Page 25

859 Words
Page 25 ***** Hanggang sa kami na lamang ang naiwan sa loob ng conference hall, ako, si Allen, si Janine at Josephine. "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito!" sigaw ni Josephine at umakmang mananakit sa akin pero agad na pumagitan si Allen. "Mrs. Almonte, calm your self first," mahinahong wika ni Allen. "Ikaw!" sabay duro niya kay Allen, "Pakealamero ka! Malamang utos sa 'yo 'yan ng mahusay mong amo, ano?" Bumuntonghininga ng malalim si Allen bago sumagot, "Ginawa ko lang po ang trabaho ko Mrs. Almonte. And I am here to protect Ms. France, kaya pasens'ya na po, I cannot tolerate any violence here." "Magsama kayong dalawa!" aniya kay Allen saka tumingin sa akin ng masama, "At ikaw!" Sabay duro din sa akin, "Hindi ko alam kung saang lupalop ka ng mundo nanggaling pero hindi ako papayag na makuha mo ang pamamahala sa kumpanya." Hindi naman ako umimik at tinitigan lamang siya. "Wala kang makukuha na kahit ano mula sa kumpanya, tandaan mo yan!" banta niya pa sa akin. Sarcastic naman akong natawa, "You think 'yon lang ang dahilan ng pagbabalik ko?" Napapiksi siya sa inis, "Sa tingin mo natatakot ako sa 'yo?" "Same here," deretso ko siyang tinitigan. Sandaling naglaban ang aming mga tingin. Nababasa ko sa mga mata niya sobrang galit. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako wala dito ngayon pero hindi ako takot sa kanya. Hindi na ako takot sa kanya so there's no room for running. No, not this time around. Hinawakan ko sa braso si Allen at tinanguhan. Umakma na kaming aalis ng bigla akong may maalala. "S'yangapala," muli ko siyang nilingon, "I'll see you around." Saka ko sila binigyan ng magandang ngiti. Magkapanabay kaming lumabas ng conference hall ni Allen. "Is it okay to leave them like that?" tanong ni Allen habang naglalakad kami. "Okay lang. Let them sulk in their own doings." "Kung sabagay," he then shrugged. "Let's have lunch before we leave." Tumango ako sa pagsang-ayon. Papasakay na sana kami ng kotse niya ng marinig ko ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. "Annielle?" Hindi ko kailangang lumingon dahil nakilala ko kaagad ang boses niya. Napahinto ako at lihim na bumuntong hininga. Natigilan din si Allen at napatitig panandali sa akin pero wala siyang sinabi. Naramdaman kong nakatayo na siya sa bandang likod ko kaya dahan-dahan akong lumingon. I tried to make my face blank as possible. "Pauwi ka na ba? Ako nang maghatid sa 'yo," wika ni Jared habang nakatitig sa mukha ko. Nilingon ko si Allen bago muling tumingin sa kanya, "Why would you do that? Do I know you?" Napaawang ang labi ni Jared sa pagkagulat. Biglang tumikhim si Allen na ikinapatingin ko. "He's Jared Escaner from M.E. Group of Companies, France," wika ni Allen in formal tone. "He's also one of the candidates for the President of the company." "Oh?" Kunwari ay gulat akong tumingin uli kay Jared. "Ganoon ba? It's nice to meet you," saka ko inilahad ang aking kamay para makipag-shake hands. Seryosong tinitigan ni Jared ang kamay ko pero hindi siya kumilos para tanggapin iyon. "Ahm, I'm Francesca Almonte," pakilala ko sa sarili. Muli niya akong tinignan sa mukha. I awkwardly take back my hand and smile, "I guess, hindi ka din masaya sa nangyaring meeting ngayon. I'm so sorry for making such scene." "You can stop acting now," biglang wika ni Jared. Tinapunan niya ng masamang tingin si Allen, "Is he ordering you to act like that?" Nagkatinginan kami ni Allen. "Im sorry, Mr. Escaner, but I think you are making a wrong judgement here," wika ni Allen. "Halika na," baling sa akin ni Jared at hinawakan muli ang kamay ko. Hinila niya ako ng marahan pero hindi ako nagpatinag. "Sandali lang," pigil ko sa kanya. "I'll take you home," wika niya pa. Umiling ako kaagad, "No. I'm coming with Allen." "Stop the b*llsh*t, Nielle!" Mariin at pagalit na ani Jared. Biglang nag-panic ang utak ko ng makita na lumabas mula sa elevator sina Janine at Josephine. Marahas kong hinawi ang kamay ni Jared na nakapigil sa akin. "I'm sorry but I won't," sabi ko. Nilingon ni Jared ang nasa likod niya then parang na-gets naman niya kung ano ang nangyayari sa akin. Umatras siya pagkaraan, "I'll call you later." Lumakad na siya patungo sa sariling sasakyan na halos nasa tabi lang ng sa amin. Nakita kong lumingon sa gawi ko sina Janine, tumayo lang kasi sila roon sa tapat ng elevator at hinintay na dumating ang kanilang sasakyan. Napabuga ako ng hangin at sumakay na rin sa kotse ni Allen gayon din ang ginawa ng huli. "You should have thought ways of how to deal with him," sinimulan ng paandarin ni Allen ang sasakyan. "Hindi ko alam na nandito pa siya." "Nakilala ka niya. Siguradong hindi ka niya tatantanan kahit pa iwasan mo siya." Mariin akong napapikit. Ayoko ng isipin ang mga maaaring mangyari. Pero tama si Allen, kailangan kong gumawa ng paraan para tigilan na ako ni Jared. Madali lang sana ang lahat kung hindi ako naging marupok sa kanya. Kung hindi ko sana hinayaan na mahaluan ng kung ano ang nasa pagitan naming dalawa. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD