nga ako na lang ang magdadala pero sabi niya ikaw na lang daw kasi may kailangan daw kayong pag-usapan."
D*mn him! Minsan hindi ko alam kung nanadya ba siya o hindi, eh.
Tumango na lang ako at ngumiti, "SIge. Ako nang bahalang magdala."
"Okay. Salamat, ah," inilapag ni Yvette sa gilid ng desk ko ang hawak niyang ilang makapal na folder, "Okay lang naman sa akin na ako ang magdala nito kina Sir Jared, eh. Alam mo ba 'yung bali-balita dito sa office ngayon?"
May bago na palang tsismis?
"Ano naman 'yon?" kuryoso kong tanong.
"Sabi nila na nagsasama na daw sina Sir Jared at 'yong tagapagmana ng Almonte Shipping. Kaya gusto kong malaman kung totoo."
Bahadya akong natawa, "Hindi ba buhay na ni Sir 'yon? Hindi mo naman na siya kailangang bantayan pa."
"Well.... curious lang naman ako kung totoo 'yon," wika niya na nakapout lips pa.
"Tapos iiyak ka kapag nalaman mong totoo?" nakatawang biro ko sa kanya.
Napasimangot naman siya, "Hindi naman. Pero totoo ba?"
Nakakaawa naman ang batang ito. Hingang malalim.
"Yvette, bata ka pa. Marami ka pang magagawa sa buhay kaysa alalahanin ang mga bagay na kusa namang dumadating sa buhay natin. You should focus on long-term goals."
"Pang long-term goal naman si Sir Jared."
Eh?
Iba din humanga ang batang ito, ah.
Ngumiti siya sa akin, "Kilala ko naman kasi si Sir Jared. Alam ko na marami siyang fling pero stick-to-one siya pagdating sa relationship."
"Paano mo nasabi?"
"Kasi Escaner siya," aniya saka ngumiti uli.
Well, I heard the rumors about the Escaner heirs being loyal and faithful to their wife or partners. Hindi ko lang alam kung totoo. But whatever it is. I still believe na hindi ako dapat magpa-apekto sa kung ano ang gawin ni Jared.
Gamit ang kotse ko ay nagtungo na ako dala ang mga documents sa condomimium unit ni Jared. Yes. He has his own condo pero madalas nasa mansyon din siya. He is just living the life of a true bachelor. That's all.
Pagdating ko sa tapat ng kanyang unit at nag doorbell, agad naman iyong nag-open.
Ibibigay ko lang ito sa kanya. Nothing more. Iyon ang pasya ko.
Kahit kinakabahan ako ay tumuloy na ako. Nakita ko kaagad siya na naglalakad pabalik sa sala area ng unit. Pabagsak siyang naupo sa pahabang sofa, kinuha ang remote control at in-on ang TV.
"Come in Miss Soledad. Feel at home," aniya sa akin na hindi nakatingin.
Marahan naman akong lumapit at inilapag ang mga dala sa lamesita.
Tumayo ako pagkatapos doon sa gilid at minasdan siya.
He seemed different. A little exhausted perhaps o baka lasing siya? Napalingon ako sa bandang kitchen kung saan may bar counter na nakapagitan. May naka-open na wine bottle doon at dalawang wine glass na hindi ko sure kung gamit na o hindi.
Lasing nga siguro siya.
"Hindi kita nakita ng ilang araw, ah. Busy ka?"
Tumingin ako sa kanya, "May inaasikaso lang po, personal."
He chuckled sarcastically, "Personal? Akala ko busy lang sa pag-iwas sa akin."
Hindi naman na ako sumagot. Pormal ko siyang tinitigan habang nakatayo roon.
"Maupo ka muna," aniya saka nag-angat ng tingin sa akin. Agad na nag-konekta ang mga tingin namin.
Tila may kumirot sa aking dibdib. Parang nakadama ako ng awa para sa kanya. He really look exhausted and tired. Tired of what?
"Ayaw mo?" he asked na may pait sa tono.
Hindi ako makatalima agad. Kinakabahan kasi ako na mag-stay pa ng matagal. HIndi ako ganito. Hindi ko maintindihan kung bakit kapag nasa harap ko na si Jared, kinakabahan na ako. Siguro kasi napaka-unpredictable nang mga nangyayari kapag kasama ko siya.
