Page 17

1857 Words
Page 17 ***** ABALA ako sa pagbabasa ng ilang documents nang tumawag si Jared. Hindi siya pumasok kahapon at ngayong araw. Ewan ko ba kung ano ang drama niya pero hindi ako natutuwa. Parang wala siyang trabaho ah. Ano? Petiks na lang, gano'n? Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot yung tawag niya. Mahirap na. Baka matarayan ko siya ng wala sa lugar. "Hello po?" kaswal pa sa kaswal kong bungad sa tawag niya. "Nielle?" Luh. Nasaan na ang pagiging civil niya? "Sir?" Pinagkadiin diinan ko ang salita sa kanya. Dinig ko ang ginawa niyang pagbuntonghininga, "Busy ka ba?" "Hindi naman po masyado. Bakit po? May ipapagawa po ba kayo?" "Masyado ka namang formal? Wala ka ba sa office?" nahimigan ko sa tono niya ang inis. "Nasa office po ako." "Then why are you acting like a stranger to me?" Napasapo ako sa sariling noo dahil sa nararamdamang pagka-inis. He is really pushing me to my limits, ha. Hindi na lang ako sumagot. Hinayaan ko siyang marinig ang katahimikang iyon. "D*mn. Pumunta ka dito sa mansyon mamaya. Six pm. In formal." Kumunot noo ako, "Formal? May party po ba?" "Yes. Kaya pumunta ka na lang," then he hang up the call. Bastos! Hindi ko maintindihan kung bakit napaka-rude niya sa akin. Nakakainis. Formal attire? Party? Bakit naman kaya niya ako pinapapunta? Wait. Ano bang meron ngayon sa mansyon? Sakto naman na tumunog uli ang cellphone ko at tumatawag naman si Don Marteo. Agad-agad ko iyong sinagot. "Hello po, good morning po," naalala ko, ni hindi ako nakapag good morning kay Jared kanina, ah. Hmf! 'Di bale na. Bastos naman siya. "Good morning, Nielle. Are you busy today?" "Hindi naman po. May ipapagawa po ba kayo, Sir?" "Yes. Ikaw lang ang naisip ko na pwedeng gumawa nito. May ipapa-pick up ako sa 'yo na regalo. Birthday kasi ng apo kong si Jermaine. " Ah... ayon pala 'yun. "Ah, sige po. No problem po." "Ise-send ko sa 'yo ang details. Ikaw na ang bahala." "Yes po." "Syangapala, nagkausap kami ni Jared kahapon. I asked him about the rumor of him dating the Almonte heir. Sabi niya hindi naman iyon totoo and that he was dating another woman." "Po?" bumilis ang pintig ng puso ko sa narinig. "He wouldn't say who was it pero malalaman din daw namin. May alam ka ba kung sino ang sinasabi niya?" "Ah...." Buwisit! "Hindi ko po alam sir. Wala naman po akong alam na may iba siyang dine-date kundi si Ms. Almonte lang." "Is that so. Anyway, I want you to look who he was talking about." "Sige po," Mabilis kong sagot. "Okay. Thank you." Then natapos na ang tawag, saka lang ako nakahinga ng maluwang. "Dating another girl?" ulit ko sa sinabi ni Don Marteo. "At sino naman ang tinutukoy niya?" Kinakabahan ako, ah. Hindi maganda ang kutob ko. Ako ba 'yung tinutukoy niya? Sh*t! That can't be!! Baka.... iniisip niya ba na dahil may nangyari sa amin ay.... kami na? Napatingin ako sa bulaklak na nasa ilalim na lagayan ng mesa ko. Hindi ko iyon naiuwi kasi nag-aalala ako na baka makita ni Yvette tapos magtaka kung bakit dala ko 'yun. At bakit naman kaya pinapapunta ako ni Jared sa family gathering nila mamaya? Eh, family gathering nga iyon. No. Dapat pigilan ko na kung ano man ang binabalak ni Jared. First and foremost ay dapat ipaalala ko sa kanya ang tunay na relasyon namin. AFTER lunch ay nag-out na ako. Ginawa ko din 'yung