5

3085 Words
Chapter 5 "Well? Aren't you gonna say something? Akala ko ba mag-uusap tayo?" Taas ng kilay ng katabi ko. Napasimangot ako ng suplado siyang humalukipkip at sumandal sa bed rest ng kama. Tumikhim ako. "Well uhm..may itatanong lang sana ako sa'yo? Kung pwede?" Tumango siya. "Sure, ask away. You're gonna be my wife soon anyways so feel free to ask anything" he said cooly. I shifted on my sit awkwardly because of his sudden statement na hindi man lang ata big deal sa kaniya. "Well...there's my answer." I sighed. "What do you mean?" "Ang itatanong ko sana sayo is kung payag ka ba sa ganitong set up natin. Well you just answered it kaya hindi mo na kailangang tumugon. You already addressed me as your future wife." Kumunot naman ang noo niya. "Bakit? Ikaw ba hindi payag sa set up na 'to? Labag ba sa kalooban mo nung sinabi mo sa daddy mong pumapayag ka?" Aniya sa madilim na mukha. "Normal lang naman 'yon diba?" Kibit balikat ko. "Normal na ano?" "Na kabahan ka. Na gumawa ka ng hindi gaanong pinag isipang desisyon dahil sa awa sa daddy mo. And that feeling just changed my whole life forever. Great!"Nagtaka ako nang tumahimik na lang siya bigla. Nang lingunin ko ay gano'n pa din ang ayos niya, nakasandal pa din. But his face tells me that he could eat me whole and alive. His face darkened as he glared at me. "Anong problema mo?" Takang tanong ko. "Ikaw. Ikaw ang problema ko! God woman! So you're telling me na kaya ka pumayag sa kasalang ito dahil naipit ka sa sitwasyon? Dahil naawa ka sa daddy mo? That you were preoccupied and shocked?!" "Bakit? Ikaw ba hindi?" "Hell no!" Natigilan ako sa biglaan niyang pagsigaw. "Dude. You really have one anger management issue. Bakit ba bigla ka na lang naninigaw diyan?! Inaano ba kita?" Hindi siya sumagot. Bagkus ay hinilamos lang ang palad sa mukha. Napatawa ako ng mahina. "Look, i already agreed to all of this. Kaya kung may gusto ka sakin, 'wag kang kabahan. I already said yes to my father and to your parents. I won't back out baby. Magpapakasal ako sayo. That's a promise." I teased. Ilang segundo pa ay nagulat lamang ako ng bigla siyang tumayo while whispering curses. Kasabay no'n ay ang pagkalabog ng pintuan hudyat na nakalabas na siya ng aking silid. Ilang minuto pa ang lumipas pero nagtatakang nakatingin pa din ako sa nilabasan niya. "Nangyari do'n?" Bulong ko sa sarili. "So magpapakasal ka na?" "Gaga ka! Hinaan mo boses mo! Baka may makarinig" saway ko sa kaibigan sabay takip ng bibig nito. Nakangiwing inalis niya naman iyon. "So ano nga? Magpapakasal ka talaga? Walang halong biro?" Pangungulit nito. Sinamaan ko siya ng tingin. "Paulit-ulit ka? Oo nga!" Singhal ko dito. Napabaling naman ako kay yas nang ilapag nito ang librong binabasa sa lamesa. "Anong rason? Why so sudden? The last time we checked, you have no boyfriend. Bakit? Buntis ka ba? Is this a shotgun wedding?" Aniya na nagpalaki ng mga mata ko. Wala sa sariling nahampas ko siya sa mga braso na nagpabigla sa kaniya. "Sinong buntis?" Biglang sulpot ng babaeng nasa likod ko. Napairap ako ng mapagtanto kung sino iyon. "Mama mo buntis" ani ni tas na nagpatawa sa akin. Charm just shot her a death glare. My friend doesn't seem to care though, patuloy lang ito sa pagpindot-pindot sa phone na tila walang sinabi. "So... ano yung narinig namin? Sinong buntis?" Pang-uusisa ng pinsan nitong si christine. "Mama mo nga buntis" pag-uulit niya. "I swear to God tasmin yo—" "What? You're gonna what charm? Bakit? Effective na ba 'yang agimat mo? Well then prove it! Come on, fight me!" Aniya sabay tayo. Both of them seemed fazed by her dahil bahagyang napatahimik. Napangisi ako. When it come to this department, tas has always got us covered. Among us three, siya ang pinaka war freak. Napataas ako ng kilay ng nagbulongan ang dalawang epal sa harapan namin. Then they suddenly looked at me as they smirked. Charm leaned as she supported her hands on our table. "I heard...pumunta 'yong boyfriend ko dito last time." She stated as if i would give a damn. "Kilala mo ba ang boyfriend ko zeph?" "Which one charm?" I fired making my friends scoff. Sumimangot siya pero agad ding inayos ang mukha. "You seem clueless. Oh Well, Let me give you a hint. He's good-looking, years older than us, he's socially famous, dresses manly, hair pushed back and his name is kaden...Kaden gage Arguelles." "Kage..." Mukhang narinig niya ang munting bulong ko dahil napangisi siya at nang-aasar na tumingin sa akin. "Oh! You know him?" She acted shock. "Well actually, she zephy's fia—s**t!" Mura ni tas ng malakas ko siyang inapakan sa ilalim ng mesa. "He's a family friend" "Oh really? Well, yon nga. I heard pumunta siya dito nung isang araw. And some bunch of girls described him as cocky and arrogant dahil pinagsabihan niya daw ang mga 'yon. No! More like binantaan. That's right! I don't know why though but i think it has something to do with me" aniya at tsaka tila nag-isip isip kung ano nga ba ang nagawa ng mga babae na iyon sa kaniya para gawin iyon ni kage. "A-ang mga babaeng 'yon ba ay palaging nakatambay sa bench sa bandang entrance ng school?" "Yeah, their group consists of 6 girls. Bakit?" Hindi ko siya sinagot, bagkus ay natulala na lang sa may gilid, napapaisip. "Oh well! We have to go. Pakilala ko siya sa some other time, for the mean time, hahayaan kitang mag-isip kung gaano ako kaswerte. Ciaó!" Aniya pa sabay alis na kasama ang kaibigan. "Ang immature na 'yon! Hindi ka talaga tinitigilan! Nakakairita!" "Sa lahat ng mga naging ex ng ex mo. Siya yung pinakamalala. Hindi ko nga alam kung bakit jinowa yan ni ralph eh! So cheap!" Naririnig ko pang usapan ng dalawa but i was to preoccupied to even pay attention. All i was thinking that time is kung bakit pumunta si kage dito para pagsabihan ang mga babaeng 'yon. Does that have something to do with me? Nasaksihan niya ba ng araw na yun ang harap-harapang pang-iinsulto ng mga ito sa akin? When i arrived home, iyon pa din ang tumatakbo sa isip ko. Hindi iyon mawala, i kept thinking of his possible reasons kung bakit niya binalikan ang mga 'yon. "Dad! I'm home!" Katok ko sa office niya. Nang walang sumagot ay dahan-dahan kong pinihit and doorknob. Ang unang sumalubong sa akin ay ang dim lights at office table ni dad kung na saan siya ay nakasandal. His head were supported by his arm na nakataas sa lamesa. Thinking he was just sleeping peacefully, tahimik na lumapit ako sa kaniya. "Dad? Sorry to wake you up pero baka gusto mong sa kwarto mo na ipagpatuloy ang pahinga mo?" Ani ko sabay yugoyog sa balikat niya. "Dad? Halika na...Baka mangawit ka niyan eh." Patuloy ko pa din. But he didn't even move an inch. Mas nilakasan ko pa yung pagyugyog ko. "Dad, Come on. Let's transfer you to your room." Hindi pa din siya nagising, lumukob ang kaba sa aking dibdib na malapit isang minuto ko na siyang niyuyoyog pero hindi pa din siya gumagalaw. "Dad?" Kinakabahan kong tawag. Binalikwas ko siya pasandal sa kaniyang upuan sabay tapik sa kaniyang pisngi. "D-dad!? Dad!? Manang! Manong danny! Tulong! Si dad!!!!" I scream on the bottom of my lungs. Hinihingal na dumating yung mga kasambahay at ang driver namin. When they saw dad's state and my worried expression. Nanlaki ang mga mata nila. "Ma'am!?Anong nangyayari?!" "H-hindi ko alam! si dad, b-biglang—call an ambulance! Hurry!" "What your dad had experienced is rapid decreasing of blood pressure. Based on your family history, it might be triggered because of emotional stress and mental health issues that was caused of lack of sleeping and food consumption problems. Ms Nava, do tell me...Namo monitor mo ba ang pagkain at pagpahinga ng daddy mo? Have you been eyeing on him lately?" Ani ng doctor ni dad. Napaiwas ako ng tingin sabay tikhim. "Does all of this explains kung kaya siya nahimatay? Is it serious?" I said in a worried expression, with hands clasped, umiwas ako sa tanong. Bahagyang tumango ang doctor. "Well yes, fainting happens when the part of your nervous system that controls your heart rate and blood pressure overreacts to an emotional trigger. This usually occurs due to a lack of oxygen reaching the brain. Many things can cause oxygen deprivation to the brain, including low blood pressure. Fainting is not usually serious ms nava, but there are so many illness that may found it's way in to your father's body kung hahayaan mo siyang ma stress masyado." "So what are you saying doc? Na pabaya akong anak? Na i was the one causing extreme stress to my father? Is that what you're implying?" Halukipkip ko sabay taas ng kilay. Napatawa ang doctor ni daddy. Like sanay na siya sa pagtataray ko. "No...ms Nava. All I'm saying is that you should keep an eye on you fa—" "Hindi! Hindi 'yan ang ibig mong sabihin sa mga binibitawan mong salita eh! Parang...parang may gusto kang iparating eh! Ganon ba talaga ang tingin mo sakin doc? Na stress lang ang hatid ko sa daddy ko? Na Despite on everything that's been happening to our family, i'm no help to him at all?" Napakamot ang matandang doktor sa batok. "Ms nava. I didn't mean to offend you. What I'm trying to say is—" "Akala mo ba madali lang sakin 'to? Akala mo ba ang dali-dali lang ipagsabay ang pag-aaral at pag-aasikaso sa ama ko?! eh kung ikaw kaya ang bumalik sa pag-aaral?! Tingnan natin ku—" Napatigil ako sa pagtatalak ng may biglang umakbay sa akin. Pagtingala ko ay natanto kong si kage pala iyon. His right hand were shoved in his pocket and he was looking at the doctor apologetically. "On behalf of my fiancee, I wanted to say sorry Doctor. She's just having a hard time. Ipagsabay mo pa ang pag-alala niya sa ama niya. Again, I'm truly sorry. You may take your leave now. Thank you." Aniya habang nakangiti. Napaawang ang mga labi ko dahil sa kaniyang sinabi. Lalo na't tumango nga ang doctor at pumihit na para makaalis. "Ano bang ginagawa mo dito!? Ba't ka ba nangingialam!? At bakit mo sinabing fiancee mo ko? Tsaka! Bitawan mo nga ako! Hindi ibig sabihin na pinagkasundo tayo ay pwede ka na maging showy sakin!" Singhal ko sa kalmado niyang mukha sabay kalas ng kamay niya na nakaakbay sa akin. "Bakit ba sinisinghalan mo yung kawawang doktor?" He said cooly. "Bakit ba! Eh sa gusto ko eh! Gusto mo bang ikaw na lang ang awayin ko ha!? Bakit mo ba siya pinaalis? Doc! Bumalik ka dito! Hindi pa ako tapos! Aawayin pa kita!—Aawayin ko si doc kage! Pabalikin mo! Aawayin kita doc!" Tawag ko pa sa matanda pero tuloy-tuloy lang ang lakad nito sa hallway na parang hindi ako naririnig. "Bwesit!" Malutong na mura ko sabay pihit na din para makapasok sa kwartong inuokupahan ng daddy. But before entering, i shot kage my deadliest glare which he just replied with an amused face. "Bakit ba ang bipolar mo?" Aniya sabay upo sa visitor's chair. "It runs in the family’s blood" i simply said. Umupo ako sa upuan katabi ng hospital bed ng ama. I enveloped his cold hands with my mine. Seconds later, i felt it moved. Umaliwalas ang mukha ko dahil doon. Lalo na't unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata. Mabilis akong tumayo para daluhan siya. "Dad! You're awake! Are you okay? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Teka...kage" lingon ko kay kage at napagtanto kong nasa likod ko na pala siya. "Tumawag ka ng doctor please. Sabihin mo gising na si daddy." Utos ko. Tumango naman siya saka lumabas na. "Dad? May masakit ba? Please tell me you're okay" pag-aalala ko. His confused eyes wander around the whole room. "N-nasaan ako?" Aniya sa paos na boses. "You're in the hospital dad. Dinala ka namin dito dahil bigla ka na lang hindi namin magising kanina. Your doctor said it was a result of extreme exhaustion." I sighed. "Daddy...Please naman oh! 'Wag mo naman akong paalalahanin ng ganon! Alam mo naman ang dulot nun at ng ospital sa'kin diba?" Dad cupped my hands. "I—I'm sorry anak. Hindi na uulitin ng daddy" He slightly smiled. Tumango lang ako. After that ay bumukas na ang pintuan at pumasok doon si kage at ang doctor, sa likod nila ay nakasunod ang parents ni kage na may pag-aalala na ekspresyon. The doctor attended my father. He checked him up at may mga tinanong pa siya dito at hindi na din nagtagal. Not after the doctor left, tito spoke. "Ano na naman ba ang pinagagawa mo eduardo? Didn't we reminded you an ample amount of times already? Rest.Isn't that the reason kaya ka nag leave muna sa trabaho? Para magpahinga?" Pagalit na sabi niya. Agad naman siyang hinawakan sa braso ng asawa. "Hon, 'wag mo ng pagalitan pa...not in front of his daughter. At tsaka, not because he took a break from work doesn't mean he won't stress out. There are so many means of stress. Even in his own household he can acquire those." Tita's statement struck me hard. It made me still. Napansin siguro iyon ni kage kaya bahagya niya akong nilingon at hinawakan ang aking mga kamay. "Is everything okay?" He whispered on my ear. Nilingon ko lang siya at tinanguan sabay ngiti ng matamlay. "I don't mean to be of disturbance but can we please take our leave? My fiancé and i are just gonna head out to the canteen to get ourselves lunch" he called our parent's attention. Hindi niya na hinintay ang mga tugon nito at dire-diretso lang sa paglabas habang nakaakbay ang mga braso sa akin. Napatikhim ako habang nakatingin sa kamay niya sa aking balikat. "Uh...kage?" "Hmm?" "Pwede bang iwas-iwasan mo ang pagpakilala sa akin bilang fiancé mo sa harap ng ibang tao?" Napatigil siya sa paglalakad at seryoso akong tinitigan. "I only speak facts zy. Besides, I wouldn't deny you to the world" aniya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nagpatianod naman ako. "Kung in the first place ay hindi naman sila nagtanong, that wouldn't be called denying kage." "Nice try zy" simpleng saad niya nagpatawa sa akin. "Seryoso kasi!" "Bakit ba? Why wouldn't you allow me addressing you that? Bakit? Nahihiya ka bang malaman ng mga tao? Kinakahiya mo 'ko?" I stared at him weirdly. For your information kage, with that looks, lots of women would die being called fiancé by you. Guess your were oblivious. "N-no! No, of course not! It's just that.." i sighed. "Oo...nahihiya ako. Pero hindi dahil ikaw ang kinakahiya ko. It's because I don't like people knowing about us. You get me? Ayokong isipin ng mga tao na magpapakasal ako in a very young age. Na hindi pa nga ako nakapagsimula ng sarili kong career. Eh hindi pa nga ako nakapag graduate atat na akong magpakasal." I looked at him and he was just eyeing at me intensely. "Okay, ikaw bahala" aniya at nauna na. "Is that a yes?" Habol ko sa kaniya. We entered the canteen at hindi pa din siya tumugon sa tanong ko. Pinabayaan ko na lang. "What do you want to eat?" Tanong niya ng makarating na sa counter. "Anything please" ngiti ko. Tumango siya. "Okay" at humarap na sa babaeng cashier. "Do you have a food that's called 'anything' on your menu?" Tanong niya dito. Napasimangot naman ako. Bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran na bahagyang nagpatalon sa kaniya. "What? You said anything right? But unfortunately baby, they don't have a food such as 'anything' on their menu. So make up your mind, fast! There's a line." He then tsked. "Girls.." "Ano 'yon? Pakiulit?" Ani ko sa may bantang tono. Hindi niya ako pinansin. Humalukipkip ako while i glared at his back. Nakasimangot na Tiningnan ko ang menu list nila at sinabi sa kaniya ang gusto kong kainin at walang sabing umalis na para makahanap ng upuan. Maya't-maya pa ay dumating na siya dala-dala ang tray ng aming order. Walang pasalamat na kinuha ko iyon at nagsimula ng kumain, hindi man lang siya dinapuan ng tingin. "Indeed, you're one bipolar woman." Iling niya at kumain na lang din. Ilang minuto pa ay nagsalita ako. "Siya nga pala. I didn't know you have a girlfriend." I stated out of nowhere na nagpaubo sa kaniya. He looked at me confused. "What are you talking about?" I glared at him. Trying to look innocent now, aren't we? "Don't deny it. Sinabi mismo ng girlfriend mo sa'kin." I said as i took a bite out on my fries. "Ni charm" "The who?" He asked, clueless. "Charm. My schoolmate. She said and i quote, 'kilala mo ba ang boyfriend ko zeph? He's good looking, years older than us, he's socially famous, dresses manly, hair pushed back and his name is kaden..." pinanliitan ko siya ng mata. "Kaden gage Arguelles'." I smiled at him mockingly at binawi din iyon sa pamamagitan ng pagtingin sa kaniya ng masama. "Woah! I don't know what that woman's talking about. I don't even know a girl named charm!" "Edi charmaine! Ano? Ring a bell?" "Hell no! I told you! Wala nga akong kilalang charm or charmaine! She's probably lying!" "Eh bakit sabi niya nakita ka daw niyang pumunta sa school at may pinagsabihan ka daw na mga babae? " Taas ko ng kilay. "Well yes! Pumunta nga ako doon. Pero hindi para sa kaniya! God!" He exclaimed frustratingly. "Damn! Pinag-aaway tayo ng babaeng ‘yon" he murmured. "Sino bang nagsasabi na nag-aaway tayo? Hello! Nagtatanong lang ako. Ikaw diyan ang defensive! At may sinabi ba akong siya ang dahilan kaya ka nang-away? Wala naman ah?!" Tawa ko nang pumupula na ang mukha niya sa inis. "Dammit! I'm going to find that girl!" Aniya at marahang dinampot ang wallet at car keys sa lamesa. Aakmang tatayo siya ng pigilan ko ang kaniyang braso. "Saan ka pupunta? Anong find find pinagsasabi mo!? Upo!" Pinandilatan ko siya ng mata. Tiningnan niya lang ako at sinunod din ang aking sinabi, umupo nga siya. "Good boy" i smiled. "Kumalma ka nga! Inaasar ka lang eh! Alam ko naman na ako yung dahilan kaya ka pumunta doon. Nakita mong chinichismisan ako ng mga babae yung 'no? Kaya mo sila binalikan? Alam ko naman crush mo 'ko e! Anuba!" Ani ko at maarteng inipit ang buhok sa likod ng tenga. When i looked up at him, nakita kong titig na titig siya sa akin. Like he was memorizing my whole features. Nahihiyang binaba ko ang tingin. "B-bakit?" "Nobody has the right to make you feel like s**t zy. No one...always remember that. I'll threaten them all before they can even try." he said out of the blue as he leaned forward making my breath hitched.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD