Page 16

1693 Words
Page 16 ***** Kinabukasan. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa hang-over kaya hindi ako nakapasok. Itinawag ko na lang kay Yvette na hindi ako makakapasok at nagtext naman ako kay Jared. In acknowledge naman nila pareho ang message ko. Past 10 nang umaga na siguro ako bumangon. Nakainom na rin kasi ako ng gamot kaninang maaga kaya wala na 'yong hang-over ko. Pagka-ligo ko ay saka naman tumawag si Seri. "Hello. Nakapasok ka ba?" bungad na tanong ni Seri sa akin. "Hindi nga eh. Ikaw ba?" medyo mahina ko pang sagot. "Nakapasok ako. But mag-half day lang. S'yangapala, okay na 'yong kakilala ko na mag-aayos ng papers para ma-purchase mo 'yong ancestral property. Kaya mo ba siyang i-meet mamaya?" "Hmm.... pwede naman. Wala na rin naman ang hang-over ko." "Okay. Tawagan ko na rin siya after." "Okay. No problem." I spend my time at home, reading. Natapos ko ang isang book ng sakto sa oras. Sa hapon kasi ang usapan namin ni Seri na i-meet ko ang kaibigan niya. Sa isang malaking mall na hindi kalayuan sa condominium ko ang maging meeting place namin. Nakaupo na ako sa isang pan-dalawahan na mesa ng dumating ang ka-meet-up ko. "Hello. Annielle Soledad?" Magalang at nakangiting tanong ng lalaking nakatayo na sa tapat ko. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti, "Hi," marahan akong tumayo. "Brent de Jesus?" "Yes." Inilahad niya agad ang kanyang kamay, "Nice to meet you." "Same here," tinanggap ko naman agad ang kamay niya at inaya ito na maupo. We had a little introduction about ourselves. Nalaman kong college friend sila ni Seri. He is a Marketing Graduate at nagwo-work bilang real estate agent. Matalino siya at magalang pero humorous. Something I found unique. We talked about my matters while eating at s'yempre may kasama na rin iyon na kwento tungkol sa isa't isa. Pero hindi ko pa rin naman ikinuwento ang ilang maseselang mga bagay sa buhay ko. Those are my secrets. Habang magana kaming kumakain ay nakaramdam ako ng tila may nanunuod sa amin. Particularly sa akin. Ayoko namang maging paranoid. Pasimple akong tumingin sa paligid kaya laking gulat ko nang makita si Jared na nakaupo sa 'di kalayuan na mesa mula sa pwesto namin. Nakaharap siya ng upo sa akin at masama ang tingin. May kasama ito na babae na nakilala ko din naman agad na si Jermaine. Isa sa mga pinsan niya. Busy si Jermaine sa pagtingin sa menu para maka order. Hindi ko napansin na dumating sila. Napakasamang coincidence naman nito. Bumaling na lang uli ako kay Brent at sa pagkain. Alanganin akong nagre-response sa mga sinasabi niya at sa mga biro niya. Ewan ko. Bigla kasi akong na concious sa presence ni Jared. Wait lang. Napasulyap ako sa oras sa phone ko na nasa gilid lang ng plate ko. It is almost past 5:00 pm na. So tapos na ang office hours. Bakit ako mag-aalala? Hah! If he suddenly confront me it will be invading my personal space right? Tama. "Are you still with me, Nielle?" Narinig kong wika ni Brent. Tila nahimasmasan ako roon, "Huh. Oo. Yes." "Mukhang nasa malayo na ang iniisip mo. Nabo-bored ka na ba?" tanong niya. Nahiya naman ako bigla, "Ay, hindi naman. Sorry. Bigla lang akong may naalala na trabahong hindi ko pa tapos. Pero bukas na lang 'yon. " Napangiti siya, "Totoo pala ang sabi ni Seri. Workaholic ka nga." "Hindi naman masyado," nahihiya akong ngumiti. Ah s**t! Naalala ko bigla! Hindi nga pala ako naka-eye glasses saka wala yung magic mole ko. I was wearing make up today. 'Yung simple lang na make-up. Siguradong hindi ako makikilala ni Jermaine. Pero si Jared.... hindi ako sure. Kasi sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon, eh, parang nakilala na niya ako. Tsk. What to do? "Brent, wait lang. Punta lang ako ng washroom,ah." "Sige lang. Take your time," nakangiting aniya. Marahan na akong tumayo at pumunta sa restroom. Agad-agad kong ni-retouch iyong make up ko. Mabuti nabitbit ko yung make-up kit ko. Dinagdagan ko yung kapal ng black eyeliner sa mga mata ko then naglagay ako uli ng red lipstick. Medyo nabura na kasi sa pagkain ko. Tinitigan ko ang sarili sa salamin afterward. I look different na. I guess. Saka naman pumasok sa restroom si Jermaine. Nagkatinginan kaming dalawa saglit pero una akong bumawi ng tingin at inayos kuno ang gamit ko sa pouch. Akmang aalis na ako ng bigla siyang magsalita. "Miss, excuse," pigil niya sa akin. Lihim akong bumuntonghininga. I composed myself agad. Nilingon ko siya with blank expression. I purposely flipped my hair pa. "Yes?" Parang natigilan naman si Jermaine pero saglit lang. Alanganin siyang ngumiti after, "Ah, sorry. Akala ko kakilala ko. You seem familiar kasi." Nahiya naman ako sa asta ko, "Ah, gano'n ba." "Yeah. Nagtatalo kami ng kasama ko na kilala ka namin. Pero parang hindi naman pala. Anyway, kahawig mo rin talaga siya. Hindi kaya may kakambal ka?" "I don't think so. Only child lang kasi ako." "I see," napatango naman si Jermaine. "Hehe.... sabi ko nga mukha kang modelo. Baka nakita lang kita somewhere or in print." "Unfortunately, hindi din ako model but I hear that a lot," I humorously said. Natawa naman siya, "I see. Hindi naman nakakapagtaka. Pasens'ya ka na." "It's okay." "Sige," tumango ito at ngumiti. Ngumiti na lang din ako pabalik atsaka lumabas na. Pagbalik ko sa mesa namin ni Brent ay inaya ko na rin siya na umalis at sa iba na lang mag-usap pa. Um-okay naman siya agad kasi tapos na rin kami sa pagkain. Alam ko na pinapanuod ni Jared ang galaw ko. And maybe nakikilala niya din ako pero kung nakalusot ako kay Jermaine, dapat panindigan ko iyon. Mapayapa naman kaming nakalabas ng restaurant ni Brent. Nag-usap kami habang naglalakad then napunta sa isang coffee shop at doon nagtagal. Kinabukasan. "Annielle! Buti nakapasok ka na. Okay ka na ba? Hindi na ba masakit tiyan mo?" Bungad sa akin ni Yvette pagkadating ko. Iyon nga pala yung naging excuse ko sa kanya kahapon. "Ah, oo. May nakain lang akong hindi maganda," pagsisinungaling ko. "Gano'n ba," tumango ito. "Pero buti na lang hindi ka nakapasok kahapon. Ang init kaya ng ulo ni Sir Jared." Nagtaka naman ako. So mainit na pala ang ulo niya noong nakita ko siya sa mall kasama si Jermaine. "Huh? Bakit naman?" "Ewan ko. Basta noong dumating ikaw ang hinahanap pero no'ng nalaman na wala ka, ayon, na bad mood." Alanganin naman akong natawa, "Bakit ako? Baka 'di naman. " "Dumating nga uli iyong girlfriend niyang taga-shipping company. Alam mo, 'di ko gusto ang ugali no'n, maarte. Hindi kasi siya hinarap kaagad ni Sir Jared. Naghintay siya dito ng mga half hour. Ka-bad trip nga eh. Pala-utos. Nakakainis. Girlfriend ba talaga ni Sir iyon? Parang siya lang nakakaalam na sila eh. Hindi sa pang-aano, ha. Hindi sila bagay." Natawa na lang ako ng lihim dahil sa mga sinabi niya. "Huwag mong sabihin 'yan. Alalahanin mo. Baka siya ang maging asawa ng boss natin. Mahirap na." "Hmf. Feeling ko hindi naman seryoso si Sir sa kanya." Bahadya akong natigilan. "Kilala ko na 'yan si Sir. Walang nagtatagal na babae sa kanya. Madali siyang magsawa. Motto yata no'n eh, select and collect then select again. Pupusta ako. Hindi sila magtatagal." Napatikom na lang ako ng labi. Ganun ba yun? Past time lang sa kanya ang mga babae? Kung ganun.... ako din ba? Past time lang? Pagsasawaan lang din? Gano'n? Kung sabagay. Ano nga bang ini-expect ko? Pumasok na ako sa office at paglapit ko sa aking desk ay nakita ko kaagad ang isang bouquet ng white roses roon. Napakunot-noo tuloy ako at marahang kinuha iyon. "Kanino 'to?" akmang pupuntahan ko na si Yvette pero nakita ko 'yong card na nakaipit roon. Kinuha ko iyon at binasa.. "Nielle, I'm sorry. I'll make it up to you. Jared" Napaawang labi naman ako sa gulat at hindi na tinuloy ang pagpunta kay Yvette. Sh*t! Nakita kaya ito ni Yvette? Baka kung ano ang isipin no'n? Sh*t! Sh*t! What is he thinking?! Habang nasa office ako ay hindi ako mapalagay. Napapatingin ako roon sa bulaklak at iniisip kung anong purpose niyon? Bakit? Haist. Mapapahamak ako nito eh. Hindi dumating ng umagang iyon si Jared kaya inis na inis ako pero isang bisita ang hindi namin inaasahang dumating. Napatayo kaagad ako ng biglang bumukas iyong pinto ng office ni Jared. Akala ko nga siya na 'yung dumating pero hindi pala. "Ma'm?" Nakasunod sa kanya si Yvette na halatang natataranta. Si Janine Almonte. What brings her here..... again? Nagkatinginan kami ni Janine tapos ay nakahalukipkip na tinaasan ako ng isang kilay. "Si Jared?" mataray niyang tanong. "Wala nga po si Sir, eh," ani Yvette na halatang pikon na rin. Lihim akong bumuntonghininga, "Sige na, Yvette. Ako na." Nakasimangot naman na lumabas si Yvette. "Tinatago niyo ba ang boss n'yo?" may pag-aakusang wika ni Janine. "Hindi po. Talagang wala lang siya ngayon," kalmado kong wika. Napangiwi naman ito, "He is always busy, ha. " Muli niya akong tinignan mula ulo pababa. "Ikaw 'yong secretary na lagi n'yang kasama, right?" "Yes po," mabilis kong sagot. "Then perhaps you know where he is. Nasa bahay ba siya ngayon?" "Hindi ko po masasagot ang tanong na iyan dahil wala din po akong ideya kung nasaan siya." "D*mn it," mariing bulong niya. "Kung gusto n'yo po, Ma'm. Mag-iwan po kayo ng contact number n'yo then inform ko kayo kung nandito na si Sir or kung nasaan man siya kung sakaling malaman ko." Tila may kumislap sa sulok ng mga mata nito, "Will you do that?" "Oo naman po. Why wouldn't I?" Binigyan ko siya ng magandang ngiti. Iyong ngiti na alam kong makakapag tiwala siya sa akin. Muling umarko ang mga kilay niya then tinignan uli ako mula ulo hanggang sapatos then pabalik. Nakakainis na parang sinusukat niya nang paulit-ulit ang pagkatao ko pero sinikap ko na pakalmahin ang sarili ko at huwag iyong pansinin. "I don't know if I can really trust you. Pero mukhang alam mo naman ang trabaho mo, right? Pagbibigyan kita." "Thank you po, Ma'm," muli akong ngumiti sa kanya pero sa loob-loob ko, sabunutan kita d'yan eh! ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD