Page 23
Turning Point
*****
(JARED's POV)
I WAS seated on the right corner of the conference hall. Ang tahimik ng karamihan. Nakaupo kami sa harap ng ilang pahabang conference table na iniayos na paikot para magkasya ang lahat. May mga nag-uusap naman pero pabulong lang halos. I briefly scan those around me.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.
I think I'll have enough vote to win the Presidency. Napatingin ako sa oras sa suot kong wrist watch.
Why isn't she here?
I thought Nielle will be beside me today. She promised me.
May nangyari ba sa kanya habang papunta dito? Hindi rin siya sumasagot sa mga text messages ko. Why?
Nang tumuntong ang takdang oras ay tumayo na ang presiding officer nang gaganapin na botohan. He introduced himself then acknowledge the presence of Janine and Josephine Almonte.
Janine was also one of the candidate for the Presidential position.
Nakaupo ang mag-ina sa katapat ko na pwesto. Janine was staring at me intently earlier but I ignored her. Alam ko na galit siya pero wala na akong magagawa. Mas mainam na nga iyon na alam niya ang totoo.
Napatingin ako bigla sa kabilang dulo ng mesa nina Janine at hindi ko maiwasang ma-bad trip na naman. It was Attorney Allen de Silva. I saw him entered the hall earlier also. The guts of that man to show his face to me!
After minutes of introductions and greetings, he then introduced the candidates for the President's position. They were me, Janine and another CEO. Then the officer finally opened the voting. Bago pa man pumasok ng hall kanina ay binigyan na kami ng piece of paper where we should write our vote. Isa isang tumayo ang mga naroroon at nagsihulog ng kanilang mga boto. It was like a traditional voting process iyon nga lang ay may percentage of voting depende sa kung gaano kalaki ang shares sa kumpanya. But having more shares won't secure the position, dapat, marami pa rin ang votes.
After long hours of waiting ay nag-announce ng one hour break ang presiding officer. That is to give them enough time to tally all the votes.
Tumayo na muna ako at humakbang papunta sana sa pintuan palabas. Nielle is still not around. Nag-aalala na ako. Pero hindi pa ako nakakalayo sa upuan ay sinalubong na ako ni Janine.
"Hi, Jared?" binati niya ako pero halata naman sa tono na galit ito.
Pilit akong ngumiti, "Hi, Janine. I see your looking fine now." As usual, she is well groomed today just like her mother but a little exaggerated.
"Lalabas ka ba? I must suggest na huwag na. Alam mo, maraming naghihintay na media sa labas. You know, just saying." She bitterly smiled.
"Salamat sa concern," I said.
Natawa siya ng pagak, "I didn't say that out of concern!"
Bahadya akong nagkibit-balikat.
"Hindi mo yata kasama ang sekretarya mo? Ah, wait! It's not the term. Your kalaguyo pala."
Lihim akong napabuga ng hangin. "Don't say bad words about her. I won't tolerate it," medyo mahina kong wika pero mariin.
"What? Why? You don't want others to hear that you are dating your secretary?" she sarcastically laughed.
Napailing naman ako. Hindi ko siya pwedeng patulan dahil galit siya. Atsaka, she's still a woman.
"Grabe naman kasi, Jared. Hahanap ka lang ng babaeng pampalipas oras, 'yung secretary mo pa. Hindi ka man lang nandiri?"
Napapiksi ako sa narinig, "You're way out of your line, Janine!"
"Bakit? Don't tell me you're serious of her?"
"Shut your mouth," babala ko sa kanya.
Nanlisik naman ang mga mata niya sa galit. "You won't have the company. Hanggang narito ako, you won't have it. Unless, magbago ang isip mo at pakasalan mo ako."
"That won't happen," madiin kong sagot.
Nakakaloko siyang tumawa, "Why? Confident ka ba na ikaw ang mananalo ngayon? Umasa ka sa wala." Bigla niya akong tinalikuran at humakbang palayo.
Kung hindi lang siya babae ay baka nasakal ko na siya sa galit but then alam ko na hindi ko 'yun magagawa.
Nasaan na ba siya?
I tried to call Nielle several times pero hindi siya sumasagot. Nagri-ring naman ang phone niya pero wala talaga. Kahit ang mga messages ko ay ini-ignore niya lang. Why?
Hindi na natuloy ang paglabas ko sana kasi nga sinabi ni Janine na may mga media sa labas. Ayaw ko naman na pagkaguluhan na naman. Tsk. This is frustrating!
Makalipas ang oras ng break ay naupo na muli ang mga naroroon sa kanikanilang upuan. Napilitan na rin ako na maupo uli.
"We'll be reading the result now," wika ng presiding officer.
Lihim akong bumuntonghininga. I must admit to myself, kinakabahan din ako. Hindi kasi ako sure sa mga taong nasa paligid ko.
"With a total votes of 60%, the next President of Almonte Shipping Company is no other than," tila binitin pa ng presiding officer ang announcement saka ito tumingin sa gawi ng nagwagi, "Ms. Janine Almonte."
The f*ck!
Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Janine na ngayon ay tuwang tuwa na. Tumayo siya at nagpapasalamat sa lahat. Ngising ngisi din ang kanyang Ina na panay ang palakpak sa tabi nito. Nakita ko rin ang ginawa nitong pagsulyap sa akin at ang matalim na irap na ibinigay nito pagkatapos.
D*mnit! They're just a tandem of snakes.
Natigil lang ang pagsasaya nila nang may isang nagtaas ng kanyang kamay na umagaw sa pansin ng lahat.
Bahadya akong napakunot-noo at napatingin din sa taong iyon. It was Attorney Allen de Silva.
"Yes, Attorney De Silva?" Binigyan pansin naman siya ng presiding officer.
"Ano naman ang reklamo mo?" galit na wika ni Janine, losing her formalities.
Bahadyang ngumisi rito si Attorney Allen, "I just wanted to raise my concern about you being the next President of the company."
"At ano naman ang concern mo, ha?" inis na wika ni Janine.
Nagkibit-balikat si Allen at humalukipkip, "Just recently ay isinugod ka sa ospital, alam ng lahat 'yan. You said you are having a baby."
Natigilan naman sandali si Janine, "So?"
Biglang tumayo si Josephine, "Yes. Eh, ano naman kung buntis nga siya. Hindi naman iyon magiging problema sa pagmamalakad ng kumpanya?"
Tumango naman si Allen, "In someways, hindi nga. My main concern is her mental health. Of course alam nating lahat na hindi biro ang pagbubuntis. May I also add, according to our source, that you are suffering Major Depression. So how can you handle a big company like the Almonte?"
"Magaling na ako!" pasigaw na wika ni Janine.
Nagbulong bulungan ang mga naroon.
Napahalukipkip ako at sumandal sa sandalan ng upuan ko. This is interesting.
"Where's your proof?" hamon dito ni Allen. "Nakakalimutan niyo rin yata na isa sa Company Internal Rules na dapat ang magiging Presidente ng kumpanya ay physically and mentally fit."
"So what are you trying to suggest?" wika ng isa sa board member.
"Since the voting is already concluded and that Ms. Almonte won the position. I suggest that she must step down from the position and give it to the most competent candidate."
"Nagpapatawa ka ba?" Hindi na napigilan ni Janine ang emosyon niya. "Hindi pa nga ako nakakaupo ay gusto mo na akong bumaba sa position?"
"Yes. Iyon nga ang ibig kong sabihin. O baka gusto mong ibigay ang position sa mas nararapat?"
"May iba pa bang dapat na mamahala sa Almonte Shipping?" tanong ng kung sino sa board of members.
"Meron," sagot kaagad ni Allen. "Don Almario's legitimate daughter."
Napaderetso ako ng upo sa narinig.
No. It can't be.
"Almario's legitimate daughter is alive?" Someone in the crowd exclaimed. Nagkaroon ng bulong bulungan sa buong hall.
"That can't be!" Pagalit na reaksyon ni Josephine. "She's already dead."
"Says who?" sarcastic na wika ni Allen. "Then how can a dead person be here?"
"Nagsisinungaling ka lang," wika ni Janine tapos ay bumaling siya sa kanyang Ina. "Mommy, is he saying the truth?"
Parang iisang tao kaming napalingon sa biglang nagbukas na pinto ng conference hall. Isang magandang dalaga ang pumasok at hindi ko mapigilan ang sariling mapanganga habang nakatingin sa kanya.
She is wearing a formal black office attire, nakalugay ang deretso at highlighted niyang buhok, her curves are screaming perfection. She was stunningly beautiful in her simple but elegant make-up face.
In a moment, I almost didn't recognize her. But my heart started to summersault in place acknowledging her. My heart. My woman.
Nawala lamang ang excitement na nadarama ko ng makita kong tumayo si Allen at sinalubong ang Reyna ko.
"Ladies and gentleman, may I introduced the true and legitimate heir of the Almonte Shipping Company. Ms. Francesca Almonte." Nakangiting wika ni Allen.
Annielle?
*****