Chapter 7
"Ano! Sasabay ka pauwi?" Gulat na tanong ko sa kaharap.
"Yes. I'll escort you home. Para masigurado kong walang susunod sa inyo." Tango niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Says who?"
"Says me. Don't argue. Let's go" aniya sabay hatak sa akin sa braso.
"Teka lang! Si dad. Yung—yung driver namin! May sasakyan kaming dala" pigil ko.
"Where? I don't see no car." Balik tanong niya na nagpalinga-linga sa akin.
"T-tumawag na kami sa driver namin sa bahay. Baka Dumating na 'yun. Nando'n na nga siguro si dad eh!" Ani ko sa nagtataka na boses. Luminga-linga pa din.
"Zy, Ang dad mo..He's already settled on the back seat of my car, kanina pa. So let's go. You wouldn't want to keep him waiting." Namula ng bahagya ang magkabilang pisngi ko nang pagsiklopin niya ang aming mga daliri. Hindi mawala ang tingin ko doon hanggang makarating na kami sa kaniyang sasakyan. At tama nga siya, nandoon na si dad na prenteng nakaupo sa likod. Nauna kasi ito kanina sa paglalakad at hindi ko naman alam na dito pala dumiretso.
"Dad! Bakit ka nandito?! Akala ko ba tinawagan mo na si manong danny? Baka mamaya nandito na 'yon at magkasalisihan tayo! Kawawa naman yun!" Ani ko sa mataas na boses na bahagyang nagpatalon sa kaniya.
"Zephyrine linnet Nava! Will you stop yelling at your old man? My heart is weak already!" Saway niya habang madramang minamasahe ang dibdib.
"So ano nga dad? Tinawagan mo ba?"
Naiiritang tinuro niya ang lalaking nasa tabi ko. "iyang fiancé mo. Pinaalam niya na kay danny. Tinawagan niya na kanina pa. 'Wag ka nang mag-alala. For now, pakihinaan ang boses mo. Magpapahinga ako. " huling sabi niya bago sinandal ang ulo sabay pikit na.
Nakaawang ang mga labi at nahihiyang lumingon ako kay kage. He started the engine with a creepy suppressed smile plastered on his face. Walang sabing hinampas ko siya sa braso na nagpaigik sa kaniya. He confusingly looked at me as i settled myself on his side while shaking my hand hurtingly, nakasimangot. My hitting backfired on me dahil imbes na siya ang masaktan ay salungat ang nangyari.
"Even your dad likes addressing us as fia—"
"Shut up!" mariing pikit ko. "Just!...drive" pikon na utos ko na nagpatawa sa kaniya ng mahina. Iling-iling na sinunod niya ang sinabi ko at tumahimik na nga.
Ilang minuto pa ang lumipas at nabobored na ako sa patingin-tingin lang sa labas. I was about to turn the stereo on when he grabbed me by the hand, he hastily clasped it together with his na nagpasinghap sa akin sa gulat. Nang tingnan ko ay patuloy pa din siya sa pagda drive na tila wala siyang ginawang nagpapakabog ng dibdib ko.
"A-anong ginagawa mo? sinong nagbigay ng pahintulot sayo na gawin 'yan? Bawal yan! bitawan mo ko." Hinihingal na saad ko pero parang wala lang siyang narinig.
"K-kage! Sabi na—"
"stop hesitating, mababangga tayo" aniya nang sinsubakan kong hilahin pabalik ang kamay ko.
"Mas mababangga tayo kapag isang kamay lang gagamitin mo pang-ugit diyan sa manibela! Kaya bitawan mo na! Ano bang problema mo!" Patuloy ko pang singhal sa kaniya at ilang minuto pa ay napabuntong hininga na lamang ako nang mapagtanto na hindi niya talaga bibitawan ang kamay ko. Instead, his grip just tightened.
"Quit staring!" Biglang saway ko nang maramdamang nakatitig siya sa akin ng mariin. "Eyes on the road mister!"
"I'm not staring ms...'wag kang ambisyosa" seryosong sabi niya na nagpaawang ng mga labi ko. Did he just...
Tuluyan ko nang nabawi ang kamay ko galing sa kaniya at buong lakas siyang hinampas ulit sa braso. Tinawanan niya lang ulit ako nang bahagya kong kalugin ulit ang kamay kong humampas sa kaniya.
"Ano? Does it hurt?" Tawa-tawa niya.
"Saya natin ah? Happy pill mo talaga ako 'no?" I said sarcastically.
"You just don't know zy" his lips rose as he looked at me.
"Ano? What do you mean?" Hindi niya ako sinagot kaya sumama ang mukha ko.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa mga hirit mo kage ah! Hindi ka nakakatuwa!" Pagsusuplada ko at tumalikod na sa kaniya para isandal ang ulo sa bintana hanggang nakarating na kami sa bahay ay hindi na kami nag-imikan.
"Salamat...Sa paghatid."
Tinanguan niya lang ako.
Kaming dalawa na lang ang natira dahil kanina pa hinatid ni mang danny si dad sa loob. Isasara ko na sana ang pintuan ng kaniyang sasakyan nang may maalala.
"Ano...uhh... Ano—gusto mo bang pumasok muna? Ipaghahanda kita ng makakain kila manang. Ano...bilang pa thank you na lang din, hindi lang sa paghatid kundi sa pagkikinig sa mga drama ko sa buhay." Tumawa ako ng mahina, "ano? G?"
Tinitigan niya ako ng maigi bago tiningala ang bahay namin galing sa loob ng kaniyang sasakyan.
"Bakit ang mga maids niyo ang magluluto para sa akin? Bakit hindi ikaw? Don't you know how to cook?" The corner of his lips slightly rose like he was teasing me.
Hindi ko alam pero biglang naapakan ang ego ko dahil sa sinabi niya. Biglang uminit ang dugo ko.
"Of course i do!" Huli na nang mapagtanto ang sinabi. Tumikhim ako. "M-marunong akong magluto no! Anong akala mo sa'kin?"
I smirk made its way to his lips as he leaned sideways on the driver's seat. "Prove it then. Cook for me"
Tinitigan ko siya ng mabuti bago patagong lumunok.
"Gladly!" The last thing i said before i shut the door forcefully. Iniwan na siya.
"Sure ka bang marunong ka talagang magluto? Look at yourself! Your getting all sweaty and your black make up thingy is already smudging on your eyes"
Napatigil ako sa paghihiwa at tiningnan siya na prenteng nakaupo lang sa island counter. Pasimple kong tiningnan ang repleksyon sa ref namin at totoo nga ang sinabi niya, there was smudgy-looking black make up encircling my eyes!
"It's called mascara! And for your information...normal lang na mag smudge yon dahil pinagpapawisan ako! Kasalanan mo 'to!" Iniwas ko ang mukha sa kanya at pinahidan ang mata gamit ang puting apron na suot.
He tsked. "Ang tanong ko ay kung marunong ka ba talagang magluto?" Halukipkip niya at tinitigan ako na tila tinatantya ang magiging reaction ko. Sinalubong ko ang tingin niya ng isang natitiyak na mukha.
"Oo naman! Just watch. At 'wag mo kong kausapin! I'm busy." Sabi bago bumalik sa ginagawa, ang paghihiwa ng sibuyas. As the strong aroma travels on my nose, mas lalong tumatagal ay mas lalong lumalala ang amoy nito and it's capabilty to make me tear up. Bahagya na akong sumisinghot-singhot at tambak na din ng luha ang aking pisngi ilang minuto pa.
Narinig kong ang mahinang tawa ng dahilan kung bakit ako nagluluto ngayon. I heard his footsteps nearing me. Hindi ko siya nakikita dahil mariin akong tumitingala at pinipikit ang magkabilang mata.
"Babe, Stop crying. It's just an onion. It's harmless" he chuckled. He cupped my cheeks as he softly tilted my head downwards making me look at him. Nang idilat ang mga mata ay mas lalo lamang sumakit ang mga iyon na nagpabalik sa akin sa pagpikit.
"It's stings!" bulong ko. Not minding on what he just called me.
He softly caressed my fallen tear using his thumb as he teased. "Aww...You Poor baby"
Inis na Hinampas ko ang kamay niya na mas lalong nagpatawa sa kaniya.
"I'm not bluffing kage! It really hurts! Ang hapdi! s**t!" Mura ko sabay kusot ng mga mata. Nakalimutan ko naman na hindi ko pala dapat iyon ginawa. It made the sting worsen.
"Damn zy! You're only making it worst. Stop!" Aniya bago hinawakan ang magkabilang kamay ko. Dahan-dahan niyang nilabas ang panyo sa likod ng kaniyang bulsa bago marahang pinahid iyon sa basa kong mga mata. Nagulat pa ako nang bigla niya na lang hinipan ang mga ito. But in the good side, it makes the pain subside.
"Thank you" i said in relief.
"You're always welcome zy" he whispered. Huli ko ng natanto na sobrang lapit na pala ng mukha namin. I blink multiple times before pushing him on his chest. Awkward akong tumawa at luminga-linga. Nang tumigil ang mata sa hindi pa nahihiwa na bawang ay dinampot ko ito at nilapag sa harapan niya, sa ibabaw ng chopping board.
"Ano...uh..Dahil wala ka namang ginagawa, Help me! Start by chopping those...And those" turo ko pa sa dahon-dahon at tumalikod na.
Tinaasan niya ako ng kilay pero dinampot pa din naman ang mga tinuro ko at ang kutsilyo. "You said your expert at cooking right?"
"I never said I'm an expert kage! Sinabi ko lang na marunong ako. Stop making up stories." Umirap ako kahit niya naman iyon nakikita.
"Then anong tawag dito?" Panghahamon niya sabay pakita ng isang maliit na berdeng dahon. Bahagya kong Kinagat ang aking dila like it would help me with kage's answer. Taas noong binalik ko ang attensyon sa pinapakuluang pasta noodles sa stove, completely ignorning him and his question.
"Woman, do you hear me? Don't try to drop my harmless question. Again, what do you call this? It's just easy zy. Even a junior student can answer this" aniya sa seryosong boses. Napaharap ako sa kaniya ng nakasimangot.
"P..?" i guessed pero hindi na dinugtungan pa.
"P...what?" Pag-uulit niya. Lumiwanag ang mukha ko nang mapagtantong tama ako sa unang letra kahit hinulaan ko lang iyon.
"Tama ako?! P..?" I exclaimed in a hopeful voice.
May sinusupil na ngiting tumango siya. "P.. what zy?"
"Pw...epper?!" Dahan-dahang sabi ko sabay Ngiti pero agad ding napawi nang umiling siya.
"Wrong! Guess again."
"Black pepper?"
"No"
"White pepper?"
"Seriously zeph? Iniiba mo lang ang kulay!" Asar niya na nagpahagikhik sa akin.
"Potato?"
"Baby, Are you kidding m—"
"Pechay!"
"What the f**k?"
"P..ineapple!" I laughed.
"God! You're hopeless." Iling niya.
"Lagundi! Kamote! Kalabasa!"
"Those doesn't even start with letter 'p' zy! Are you certain that you graduated kinder?"
Sumimangot ako.
"P...paprika!"
"Wow! You know paprika?" He sounded amazed like he considers me dumb.
humalukipkip ako. "Of course i know that! It's a spice right?" Pagmamalaki ko kahit nakita ko lang iyon sa isang product name sa taas ng shelf namin.
"So is it paprika?"
"Wrong" asar akong bumuntong hininga at nakapanlabing tumingin sa kaniya.
"Okay! I give up! Hindi ko alam 'yan" ani ko at tumahimik siya ng ilang segundo bago nakataas ang kilay na tumingin sa akin.
"And fine! I don't know how to cook!" Ngiwi ko. "So what's the answer? Ano tawag sa letseng dahon na 'yan!"
Natatawang umiling siya. "It's parsley—"
"Parsley!" Malakas na turo ko sabay nababaliw na tumawa. Nang dumapo ang tingin ko sa kaniya ay ngumingiti na din siya habang nakatingin sa akin.
"God! You really are hopeless!" Iling-iling niya bago chineck ang pinapakuluang pasta. Nang makitang okay na yun ay dahan-dahang binuhat niya iyon bago sinala sa strainer.
"Ako na bahala sa sauce!" sabay taas ng isang kamay, like i was in a class and i knew the answer to his question "ako na gagawa"
"Are you sure? Pwedeng ako na lang—"
"No! I'm certain. Kaya ko! Ako na" pagpapacute ko.
"Are you really sure or..."
"Kaya ko nga! Tsaka may guide ako dito oh! Charan!" Ani ko sabay pakita ng phone na kung saan may recipe at procedures. "It will just be a piece of cake!" I boasted.
"Okay. Mapilit ka e" Aniya at sumandal na sa island counter habang humalukipkip. Bahagya naman akong na concious dahil sa pantitig niya.
"Uh?" Tikhim ko. "Can you not look at me like that? Hindi ako maka concentrate. Na ko concious ako sa pantitig mo"
He lips quivered. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa pantitig niya.
"Okayyy..." bulong ko at tinuon na lang ang attensyon sa procedures.
Minutes passed.
"Uh..kage?" Tawag ko sa kaniya. "Can you help me open this one?" Pa cute ko sabay turo ng olives in can. "Please?"
Hindi siya gumalawa sa kinatatayuan. "May can opener kayo diyan. Use it"
"What's that?" Lito ko. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ako. Tinuro niya ang isang silver metal thingy na parang ang difficult gamitin."Hindi ako marunong! Kaya nga nanghihingi ako ng tulong diba?" Simangot ko.
Walang magagawang naglakad siya sa tabi ko at binuksan nga ang can. My mouth shaped in an "o" when he successfully opened it. "So that's how you use it?" I shrieked excitedly while clapping my hands. "Ang galing! Is that sharp? Lemme see!" Ilalapit ko na sana ang daliri sa pabilog na metal ng tapikin niya ang kamay ko na nagpagulat sa akin.
"Wag mo hawakan! Masusugatan ka."
"Okay fine! Sungit!" Bulong ko at binalik na ang attensyon sa niluluto.
Maya't-maya pa ay tinawag ko siya ulit.
"Kage? Do you know how to convert a cup to grams?"
"Are you serious?" Tumango ako. "Ano ba 'yan?"
"Olive oil! Pesto needs olive oil right?"
"Yeah"
"So pano nga? It says here pour 1/2 cup of olive oil then toss in your crushed bas— teka! sandali!" Panlalaki ng mata ko nang bigla niya na lang hablutin ang oil sa kamay ko at walang sabing nilagyan yung sauce na niluluto ko. "Anong ginagawa mo!?"
"There! Done."
"Hindi! Hindi tama 'yan! It says here 1/2 cup! Sure ka bang 1/2 cup 'yan huh?! Bakit hindi mo ginamit 'to?" Taas ko ng measuring cup.
"Hindi mo na kailangan niyan. I'm very well certain tha—"
"Eh ano pala ang use nito? Kaya nga ginawa 'to para ma measure ng tama ang mga ingredients diba!?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses.
"Zy. Trust me. You don't need that anymore. Besides, nailagay ko na. Alangan namang ibalik ko pa diba? Just stir it already, baka masunog na 'yan"
"Hindi! You're sabotaging my cooking! Can't you see that I'm trying to follow all the necessary procedure in this article? Wala na! Sinira mo na 'yung luto ko! Panira ka.." Naiiyak kong saad.
He looked at me amazingly. "Are you serious? Are you really gonna cry just because i put that damn oil on your sauce?" He chuckled. He tried reaching me pero hinampas ko ang kamay niya. He sighed. "Look baby, in cooking, it's not about the perfect measurement, it's about how you estima—"
"Ewan ko sayo! 'Wag mo nga akong letcturan sa mga ganyan! Hindi dahil mas marunong ka sa'kin ay pwede mo na kong lecturan! Diyan ka na nga! Ikaw na lang magluto diyan tutal ikaw naman ang kakain niyan!" Singhal ko before storming out of the kitchen. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin, patuloy lang ako sa pagdadabog. Nakita ko pa ang bahagyang pagtingin-tingin ng mga kasambahay sa akin. Nagtataka siguro sa inaasta ko na hindi naman na bago.
After acting all childish in front of kage. Tsaka ko na lang na realize iyon nang ilang oras kong pagkulong sa sarili sa loob ng kwarto. I made sure that i locked the doors para hindi makapasok sino man. Especially kage. I was embarrassed.
I groaned loudly habang nakatabon ang mukha sa unan. I tried imagining kage's possible reaction when i walked out and it wasn't a great sight to see. Why did i even do that? What has gotten into me?! Yes I've done that countless time already, walking out like a brat pero iba pala kapag kay kage. Kapag sa magiging asawa mo.
"Sweetheart?" Napatigil ako sa pagmumuni ng marinig ang katok na sinundan ng boses ni dad. "Princess? Are you inside? Kage already went home. Pwede ka nang lumabas. Zeph? Buksan mo ang pinto please?"
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan at bahgya pang dinikit ang tenga doon. So that i could hear kung talagang nag-iisa at walang kage na kasama si dad.
"Really princess? Acting all childish in front of your fiancé?" Dad said in a monotone voice nang pagbuksan ko na siya. I heaved a deep sigh nang makitang wala nga si kage.
"Saan mo naman narinig ‘yon?" Yuko ko.
"Sa mga kasambahay"
"I didn't mean it though. Nadala lang ako." Balik ko sa aking kama. I covered half of my legs with my comforter. While dad sat in front of me.
"Sana hindi mo ginawa iyon. It's not a good impression. What would that boy think? Na ganyan ka kaspoiled? Zephyrine, let me remind you that that boy na iniwan mo kanina sa kusina ay fiancé mo. Your future partner! You should apologize to him"
Ngumuso ako.
"But dad! Inaamin ko na mali yung ginawa ko pero..May kasalanan din naman siya ah? He messed up with my cooking!"
"Princess, kahit saan banda tingnan. Mali ang ginawa mo. Wether it's severe or not. It's still embarrassing." Hinawakan niya ang kamay ko. "As his future wife, you should—"
"I should do what he asks me to do. I know. Pero dad! Ginawa ko naman ah? I let myself cook his merienda kahit hindi ako marunong magluto. And in all people, you know that!"
"Zephyrine, what I'm trying to say is that. Being a good wife takes patience and understanding. Yes, you both have mistakes here pero you should talk it all out instead of storming out like that. Sorry to offend you darling but that is a childish thing to do." Bumuntong hininga siya. "Zeph, hindi ka na bata. At alam mo 'yon. It's time to act like one."
"I'm still adjusting dad. I'm not used to this. And I'm still adjusting myself of the thought na may fiancé na ako." Yuko ko.
Pinagkatitigan niya ako.
"I'm sorry princess. Alam kong nabibilisan ka sa mga pangyayari. Pero wala na tayong magagawa. You can't back out anymore. Ang tanging magagawa ko lang, as your father...is to give parental and marriage advice to you. That's all i can give"
"I know dad. And it's okay." Nginitian ko siya. "You're right. I should at least apologize pero.. I don't how or kelan pa kami magkikita muli?"
"Do you want me to call your tito for his cellphone number?" Aniya na nagpataranta sa akin.
"No! W-wag na muna dad. Nahihiya pa ako" kagat labi kong saad. "Is it okay with you?"
"Of course. It's fine. Just apologize when you see each other again." Bilin niya sabay halik sa tuktok ng aking ulo at naglakad na patungo sa pintuan."And please zeph, stop shouting at him. Be nice" ngiwi niya bago lumabas.
As i grabbed to check on my phone, tsaka ko lang na realize na wala pala talag kaming means of communication. Kahit mga socials niya hindi ko alam.
Hmm.. how ironic. I'm his fiancé pero kahit number niya wala ako.