Mabigat akong bumuntong hininga at lumapit sa pang-isahan na sofa sa bandang kaliwa niya. Doon ako naupo. May sapat na distansya mula sa kanya at accesible din sa pinto palabas. Bahala na.
Bahadyang umangat ang gilid ng kanyang labi tapos ay sumandal sa kinauupuan.
"Matagal ka ng nagwo wo-work para kay Lolo?"
"Almost seven years."
"Ikaw ang pinakamatagal niyang naging secretary. Lolo don't usually trust anyone. Lalo na sa business. But he kept you for years."
Hindi naman ako umimik at tinignan lang siya.
Ano naman kaya ang gusto niyang sabihin, hah?
"At first, hindi ko iyon pinansin. When I first met you as his secretary, I though you are just, typical. Pero pagtagal, I thought there must be something special about you that made him kept you."
"Hindi ko alam kung saan papunta ang usapan na ito."
"Alam mo bang naisip ko din na baka there are more than between you and Lolo?" He chuckled a little.
Para naman napantig ang tenga ko sa narinig, "Lasing ka ba? Masyado ka ng foul magsalita, ah!"
"I know," itinaas niya pa ang dalawang kamay na tila sumusuko. "I'm sorry. It was just my thoughts. I'm sorry I cannot help it. Naisip ko nga rin na sinasadya mo akong i-seduce." He then laughed.
Tawa na nakakairita!
"Don Marteo is a good person. How could you say those things to him?" Inis na inis kong wika. Gusto ko na siyang layasan dahil naiinis na talaga ako. Grabe siya! Pag-isipan ba kami ng gano'n? Napaka-sama niya.
"Yeah I realize it was wrong. I'm sorry," he looked at me. "Maybe I was just..... jealous."
"Ano?!" Nabigla ako sa sinabi niya.
"I'm jealous and it's because of you. It's just driving me crazy. How you are being so nice and warm when it comes to Lolo samantalang sa akin.... you are always so formal and serious and sometimes rude?"
"I'm sorry if you find my actions rude. But I am just doing my job."
"Alam ko. And I hate it. Sometimes I wish you are somehow nice and friendly to me. "
"Employee n'yo lang ako," pagdidiin ko pa sa salita.
"So what?"
Napa-iwas ako ng tingin at napabuga ng hangin.
"I was thinking of why are you so eager to have the Almonte Shipping Company."
Muli akong napatingin sa gawi niya.
"If it's about to please Lolo. Then it's acceptable."
"Ginagawa ko iyon dahil iyon ang utos niya," ani ko.
"I know. Don't worry. I'll make sure that we'll succeed," seryosong aniya. "But after that I want you to grant me a wish."
"Wish?! Anong wish? Hindi ako genie to grant you that."
"Gusto mong maging President ako ng ASC, hindi ba?"
Napapiksi ako sa sobrang inis, "Utang na loob. Wag mong sabihing ginagawa mo lang ito dahil sa akin?"
"Yes I am," walang alinlangan niyang sagot.
Napaawang labi ako sa gulat.
"I want you to know that I am only doing this for you."
Napakuyom kamao ako sa gigil. Gusto ko siyang batukan na, eh! "Nasisiraan ka na ba ng bait?"
"Hindi pa naman. Pero malamang mangyari 'yon kung tatanggihan mo ako."
"Ano bang gusto mo?"
"After all this. Let's date. For real," seryosong aniya habang nakatitig ng mariin sa mga mata ko.
Mabilis dumaloy sa ugat ko ang kilabot.
This is why I hate having a conversation with him. He is so unpredictable!
Napailing ako sa narinig.
"If you won't then I'll tell Janine that I am seeing other woman and that dating her is just our plan to win the presidential position of their company."
"You're crazy!"
"Malapit na talaga. Dahil sa 'yo."
Umiwas ako ng tingin at muling huminga ng malalim.
"So," I said, "What if you fail?"
"I never fail," he confidently answered.
"Really?" Amused ko siyang muling tinignan.
"I won't fail you," mabigat siyang napabuga ng hangin. "So please, give me a chance. "
*****