Chapter 6
"Kamusta na ang pakiramdam mo dad?" Pag-alala ko sa ama habang inaalayan siya umupo.
"I'm feeling better anak. Kailan ba ako madi discharge? Katulad mo, Ayokong tumagal dito." Ngiwi niya.
"Your doctor said baka mamaya daw pwede na. Your case is not to be fret about kaya hindi mo na kailangan ng further monitoring." Bahagya kong nilapit ang kamay sa tenga ng niya at pabirong piningot iyon. "Kaya ikaw dad, 'wag kang pasaway! Magpahinga ka for goodness sake!"
Mahina siyang tumawa.
"Yes princess. Daddy promises na hindi na ako magpapaka stress"
"Good to hear that then. Siya nga pala, i forgot to ask. Is there something bothering you before ka nawalan ng malay?" Kuryoso ko.
Ilang minuto natahimik ang ama. Bumalik ang pag-alala sa mukha nito. Tumitingin lang ito sa puting pintuan ng kwarto na tila may gustong ipaalam sa akin pero pinag-iisipan pa kung sasabihin ba o hindi.
"Sige na dad, sabihin mo na."
It pulled him out of his reveries. Bumuntong hininga siya bago tumingin sa akin na may pag-aalalang mata.
"hindi. Wala. Sadyang pagod lang ako"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tell me now dad. You promised me na hindi ka na magtatago ng sikreto sa akin. So please, sabihin mo na." then he looked at me with eyes pure of guilt.
He sighed. "i received a mail earlier. It was a letter from an unknown sender."
Tumaas ang kilay ko. "Then? Anong laman no'n? Is it that bad that it caused you to pass out like that?"
Dahan-dahang tumango ang ama. "Yes anak. It was." Tumingin ito sa kay kage sa likod ko bago ibinalik ang tingin sa akin. "That anonymous letter...was a death threat"
"Dad. Palaging kang nakakatanggap ng mga ganong klaseng mga sulat. Hindi ka pa ba sanay? Dad naman!" mahinang tawa ko pero bagkus ay ganon pa din ang itsura ng ama. Nilingon ko naman si kage at nakita kong maitim ang titig nito sa akin at isa pang ekspresyon na hindi ko mangalanan.
"Kung para lang sa akin iyon anak...Hindi ako kakabahan. Pero hindi eh."
"So para kanino pala?"
"Para sayo." Aniya na nagpawala ng ngiti ko.
"K-kanino dad? S-sa akin? You're kidding."
"Nakasaad sa sulat na 'yon kung ano ang kaya nilang gawin sa'yo kung makuha ka nila sa ikalawang pagkakataon." He cleared his throat "they said they would kill you in order to make me suffer more."
"B-bakit ako? Bakit ako dad? H-hindi ko naman sila kilala! Alam mo ba kung sino ang mga 'yon? Anong ikalawang pagkakataon?" Ani ko sa may kabang boses.
"Princess, that people who threatened to kidnap you. Sila din ang nagpadala ng sulat na iyon. Sigurado ako." Aniya na nagpaawang ng mga labi ko.
"S-so ibig sabihin..." tumango ang ama.
" yes, they were the same people who is behind of your mother's death. Sila ang nagpadala ng mga tao para patayin ang mommy mo. That night, they were after you too. kaya lang no'ng gabing 'yon ay wala ka sa bahay. Ang mommy mo lang"
"Papatay? papatayin nila ako? kaya ka ba hinimatay at na ospital? D-dahil na naman sa'kin?" I breathed out.
"Zeph no!" he sighed. "This is the reason why kung bakit ayaw kong ipaalam sa'yo. Kasi alam kong ganito ang iisipin mo"
"I-i'm really a bad luck on our family dad, aren't i? A-ako na lang palagi ang naghahatid ng kapahamakan sa inyo ni mommy" i teared before tiredly tilting my head sidewards. My blurry eyes met kage's, inilingan niya ako At dahil doon ay naalala ko ang usapan namin kanina.
"Anong dahilan mo kung bakit ka pumayag sa kasalang 'to?" I said as i was busy licking the melting ice cream on my cone. Kung hindi ko pa binalik ang tingin sa kaniya ay hindi pa siya magsasalita.
"To be honest...hindi ko alam" tikhim niya.
"You expect me to believe that? Hmm...alam mo bang may pinaplano ang mga magulang mo? Kaya binigyan niya kami ng libreng serbisyo kapalit ng kasunduan na 'to? Aren't you aware?"
"Syempre hindi. Alam ko ang plano nila, kahit hindi nila sinabi sa akin. I knew from the very beginning what their intentions were. I just didn't said anything about it."
"So bakit ka pumayag?" Kunot noo ko. "Kung alam mo naman pala? Aren't you angry? Na pinagkasundo ka nila sa babaeng hindi mo naman gusto? And not to mention you will be tied down with the responsibilities on handling your dad's company once you'll tie the knot with me. Everything they wanted you to do, is the complete opposite what your heart desires. So bakit hindi ka nagagalit sa kanila?"
He leaned on the chair as he cooly sipped on his glass of soda. "Nagagalit syempre. who wouldn't?"
"So bakit nga! Bakit ka pumayag."
"Let's just say, sa lahat na gusto nilang gawin ko, there's one thing that i also want, there's one advantage."
"Ano?" Kuryoso ko. "Pera? Oo nga naman, kapag napasayo na ang kumpanya. Mas Dadami na ang pera mo, mga properties mo. Plus! your name would be well-known in the business world, and don't forget the girls.." ani ko sabay taas baba ng kilay. Sinamaan niya ako ng tingin and he just tsked.
"Maiba nga ako, bakit ayaw mo sa kumpanya ng dad mo? Eh ang laki-laki na kaya no'n! And it's already famous and it would be an advantage for you as the future successor"
Umiling siya. "You don't understand. It's not what i want."
"So what do you want? Isn't providing security for those people who needs protection your thing? What more do you want? At tsaka, Ready made na nga yung company niyo oh! Nakahain na sa'yo in a gold platter. ikaw na lang ang kulang."
"Exactly my point. Who wants a ready made company? It wouldn't be considered as my company if it was my father's blood and hard work that made it's every corner of that building. It's very foundation isn't mine."
"Hindi kita gets" iling-iling ko. "Ang labo mo."
Nase stress na bumuntong hininga siya na nagpatawa sa akin ng mahina.
"Zy, a man's pride is what makes them a true man. So kung tatanggapin ko ng gano'n-gano'n na lang ang kompanya ni dad knowing na wala akong na contribute sa pagpapalaki no'n, then where's my pride in that? In my eyes, It will make me less than a man. Yes, people will look at me as a successor but...to myself, i knew that I wouldn't deserve their admiration. Let alone their praises."
Napatulala ako sa mahang speech niya.
"Bakit ba ganyan kayong mga lalaki? Mas uunahin niyo pa yung pride niyo instead of anything in the world?"
Nagkibit balikat siya. "That's our nature zy"
"So you're nature will starve me in the near future?" I glared playfully. Tumawa siya.
"Baby, what makes you think that I'll just let you starve? Of course not! I may be unemployed, but i have investments. I'm richer than you think." he chuckled.
Humalukipkip ako. "Then what about my caprices? That's the reason why you should make a loads of money kage! I'm a materialistic kind of girl, sa ngayon pa lang binabalaan na kita. Malulugi ka! Ano? Magpapakasal ka pa sa'kin?" I joked.
"Anything my baby wants" he said with a smiling lips but with a serious eyes. Wala sa oras akong napalunok.
"G-good"
"how about you?"
"A-ano? I mean..Bakit? Ano bang gusto mo?"
"Huh? What are you talking about?"
"Hindi ba tinatanong mo 'ko kung kaya din kitang bilhan ng mga gusto mo?" Ani ko na nagpatulala sa kaniya. Maya't-maya pa humagalpak na siya ng tawa. "Bakit ba! Sa 'yon ang pagkakaintindi ko eh!"
"That's not what i meant zy! s**t!" Sapo sapo niya pa sa tiyan niya. Maya't maya pa ay tumigil na pero nakangiti pa din ang mga mata. Umirap ako. "What i meant was. How about you? What are your reasons kung bakit ka pumayag sa arrangement natin?"
"Oh! uhm.." tumingin ako sa kaniya bago tumikhim. "About that, uh..aren't you aware na si dad..naospital at ang dahilan no'n ay sobrang stress?"
He looked at me confusingly. "Of course i know that, narinig ko ang usapan ninyo ng doktor ni tito" tinaasan ko siya ng kilay, hindi na sinumbatan sa ginawa niyang pagi eavesdrop.
"What do you think the reason was? I mean sinong dahilan kung bakit siya na stress?" Ilang minuto siyang nag-isip at umiling na lang din nang walang mahanap na sagot.
"Hindi mo ba naisip na baka ako? Dahil nga diba..my mother's death left extreme grievance to him?"
Bumuntong hininga siya.
"what are you saying? What does that have to do with you zy?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago yumuko.
"The rumors. Yung mga inaakusa ng grupo ng mga babae na pinagsabihan mo sa school. I'm sure narinig mo ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Alam ko narinig mo." Sa mariing pagkagat sa labi ay nasisigurado kong namumula na iyon. "What they were saying was true kage. A-ako ang dahilan ng pagkamatay ni m-mommy."
Ilang minuto siya natahimik at pinagmasdan lang ako ng maigi. "I don't believe you zy. Wala kang kasalanan."
"Maniwala ka, kasalanan ko lahat." Tinabunan ko ang isang nanginginig kong kamay sa aking kandungan. "B-before you met me. I was a brat. A spoiled little b***h ika nila. Me and my friends...we always go to parties and always do bar hopping. Suki na ako ng mga gano'n kasi halos araw-araw 'yon ang gawain namin. Cliché for a rich girl, but that's me." mahinang tawa ko. "My mom was sick for months and she was always bedridden. One night, my dad wasn't home yet kasi umalis siya at hindi ko alam kung saan pumunta so i was left with her and i was torn between going out with my friends or stay with her 'till my father arrives. She—my mom..asked me to stay home kasi biglang may kaba daw na lumukob sa dibdib niya. May nararamdaman daw siyang kakaiba. Alam mo ba ang ginawa ko kage?"
I looked up at him and he was just silently listening to me. Wala akong natanggap na tugon sa kaniya kaya nagpatuloy ako.
"I just laughed at her." I smiled coldly. "Tinawanan ko lang ang assumptions niya at tumuloy sa lakad ko. T-then while we were having fun, m-may tumawag sa phone ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasaya. In the middle of the night, i went home drunk and wasted. Fear rushed into me when i saw the uhm—blinding lights and annoying sound of the ambulance." I sniffed as i wiped the runny tears sliding down my nose. "Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makita ang halos walang buhay na katawan ni mommy sa stretcher papasok sa ambulansya. Duguan siya kage, puno ng bala ang katawan. Her hands were laying low on the stretcher. Her face were used to be pale, but that time, it was paler..pale as a paper—blood smudged paper." I sobbed.
Tinabunan ko ang bibig nang maramdamang marami-rami na ang nakatitig sa akin. Mapa staff at pasyente. They were all looking cluelessly at me. Siguro nagtataka kung bakit ako umiiyak o pinaiyak ba ako ng lalaking tahimik lamang sa harapan ko. Bahagya pa ako napaigtad nang maramdamang may pumlupot na braso sa aking beywang. Kage pulled me closer to his chest as he sat on the vacant chair beside me. Sinandal niya ako sa dibdib niya while whispering soothing and calming words. My body was shaking lightly because of my loud sobs.
"P-pagkarating sa ospital, she was declared dead in arrival. M-my father, hindi siya makapaniwala. When his blood shot eyes darted at me, i can see accusations pero h-hindi...w-wala siyang sinabi. Hindi niya ako sinumbatan. Alam kong sinisisi niya ako kasi sa akin niya binilin ang mommy e, pero hindi niya ako magawang saktan. Instead, he took all the blame. Wala siyang tinira sa akin. Just so that my heart would feel free from guilt. Pero hindi ibig sabihin na pinaako ko sa kaniya lahat, hindi na ako nakokonsensya. I do! My guilt swallows me every single day. Lalo na't nung may mga problema si dad na hindi niya sinasabi sa akin."
Tinaas ko ang tingin ko sa kaniya. Sinalubong niya ang titig ko gamit ang pag-aalala at naawa niyang mga mata. Inilingan ko siya at nginitian.
"Kaya nung pinaalam sa akin ng daddy ang tungkol sa plano nilang dalawa sa atin, na ipapakasal tayo. Tinanggap ko. Kahit mahirap, kahit nabibilisan ako, pumayag ako. Alang-alang sa kaniya. Para maramdam niya man lang na hindi siya nag-iisa sa buhay at sa mga problema. I didn't want him worn out. Pero...ito na naman. Na Ospital na naman siya." Natigilan ako at pinunasan ang huling butil ng luha na nahulog sa pisngi. "Sa tingin mo kage? Ano kaya ang rason kung bakit siya na stress?"
I was cut off from my deep thoughts nang maramdamang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, si dad iyon. Inilingan niya ako at bahagyang pinisil ang aking kamay.
Bahagya pa akong napaigtad nang maramdamang may pumulupot sa aking beywang at mukhang alam ko na kung sino iyon. Namumula at nahihiyang tumigin ako kay dad.
"Don't worry tito. I will protect her...in my ways, i promise. And that doesn't have to to do with our deal." Ani ni kage sa tabi ko. Naumid ang dila ko dahil doon at hindi ako agaran nakapagsalita. Nagpapasalamat na tinanguan siya ng ama bago ibinalik ang tingin sa akin.
"You're not a bad luck to us princess. When you came to our lives, it was an undefined feeling of joy. We couldn't ask for more. At sa tingin ko, tama lamang na umalis ka no'ng gabing 'yon. Dahil kung hindi ay pati ikaw ay nawala sa akin. Mababaliw ako anak, better me than you. You're that valuable to me." Ani ni dad na nagpaluha sa akin.
"Thank you dad... and I'm sorry!" Inambahan ko siya ng yakap. It made him grunt. Natatawang tinapik niya ang likod ko at pagkatapos nun ay nagpaalam na siya para magpahinga. I let him be. He needs it.
As my father turned to lay his body on the side, bahagya akong napasinghap nang magtama ang hininga ni kage sa aking batok. And slowly... he whispered as he pulled me closer to him.
"As you are to me baby..."