ipinapagawa ni Don Marteo. I still have ample time to ready. Sabi nga ni Jared kailangan ko daw mag-formal dress. Pero hindi ko ginawa. Syempre iba ang plano ko eh. Before six 'o clock ay papunta na ako sa mansyon ng mga Escaner. Medyo na late ako sa oras dahil naipit ako sa traffic. Pero sakto lang din naman ang dating ko kasi nakita kong dumadating pa lang din ang mga bisita nila. As usual, i parked my car sa labas ng gate. Medyo madami na rin ang sasakyan sa loob ng garahe nila kasi may mga bisita na nga na dumating. Imbes na sa main door ako pumasok, sa back door ako nagdaan. Naabutan ko ang mga abalang caterers sa dirty kitchen at ganun din ang mga katulong ng mansyon. "Magandang gabi po," si Manang Soling iyong linapitan ko kaagad. "Oh, Nielle! Nandito ka pala. Pinapunta ka ba ni Don Marteo?" Abala siya sa ginawa habang nagsasalita. "Yes po. May pinadala lang siya." "Ah, ganun ba. Nasa study room lang 'yon malamang. Puntahan mo na lamang," aniya. "Sige po." Humahangos na pumasok si Lina sa kusina at agad akong nakita at nilapitan. "Annielle, nandito ka pala. Bakit hindi ka naka-dress katulad ng mga nasa labas?" Alanganin naman akong ngumiti. Of course, i was still in my usual office attire. White blouse na pinatungan ng blazer then black pencil cut skirt and black heels. Pero dahil espesyal ang gabing ito, may special din naman ako na suot. Yellow ang blazer ko. Which is unusual sa akin kasi matingkad na color iyon at ayaw ko na napapansin masyado sa office. Pero ngayong gabi, feel ko siyang isuot. "May pinapadala lang si Don Marteo sa akin. Hindi naman ako guest sa party." "Ah ganun ba," bahadya niya akong tinapik sa balikat at ngumiti ng abot-tenga. "Grabe ang gaganda at ga-gwapo ng mga bisita sa labas." "Hindi ka pa ba nasanay? " singit ni Manang Soling. "Araw-araw naman na may maganda at gwapo dito sa mansyon." "Sabagay. Tama kayo dyan Manang," ani Lina. Bahadya naman akong natawa, "Ganun talaga. Paano? Puntahan ko lang muna si Don Marteo." Doon na rin ako dumaan papasok ng mansyon. Medyo alam ko naman na ang daan kaya iniwasan ko iyong lugar ng party hanggang makaakyat ako ng second floor at makarating ako sa study room ni Don Marteo. Kumatok muna ako bago ko narinig ang boses nang Don na pinapatuloy na ako. "Good evening po," bungad na bati ko pagkakita ko kay Don Marteo na nakaupo sa harap ng kanyang office desk. Hindi ko lang inaasahan na maabutan ko rin roon si Jared. Nang magtama ang mga paningin namin, dama ko kaagad ang kanyang inis. Ang sama ng titig niya sa akin. Nakita ko rin na pinsadahan niya ako ng tingin sa kabuoan. Hindi niya in-expect na hindi ko siya susundin. "Good evening, Nielle. Pasok ka," wika sa akin ni Don Marteo. Pilit akong ngumiti, "Good evening, Sir Jared." Hindi naman niya ako pinansin bagkus ay inirapan pa. Bumaling na lang ako kay Don Marteo, tutal siya naman talaga ang sadya ko. "Don Marteo, dala ko na po iyong pinakuha niyo," wika ko saka ako lumapit at inabot ang dala kong maliit na paper bag na may tatak ng isang mamahaling jewelry shop. "Salamat, hija. Mamaya ka na pala umuwi. Maki-party ka na muna sa ibaba," wika ng Don. Bahadya akong umiling at ngumiti, "Hindi na po Sir. Nakakahiya naman po. Saka out of dress code po ako." Nakita ko ang ginawang pagtiim-bagang ni Jared bago ako tinapunan ng masamang tingin. "Wala namang problema sa suot mo, ah. Maganda ka pa rin naman," nakatawang wika ni Don Marteo. "Salamat po." "Pwede naman siyang magpalit. For sure hindi naman nalalayo ang sukat niya kay Jermaine o kay Corin," biglang wika ni Jared na ikinabigla ko. "Kunsabagay," tumango si Don Marteo. "Hindi na po," mabilis kong tanggi sa kanila. Tumitig ako kay Don Marteo. "Hindi naman po ako magtatagal talaga, Sir." "Well, atleast kumain ka muna," suhestiyon ni Don Marteo. Alanganin akong ngumiti. Bumaling si Don Marteo kay Jared, "Huwag na natin siyang pilitin Jared. I know Nielle, hindi talaga siya mahilig sa socialite events." Tama po kayo dyan! "Dapat ay masanay na siya," wika ni Jared. Napatingin ako sa kanya at naabutan na nakatitig din siya sa akin. Pilit akong ngumiti, "It is not my cup of tea, SIr Jared. Anyways po," bumaling na lang ako kay Don Marteo, "Hindi na po ako magtatagal din. Kung may kailangan pa po ba kayo sa akin?" "Wala na, Nielle. SIge na. At nang makapagpahinga ka na for today. Kumain ka muna sa ibaba bago ka umalis." Sagot naman ni Don Marteo. "Sige po. Salamat po," tumango ako tapos ay kay Jared. "Aalis na po ako." HIndi naman siya umimik. Lumabas na ako ng study room pagkaraan. Bago ako makarating sa hagdanan ay nasalubong ko naman si Jermaine. "Nielle?" Tinitigan niya pa ako na parang naniniguro. Ngumiti ako, "Happy birthday, Jermaine. Pasensya ka na wala akong dalang gift." Ngumiti naman siya, "Okay lang 'yun. Akala ko namamalikmata na naman ako. Noong nakaraang araw kasi may nakita ako, hindi, kami pala ni Kuya Jared na babaeng hawig na hawig mo. Akala ko nga ikaw talaga 'yon eh." "Talaga?" Sy'empre kunwari wala akong alam. "Oo. Pero mas liberated siyang mag-ayos at manamit. Hindi kaya kakambal mo 'yun?" Natawa naman ako, "Wala akong kakambal. " "Sabi nga ni Kuya Jared baka hawig mo lang talaga." Ngumiti siya after. "Nagkita ba kayo ni Kuya Jared?" "Nasa loob siya ng study room kasama si Don Marteo. May binigay lang kasi ako sa Lolo mo." "Grabe. Napakasipag mo talaga 'no?" "Ganun talaga." kibit balikat ko. "Oh," biglang react ni Jermaine ng mapatingin sa bandang likod ko. Agad din akong napalingon at nakita na papalapit na si Jared. Bahadya akong kinabahan. Ito pa naman ang iniiwasan ko ngayong gabi. Ang makasalamuha si Jared. "Kuya Jared?" "Jermaine, hinihintay ka na ni Lolo sa study. Puntahan mo na siya," wika ni Jared sa seryosong tono. "Ah okay," tumingin sa akin si Jermaine. "Mauna na ako Nielle. Kain ka muna sa ibaba bago ka umalis." Sh*t. Lahat na lang sila pinapakain ako. Kainis. "Sige. Salamat," ngumiti na lang ako. Nang humakbang na paalis si Jermaine ay lumakad na rin ako pero hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang marahas na paghigit ni Jared sa palapulsuhan ko. Hindi kaagad ako naka-react ng hilahin niya ako papasok sa isang nakasarang pinto. Agad-agad niya akong isinandal sa gilid na hambana ng pinto habang hawak pa rin ng mahigpit ang palapulsuhan ko. Marahas akong napasinghap. Inatake kaagad ng matapang niyang pabango ang pang amoy ko. "D*mn. Napakatigas talaga ng ulo mo noh!" Gigil na gigil sa galit na aniya. "Ano bang problema mo?!" Halos sumigaw na ako roon pero pinilit kong pigilin ang sarili dahil nasa mansyon pa rin ako ng mga Escaner at maaaring may makarinig sa amin. Hindi ko alam kung anong room o kung kanino ang room na kinaroroonan namin ngayon. Madilim kasi ang paligid at tanging ang liwanag na nagmumula sa labas ang nagbibigay liwanag sa ilang bahagi ng silid. Hindi ko nga rin halos makita ang kabuuan ng mukha ni Jared. Pero alam ko na galit siya, nadarama ko iyon sa higpit ng hawak niya sa kamay ko at sa bigat ng ginagawa niyang paghinga. "Ikaw ang problema ko! Bakit ba hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi ko? Akala ko ba ay okay na tayo?" "Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." "I sent you flowers," mahina pero sapat niyang wika. "So?" sarcastic kong sagot. "We kissed and make out. I thought you understand it all." Bahadya akong natigilan at napatitig sa kanyang mga mata. Kahit madilim, kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata sa tuwing tatama dito ang liwanag. "Don't tell me, just because we did it once ay tayo na?" amused kong wika. "We did it twice. Then what does that mean to you, ha?" siya naman ang tila naguluhan. "Wala," hinawi ko ang kamay niyang lumuwang ang pagkakahawak sa akin. "Akala ko ba expert ka na sa ganong laro? Hindi ko alam na ganyan ka pala." "Hindi ako nakikipaglaro sa'yo," tumiim bagang siya. "Then what? Wag mong sabihin.... you like me? Seryoso ka?" "Hindi ka pala ganun katalino." Natigilan naman ako. His seriousness caught me. "I like you so much. I thougth you feel the same way." He said in a very low voice pero yung dating sa akin noon, parang bomba. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Dumadagundong. Umalis ako sa pwesto at dumistansya mula sa kanya kasi feeling ko maririnig na n'ya ang pintig ng puso ko. I cannot allow that. "Anong kalokohan ba yang sinasabi mo?" "I planned tell you that tonight. Infront of them all. Kasi gusto kong matigil na ang rumors sa akin." "Nababaliw ka na ba?!" halos mapasigaw ako, "Bakit mo 'yon gagawin?" Tinignan niya ako ng mariin, "I'm going to risk it all for you." "Okay ka lang?" natawa ako ng pagak sa sobrang pagka-shock. "Sisirain mo ba iyong mga ginagawa natin ng ganun lang? Malapit mo na ngang makuha iyong shipping company tapos sisirain mo lang?" "I can have it without that fake relationship with that Almonte. Alam mo yan." "Ah talaga? Do you have better plans?" "Why are you so obsessed about getting that company?" Mabigat akong bumuntong hininga, "So ano naman ang mapapala mo kung sasabihin mo sa lahat ang namamagitan sa atin? Wala din naman, 'di ba? Sisirain mo lang ang matagal nang plano ni Don Marteo. Hindi ko hahayaang mangyari iyon." Mabilis akong humakbang papalabas ng room. Sinundan naman niya ako agad. "Nielle? Annielle?" Mariin na tawag niya sa akin. Napahinto kami pagdating sa may hagdanan at sabay na napatingin sa may main door ng mansyon. Tila eksena iyon sa pelikula. Nakita namin si Janine Almonte na papasok sa mansyon, nakasuot ng napakagandang black evening long gown na hapit na hapit sa kanyang magandang hubog na katawan. Lahat ng naroon ay nakuha niya ang atensyon. Nilingon ko si Jared at kita ko ang gulat sa mukha niya sa pagkakita kay Janine. Nginitian ko siya ng mapait, "You see that girl. Siya ang nararapat sa'yo at mas dapat mong pagtuonan ng pansin. Don't get too distracted because of lust." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD