Page 15

1129 Words
Page 15 ***** Marahas akong napapiksi sa sarili at paulit-ulit na nagmura sa isip. HIndi ko na alam kung kanino ba ako galit na galit ngayon. Sa sarili ko ba o kay Jared. D*mn him! Pinagsamantalahan na naman niya ang kahinaan ko. Sh*t! I hate this feeling! Kainis ka Annielle!! Napaka marupok mo! Pagkalinis ko sa sarili ay saka lang ako lumabas. Nagtagal din ako sa loob ng washroom kasi hindi ko na talaga alam kung anong mukha ang ipapakita ko kanya pero wala na akong naabutan na Jared sa office pagkalabas ko. Lumayas na lang siya na parang walang nangyari. Sh*t! Marahas akong bumuntong-hininga. Naupo na lang ako sa harap ng desk ko at tumulala roon ng ilang sandali. Why am I being like this? Nakakainis! Napapitlag ako sa kinauupuan ng biglang may kumatok sa pinto at agad iyong bumukas. Sumungaw ang mukha ni Yvette. "Nielle, tara, dali!" aniya sa akin na may kasamang senyas. Nakangisi siya na abot hanggang tenga. Nagtataka akong sumunod sa kanya. Sa sobrang excited nga niya ay hinawakan pa niya ako sa kamay at hinila. "Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kanya. Sumakay kami ng elevator at bumaba sa 2nd floor ng building. Pumuwesto kami sa may railings kung saan kita namin ang 1st floor at main entrance. "Si Sir Jared," turo ni Yvette sa boss namin na nakatayo sa malapit sa pinto. Tila may hinihintay. Nabuhay na naman iyong inis ko sa kanya kanina. Nakatayo siy roon na parang walang milagrong ginawa kanikanina lang. Pretender. Napatingin ako sa may main entrance ng magbukas iyon at pumasok ang isang lalaki na naka-amerikanang kulay itim. Lumapit ito kay Jared at nakipag kamay, kasunod niyon ay pumasok ang dalawang babae na kapwa naka-postura ang kasuotan. Bahadyang napaawang ang labi ko. Kahit may kalayuan, nakilala ko kaagad ang dalawang babae na iyon. Itiniim ko ang aking labi at lihim na napakuyom kamao. Sina Janine Almonte iyon at ang ina nito na si Josephine Almonte. Lumapit sila kay Jared at nakipag shake hands din, pero kay Janine, may pa-beso! Wow! Parang nagdidilim yata ang paningin ko, ah. Pigilan niyo ko! "Ang sweet nila, " komento pa ni Yvette sa tabi ko. Adding salt to my wound. Biglang pumasok sa isip ko iyong nakita ko noong gabi ng after nang party ni Janine. Maaga akong bumalik ng hotel noon. Hindi ko na talaga hinintay si Jared kasi mukhang busy siya eh. Pagdating ko sa hotel ay nagpahinga lang ako at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nang magising ako ay past 12 midnight na, nakaramdam ako ng gutom. Napagpasyahan ko na lumabas at magpunta sa malapit na convenient store para bumili ng kahit anong laman-tiyan. Hindi naman ako nagtagal. Nang pabalik na ako sa hotel ay nakita ko sila. Sina Jared at Janine. Magkasunod silang lumabas sa pinto ng hotel, magkahawak kamay. May sasakyan na naghihintay kay Janine at inalalayan pa siya ni Jared na makasakay roon. Parang kinurot ng pino ang puso ko sa nakitang iyon. Kanina pa ba sila magkasama? Sa hotel room? Wow, hah. Hindi pa talaga sila nakotento na sa buong party at sila lang ang magkasama. Grabe naman talaga. When I saw him give her a gentle kiss on the lips that's when I realized something. Sobrang sakit na hindi ko matanggap hanggang sa ngayon. Lihim akong huminga ng malalim at umiwas ng tingin. My eyes started to water from tears pero pinigilan ko kaagad. Mabuti na lang at busy si Yvette sa panunuod kina Jared, eh. I supressed it all. Noong nakita ko ang scene na iyon, kinabukasan, tahimik na lang ako. Hindi ko na kinausap si Jared ng tungkol sa nangyari sa amin. Kinakausap ko lang siya ng may patungkol sa trabaho. I distant myself at siguro ay napansin niya iyon. Now, i think naintindihan ko na kung bakit hindi ko siya nagawang pigilan kanina. Alam ko na na hindi ako galit sa kanya kundi galit ako sa sarili ko. I hate myself for letting me fall for him. ***** "Hi," napalingon kaagad ako sa bumati sa akin at naupo na ito sa katapat ko na upuan. I smile, "Ngayon lang kayo?" Naupo na rin ang kasunod nito na si Seri. "Oi, bago 'to, ah. Ikaw ang nag-aya sa amin," nakangising wika ni Rian. "Hehe, na miss ko lang kayo." "Wae?" hindi naniniwalang react ni Rian. "Umiinom ka na. Kumain ka na ba?" tanong ni Seri. Tumango naman ako agad, "Yes. Tapos na. Kayo ba?" "Kumain na ako. Ikaw ba Rian?" "Kaya ko yan kahit walang kain," nakangising sagot ni Rian. Nagtawag agad siya ng waiter at nag-order ng isang bucket at mga pulutan. "Mukhang mahaba-haba ang inuman natin tonight, ah. Kaya simulan na natin." Ngumiti naman ako, "Oo nga." "Anong problema?" tanong ni Seri after hour. Nakapag umpisa na kami sa pag-inom. "Wala naman," sagot ko. "Hindi ka naman mag-aaya dito nang wala lang," si Seri. "Oo nga. Sabihin mo na agad kung ano 'yon. Bago kita sabunutan," ani Rian. "Grabe s'ya ah," natawa lang ako. "Ano nga?" si Seri uli. Umiling-iling ako at uminom na lang uli. "Hay. Bahala ka. Magsabi ka kung kelan mo gusto," pagsuko ni Seri sabay lahad sa harap ko ng hawak niya na kopita. "Cheers for tonight?" "Cheers!" masiglang ani ko at ibinangga sa kopita niya ang sa akin. "Cheers!" nakisali naman si Rian. We spent the night drinking, singing and dancing. As if walang pasok kinabukasan. We are just happy. Happy sa kabaligtaran. I feel so devastated inside. I don't wanna entertain it pero it shows. At alam ko na nakikita din iyon nina Seri at Rian. They just choose not to ask why. Or what. Kaya gusto ko ang friendship namin. They give me enough time to open up myself in my own will. Gano'n kami sa isa't isa. Pero hindi ko alam kung magagawa ko bang mag-open up sa ngayon. Actually, i feel embarrassed about myself, in some ways. Kasi ako pa 'yong nagpapayo sa kanila madalas na dapat hindi haluan ng personal na relasyon ang trabaho. Pero 'eto ako ngayon.... having an indecent affair with my boss. How ironic it is. And I'm starting to hate myself for this. Kung mag-resign na kaya ako? Pero worth it ba? Nope. Hindi pa pwede ngayon. Hindi pa pwede hanggang hindi pa napupunta sa ME Group of Companies ang Almonte Shipping Company. Kailangan magtagumpay ako at habang ginagawa ko iyon ay I have to distant myself from him. I have to focus on my goal. I have to achieve it. That's what I decided habang sinasabayan ang upbeat rhythm ng music na pumapailanlang sa paligid. I closed my eyes and just let myself lost in the music. Afterall, bukas hindi ko na alam kung ano ang mangyayari. Better live for tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD