Page 24

1323 Words
Page 24 ***** (ANNIELLE's POV) Two days before the meeting. "GOOD morning." Napatitig ako sa kanyang mukha ng ilang sandali bago matipid na ngumiti, "Good morning. " Naupo ako sa katapatan niya na upuan. "I hope you had a good night sleep," aniya bago sumimsim sa tasa ng kape na nasa harap niya, "Coffee?" "I will," matipid kong sagot saka ko sinenyasan ang waiter at um-order ng coffee latte. I am not fond of brewed coffee, mas gusto ko pa rin iyong may halong konting gatas at sugar. Habang hinihintay ko ang order ay inilapag naman niya sa gilid ng mesa ang isang long brown envelope. Napatingin muna ako roon bago kinuha at binuksan. "Are you sure you're doing this? Sayang naman," aniya. "Okay lang kasi matagal ko naman iyong balak." Pinasadahan ko ng basa ang mga dokumentong ibinigay niya sa akin. "I just wanna make sure that Jared will get the majority of the votes." "I see," napatango siya. Sandaling natigil ang pag-uusap namin ng dumating ang waiter at inilapag ang order ko. Umalis din naman ito agad. "Sigurado naman na makukuha niya ang posisyon. Sa laki ba naman ng share na binenta mo," nakangising aniya, "Gusto ko lang malaman. Bakit si Jared?" Tinignan ko siyang muli. "I mean.... if you wanted, you can be the President, mas may karapatan ka, hindi ba?" Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi. "Ano naman ang alam ko sa pamamalakad sa kumpanyang 'ni hindi ko naitungtong ang mga paa ko?" Napatiim siya ng labi at walang nasabi. "I will be just a burden. Kawawa ang mga empleyadong doon umaasa," huminga ako ng malalim. "You think he is worthy?" "He is an Escaner Heir," seryoso kong sagot, "Wala ng ibang dahilan. Malaki ang utang na loob ko sa mga Escaner. Lalo na kay Don Marteo. This is my payment." Bahadyang nagsalubong ang kanyang mga kilay sa pagtataka, "Hindi ko alam kung paanong malaki ang utang na loob mo sa kanila pero nagtitiwala naman ako sa desisyon mo. Ganoon din si Madame Felicia. Kaya nga hindi siya nagdalawang isip na bilhin ang shares mo nang sabihin mo na kailangan mo. But just to let you know, binigyan ka pa rin niya ng karapatan sa shares na binenta mo. Hindi ka pa rin mawawala sa Almonte Shipping." Bahadya akong natigilan. "She just want to meet you again," nakangiting wika niya. Nagkibit balikat ako, "Pag-iisipan ko." Bahadya siyang natawa, "Come on, don't be too hard on her." I wasn't. Hindi lang talaga madali sa akin ang lahat. Biglang napatingin ako sa gilid ng kanyang labi na may maliit na sugat, "Pasensya ka na pala sa nangyari noong nakaraang gabi." "Ah, eto ba?" napangisi naman ito, "Hindi okay pero wala naman akong magagawa. He caught me off guard. Hindi ko in-expect na napaka war-freak pala ng boyfriend mo." Napaismid ako, "Hindi ko siya boyfriend." "Talaga ba? Parang hindi 'yan ang nakita ko," saka siya tumawa na nang-aasar. "Pasensya ka na talaga, Allen. Kasalanan ko din 'yun." "Sa akin, abswelto ka na. Pero yung jowa mo. Hindi pa," saka siya napailing. "Hindi nga kasi----" "Whatever!" natatawa niyang sansala sa sasabihin ko sabay angat ng kanyang tasa at nakipag-toast sa hangin. Hindi na nawala ang ngisi niya. Napabuga naman ako ng hangin. THE ALMONTE Shipping Company Share Holder's Meeting finally came. Mataman akong nakatingin sa wala habang nakaupo sa loob ng isang office. Hindi iyon kasing laki at lawak ng opisina si Jared pero komportable naman ang ambiance ng paligid. Somewhere in the building ay nagaganap ang botohan para sa susunod na Presidente ng Almonte Shipping Company. Kinakabahan ako pero hinahanda ko na ang isip ko sa mga posibleng resulta nito. Last night Janine caught us together. Kami ni Jared. And I know that she is not pleased about that. Siguradong hindi papayag ang kanyang Ina na walang gawin laban kay Jared. They can't hurt him though. Pero kaya nila siyang sirain kahit walang basehan. Malalim akong bumuntonghininga. Isinandal ko ang aking likod sa sofa na kinauupuan at mariing pumikit. Everything will work out well. I just have to believe it. A few minutes later, nag-ring ang aking cellphone. Mataman kong tinitigan ang screen niyon pagdaka. Tumatawag si Jared. Pero hindi ko iyon sinagot. He called two times more pero I ignored it all. Then a different name appeared on my cellphone screen. Si Allen. I hesitantly answered his call. Mariin akong napapikit ng marinig ang sinasabi ni Allen sa kabilang linya. I knew it would happen pero umasa ako na hindi. Now, I have to step in. Not as Jared's secretary nor Don Marteo's but as an Almonte. Because in the end of it all, I am Francesca Almonte. The only and legit heir of the late Almario Almonte of the Almonte Shipping Company. ***** Tahimik akong nakatingin sa gawi nina Janine at Josephine. Hindi ko maipaliwanag ang itsura nila ngayon. Gusto kong picturan ang mga mukha nila because it is just so epic. Grabe. "We'll have to re-schedule the voting for President of the company then," wika ng isa sa matandang board member na naroon sa conference hall. "Tama," segunda ng katabi nito na babae. "We have to decide again because the true heir is already here." "Bakit? Bakit ire-re-schedule? I already won the voting?" Histerical na wika ni Janine. I can see frustration in her face. Kulang na lang ay maglumpasay siya diyan at magwala. Nice. That's what I like it. Pinigil ko lang ang sarili ko na mapangiti sa nakikita pero, God, this is so memorable. "Oo nga!" Kita ko pa rin ang gulat sa mukha ni Josephine habang nakatingin sa akin. "My daughter is the President of the company now." "Pero narito na ang tunay na tagapagmana ng kumpanya. Dapat lang na makasama siya sa pagpipilian bilang sunod na President," opinyon ng isa sa board member. Nagsitanguan naman ang iba at sumang-ayon. "Ano naman ang alam niya sa pamamahala sa kumpanya?" wika ni Josephine saka ako tinignan ng masama. "Ikaw! Huwag mong sabihin na pumunta ka dito para kunin ang kumpanya? Ang kapal naman ng mukha mo!" Lihim akong napapiksi sa sinabi niya. Walang hiya din talaga 'to. "Grabe naman po kayo," mapait akong ngumiti. "Parang hindi kayo natutuwa na malamang buhay pa naman ako. Akala ko ba pamilya tayo?" Parang umatras ang dila ni Josephine sa sinabi ko. Hindi siya nakapagsalita at tila namutla pa. Malungkot ko siyang tinitigan, "I have heard about my father's passing at kahit gusto kong umuwi para makita siya noon ay hindi ko magawa. Wala akong balak na kunin ang kumpanya. Tama po kayo, wala po akong alam sa pamamahala sa kumpanyang binuo at pinatatag ng aking ama. Pero nais kong maging bahagi ng meeting na ito dahil gusto kong masiguro na kung sino man ang susunod na mamamahala sa kumpanya, alam ko na aalagaan niya rin ito tulad ng ginawa ng aking namayapang ama." "I think it is just proper that we give France a chance to participate to this event," wika ni Allen. Napatingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng ngiti na may pakiki-simpatiya. Tumango at sumang-ayon naman ang karamihan sa naroon. "Hindi! Hindi pwede! Mommy?!" Mahigpit na napakapit si Janine sa braso ng kanyang Ina. Humihingi ng saklolo. "Kung sumasang-ayon ang lahat na ipagpaliban ang botohan ngayong araw, magtaas lamang po kayo ng kamay," wika ng presiding officer. Mabilis na nagsitaasan ng kamay ang higit sa kalahati sa mga board member na naroon. "Then, I acknowledge and forfeit all the votes today. Magpapatawag tayo muli ng another board member's meeting as soon as possible," he then hammered the gavel that is infront of him at umakma ng aalis. "Wait! This is not right! This is---" hindi na natapos ni Josephine ang sinasabi dahil isa-isa na ring nagsi-tayuan ang mga naroon. "Sandali lang! Wag muna kayong umalis. Ano ba?" pero wala nang pumansin sa kanya. Nagkatinginan kami ni Allen at lihim na nagpalitan ng tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD