Page 21
*****
Nang dumating ako sa office ni Jared ay naabutan ko si Yvette na nasa tapat ng pinto, nakadikit ang mukha roon at tila nakikinig. May hawak siyang tray na may lamang tatlong mug ng mainit na kape.
"Huy!" sita ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Ay, Susmaryosep!" react niya sabay lingon sa akin. "Nandyan ka na pala Nielle. Sssshh..." Senyas niya sa akin.
"Bakit? Anong meron?" nagtataka kong tanong.
"Nasa loob sila."
"Sino sila?"
Sabay kaming napa-igtad sa gulat ng tumunog ang intercom phone sa mesa ni Yvette. Nagkatinginan kami sandali bago nagmamadaling bumalik sa desk niya si Yvette at sinagot ang tawag.
"Sir? Ah, yes po..... Sige po." Iyon lang ang narinig ko mula kay Yvette tapos ay tumingin sa akin, "Pasok ka na daw."
Alanganin naman akong tumango, "Ako nang magdadala niyan sa loob." Tukoy ko sa kape.
"Sige," sang ayon naman ni Yvette. "Balitaan mo ako kung anong pinag-usapan nila, ah."
Nagkibit-balikat lang ako at tumango.
Hindi ko alam kung ano at sino ang kasama ni Jared sa loob pero kinakabahan ako, ah.
Si Yvette na rin ang nag-open ng pinto para makapasok ako.
Una kong nakita si Jared na nakaupo sa sofa na pang isahan then sa mga kausap nito na nasa pahabang sofa.
Nilingon naman nila ako agad pagkapasok ko. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ire-react agad.
Bumilis ang pintig ng puso ko ng makilala kung sino iyong mga kausap ni Jared.
Ang aga naman nila.
Self check. Maayos naman ang suot ko. Ang buhok ko. Ang itsura ko.
Dahan dahan akong lumapit sa pwesto nila para mailapag sa lamesita ang dala kong mga kape.
"I know you," wika ng babaeng naka-postura sa umagang oras na walang iba kundi si Josephine Almonte.
Tumayo ako ng maayos at humarap sa kanila, "Good morning po."
"'Ma, she is Jared's secretary," wika naman ng kasama nito na si Janine.
"Tama. Nakita ko siya sa party mo noon," nakangiting wika ng matandang Almonte.
Tumango ako at ngumiti.
"She accompanied me to the party," wika naman ni Jared para bumalik sa kanya ang atensyon ng dalawa.
"Alam ko na secretary ka talaga ni Don Marteo, right. Maganda iyon. Pwede mong ipaalam kay Don Marteo ang mapag-uusapan natin," wika ni Josephine. Tumingin siya kay Jared at ngumisi.
Bahadya akong napakunot-noo. Tungkol saan naman ang pinag-uusapan nila?
"So!" Ani Josephine in high pitch tone. Excited siya at si Janine naman ay hindi rin mawala ang ngiti sa labi.
Sinulyapan ko si Jared. Blanko lang ang face expression niya. Tila malalim ang iniisip.
"Let's talk about the details," ani Josephine atsaka tumingin sa akin. "Hija, maupo ka. Matagal ang usapan na ito."
"Ah, okay po," agad naman akong sumunod. Naupo ako sa kaharapan nila na sofa.
Nagkatinginan kami ni Jared. Parang hindi niya nagustuhan ang pagsunod ko pero mukhang maganda ang pag-uusapan nila. I need to know.
"Katulad ng narinig mo kanina, Jared, gusto ko sana ng magarbong handaan pero dahil kulang na sa oras at malapit na ang share holder's meeting sumang-ayon na ako sa suggestion ng anak ko. Tama naman siya. Why prolonged the waiting, 'di ba?" mahabang litanya ni Josephine habang nakangisi.
"Hindi naman natin kailangan madaliin ang lahat," seryoso at malamig na wika ni Jared.
"Ano ka ba? We're not rushing anything," ani Josephine.
"Jared, dito din naman ang punta natin, eh," malambing na wika ni Janine. Nakaupo siya mas malapit kay Jared kaya nagawa nitong abutin ang kamay nito na nakapatong lamang sa arm rest ng inuupuan.
Lihim naman akong napapiksi buti na lang at hindi sila nakatingin sa akin.
"I think we need to discuss about this more," wika ni Jared saka siya tumingin kay Janine.
"Akala ko ba gusto mong maging President ng Almonte Shipping Company?" si Josephine.
May naramdaman akong kakaiba sa tono niya.
"May iba pa namang paraan," sagot ni Jared.
"It's going to be a simple civil wedding."
Napamaang ako sa narinig. Biglang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo.
Civil Wedding? Magpapakasal sila?
"Why is this sounds like a blackmail to me?" Sarcastic na wika ni Jared. Kita ko ang unti-unting pagbabago ng emosyon niya. Nagagalit na siya.
Obviously, it is blackmail. Gusto kong matawa sa nangyayari. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha ni Josephine. Kasi.... and kapal niya. She's threatening an Escaner Heir? Is she desperate?!
"I thought you understand my situation, Jared?" wika ni Janine na ikinapatingin ko naman sa kanya. Iyong kaninang malambing niyang boses ay nahaluan ng pain, nang pagmamakaawa.
"Janine, you know I simpatized you but this is beyond my will," makahulugang wika ni Jared sa dalaga.
"No, Jared, please...." humigpit ang hawak niya sa kamay ni Jared.
"No. I won't resort to your proposal," matigas na wika ni Jared tapos ay tumingin sa akin.
"Tsk. I didn't expect this," wika ni Josephine. Tinapunan niya ng masamang tingin si Jared. "Akala ko matalino ka," tumayo siya at maarteng isinukbit sa balikat ang mamahalin niyang bag.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Tara na Janine," wika niya.
"No, Mommy! I won't leave!" naiiyak na wika ni Janine. "Jared, don't do this to me. You know I love you."
"This is not what I expected from you too, Janine," he said.
Hinawakan ni Josephine ang anak sa braso nito at hinila patayo pero hindi nagpatinag ang huli sa pwesto. "Halika na!"
"Ayoko, Mommy!" she screamed.
Nagulat kami sa sunod na nangyari.
Biglang bumagsak sa sahig si Janine at nawalan ng malay. Tumili ng malakas si Josephine sa nakita at ako naman ay agad na napatayo. Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakakilos. Si Jared naman ay agad-agad na dinaluhan ang walang malay na dalaga.
"Janine? Wake up! Wake up!" Boses ni Jared.
"Oh, my God! Janine!!!" hysterical na sigaw ni Josephine at dinaluhan na rin ang anak.
"Call the ambulance!" sigaw sa akin ni Jared.
Saka lang ako nahimasmasan at agad tumango. I grab my phone and dial the emergency number.
"Kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko. Magbabayad ka ng malaki Escaner!" sigaw ni Josephine.
Hindi siya pinansin ng binata. Binuhat na ni Jared si Janine at mabilis na itinakbo palabas.
*****