Chapter 8
"Sino po sila?" Katok ng payat na guard sa bintana ng aking kotse.
Ngayong araw, i decided na ako na muna ang mag drive sa sarili ko, since marunong naman na ako,With the consent of my father of course. When he heard na kung sinong pupuntahan ko. Agad siyang pumayag.
Nang maibaba ang bintana, nginitian ko ng matamis ang kaharap.
"sino pong sadya mo ma'am?" I leaned over para makalapit ng kaunti sa kanya. He got out from his mini post and slightly rested his forearm on my opened window.
"Si kage po sana. Uhh?... Arguelles' residency?" ngiti ko ng malapad.
Matiim niya akong tiningnan at may inilabas na kung anong two-way radio sa kanyang bulsa. May mga sinabi siya dito na hindi ko masyadong naintindihan dahil lumayo-layo siya ng kaunti habang nakatalikod. Maya't-maya pa ay lumapit ulit siya sa akin.
"Ma'am. Base po sa guard nila, Wala pong tao ngayon sa kanilang bahay. Umalis daw ang mag-asawa at si sir kage daw po hindi din doon umuwi simula nung isang araw."
Nagtatakang ibinaba ko ang tingin. Saan naman kaya iyon pumunta? And then it struck me. Oo nga pala. May kaniyang condo siya. Baka doon umuwi? Doon ko nalang siguro puntahan?
I heaved a deep sigh nang ma realize na hindi ko pala alam kung anong address no'n o ang pangalan ng building man lang. Madilim na din kasi no'ng inuwi ako ni kage galing do'n kaya hindi ko nakita o na familiarize man lang ang daan.
"Okay lang po 'yon manong. Pupuntahan ko na lang ang katulong nila. I'm sure meron sila. May tatanungin lang po ako." I said politely as possible. Never leaving the smile on my face.
"Pahingi na lang po ako ng I.D mo ma'am" aniya na nagpawala ng ngiti ko. s**t! Mahina akong tumawa sabay kamot ng aking ulo.
"Uh..manong? Ang mga Arguelles po ba ang nag hire sayo dito? I mean, galing ka po ba sa agency nila?"
Nagtataka man ay sinagot pa din ako. "Yes ma'am. Sa katunayan po ay halos lahat ng mga guards ng bawat bahay, sa agency po nila galing"
"Impressive!" Tango-tango ko "Can i say that i really admire your work manong? Guards are the best! They provide us security and makes us feel secure! That's just...wow! How can you be so courageous? You guys really deserve our respect!" I raised a thumb.
Pero sadyang sanay na ata si manong sa mga pambobola sa kaniya dahil nagmistulang seryoso pa din ang mukha nito. Napabuntong-hininga na lamang ako sabay sandal sa upuan.
"Kasi ano manong...ano. Ano yung—yung ID ko? Nakalimutan ko kasi sa bahay. Hindi ba pwedeng papasukin niyo na lang ako? Sandali lang naman po ako eh. Sige na po manong. Importante lang talaga."
Tinaasan niya ako ng kilay sabay halukipkip.
"Ma'am, Exclusive villa po ito. Hindi ordinaryong subdivision lang. At hindi po mga ordinaryong tao ang sadya mo. Ako po ang mananagot kapag pinapasok kita." Tinuro niya ang malaking sign sa bintana ng guard house. "No ID, no entry policy po tayo ma'am. Pasensya na po." Aniya na parang kabisado na ang sasabihin.
Dahil sa sinabi, hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay.
"Manong. Fyi lang din ah? Hindi din naman ako ordinaryong tao lang. At alam po 'yon ng mga Arguelles. Go on, Call them! They can vouch for me."
"Pasensya na po talaga ma'am" aniya at tumalikod na.
"Manong! Sandali lang po!" Tawag ko bago pa siya tuluyang makapasok sa guard house.
"Ma'am! Bakit ba ang kulit nin—"
"Just so you know, I'm kage's fiancé manong guard."
Napaawang ang aking mga labi nang biglang umirap ang payatot na guard.
"Did you jus—"
"Ma'am, Inuulit ko po. Hindi po kita pwedeng papasukin. Naiintindihan mo ba iyon ma'am?"
"Pero manong...fiancé nga ako ni ka—"
"Ma'am. Hindi na po 'yan bago sa akin." Pagpuputol niya na nagpataas lalo ng kilay ko. "Pang-ilan ka na po sa nagke-claim na ganyan. Kesyo, fiance kayo ni sir kage. Kesyo, magkasintahan kayo at nag-away lang. Eh ma'am! Ang dami niyo na po e! Hindi ako binabayaran ng amo ko para mag explain at magtaboy sa inyo"
"A-anong sabi mo? Pakiulit?" I let out a cold chuckle.
"Ma'am..kung ako sa'yo. Maghanap ka na lang ng ibang lalaking mamahalin ka. Hindi yung ikaw ang naghahabol. May ibang taong mas karapat-dapat pa po sainyo ma'am. Lahat kayo...lahat kayong naghahabol kay sir kage! Maganda ka po ma'am. Sayang ang ganda ninyo.'Wag mong sayangin ang buhay at oras mo sa lalaking hindi ka gusto"
He speeched seriously making my mouth shape in an 'o'. Bahagya pa akong napasinghap ng tuluyan na nga niya akong tinalikuran. Nagmamadaling bumosena ako making him jump and glare at me.
"Manong, bakit ba ayaw mo maniwala? Fiancé nga ako ni kage! Fi-an-cé! At ano bang pinagsasabi mo diyan?! Do you mean maraming pumupuntang babae dito at ang sadya ay si kage? And they are all claiming that they are kage's fiancé? Since when!?" Hindi ko alam pero biglang uminit ang dugo ko.
"Since lumipat po sila dito ma'am." Nase stress na bumuntong hininga si manong. "Okay, ganito na lang ma'am ah? Teka, ano nga ulit ang pangalan mo ma'am?"
"Bakit manong? Type mo ko?" Biro ko ng nakasimangot, tinaasan niya lang lalo ako ng kilay. I sighed.
"It's zeph. Zephyrine" simangot ko.
"Okay ma'am zeph. Ganito na lang po. Bakit hindi mo 'ko pakitaan ng ebidensya na talagang fiancé po kayo ni sir. At kapag nakumbinsi ninyo ako, Papapasukin ko kayo."
Wala sa sariling napatingin ako sa aking daliri. Bahagyang napanguso ako na wala akong makitang singsing. I sighed deeply. Napansin ata yun ni manong kaya mataman niya ang tiningnan.
"Hulaan ko. Wala no? Kahit po singsing wala ma'am?"
"Wala!" Simangot ko.
"Edi hindi totoong may relasyon kayo ni sir." He gestured the side of the road. "Pakitabi na lang po ng sasakyan ninyo ma'am. Baka makaabala po kayo sa ibang dadaan"
"I'm not a fraud manong guard! Bakit hindi niyo tawagan ang mag-asawa? O di kaya si tita bianca na lang. She can vouch for me"
"Wala kayong number ng biyenan mo po?" Sarkastiko niya.
Inis na bumuntong hiniga ako. Hindi na ako nakipagbangayan pa, bagkus ay hinawakan ko na ang manibela at itatabi na sana ang sasakyan nang may narinig akong bumusinang sasakyan sa likod ko. Mas lalong nadagdagan ang inis ko dahil natataranta na nga ako sa pagyu u-turn ay hindi niya pa din tinigilan ang malakas na pagbusina.
Malakas na sinira ko ang pintuan ng kotse at padabog na naglakad papunta sa itim na BMW. Napatigil lamang nang lumabas doon ang isang sopestikadang babae na may galak sa kaniyang mukha.
"Oh my! Zephyrine sweetie, what are you doing here!" Tili niya at sinugod ako ng yakap.
"Tita, it's nice to see you again. Actually, you're just right on time" i said in relief.
May pagtataka na tiningnan niya ako.
"Why? What happened?"
Bago ko pa maibuka ang bibig ay lumapit na ang payatot na guard na may halong kaba at gulat sa kaniyang mukha.
"M-ma'am bianca!" balik-balik ang tingin nito sa amin. "M-magkakilala po kayo?"
"Yes lance, bakit?" Tita asked with a smile.
Napakamot siya sa kaniyang batok at mahinang tumawa. "Kung nagkataon, tama ba yung pahayag niya ma'am?" Nakangiwing binalingan niya ako. "Na magkasintahan sila ng anak ninyo?"
Nagagalak na tumawa si tita, tila nae enjoy na marinig sa ibang tao na tinawag kaming magkasintahan ng kaniyang anak.
"Yes...yes lance. Of course she is. She's pretty, isn't she? She and my son suites each other very well, indeed." Tango-tango niya. "Pero teka...paano mo naman nalaman 'yan?"
Hindi ako sure pero parang napansin ko ata ang biglaang pamumutla ng kaharap. Hindi siya agad nakapagsalita kaya hinawakan ko ang kamay ni tita bianca para mapabaling ang attensyon nito sa akin.
"It's just nothing tita. I just sort of told him about me and kage being a couple dahil akala ko na kapag sinabi ko sa kaniya ay papapasukin niya ako sa villa niyo"
"What do you mean hija? Hindi ka niya pinapasok? Teka...kung hindi, so kanina ka pa nandito?! Have you been waiting for a while already?" Nanlaki ang mga mata nito.
"No tita, no. It's actually my fault. No need to blame the poor guard. He's just doing his job." Bahagya kong tiningnan si manong at nginitian ko siya na may kasiguruhan which made him sigh in relief. "It was my fault since i didn't bring with me my identification card. Since first time ko lang pumunta dito, hindi ko naman alam na kailangan pa pala no'n"
"Oh dear, so that means kanina ka pa dito? Goodness! You might be exhausted since ang init-init. Alfonso!" Sigaw nito at tinagilid ang ulo sa sasakyan. Lumabas doon ang kaniyang asawa na pormal ang mukha. Nang makita ako ay bahagyang ngumiti siya at lumapit na din para yakapin ako.
"Hija, zephyrine, I didn't know you were coming, kung sana ay alam namin ay hindi na lang kami umalis."
"It's okay tito, it was my fault anyways since i decided to come here in such a short notice."
"Dearies...How about we continue our little chit-chat once we already have roofs over our heads. How's that sound? Good riddance! It's so hot outside!" Paypay nito sa sarili. "Zephy, mauna na ang sasakyan namin, you should tail off."
Mahinang tumawa naman ako at tumango na din. Pero bago tumalikod ay bumaling pa si tita sa kay manong na nandoon pa din sa kinatatayuan.
"Lance, please do include my future daughter in-law on your list of VIP guests. For my darling zephy, there's no need for an invitation card nor silly IDs!" She demanded bago matamis na bumaling sa akin at tumalikod na papuntang sasakyan.
I also, went to my car without a word. Pero bago tuluyang umalis ay ibinaba ko ang bintana ng aking kotse at kinuha ang isang styro sa back seat bago inabot iyon kay manong.
"Here manong guard. Enjoy!" I smiled.
"A-ano po ito ma'am? Ah-eh. Salamat po. Tsaka, pasensya na." nagtataka ay bahagya pa din siyang yumuko, tinanguan at nginitian ko na lamang siya at nag drive na paalis doon.
Once i entered their private villa, i can't help but admire the beautiful and modern houses built. Sobrang laki at elegante ng mga 'yon. Sa sobrang laki ay natutukoy ko na ang layo ng agwat ng bawat bahay. I can perfectly see them dahil instead of large walls and gates, maliit na fences na gawa sa bakal lang ang nakatayo doon which serves as their boundaries. Hindi ko naman sila masisi, siguro ang higpit din naman ng seguridad dito.
The car in front stopped kaya napatigil din ako. When i tilted my head sidewards, nakita ko ang isang napalaking at sopestikadang bahay. The house—no! the mansion screams elegance! Compared to the others, this house in front of me ay may malaking walls at gate but that doesn't stop me from seeing the whole mansion.
The grounds were elevated, making me see the glass surrounded infinity pool. The house's walls were not much of a secured one which i doubt dahil mas lamang doon ang glass kumpara sa concrete. But anywho, much of it were painted white and warm tanned color alternatively.
When i entered their premises, may nakita akong kalalakihan na nakasuot ng itim. Their outfits matched with those men na kasama ni kage nung sinalba niya ako laban sa mga kidnappers. Ngumuso ako nang maalala iyon. It took us minutes bago kami nakarating sa front door, hindi rin ako nagtaka dahil ang lapad ng bakuran nila. And i think i just saw a mini basketball court on the right side?
"Halika zeph, pasok ka. Come on." she gestured her hand for me to come in. "Manang? Manang!" Malakas na tawag niya. Her loud and thin voice echoed in every corners of their large house.
Dali-dali namang tumatakbo ang isang matandang babae papunta sa amin. In my estimation, she's in her mid 60s.
"Manang. Pakihanda nga po si zeph ng merienda. What do you want dear?"
"Anything po tita" bahagyang napatawa ako nang may maalala. "I mean not anything—anything. It's just uhm..kahit ano po. Kayo na po bahala"
Nagtatakang pinagmasdan nila akong dalawa pero agad ding binawi iyon. Nakita ko pa ang bahagyang paglapit ng matanda sa kay tita at bumulong dito kahit naririnig ko din naman.
"Siya ba 'yung zeph na..."
Kagat labing tumango-tango ang kausap. "Yes manang, she's kage's wife"
Bahagya naman akong namula sa anunsyo niya.
"Ang ganda! Ang ganda niya."
"Of course she is manang."
"Tiyak na maganda o pogi ang magiging apo mo nito bianca! Magaling!—magaling pumili" tumaas ang gilid ng labi nito.
Napaawang ang mga labi ko. Wala sa sariling napaturo ako sa sarili. Me? Getting pregnant? Bearing a child? Na-uh! At least not yet. Eh hindi pa nga kami kasal ni kage!
"About that uh...I don't think it's the ri—"
"O siya! Ako'y aalis na para makapaghanda na ng merienda ninyo." She glanced at me "nagagalak kitang makilala hija"
I was about to say likewise when she suddenly turned around and left.
"Oh well...enough with that. Dito tayo zeph" giniya niya ako sa mahabang upuan then she sat beside me with legs crossed like an elegant queen. "Don't worry, hindi ka maiinip dito ng masyadong matagal. I already called kage. He will be here in a jiffy."
"Po?"
"Isn't he the reason kaya ka pumunta dito? To see him?" Napadapo ang tingin niya sa dala kong paper bag. "What's that dear?"
Nahihiya kong pinakita sa kaniya ang laman at unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. She even clapped her hand ecstatically.
"Is that..." she made sure.
Dahan-dahan akong tumango.
"Yes tita. It's packed lunch...for kage. I made it myself. I'm not quite sure of it's taste though. Hindi kasi ako magaling sa kusina. At hindi ko na din natikman. Why don't you give a taste po? Just to make sure. I'd wager that your good at cooking." Ngiwi ko.
"Oh no! It's okay dear. It's fine. I'm sure it'll taste great"
"No tita, I insist. I just have to make sure na.."
"No sweetie. Hindi na kailangan. Besides, you cooked it with kage on your thoughts! I think it's just right na siya ang unang tumikim." She winked.
Wala naman akong magawa kundi magpaubaya na din.
"By the way tita. Hindi na pala umuuwi si kage dito? Not that i think of because he's at his legal age already and he has his own condo. I just want to know...since when?"
"Matagal na din. Simula nung..." natigilan siya at bahagya pa siyang umusog palapit sa akin. "You see zeph, kage and his father? They're not much of a typical father and son."
"What do you mean po?"
"They don't bond hija. They're not close. And the gap between them widened when my husband made a declaration on which kage opposes."
"Kage opposes? You mean..."
"Yes, your marriage. Nang inanunsyo ng tito alfonso mo na ipapakasal kayo sa lalong madaling panahon, And being stubborn and full of principle kage is, of course umayaw siya. He didn't know you back then, so baka tumatakbo sa isip niya na bakit siya magpapakasal sa babaeng hindi niya pa nakikita sa tanang buhay niya? He wouldn't give up his bachelor life. Siguro naiinis na din sa pagpipilit ng dad niya, he moved to his condo on which noon niya pa binili. And maybe his second reason was, maybe he felt suffocated with alfonso trying tell him what to do in his whole existence."
She held my both hand using hers.
"You know zeph, kage is a very difficult person to deal with. Kaya sana...pagpasensyahan mo siya kung may masabi o magawa man siyang mali na hindi niya muna kinonsulta sa'yo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.
"You see, kage is trying his hard not to be like his father, being controlling and authoritative, he doesn't notice that day by day, he's starting to become the person he hates the most. But what can i say? Sa lahat na pwede niyang mamana sa ama niya, 'yon pa." She then chuckled like she's just didn't told me something serious a few seconds ago.
"But seriously, if you want your marriage to work, both should be considerate and understanding to each other. Alam kong mahirap ito para sayo—para sa inyo. And you might not understand now why we are doing this but soon..you'll both do"
Naibaba ko ang tingin ko at hindi na tumugon. I'm not comfortable with our shifting of topic. Yes it was just a harmless advice but.. I can't help but feel tensed. I'm not ready to marry yet. Yes someday, it might come...But that someday is not now or the next day. I'll just deal with it kapag dumating na.
"Oh deary, don't feel awkward. Kapag may problema sa inyo ng anak ko or personal man, feel free to consult me huh? I can be your mother" agad dumako ang tingin ko sa kaniya. Ngumiti lang siya. "Oh siya! Halika na!"
Dinampot niya ang paper bag mula sa lamesa.
"Let's go to the kitchen at ilagay natin 'to sa serving plate" giniya niya na ako pero bago makarating sa b****a ng kusina nila ay may narinig akong pamilyar na boses na nakikipagbangayan.
"Enough with this, where is she?"
"She's in the living room, with your mom." Halukipkip ni tito. "You know what? This is the main reason kung bakit pinipilit kitang dito na ulit tumira! Why are you so stubborn? Hindi ka nakikinig sa akin!"
"Bakit pa? Eh hindi ka din naman nakikinig sa akin diba?"
Natigilan ng ilang segundo ang kaniyang ama dahil sa biglaan niyang saad.
"Your fiancé kage! She's been waiting for nearly an hour outside our villa! She wanted to see you and she didn't expect that you wouldn't be here! She didn't know the exact address of your shitty condo kaya hindi ka din niya mapuntahan doon! Kung hindi pa kami tinawagan ng dad niya at chineck kung nakarating na ba siya ay hindi pa namin malalaman na pumunta pala siya dito! And where were you!? You were supposed to be watching her! Spending time with her!"
"You know what kage?! You're just being hard headed and irresponsible again! Kahit noon pa man, hindi mo na ako pinapakinggan! I am your father Goddammit!"
"And i am your son! You are supposed to listen to me too!" Malakas na sabi nito. His rough voice sent me shivers. "Kahit naman noon pa, kahit ginagawa ko lahat ng inuutos mo hindi iyon sapat sayo. My doings will never be enough for you! So ngayon nagtataka ka pa kung bakit ako malamig at kung bakit hindi ako nakikinig sayo? And for the record, My condo is not shitty! I paid millions for it." Ani niya bago tumalikod.
"If i knew better i'd say that was my money you used to buy that place"
"That was mine. I don't want anything to do with your money!" mariing saad nito at tuloy-tuloy na ang lakas patungo sa kung saan kami. Hindi kami masyadong kita sa banda namin.
When kage turned to our side, our eyes met. He stilled as if he was surprised to see me there, Eavesdropping.
"Son" tawag ng mommy niya kaya lumapit siya dito at hinalikan ito sa ulo. Without breaking his glance at me.
"Hey"
"Hi" i greeted in an awkward tone. Bahagya pa akong nahiya nang maalala ang nangyari noong isang araw. Ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito.
"I didn't knew you were coming."
"Uh yeah" i chuckled. "Biglaan lang din e. Sorry.."
I sweated profusely when his eyes landed on the paper bag i was holding.
"Uh...i brought you something" ani ko at bahagyang tinaas iyon hanggang mukha.
Kumunot ang noo niya.
"What is that?" Aniya at tinanggap iyon. His eyes stared back at me when he saw what's inside. "Food?"
"Yeah" my face heated up. "Peace offering. About sa alam mo na...sa nangyari nung isang araw" bahagya akong yumuko at nilaro-laro ang bracelet na suot. "I'm sorry. Sorry dahil napaka immature ko"
Matiim niya akong tiningnan ng ilang segundo bago unti-unting tumaas ang sulok ng kaniyang labi.
"It's okay."
"Are you sure? Hindi mo ko pagtatawanan? Hindi ka natatawa?"
"Of course not. Bakit naman ako tatawa? Actually yes, you were kind of bratty. Now i know why everyone calls you that" mahinang tawa niya dahilan kung bakit ko siya sinamaan ng tingin.
"Sabi mo hindi ka tatawa" nguso ko.
"Zy. Yes, you showed me your bratty side but...I kinda find it annoyingly cute." He stated seriously making me chuckle.
"I'm not cute! I'm pretty" sabay talikod ko para matabunan ang pamumula ng aking pisngi.
Nang makapasok sa kusina ay tiyaka ko lang napansin na wala na pala ang mommy at daddy niya.
"Sa condo mo na ba ikaw umuuwi lagi? Hindi na dito?" I asked while he was busy transferring the food.
"Yes, hindi na dito. Pumupunta lang ako dito kapag may importante akong kukunin katulad ng mga papeles. Why? Doon ka na din sa condo ko uuwi?"
His nonchalant question left me shocked. Damn! Bakit ba ang insensitive ng mga salita na lumalabas sa bibig niya? Hindi niya ba alam ang epekto no'n sa akin?
"Of course not! Nagtatanong lang ako para alam ko kung saan ka hahanapin kung sakali"
"Kung sakaling kakailanganin mo ako?" Ngisi niya.
"Hindi!" I blurted tsaka tiningnan siya sa mata ng matiim. "Kung saka-sakaling mami-miss kita"
I smirked when he stilled. Ano ka ngayon huh?
"Oh kage!" Madramang iling-iling ko habang nakahalukipkip. "Masyadong mong pinapahalata na naapektuhan ka sa sinabi ko. Bakit kage? Kinilig ka ba?" Taas baba ko ng aking kilay.
Hindi siya nagsalita bagkus ay umiling-iling na lang din habang nakangiti. He continued from what he was doing.
"Masarap ba 'to?" Tanong niya habang nakataas ang tinidor na may lamang fettuccini.
"Pano ko naman malalaman? I didn't even tried it, you try it!" Pagsusuplada ko.
"Hindi mo tinikman? Anong akala mo sa sarili mo? Professional chef? Chef alvin?"
"Anong bang tingin mo sa'kin? Matanda na may kulay blue na buhok!?" I raised a brow.
"You don't cook but I'm amazed on how you know who chef alvin is"
"Ang dami mong sinasabi! Tikman mo na lang kasi!" Simangot ko. Napatawa naman siya.
"Okay, the moment of truth" aniya at sinubo na iyon. My hopeful face turned into a frown when his face slowly grimaced. But when he looked at me, unti-unti siyang ngumiti at dinako ang tingin sa plato na parang interesado sa pagkaing nakahain sa harapan. Napangiti ako.
"Is it good? Tell me! What does it tastes like?"
"H-heaven zy. f**k!" Ubo niya at bahagyang tinapik ang dibdib.
"I-it tastes....good. It's like something I've never tasted before."
"Really?!" I smiled widely. "It's that good? Really?" I slightly jumped up and down from my seat excitedly and with a glimmering eyes, i looked at him. "Kumain ka pa! Sige na. Ubusin mo lahat ng 'to" ani ko at tinuro lahat ng dinala ko. His eyes widened because of that.
"Z-zy. Ang dami naman niyan! I can't finish those all by myself. Come on zy, maawa ka naman sa'kin."
"Maawa sayo? Bakit naman?" I chuckled. "is my cooking really good? Be honest nga, masama ba ang lasa?" I glared.
"Of course not zy! It's good! Really good actually." Aniya and excused himself for a bit para kumuha ng maiinom. "Gusto niya nga ata akong mamatay ng maaga." I heard him mumbled.
"I heard you kage!" Sinamaan ko siya ng tingin. Dumapo ang tingin ko sa niluto. Dahil sa kuryoso ay dahan-dahan ko itong inabot, i rolled a pasta on a fork saka sinubo iyon. As the unexplainable taste lingered on my tongue, unti-unti akong napangiwi. Mabilis na kinuha ko ang baso ng tubig na dapat ay iinumin ni kage. He chuckled when he saw me chug the whole glass of water.
"It's something like you never tasted before eh?" He teased. I glared at him but he just continued laughing.
"Oh zy! So pano pala kung mag-asawa na tayo? Palagi din akong magtitiis sa luto mo?"
"Edi kumuha ka ng personal chef! Tutal sabi mo mayaman ka naman diba? I have investment zy, i have investments" panggagaya ko sa sinabi niya, bahagya ko pang pinababa ang aking boses. It made him laugh.
"At saka! Magiging asawa mo ko! Hindi katulong. Kaya kung gusto mong kumain, edi ikaw ang magluto!" Pagsusuplada ko,
I stilled when i realized what i just said.
"You're right, ayoko ko pang mamatay. And if autopsied, i don't want my result to be identified as cause of death: food poisoned by frustrated cooker wife" tawa niya. It also made me smile looking at him laugh pero agad ding napawi nang may maalala.
"Kage?" Tawag ko.
"Hmm?"
Unti-unti ko ulit siyang inirapan na nagpataka sa kaniya.
"What? Why?"
"Alam mo ba kung bakit hindi ako nakapasok kanina dito? Kung bakit hindi ako pinapasok?"
"Sabi ng matanda...dahil wala ka daw dalang ID?"
"Hindi" mariin kong sabi. "Dahil nung sinabi ko sa guard na fiancé kita, hindi siya naniwala! He thought that i was just one of your women!" Singhal ko.
"What are you taking about?" Awang ng labi niya.
"Oh! i know that you know what I'm talking about kage."
"Baby... i swear. I don't what he's talking about! Wait, sino ba yang guard na 'yan? Si manong lance ba?"
"Hindi na importante 'yon! You're changing the topic!" Humalukipkip ako at maitim na tiningnan siya mukhang hindi mapakali. "So tell me kage, hindi lang pala ako ang fiancé mo? Madami kami?" I glared.
Marahas na hinilamos niya ang palad sa mukha.
"Zy, I don't know what that guard is talking about! Yes, alam kong may mga pumupunta dito, kaya nga pina restrict ko sila, na wag papapasukin. But I didn't know they were that desperate to see me. I didn't know that some of them were claiming that they're my fiancé!" Ngayon madilim na din ang mukha niya na tila seryoso na talaga.
"Some?" I laughed mockingly. "Oh! So ibig sabihin, madami talaga kami kage!" I continued to test his patience.
"Zy, that's not it! That's not it." He sighed. "Don't tell me pag-aawayin pa natin to? Kakabati lang natin. Not that we fought last time pero kaka apologize mo pa lang. let's not make this a big deal...Please?"
I just glared at him. But in the insides, gusto ko nang matawa. Mabilis akong tumalikod dahil hindi ko na mapigilan ang pagsupil na ngiti.
"Take me home. I wanna go home" i laughed silently.
I heard him letting out a harsh breath. "Already?"
"Yes kage, now" kunwari madiin kong sabi at nagsimula nang maglakad.
Nakasalubong pa namin ang parents niya sa may sala kaya bumeso na din ako at nagpaalam na. They confusingly looked at their son who was frowning behind me then back at me na nakangisi lang.
He and i went inside my car silently. When i demanded na iuwi niya ako, nakalimutan ko na may dala pala akong sasakyan. But then again, he insisted na talagang siya ang magmaneho sa akin kaya kahit may dala siyang sasakyan ay ang akin ang ginamit namin. He said that he will just get it delivered to his condo building and he would just take a cab on his way home.
When i looked at him, i can tell that he was in a bad mood. Mas lalong lumapad ang ngisi ko. Gusto kong tumawa pero baka bigla niya na lang akong ihagis palabas ng sarili kong sasakyan kaya pinili ko na lang na manahimik.
When we passed on the guard house, napansin ko na walang tao doon. Only an unfamiliar guard was standing on the right side of it.
"I wonder where manong lance went. Eh kani-kanina lang ay nandito lang yun eh. Nabigyan ko pa nga ng pagkain" kausap ko sa sarili.
I heard the guy beside me scoff.
"No wonder, Maybe he had a bad stomach because of your unhealthy cooking" he fired pero seryoso pa din, nakatingin lang sa daan. Napanguso ako sabay halukipkip.
Saglit niya akong dinapuan ng tingin bago binalik ang tingin sa harapan. Umiling-iling siya. "Oh queen, what am i gonna do with you?"