Chapter 6

1240 Words
Andy's POV "Nakakahiya! s**t s**t s**t! Hindi ko maiwasang mahiya sa sarili ko at kay.... Kay Sofie!" Sabi ko sa sarili ko habang nasa taxi ako. Nang pababa na ako. May humila sa kanang braso ko. Shit! Si Jella, yung ex ko! "Hey, kamusta ka na?" Sabi ni Jella habang hawak ang braso ko. "Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko na magkasalubong ang mga kilay ko. "Ano ka ba naman Andy, hindi ka pa din nagbabago." Sabay tawa siya ng mahina. "Hindi ako nakikipagbiruan at wala ako sa mood." Sabi ko sa kanya ng pataray. Hinawakan niya ang aking mukha na halatang namiss niya ako ng Sobra. "Babe? Pwedeng tayo nalang ulit?" pabulong niyang sabi sakin. "Ano? At bakit naman kita babalikan? Diba tapos na tayo? Tinapos mo na ang lahat satin Jella kaya tumigil ka na." at bumitaw ako sa pagkakahawak niya sakin. At naglakad ako palayo sa kanya. Ngunit bago pa ako makalayo. Pinagsigawan niya ang pangalan ko sa harap ng madaming tao. "Andy! Mahal na mahal pa rin kita!!!" Napatigil ako sa paglalakad at pinuntahan siya. "Ano ba naman yang mga sinasabi mo! Magtigil ka dyan." aktong sabi ko sa kanya. "Hindi ako titigil hangga't di mo ako binabalikan." pagpupumilit pa ng gaga. Hays! Pag ex na kasi di na dapat binabalikan pa! Diba? Ooops! Baka may natamaan dyan hehe. Sorry naman. "Sa bahay tayo magusap, pero usap lang." at sabay na kami sa paglalakad pero ni isa sa amin ay walang umiimik. Nang makarating kami sa unit ko, pinaupo ko siya sa sofa at kinuhaan ng tubig. Habang palakad ako sa kusina ay naalala ko ang nangyari noon kung bakit kami naghiwalay ni Jella. *Flashback* Pauwi ako galing sa work. Ang condo kong ito ay bahay naming dalawa noon, dito ko siya pinatira dahil gusto niya na magkasama kami araw araw. Ngunit hindi ko inaasahan ang tumambad sakin. Pagbukas ko ng pinto, ay may narinig akong pagungol... ng Lalaki? at ni... Jella?! Napakuyom ako at naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Minahal ko naman si Jella dahil siya ang una kong naging girlfriend pero hindi ko inaasahan na ganito niya ako lolokohin. Dahan dahan akong humakbang papunta sa kwarto ko ng buksan ko ng dahan dahan ang pinto ng kwarto. Nakita ko na nakikipagsex sa iba si Jella, sa di kilalang lalaki. Sa sobrang galit ko, kinuha ko ang kutsilyo sa kusina at binagsak ang pinto sa kwarto. "MGA WALANG HIYA KAYO! MGA MANLOLOKO! MAGSILAYAS KAYO SA PAMAMAHAY KO!!!" At akmang itinutok ito sa lalaki. "A-amm. B-babe.." Paluhang sabi ni Jella. Agad agad namang binitbit ng lalaki ang kanyang damit sabay bilis na lumabas ng unit ko. Napaluhod ako sa paghagulhol ko sa iyak. Sobrang sakit. Sobrang sakit lang ng ginawa niyang panloloko sakin, narinig at nakita ko pa na parang sarap na sarap siya sa lalaking iyon! Sobrang kinamumuhian ko si Jella nung mga oras na iyon. Hindi ko na siya pinagtrabaho dahil alam kong may sakit siya sa puso pero ito lang pala ang mapapala ko pagkatapos ng mga pinagdaanan namin? Lumapi t siya sakin at akmang hahawakan ako pero bumitaw ako. "WAG MO AKONG HAWAKAN!" "B-babe... S-sorry..." Napaiyak nalang din siya sa harap ko. "Paano mo nagawa sakin to Jella? Ang sakit." Habang umiiyak ako. "B-babe..." hindi ko na siya pinatapos at pinalayas ko siya sa pamamahay ko. *End of flashback* Papunta na ako sa sala para ibigay ang isang basong tubig na kinuha ko . Nang iaabot ko na ito sa kanya. Hinawakan niya agad ang kamay ko. "A-andy..." malumanay ang pagkakasabi niya sa'kin ng mga 'yon. "Ano naman ang pinunta mo dito? Para guluhin nanaman nag buhay ko?" sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanya. "A-andy, nagsisisi na ako sa mga nagawa ko noon. Pwede mo ba akong patawarin?" pakiusap niya. Aba naman ang kulit talaga! Ugh. "Jella, pinatawad na kita, matagal na pero ang hingin mo sakin na makipagbalikan ako sa'yo ay hindi ko magagawa." seryoso ang tono ko ng sabihin ko sa kanya ang mga salitang iyon. Mas mabuti ng maging malinaw sa kanya na matagal na kaming tapos. "B-babe, please hindi ko kaya ng wala ka..." At unti unti na siyang umiyak. "Jella, sa pagkakataong ito, natuto na ako. Natutunan ko na na hindi na ako magtitiwalang muli. Ang sakit ng ginawa mo sakin, hanggang ngayon nandito pa din ang mga sugat na iniwan mo gawa ng panloloko mo sakin. Hindi madaling tanggapin na ganun ganun nalang sayo itapon ang lahat ng pinaghirapan natin, yung pinagdaanan natin? Sana bago ka gumawa ng karumaldumal e inisip mo yung masasaktan mo, sana inisip mo ako nung mga panahong niloloko mo ako kaya hindi ko maibibigay sayo ang hinihingi mo kahit umiyak ka pa ng dugo sa harap ko." halata sa mga mata ni Jella ang pagkadismaya at paluha na ang kanyang mga mata. "Andy, hindi ko ginusto yun..." Bago pa siya magsalita ay agad ko na siyang hinila palabas ng bahay ko. "Jella, yun na ang desisyon ko okay? Tama na. Wag ka na ulit pupunta rito." Mangiyak iyak siyang naglakad papalayo. Sa kabilang banda, naisip ko bigla si Ma'am sofie, lesbian pala siya. Pero ayoko muna mag konclusyon dahil lang sa nangyari samin, pero paano naman niya nagawa sakin yung mga ganon? Habang hawak hawak ko ang labi ko at nakapikit, patuloy kong binabalikan ang mga nangyari saamin at biglang lumakas ang t***k ng puso ko. "Nako! Andy! Hindi pwede! Mayaman siya ikaw empleyado ka lang naman sa kumpanya. Nako! Erase erase! Bawal ka mainlove don." Para na akong baliw kausap ang sarili ko. ------- Kinabukasan, late nanaman ako papasok nito hays nako. Patay nanaman ako sa boss ko at bibigyan na ako ng memo. Kumain ako ng madalian saka naligo at mabilis nagbihis, hindi na ako nagabalang makapagayos pa ng buhok ko dahil sa inis ko at dahil alam ko ngang late na late na ako. Paglabas ko ng unit ay ni-lock ko agad ang pinto saka kumaripas ng takbo papunta ng elevator. Pinindot ko na ang pababang button at paakyat namang umakto ang elevator mula sa baba. Ding! "Hey! Saan ka pupunta?" Si Ma'am Sofie?! Anong ginagawa niya dito? Waahhhh bumibilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin lang ako sa mga mata niya hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatingin na pala ako sa mga labi niya na pakiramdam ko ay naguumpisa ng maginit ang aking buong katawan at hindi ko namalayang malapit na ang mukha ko sa pagmumukha niya na halos isang sentimetro nalang ang pagitan ng mga labi namin. Doon ko na siya mabilis na hinalikan, binigyan ko siya ng isang nagbabagang halik, wala na ako sa aking sarili. Lumabas kaming dalawa sa elevator habang hindi naghihiwalay ang halikan namin. Nagtungo kami sa unit ko na aktong kakalabas ko lang kanina, hindi ko na inisip na pumasok dahil nagiinit na ako ng sobra at wala akong mapaglabasan nito kundi siya lang. Nakapasok na kami ng bahay at habol hininga kaming dalawa. At dahil hindi pa ako nakuntento ay tinulak ko siya sa couch dahilan upang mapaupo siya. Umupo ako sa lap niya at hinalikan siya ng marahas, habang tinatangal ko na ang blouse na suot niya. "A-andy, ano bang nangyaya---" Hindi ko na siya pinatapos at tuluyan ko ng inangkin ang kanyang katawan upang magdulot pa sa kanya ng matinding pagnanais na bilisan ko pa ang ginagawa ko. Ilang minuto pa ang tinagal ng ginawa namin at at last natapos na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD