Chapter 4
I suddenly opened my eyes and the first thing i saw was pure darkness. With a sweaty forehead and pounding chest, luminga-linga ako para makahanap ng liwanag. At nakahanap nga ako, the small lights were seeping through the slightly opened door. With the need of getting myself out of that pitchy black place, i slowly walked myself near that small light. Pero bago pa ako makagawa ng ilang hakbang papunta doon ay biglang bumukas ang pintuan making a loud screeching sound, it sent unpleasantness unto my ears.
Niluwa ng pintuan na 'yon ang tatlong armadong lalaki na namukhaan kong kumuha at tumutok sa akin ng baril kanina sa cafe. They were possessing a scary smirk on their faces at unti-unting lumapit sa akin.
"Gising ka na pala? Saan ka pupunta huh?" Ani ng isa sa nakakatakot na boses. Muling sumikdo ang kaba sa aking dibdib.
"N-nasaan ako? S-saan niyo 'ko dinala? Iuwi niyo na ako sa amin please! Baka nag-aalala na yung daddy ko sa akin." Paos 'kong sigaw.
Bahagyang lumapit yung isang lalaki sa nagsalita kanina. "Tatakas 'yan boss" bulong nito pero sadyang narinig ko iyon. Natatakot na umiling iling ako.
"H-hindi. Hindi ako tatakas. Hindi ako tatakas. Pangako."
"Tatakas 'yan pre! Patayin na natin yan bago pa yan makatakas at magsumbong sa mga pulis!" Sulsol nung isa na parang demonyo. Nanghihina na lumuhod ako sa harapan nila sabay iling.
"Hindi! P-parang awa niyo na! 'Wag niyo akong saktan. Hindi ako magsusumbong. Pangako! Hindi ako magsusumbong. Basta pakawalan niyo lang ako. Please." Ani ko sa nanginginig na boses. Sa isang iglap, bigla na lang tinaas ng lalaking nasa gitna ang kaniyang hawak na baril sabay tutok nito sa akin. May ngisi sa mga labi, unti unti nitong kinalabit ang gatilyo.
"HUWAG!!!"
May naramdaman akong may humawak sa aking braso ng madiin kaya mas lalo akong sumigaw sabay hampas dito.
"No! Don't touch me! 'Wag mo 'kong hawakan! 'Wag mo kong saktan. Please, Spare me!" Patuloy ko pa ring hampas sa nakapikit na mata.
"Zy! Hey. It's okay! It's okay...I'm not gonna hurt you." Ani ng lalaki sa pamilyar na boses. But thinking that if i open my eyes, the first thing that i would saw is the nasty smirks of those guys ay hindi ko minulat ang mata at patuloy pa din ang pagtulak sa kaharap.
"Bitawan mo 'ko! 'Wag mo kong hawakan! Parang awa mo na" hagulhol ko.
"Hey. Shh! Shh! It's okay. It's me! It's your Kage...It's okay. You can open your eyes now, your safe...You're with me." Ani nito pero umiling iling lang ako habang humihikbi.
"Baby. It's okay. It's me. Open your eyes so you can see me" aniya sa malambing na boses. Unti-unti naging banayad ang kaniyang paghawak sa aking kamay na nagpapanatag sa akin. "Baby...It's me"
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata and it made me feel at ease na hindi puro kadiliman ang aking nakikita. I was in a familiar room—My room. Unti-unting kong tinagilid ang ulo ko at napanatag ang aking pakiramdam nang makita si kage, his face casted my fears away. But at the same time, his presence also made me feel emotional. Hindi ko alam pero bigla na lang akong pumalahaw ng iyak.
"Hey. Shh! It's okay, nandito na ako. Sorry that I didn't get to you fast even before those bastards pointed a gun at you. I'm really sorry. Sorry dahil natagalan ako" natatarantang alo niya sabay yakap sa akin, bahagya niya pang hinahaplos ang likod ko.
"T-totoo na ba 'to? Na nandito na ako sa bahay? N-na nandito ka?" Napahigpit ang kapit ko sa kaniyang shirt pero wala naman akong narinig na kahit anong reklamo galing sa kaniya.
"Yes, I'm here...I'm here now. I'm not gonna let you out of my sight...Not again." Kumalas ako sa yakap at bahagyang pinunasan ang pisngi na basang basa na ng luha gamit ang kamay.
"T-talaga? Pangako? H-hindi mo ako hahayaang kunin ng mga lalaking 'yon?"
Umiling siya, "i already took care of them" aniya sa madilim na mukha.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" He just smiled and shook his head. Bahagya niya akong tinulak sa noo at inalalayan pahiga.
"Rest. You need it" aniya bago inilapit ang mukha sa akin, kasabay no'n ay may naramdaman akong mainit na bagay na lumapat sa aking noo. Uminit ang aking pisngi nang mapagtanto kung ano 'yon. Aakmang tatalikod siya nang hawakan ko ang kaniyang braso.
" 'wag mo 'kong iwan please. Natatakot ako" bulong ko at nagsimula namang uminit ang aking ilong. He intensely looked at me before smiling softly. "Natatakot ako. Baka balikan nila ako"
"Okay, I'll stay. And please...hindi mo na kailangan mabahala. I got you. And I won't let anyone hurt you again. Once was enough." He stated which made me feel at ease. I smiled softly at him before closing my eyes peacefully.
Pagmulat ng aking mga mata, the first person i kept looking for was kage. Bahagya akong nadismaya na hindi niya tinupad ang pangako niya, na hindi niya ako iiwan dito. But thinking that he might have his reasons like his needs to go to the bathroom ay sinawalang bahala ko na iyon. I felt my tummy crumble. I was famished. Naalala ko, hindi pala ako nakakain kanina. Come to think of it, kanina nga lang ba nangyari iyong insidenteng iyon o isang araw na ang lumipas?
Before my feet could even touch the cold floor, may narinig akong mga boses sa labas ng aking kwarto. Walang tunog na humakbang ako palapit doon at dinikit ang tenga sa may pintuan.
"See what just happened eduardo? You See what just happened to your daughter!? This is exactly the circumstances i was warning you about! Your enemies won't stop hangga't hindi nila maubos ang mahal mo sa buhay! You being indecisive just had sent your daughter in danger!"
"I know i'm at fault here! Sinisisi ko din ang sarili ko sa nangyari sa anak ko alfonso! And it's not like i wanted this to happen to her! For sure na trauma din 'yung anak ko. But even if i would agree. Are we all in the same page here? Does you son agree to this set up?!"
"Tito. For these past few months. I had already made up my mind. I was now ready to consid—
"Dad? Tito? Anong nangyayari dito? Bakit po kayo nagsisigawan?" Ani ko sabay pakita ng sarili sa kanila. Nakitaan ko ng gulat ang kanilang mukha pero agad ding nakabawi. Tumikhim si kage at dinaluhan naman ako ni dad.
"Princess, gising ka na pala? How are you feeling? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Gusto mong ipagluto kita kay manang? Anong gusto mong kainin?" Sunod-sunod na tanong ni dad sabay alalay sa akin papasok muli sa aking kwarto.
"Dad. Hindi ako imbalido. I'm fine, no need to treat me like an injured person." Ngiti ko bago muling umupo sa kama.
"How are you feeling?"
"I'm okay dad. No cuts, no bruises. I'm completely fine"
Ngumiti siya. "That's good to hear. I was so worried" he softly said while caressing me hair.
"Sorry dahil pinag-alala kita dad."
"Princess, ako nga dapat ang humingi ng tawad sayo. As your father, i was expected to always save and protect you when someone threatens to hurt you. For the second time...i failed again." Yuko nito.
"Dad, it's cool. I'm okay. Ang mahalaga ay walang masamang nangyari sa akin. At isa pa, hindi naman sa kahit anong oras ay nandito ka sa tabi ko. Sadyang nagkataon lang na wala akong kasama no'ng nangyari ang insidenteng iyon. It's just purely coincidental, tama?" I looked unto his eyes, pero umiwas siya. I lied, i knew na hindi iyon nagkataon lang. I remembered those guys showing a picture of me. Kaya alam kong ako talaga ang sadya nila.
"You're right"
"Dad?" Basag ko sa katahimikan. "This is the 2nd time na narinig ko kayo ng parents ni kage na nagtatalo. Is everything okay? May kailangan ka bang sabihin sa akin?"
Naramdaman ko ang pagkabahala niya. "Princess, hindi kami nag-aaway ng tito't tita mo. Kung ano man 'yon, it was for business."
"Business? Kahit na narinig ko na ang pangalan ko sa bawat pagtatalo niyo, business? Taas ko ng kilay. "Okay then.." Ani ko sabay ayos ng comforter para matabunan ang ibabang parte ng katawan ko.
"Alam mo ba dad? When those supposed to be kidnappers pointed a knife and a gun at me, i was really scared. Ang tanging sumasagi sa isip ko lang nung time na 'yon is paano kung mawala ako? Wala ka ng kasama. Sino na mag-aalaga sa'yo? Sinong matitira sayo? Would it kill you once again for losing your daughter after weeks of losing your wife? That was all the thought that kept running on my mind....I was really scared." Tumingin ako sa kaniya at nakita ko kung paano siya napayuko. I continued. "And for a tough time, akala ko makukuha na nila ako. Akala ko papatayin na nila ako. I thought i was gonna be reunited with mom...at last." Napatingin ako sa kaniya ng malakas siyang napabuntong hininga pagkatapos ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Princess? May ipagtatapat ako sayo" he finally spoke making me grin in victory.
"Ano 'yon dad?"
"Nung narinig mo kami ng daddy ni kage na nagtatalo, you were right, nagtatalo talaga kami"
"And it has something to do with me?" Taas ko ng kilay. Tumango siya.
"Yes. It was all about you. Since the beginning."
"Bakit?"
"Ikaw? What are your assumptions? Alam kong narinig mo din ang pagtatalo namin nung isang araw, nung gabi ka na umuwi dahil nanggaling ka sa condo ni kage. I saw you"
Napakamot ako sa batok sabay tawa ng awkward. "Okay so, my conclusions is that you were planning to give me away for adoption? Tama? Ipapa adopt mo ako sa kanila? But why? Don't you want me anymore?" Sunod-sunod kong tanong na nagpaawang ng mga labi niya.
"No princess! No! God no! Why would you think of that?" Napasimangot ako nang mapagtanto na parehas sila ng sinabi ni kage.
"Mali? Okay. So ano pala ang ipagtatapat mo sakin? Give it to me straight. It's not like malala pa iyon sa naiisip ko—"
"You and kage will be tied in an arrange marriage" biglang sabi niya na nagpalaki ng mata ko. Kasabay ng pag-awang ng labi ko ay ang matinding kalabog ng aking dibdib.
"Are you serious dad?" Hindi makapaniwala kong saad. Tumango siya, "bakit? If this is an arrange marriage...does it have to do with our company?...Is it failing!? "
"No! No. Our company is not failing."
"Eh bakit—bakit kami magpapakasal?"
"Hindi pa naman sa ngayon anak. Kung ako ang tatanungin, we're not in a rush. But kage's parents have discussed that—"
"What is the main reason of this sudden decision?"
"This isn't sudden anak. Please understand that we're all doing this for your own safety." He sighed. "Noon pa namin ito napag-usapan, few months before your mom's death."
"A-alam pala 'to ni mommy?" I said with a shaking voice.
He sighed. "yes, few months before her death. I received so many death threats. Nung una ay sinawalang bahala ko iyon dahil sanay na ako sa mga 'yon. But your mom, she fret. Because of her situation, nabahala siya, she became worried every single day. She convinced me to seek help. So that's what i did. Considering that kage's father owns a security company—"
"a security company?"
"Yes, alfonso once joined the army. Naging mataas ang ranggo niya doon. So he decided na tumayo ng kumpanya na kung saan ay libo-libong mga well-trained security na pomoprotekta sa mga taong may mataas na antas sa buhay. At dahil malapit kaming magkaibigan, i decided to seek help from him which he gladly obliged."
"Pero bakit kailangan pa kaming ipakasal ni kage? Are you planning to merge your two companies together?"
"Aside from our clients na kailangan ng seguredad kapag nakatapos na sa mga isinasampang kaso sa korte, his dad also asked a big favor from me. And that favor has something to do with you. You see...kage...he is not as business-oriented as you think he is. Countless times, he keeps on rejecting his father's company. And his reasons? I don't know." Aniya na napagtaka sa akin.
"And so, kaya kayo namin pinagkasundo dahil kapag nag merge na kami, you'd would hit two birds in one stone. As kage's wife, he will have the full right on our company, as well as his father's, he will be tied down, with no choice." Bumuntong hininga ulit si dad bago yumuko. "But then again, when i heard about alfonso's favor, I immediately turn it down. I didn't want you to be tied unto an arrange marriage na kung saan ay hindi mo naman gusto, it would be against your will Anak.."
"Kaya ba namatay si mommy? Dahil tinurn down mo yung offer ng daddy ni kage? Kaya tayo nilooban?" Bulong ko sa nanghihinang boses. Tumango siya.
"Yes" he whispered. "I thought i already got everything under control. When i left that day, i was going out para makapaghanap ng pwedeng mag secure ng bahay natin. That day, was also our last day with your mom." Tumigil muna siya ng ilang segundo para punasan ang butil ng luha na pumatak sa kaniyang pisngi. Naawa ko siyang tiningnan. "It was my fault. I couldn't protect her. Nung sinabi ko sakaniya na tinanggihan ko yung offer ni alfonso, i saw a glint of fear on her eyes, pero mas nangingibabaw ang tiwala niya sa akin. Nagtiwala siya na mapoprotektahan ko kayo—siya. And then i failed her." At pagkatapos no'n ay hindi niya na kinaya pa, bumuhos na ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Unti-unti ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Ilang minuto pa ay tumigil na siya pero may bakas pa din ng kalungkutan sa kaniyang mga mata.
"Dad?" I held his hand. "Naalala mo yung sinabi ko nung lamay ni mommy? Na i will no longer be a bratty daughter? Na lahat ng gusto mo gagawin ko? Kung para rin iyon sa ikabubuti ko?" Kagat ko sa aking labi.
"A-anong ibig mong sabihin anak?"
"I...i am willing...to accept tito alfonso's counter request. Sumasang-ayon ako sa arrange marriage na ito dad. If it would benefit the company and supply my needs of security. Then i will gladly oblige"
"hindi mo kailangan gawin 'to anak..."
"Dad, I'm also doing this for mom, and for you. So both of you will no longer worry about me anymore. I will be at good hands. Besides, I don't want to experience being dragged out into a skimpy place ever again. It was traumatizing." Maarte kong sabi so that he will feel assured. Before i could even say another word, biglang kumalabog ang pintuan at iniluwa no'n ang mag-asawa. Sa likod nila ay si kage na tahimik na nakasunod.
"Naku hija! Zephy! I was worried sick when kage called na muntikan ka na daw ma kidnap! Are you okay now? Did they inflicted wounds on you? Are there any hideous bruises? My goodness!" Napatakip si tita bianca sa bibig ng may makitang konting gasgas sa aking braso. Nakuha ko pa ata iyon ng bumagsak ako sa sahig. Hindi ko namalayan. "This would leave an ugly scar!" He gasped
"No tita, it's okay! I'm okay. Hindi naman po masakit. Konting gasgas lang naman po. Hindi 'yan magmamarka." Agaran kong pigil nang utusan niya ang aming kasambay na kumuha ng gamot.
"Mom, leave her alone. She already said that she's okay." Napatingin ako kay kage ng magsalita siya. Ang mommy naman niya ay parang walang narinig at patuloy pa din ang paglagay ng gamot sa aking maliit na sugat.
"I'd be worried if i were you. Ang puti pa naman ng balat mo. Sobrang visible niyan pag nag marka" ani ni tita. "There! All done" I just smiled at her after saying my thanks.
"Uhh..tito? Tita? about po pala sa napagkasunduan ninyo?" Basag ko sa katahimikan. "I'm willing to concur po" ani ko na napagtaka sa kanila. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Their faces were clueless.
Tumikhim naman ang daddy.
"she already knows" dahil doon ay bahagyang nanlaki ang mga mata ni tita bianca. Si tito naman ay may sinusupil na ngiti. Sunod kong tiningnan si kage na tahimik lamang pero nakaawang ang mga labi.
"So, you agree with the thought of marrying my son? Your one wise woman! good at decision making" Ngisi ni tito. Lumapit siya sa akin at bahagyang hinawakan ang aking mga kamay sabay tapik dito. Pagkatapos ay nang-aasar na tumingin kay daddy. "And i expect she didn't get it from you, i was gonna say 'too bad' but...". Daddy just shot him a glare.
"Happy now, aren't we alfonso?" Irap ni daddy. Tito just laughed happily. Bahagya naman akong napatalon ng bigla akong sinugod ng yakap ng kaniyang asawa. I silently grunted as she squeezed me.
"I'm so happy! Finally, a daughter! My God! I'm so excited!" tili niya. Napadako naman ang tingin ko sa anak nila na tahimik lamang na nagmamasid sa amin. Tumikhim muna ako bago kumalas sa yakap.
"Uh tita? Tito? Dad? Will you excuse us? Mag-uusap lang kami ni kage" Ani ko ng hindi tinatanggal ang tingin sa kaniya. I saw how his brows shot up. Tinanguan ko lang siya.
"Oh! Okay! We will leave you two some privacy. Shall we boys?" Ani ni tita sabay hila na sa dalawa palabas.
Tito was seemed to be in a good mood dahil nagpatianod naman siya sa asawa. Just when the door were shut closed, bahagya akong umusog at iminuwestra sa kaniya ang bakanteng space sa kama. Napatikhim naman ako nang makaupo na siya sa tabi ko. Hindi ko alam pero bahagyang nahiya ako sa kaniya which is very unusual dahil hindi naman ako nakaramdam ng gano'n sa kaniya noon.