Chapter 7

1458 Words
Andy's POV Shit! May pasok pala ako! what the!... biglang nagising nalang ako dahil nahimas masan ako pagkatapos ng nangyari kanina. "Ako nalang magpapaliwanag sa boss mo..." biglang nagsalita na yung nasa tabi ko. Si Sofie pala... Arrghh! Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa ganitong lagay. Nasa kwarto ko kami ngayon at nakahiga, magkatabi kami pero hindi ko siya magawang harapin dahil nga sa hiya at the same time ay mabilis ang pagtibok ng puso ko. "Hey pretty, magsalita ka naman..." Gosh! Nang nagsalita nanaman siya ay tumindig na ang mga balahibo ko at hindi ko talaga magawang humarap sa kanya. Habang nakatalikod ako sa kanya, unti unti kong naramdaman ang maiinit na hininga niya sa kaliwang tenga ko at lalo pa akong natuliro sa ginawa niyang iyon. At dahil hubad kami parehas ay naramdaman ko ang kanyang dibdib sa aking likod na lalong nagpainit nanaman sa akin. Gusto ko na sanang humarap pero naramdaman ko rin ang kanyang kaliwang kamay na nakayakap sa akin at ang kanyang ulo ay nakasandal sa aking kaliwang balikat malapit na sa aking leeg. Hays! Sofie Villanueva! Nababaliw ako sa mga ginagawa mo sakin. Saglit na katahimikan ang namayani sa amin at aktong magsasalita nanaman siya ngunit humarap na ako sa kanya. "Amm. Ah eh ano ah kasii..." Pautal na sinabi ko sa kanya habang malapit ang mukha namin sa isa't isa at aktong nagkatitigan pa kami. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkatuwa. "What? Nahihiya ka kasi ginawa natin to?" tatawa tawa niyang sinabi sa akin. Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. "Hindi no! Hay nako. Tatayo na nga ako at maghahanda ako ng pagkain, nagugutom ako." Aktong tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinila dahilan upang mapapatong ako sa ibabaw niya. "OUCH!" Sabay namin nasabi habang pareho naming hinihimas ang parte ng ulo namin na natamaan. At bigla kaming natawa sa kung anong nangyaring panguntog namin sa isa't isa. Ngunit hindi ko maiwasan ang mapatitig sa mga mata niya, sobrang ganda niya pala lalo na pag malapitan, nakita ko ang aliwalas ng kanyang mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong ko na siya. "Amm, Sofie? Lesbian ka ba?" Walang pautal na sabi ko sa kanya. Dineretcho ko na siya para wala ng paligoy ligoy pa. "Amm. Correction, bisexual ako. Haha kasi nagka bf naman ako then ginagawa din naman namin ito." Ahh kaya pala siya ganyan. "Ahh ganun ba? Hmm sige tatayo na ako at magluluto ng hapunan." umabot kasi kami ng gabi. "Sige." Pupunta na ako ng kusina para magluto. --- Sofie's POV Hindi ko maipaliwanag ang sayang naidulot sakin ng nangyari ngayon. Balak ko pa man din sana siyang ihatid sana sa opisina, hindi ko alam kung bakit may naguudyok sa akin na gawin iyon. Hmm? Siguro epekto lamang ito ng break up namin ni Jerry kaya ako ganito. Hmm. Hindi naman ata ako mafa-fall sa kanya? Hmm. Napapaisip ako sa mga nangyayari sa ami ngayon. Nakahiga pa din ako sa kama niya ng may mapansin akong isang litrato. Nasa kabilang side table kasi siya ng kama, nang aktong kukunin ko na siya, bigla akong tinawag ni Andy para kumain. "Sofie! Tara handa na ang hapunan." Sayang hindi ko nakita. Hays. Bumangon nalang ako sa kama at nagbihis ng damit. Papunta na ako sa dining area ng makita ko ang isang pamilyar na putahe. Sinigang na baboy! "Hmm.. ang galing mo pala magluto ha? Ang bango e." Sabi ko habang inaamoy yung sinigang na niluto niya para samin. "Hindi naman, haha nambola ka pa. Hindi ka ba nagluluto?" Tanong niya bigla. "Nagluluto pero hindi naman ganun kadami ang alam ko when it comes to cooking." Sabi ko na habang kumakain kami. Saglit nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil medyo nahihiya din ako sa kanya. Makalipas ng ilang oras, nakatapos na kami kumain ng hapunan, dahil ayaw ko pa munang umuwi e nagdesisyon ako na maya maya na lang muna ako uuwi sa condo ko. Nagpunta ako sa sala para manood ng t.v. Lumapit si Andy sakin at may bit bit itong wine at dalawang red wine glass. "Sofie, baka gusto mo muna magwine? Good for the heart." Nakangiting sabi niya. Hindi maiwasan ng mga mata ko ang hubog ng katawan ni Andy, nakakainit ng pakiramdam pero that's enough for today, kaya ko namang magpigil ng init e. Naupo siya sa kabilang couch at ako naman ay nakahiga sa mahabang sofa. HAHA syempre feel at home ako lalo na't may nangyari samin. Nagumpisa ako ng topic para kilalanin pa si Andy ng mabuti. Mukha kasing interesting din naman ang buhay niya. Pakiramdam ko lang naman yon. "Amm. Andy May I ask you something?" bumaling nag tingin niya sakin habang nanunuod siya ng t.v. "Yes? Ano yun?" Habang mataim na nakatitig sakin. "Amm. Nakalimutan ko kasing itanong sa iyo, Lesbian ka ba?" "Amm. ah-eh..." Tuliro siya na parang nahihiya pang sabihin sakin. "Oh come on! Tell me..." sabi ko na habang nagaabang ng kasagutan niya. "Hay nako tila wala na akong kawala sa mga tinginan mo." Humagulhol naman siya ng tawa. What's with this creature? "Ano nga? Sasagutin mo ba o hindi?" Iritableng sinabi ko sa kanya. "Okay okay, sige sasabihin ko na..." Habang nilalapag niya ang baso ng wine sa coffee table na nasa gitna. "Oo, lesbian ako, matagal na. Bata pa lang ako e alam ko na na ganito ako. Alam din ng tatay ko kasi ampon lang niya ako." sagot niya. "Hmm. Ampon ka?" "Oo." "Ahh ganun ba?" Ayokong ipaalam sa kanya na ampon din ako tulad niya dahil hindi ko pa naman siya ganun katagal na kakilala at baka malaman din sa company na ampon lang ako, naalala ko kasi ang sinabi sakin ni Daddy na dapat walang makaalam na ampon ako kasi kahihiyan iyon samin. "Yung tatay ko, magisa niya akong pinalaki. Hindi naman niya ako ikinahiya dahil hindi din naman halata sakin ang pagiging Lesbian ko." "Ahh. Oo nga e hindi nga halata sayo. " Ilang sandali pa ang nagdaan ay natapos din ako sa pakikipagkwentuhan sa kanya. Nakakagaan ng loob dahil nasabi ko sa kanya kung ano ako at ganun din naman siya sakin. "Amm. Andy, I think I need to go. See you at the office nalang." nagpaalam na ako sa kanya para makapagpahinga na din ako sa condo ko. "Ah sige... Salamat ha." "Huy hindi ka dapat magpasalamat. Nga pala about sa pag absent mo kanina, tatawagan ko nalang yung boss mo para hindi ka na niya bigyan ng memo." sabi ko at aktong ngumiti ako sa kanya. Halata pa din sa kanya na tense siyang kausapin ako kahit sa mga simpleng gestures ko o mga simpleng conversations namin. "Ahh sige. Salamat sayo Sofie. " Inihatid na niya ako sa pinto. "Thank you and you're welcome Andy." habang nasa labas na ako ng pintuan at aktong hahakbang na paalis. Papunta na ako sa parking area ng maisip ko bigla. "Sino kaya yung nasa picture dun sa kwarto ni Andy? Bigla akong nacurious." at akamang binuksan ko na ang pinto ng kotse ko saka na sumakay at umalis na pauwi sa condo ko. Habang nagmamaneho ako, biglang pumasok sa isip ko si Andy din ang palayaw niya pero kababata ko. Kamusta na kaya siya? Okay kaya siya ngayon? Kailan ko kaya siya makikita at makakasama ulit? Hay sana dumating na ang panahon na yun. --- Andy's POV Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko, may kung ano sa tyan ko ang nagliliparan at bumibilis ang t***k ng aking puso. Ang gaan gaan ng loob k okay Sofie kahit alam kong higit na mas mataas ang estado niya sa buhay, empleyado lang naman kasi ako sa kumpanya. Habang nakahiga ako at nag iisip isip. Binuksan ko muna yung laptop ko. Binuksan ko ang f*******: account ko at tumambad sa akin ang maraming messages. Karamihan ng mga messages ay sa Boss kong ubod ng tamad at yung iba naman ay mga kaibigan at mga dati kong kaklase noong college pa ako. Naisipan ko na i-search ang pangalan ni Sofie sa f*******:. So I typed "Sofia Villanueva". Nakita ko agad ang profile niya pero napaka pribado niya. Hindi ko siya basta basta maadd kapag wlang mutual friends. Napaka limitado din ng impormasyon na nakaindicate sa description niya. Nakaramdam na ako ng antok at sinara ko na ang laptop ko. Habang nakahiga sa kama at hinihintay na pumikit ang mga mata ko. Di pa din siya mawala sa isip ko. Hay Sofia Villanueva, bakit ba ganito ang nararamdaman ko para sayo? Ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag nakikita at nakakasama kita. Ano kaya ang mayroon sayo? Hay nako, makatulog na nga. At tuluyan na akong nakatulog sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD