Chapter 8

1237 Words
Sofie's POV Kinaumagahan ay nagpunta muna ako sa Bahay kung saan nakatira si Don Romano Villanueva. Ang aking Daddy. Namimiss ko na kasi sila, pero bago ako magpunta doon ay nagtext muna ako kay Daddy na pupunta ako sa bahay at dadalawin sila kahit saglit lang. Nag-ayos na ako ng mga gamit at naligo na din ako para makapag prepare na dahil may meeting ang board mamaya. Bumaba na ako sa parking area. Binuksan ko na ang pinto ng kotse saka sumakay. Habang nagmamaneho sa byahe, may isang unknown number ang nagtext sa cellphone ko. Ayoko munang tignan kasi nagmamaneho pa ako. Mga ilang minutong byahe pa ang nagdaan e nakarating din ako sa bahay na malamansion ang itsura. Sa isang mamahaling subdivision kasi nagdesisyon sila Mom and Dad na magpatayo ng bahay. Naalala ko pa ang huling beses na pagpunta ko rito sa bahay nila. "It's so good to be back." Sabi ko habang nasa harapan ako ng gate. Nang maalala ko ang nagtext sa akin na unknown number, kinuha ko muna ang cellphone ko para basahin ito. "Alam ko ang mga baho ng Villanueva, kaya kung ayaw mong kumalat ito, meet me at Italianis Restaurant sa Serendra ng 7pm."-Unknown number Kinabahan ako ng may nagtext sa akin ng ganito. "What? Sino naman tong gago na to? Irereport ko kaya to sa pulis o hindi na? Hays." Napabuntong hininga muna ako bago ako humakbang papasok ng malaking gate sa bahay. --- Andy's POV Maaga ako nagising dahil panigurado ay malelate nanaman ako kapag hindi ako nagising ng mas maaga. Nagluto na muna ako ng breakfast saka naghanda ng maisusuot papuntang work. Naghanap ako ng magagandang blouse na meron ako sa closet ko at saka ko sinusukat sa salamin. Gusto ko maging maayos ang itsura ko ngayon. Nakapili na ako ng maisusuot ko ngayong araw, isang floral blouse na may raffles sa collar at isang black slocks and estaleto na sandals ang napili kong isuot. Naghanda na ako para maligo. Pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis at kumain. Papalabas na ako ng unit ko, at papunta na ako sa elevator. Pagbaba ko sa elevator ay agad ako pumunta sa sakayan ng taxi para makapunta na sa work. Habang nasa byahe, bigla ko nanaman naisip si Sofie. Namimiss ko siya in some point hindi naman kami pwede. Napabuntong hininga ako ng malalim. Nakarating na din ako sa office namin. Dumeretso agad ako sa table ko para maihanda agad ang mga papeles para sa conference na gaganapin mamaya. Agad naman akong kinausap ni Sir Allen, ang manager namin. "Andy, ano nangyari sayo kahapon? May nangyari ba na malala kaya hindi ka nakapasok?" baling nito sa akin. Nagblush ako ng maalala ko ang nangyari samin kahapon ni Sofie."Ahh Sir kasi nagkasakit bigla si Tatay kaya s-sinugod ko sa Hospital kahapon." Pero ang totoo niyan ay umuwi sa probinsya si tatay para magbakasyon ng ilang araw. "Ahh s-sige Sir una na ako. May aasikasuhin pa kasi ako para sa Meeting mamaya." "Sige Andy." sabi ni Sir habang naglakad na papunta sa office niya. Habang naglalakad ako papuntang conference room ay agad pumasok sa isip ko si Sofie, tila hindi ko nanaman namamalayan na napapangiti ako sa tuwing naaalala ko ang kanyang magandang mukha. Hindi ko maiwasan ang mapabuntong hininga kasi namimiss ko na si Sofie. Oo, si Sofia Villanueva, ang pinakatatanging nagpapatibok ng puso ko sa ngayon. Pero bigla ko ding naalala sa kanya si Sofie Gonzales, yung best friend ko. Halos pareho kasi sila ng features e, sa mukha, sa ugali at sa--- Hmm. Sa katawan. "s**t nagsisismula nanaman mamula ng mga pisngi ko." Hanggang sa hindi ko namamalayan na nalagpasan ko na pala ang conference room namin. Pagpasok ko ay aktong nandoon na ang board members pero isa lang ang wala, si Sofie? Bakit kaya? Patuloy lang ako sa paglalakad at umupo na ako sa pinakaunahan dahil ako lang naman ang assistant ng Boss namin na ubod ng tamad. Nagsalita na ang Financial manager sa meeting at nabanggit niya si Sofie na hindi ito agad makakarating dahil nagkaroon ng emergency. Habang nagme-meeting kami ay naisip ko munang tignan ang phone ko. Patago kong binuksan ang phone ko para i-check kung may nagtext ba sakin. At saktong naabutan kong may dumating na text sa akin. "Meet me at the nearest mall later. ;)" Yan ang nakalagay sa text ni Sofie. Napangiti naman ako sa text niya sa akin kaya excited na akong matapos ang trabaho ko today. Nang matapos ang meeting kinausap ako ni Sir. "Ms. Andy, I want to talk to you now please stay." Sabin ng Boss kong tanga. HAHAHA sorry ha tanga siya e mas mukhang may utak pa nga ako sa kanya pagdating sa business no. "Amm. Okay Sir." habang papalapit ako sa kanya. "Please sit here." "Ms. Andy, I want you to be close with Sofia Villanueva. This is a secret mission that I wanna give to you." Nakapagtataka naman ang sinabi ni Sir. "Ms. Andy I know this is a personal job, at hindi na ito kasama sa trabaho mo pero gusto ko sana na maging maganda ang image ko sa kanya." "Why po Sir?" Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. "Kasi kailangan ko siya. Kailangan ko siyang pakasalan. Kailangan kong makuha ang loob niya. Isa kasi siya sa best asset ni Don Ramon Villanueva, kilala mo naman ang pamilya nila, kailangan ko si Sofie para magkaroon kami ng kalahating shares sa company nila. Malaki ang mga businesses na hawak nila kaya sigurado ako na kapag nagpakasal kami ay mapupunta sa akin ang kalahati ng shares ng company nila." Pagpapaliwanag niya sakin. "Amm. Sir, sorry po pero hindi ko matatangap ang trabaho na yan. Hindi po ako pumasok na 'Match Maker' dito sa company and besides problema niyo nap o iyan kung paano niyo siya paiibigin. Wag niyo po sanang masamain Sir pero trabaho lang po." Paninindigan kong sagot sa mga sinabi niya. Ang kapal naman ng mukhang pera na to! Hays! Jusme kung lalaki lang ako? Kanina ko pa nasapak ang mukha nito! E ang dami namang kulangot sa mukha! Peste! Sabi ko sa isip ko. "Dodoblehin ko ang sahod mo sa katapusan kapag pumayag ka." pang susulsol pa sakin. "Sir, ayoko po talaga sa iba niyo nalang ioffer ang pera niyo. Salamat po." At agad naman akong tumayo at umalis sa kinauupuan ko. Pagsara ko ng pinto ng conference room e saka ako nagbuhos ng inis sa kanya. Paano ba naman e balak niyang pakasalan si Sofie? Aba! In his face na mukhang unggoy mukha pang kulangot! Kainis. Dahil sa sobrang pagkabadtrip ko, agad kong tinawagan si Sofie at napagdesisyunan kong maaga nalang siyang I-meet sa mall dahil hindi na din siya nakapasok sa meeting kanina. Maaga akong nagout dahil ayokong makita ang mukhang kulangot na iyon. Papunta na ako sa Mall na sinasabi ni Sofie sa akin. Mga ilang minuto pa ay malapit na ako sa kinaroroonan ni Sofie. Habang papalakad ako at papalapit na sa kinaroroonan niya ay napansin kong may kausap syang lalaki. Medyo nagiging clingy sa kanya ang lalaki, matangkad ito at gwapo. Kaya naman tumigil muna ako sandali at nagtago sa isang malaking poste. Habang dahan dahan kong inaasiwang ang ulo ko, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Dahil nakita ko na hinalikan siya ng lalaking iyon sa labi. At doon ay nagsimula ng tumulo ang luha ko sa sobrang sakit ng nasaksihan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD