Page 22
*****
Nakasunod lang ang tingin ko sa papalayong ambulansya habang ang iba sa paligid ay nagbubulungan sa kung ano ang nangyari.
Janine Almonte collapsed at sa harapan pa ni Jared.
"Halah! Anong nangyari?" Kahit si Yvette ay panay ang tanong sa akin pero wala akong maisagot kasi honestly speaking, hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. Nag-panic talaga kami.
"Hindi ko din alam," natutulala kong sagot kay Yvette.
*****
"Janine is sick?" gulat na react ni Rian nang magkita-kita kaming tatlo ng gabing iyon.
Nasa isang restaurant kaming tatlo.
I used my connection, nagpunta ako sa ospital kung nasaan si Janine ngayon at nalaman ko ang dahilan ng kanyang pag-collapse kanina.
Major Depression. She is over-fatigue and had history of drug addiction pala. Nalaman ko na nadala na pala siya sa rehabilitation dahil sa kanyang addiction pero ng medyo umayos na ang kondisyon niya at bumalik sa pangangalaga ng kanyang ina ay naging depressed naman ito at makailang beses na nagtangkang mag-suicide.
But all the news about this are blocked. Gawa ng kanyang mga abogado at syempre ng kanyang ina na si Josephine. Napaka-husay nga nilang mag ina dahil wala talagang nakakaalam ng kondisyon niya.
"Karma is finally after them na," wika ni Seri.
"Ang hindi maganda ay ginagamit ng mag-ina ang sakit niya para mapasunod si Jared. Oh, my poor Jared. I can't believe he has such a soft heart," ani Rian.
Napabuga ako ng hangin.
"Bakit ang lalim ng buntong hininga mo?" tanong sa akin ni Seri.
Napatingin ako sa kanya then kay Rian, "Ano lang. Parang hindi lang kasi fair yung ginagawa nila."
"Tama ka. Hindi nga fair," segunda kaagad ni Rian.
"Kahit sino naman ang makaalam ng totoong sitwasyon ay iisiping hindi 'yun fair. Kasi hindi talaga fair," wika ni Seri.
"They are using the same tactics like what they did to my father. Nagpapanggap silang kaawa-awa. Though nakakaawa naman talaga si Janine dahil may sakit siya, but then, hindi dapat ganun. Kailangan na matapos ang hindi magagandang ginagawa ng mag-ina na iyon."
"Tama ka diyan," sang ayon naman ni Rian.
"Talaga ba?" si Seri.
Kunot-noo ko siyang tinignan, "Huh?"
"Talaga bang gusto mo lang na matapos na ang pagre-reyna reynahan ng dalawang iyon or you are just trying to save someone?" makahulugang wika niya.
"Hey! Anong ibig sabiihin noon?" react ni Rian sabay titig sa akin. "Sandali... Are you having an affair with my Jared?"
"Huh?" hindi naman ako nakaimik agad.
"Ang hina mo namang maka-pick up," sita ni Seri kay Rian. "Nakita mo naman kung paanong din-drag ni Jared paalis ng pub si Nielle kagabi, 'di ba?"
"What? Akala ko wala lang yun, eh."
Bahadya akong natawa, "Seryoso Rian?"
Sumimangot naman siya, "Hindi ko nga alam."
Nailing ako at natawa naman si Seri.
"There's a reason why you are still single," ani Seri.
"I like being single," sagot naman ni Rian, "Kung ganun. Ekis na pala sa Papa-list ko si Jared." Tumingin kuno siya sa malayo at nag erase-erase gesture sa kamay, "Goodbye. Annyeong. So long."
"Sira," halos sabay naming react ni Seri.
"Balik tayo sa topic," wika ni Seri, "Ano ng plano mo?"
"Hmm.... Nag-iisip din ako, eh. It is still gonna depend on what Jared will do."
"Paano nga kung tumanggi siya sa gusto no'ng mag-ina. For sure hindi na niya makukuha ang President's position ng kumpanya."
Tumango-tango ako.
Nagpalitan kami ng tingin na tatlo at ng wala na kaming maisip na solusyon ay kumain na muna kami mayamaya pa ay....
"Sa tingin ko, hindi ka na maaawa kay Janine kapag nabasa mo ito," wika ni Seri na ikinapatigil namin ni Rian sa pagkain. Inabot niya sa akin ang kanyang cellphone.
Napaawang labi ako sa nabasa, then kinuha ni Rian ang phone at siya naman ang nagbasa.
"Is this real? Pinapalabas nila na buntis siya at si Jared ang ama?" hindi makapaniwalang sabi ni Rian.
Nagpalitan kami ng tingin na tatlo. Ngayon. Talagang hindi na tama ang ginagawa nila.
*****
"WHAT IS THIS?!"
Galit na ibinalibag ni Don Marteo ang hawak na d'yaryo sa isang sulok ng kanyang study room.
Mabigat akong napabuntonghininga.
"Sinabi ko ng ayoko na ng eskandalo! Pero ano ito?"
"Ayon po sa source ko, Janine is suffering depression and suicidal ideation. Pinapalabas lang po nila na kaya siya nag-collapse ay dahil sa ibang dahilan."
"That she is pregnant with my grandson? Tsk. Ang lakas ng loob nila!"
Nagbaba na lamang ako ng tingin.
"Hindi talaga maganda ang karakas ng mag-ina na iyan," madiin na wika ni Don Marteo. "Do something about this."
Hindi ko alam kung kaya ko bang ayusin ang nangyayari lalo na at walang comment si Jared sa issue. Mahirap para sa kanya ang magsalita. Alam ko. Dahil malalagay sa alanganin ang sarili niyang pangalan at position ano man ang maging komento niya.
But I need to do something. Atleast.
Nang dumating ako sa office building ay dama ko ang kakaibang awra sa paligid. Kalat na ang balita tungkol kay Janine at ang iniisip ng lahat ay Jared ang ama ng dinadala nito. Nakakatawa na sa sobrang bilis na kumalat ng balita dahil sa social media ay hindi man lang inaalam ng marami kung totoo ba ito o hindi. They just believe all what is fed to them by the social media.
"Good morning," bati ko kay Yvette pagkadating ko sa opisina.
"Good morning," pero latang lata naman siya sa pagbati. Mukhang affected din siya sa mga balita.
"Nand'yan na si Sir Jared?"
Tumango siya, "Oo. Kanina pa."
"Okay."
Tahimik akong pumasok sa loob ng opisina ni Jared. Naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang upuan, nakatuon ang buong atensyon sa kung anoman ang nasa kanyang mesa. Ni hindi niya ako tinignan ng bumati ako.
Lumapit ako sa kanyang mesa at tumayo sa harap.
"Anong kailangan mo?" Hindi nag aangat ng tingin na wika niya.
"Anong ginagawa mo?"
Mabigat na napabuga siya ng hangin tapos ay tumingin sa kin. "Humahanap ako ng paraan para maiayos ang lahat."
"Bukas na ang share holder's meeting. Sa tingin mo may magagawa ka pa?"
Sarkastiko siyang natawa, "Iniinsulto mo ba ako?"
"Sinasabi ko lang ang totoo."
"Kung ganun. May naiisip ka ba na paraan?"
Hindi naman ako umimik.
"Wala din, hindi ba? Kung wala din naman pwede bang huwag mo na lang akong guluhin muna?" pagalit niyang wika.
"You know what?" mahinahong wika ko.
Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako ng masama.
"There's no use of dealing over spilled milk. Kung gusto mo, pakasalan mo na lang si Janine," I sarcastically smiled at him.
Agad namula ang kanyang tenga sa galit, "Iyan ba ang gusto mong mangyari? Why? To get away from me? Not even a chance."
Napabuga ako ng hangin at umiling, "Tiwala pa rin akong makukuha mo ang position. You just have to trust yourself. "
Nakita ko na natigilan siya. Siguro hindi niya iyon inaasahan mula sa akin pero I just said what I need to.
Tinalikuran ko na siya at pumunta sa pwesto ko. I tried to be busy. Wala pang isang oras ay biglang tumayo si Jared at lumapit sa desk ko. Nagtatakang tinitigan ko siya.
"Come with me," aniya saka humakbang papalabas ng office.
Sinundan ko muna siya ng tingin bago tumayo.
Tahimik kaming lumulan ng elevator hanggang makababa ito ng basement parking. Hanggang sa kotse niya at umalis kami ay tahimik kami.
Nakatingin ako sa labas ng kotse hanggang sa mapansin ko na papalabas kami ng Metro saka lang ako nagkalakas ng loob na magtanong.
"Saan tayo pupunta?" nilingon ko siya.
Napabuga siya ng hangin, "Kinidnap na kita."
"May kinikidnap palang ipinapaalam nang kidnapper?" Poker face kong wika.
Bahadya siyang nangiti, "Paano kung kidnap nga talaga ito?"
"Wala ka namang mapapala sa akin."
"I did. I already did," inilahad niya ang isang palad sa harap ko.
"Ano yan?" napakunot noo ako.
"Give me your hand," aniya.
Alanganin kong ipinatong ang kaliwa kong kamay sa palad niya. Mahigpit naman niya iyong hinawakan at ibinaba na. Pero hindi na niya binitiwan ang kamay ko.
Sandali ko siyang tinitigan, "Anong ginagawa mo?"
"Wala ka ba talagang experience sa pakikipag-date?"
Tumingin ako sa daan, "Nakipag-date naman ako."
"Was he your first?" Makahulugan niyang tanong na na-gets ko naman.
"Marami na akong naka-date," walang anumang wika ko.
He chuckled lightly, "I didn't expect that."
"Pero isa lang ang naka-all the way," lumingon ako kaagad para makita ang reaksyon niya.
Mabilis niya akong sinulyapan, "Alam mo, ibang iba ka sa office at sa personal."
Napangisi lang ako ng konti. It was my disguise. You can't let your left hand know what your right hand did.
"So pang-ilan mo naman ako?" aniya na may konting lungkot sa tono.
"Hindi ka dapat nagtatanong kung sasama din naman ang loob mo kapag sinagot ka."
Bahadya siyang natawa.
"Atsaka.... kung tutuosin, ikaw nga ang nakarami na."
"Okay. Okay. I won't argue to do that anymore," nakatawa niyang sabi.
Napaismid lang ako at umayos ng upo.
"But I think you should know that wala na akong ibang ka-fling since nag-start kang magtrabaho sa akin. "
"Liar."
"I mean it."
"Liar."
Napabuga siya ng hangin, "Bahala ka kung ayaw mong maniwala."
"Hindi ba talaga ikaw ang ama ng dinadala ni Janine?"
"Seriously, Nielle?! Do you believe that humor? Of course not!" Halata ang amusement sa tono niya.
Natawa naman ako ng tuluyan.
"Wala ka talagang tiwala sa akin," naiiling niyang wika.
"Sorry. I'm just asking."
"Tsk. Tsk."
Nakarating kami sa isang kilalang restaurant kung saan overviewing ang isang maganda at sikat na bulkan. Nakisama din sa amin ang panahon dahil medyo malamig noon pero maaliwalas naman ang langit.
We had our lunch there. Then naghanap kami ng magandang lugar para mag-kape.
"What if I failed the voting tomorrow?" Wika ni Jared habang nakatingin kami sa malayo.
"Sa tingin mo?"
"Ayokong isipin but just in case? Mananatili ka pa rin ba sa akin?" he seriously asked.
"Bilang secretary mo? Nope. Kasi kay Don Marteo talaga ako naka-employed."
"Grabe ka talaga."
"Totoo naman," bahadya akong natawa.
Muli siyang nag-isip sandali.
"Will you still date me?"
"Depende."
"Depende saan?"
"Depende sa mangyayari," tinignan ko ang napaka-gwapo niyang mukha. Hindi ko talaga in-expect na makakasama ko siya ng ganito. Parang noong nag-umpisa kami bilang boss-secretary ay lagi kaming nagtatalo sa hindi ko na nga maalalang mga dahilan.
Matiim niya akong tinitigan panandali then he gently caressed my face, "I love you," he softly said.
Hindi ko inaasahan iyon. Bumilis ang pintig ng puso ko at dumaloy ang kilabot sa buo kong katawan. I feel his sincerity. I feel his feelings. It's true and warm. Para akong kinukurot ng guilt. Gusto ko siyang halikan at yakapin pero pinigilan ko. Sobrang pigil sa sarili.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya na may matipid na ngiti sa labi.
"Umuwi na tayo," akmang iiwan ko na siya roon pero mabilis niya akong hinawakan sa palapulsuhan para mapigilan.
"Please, Annielle. I really mean it."
"Ayusin muna natin ang mga dapat ayusin," seryoso kong wika.
"Nielle?" may pagmamakaawang tono na aniya.
"Napaka-komplikado ng nangyayari. Hindi kasi ito 'yung tamang panahon."
"Then, when all is good, will you come to me?"
Hindi naman ako nakaimik.
"I'm afraid you won't. I know you won't," mabigat sa loob niyang wika. "Here I am, pouring all my feelings for you but still you won't even give me a slight of hope."
"Jared...."
"Whatever the result tomorrow, I will tell Lolo about us."
"No please, no. Hindi na kailangan," wika ko, "Kasi wala namang magbabago."
Para naman siyang nanlumo sa sagot ko. Nalungkot din ako pero... it was the best thing to do.
Madilim na nang makabalik kami sa siyudad. Sa basement office kami nagpasya na maghiwalay. Naroon din kasi ang kotse ko at nasa office pa ang gamit ko. Kinuha ko muna ang bag ko.
Nag-paalam na ako kay Jared habang nasa sasakyan niya pa kami pero hindi ko inakala na sasamahan niya pa ako sa pagkuha ng bag ko at ihahatid pa sa sarili kong sasakyan.
"I can manage alone, Jared. Umuwi ka na rin. You need a good rest," sabi ko ng lingunin ko siya.
"Magkikita tayo bukas, hindi ba?" seryosong wika niya na hindi nag-aalis ng titig sa akin.
Bahadya akong nangiti, "Oo. Sekretarya mo pa rin naman ako."
Humakbang siyang palapit. Kinorner ako sa pinto ng aking kotse. Dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha papunta sa akin at dinampian ako ng magaan na halik sa labi.
Sandali lamang iyon pero boltaheng kuryente na ang dulot sa akin.
"Mag-ingat ka sa pag drive," mahina pero sapat na boses niyang wika.
"Ikaw din," I warmly smile to him.
"WHAT THE F*CK!!" Biglang may sumigaw mula kung saan.
Sabay kaming napalingon ni Jared sa pinanggalingan noon at laking gulat namin ng makita si Janine. Pulang pula ang mukha nito sa galit habang nakatingin sa amin.
"Janine? What are you doing here?" umakma si Jared na lalapitan si Janine pero mabilis na nakalapit sa amin ang huli.
Nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Mabilis kasi nitong hinaklit ang buhok ko! Kung kailan hindi na ako nagsusuot ng wig.
"JANINE?!!" Sigaw ni Jared.
"ARAY!!!" Sigaw ko.
"Walang hiya ka! Ikaw pala! Ikaw pala ang dahilan!!! Malandi kang babae ka!!! You're a b*tch!!!!" Sigaw-tili ni Janine habang sinasabunutan ako.
Mangiyak ngiyak ako sa sakit ng sabunot niya.
Inabot ko rin ang buhok niya at sinabunot din siya, "Ikaw ang B*tch!! Tang*na mo!!! Aaaahhh!!!"
"Aaaahhh!!!!" Tili ni Janine dahil nasaktan na rin sa pananabunot ko.
"Tumigil kayo!!" Sinubukan ni Jared na pumagitan sa amin. Yumakap siya sa baywang ko pilit akong nilalayo kay Janine. Pero kapag ginagawa niya iyon ay nahihila lalo ni Janine ang buhok. Lalo akong napapasigaw sa sakit.
Mabuti na lang at lumabas iyong driver na kasama ni Janine at ito ang humila sa baliw na babae papalayo.
"Mga manloloko kayo!!!! Aaaaahhh!!!!" Sigaw ni Janine habang pilit siyang pinapasakay sa kotse.
Mahigpit naman akong niyakap ni Jared.
Ngayon talagang hindi na makukuha ni Jared ang boto ng mga Almonte.
*****