- MARCO -
"Talaga. Para wala ka ng suotin. Nauubos ang damit ko kakahiram mo eh. Umuwi ka na nga sa inyo."
Pero syempre biro lang iyon.Wala namang problema kung pahiramin ko siya ng damit kasi hindi ko na rin talaga nasusuot ang iba kong damit. Napagliitan ko na kasi ang mga iyon. Naka-stock lang iyon sa cabinet ko. Mabuti na nga lang at hindi pinatapon ni mommy kay Mang Danny. Nilabhan na lang iyon ni Mang Danny dahil sa amoy cabinet na ang mga iyon. Bumili na lang silang mag-ama ng underwear ni Rita nang minsan lumabas sila para mamalengke. Nalaman ko na lang iyon nang tinanghali ako ng gising at naabutan ko silang naghahanda na ng pananghalian namin.
"Talaga din. Uuwi na ako kasi nabubwisit na ako sa pang-aasar mo." She sarcastically replied and stand up. Hindi pa man siya nakakahakbang paalis sa kinatatayuan niya nang may marinig akong sumigaw.
"Rita!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang dalawang tao na nakatayo malapit sa sliding door ng beach house.
*****
"Faye! Mama!" Tumakbo si Rita papunta sa kanila. Saka naman dumating si Mang Danny na may dalang isang malaking hand bag. Iyong bag na parang pinaglalagyan tuwing namamalengke. Nakalimutan ko lang kung ano ang tawag nun pero nasa dulo na ng dila ko iyon eh.
Tumayo na rin ako nang makita kong papunta silang apat sa puwesto ko.
"Magandang hapon po, Sir Marco.'' Bati nila Mang Danny at ang Nanay ni Rita.
"Naku, Marco na lang po ang itawag niyo sa akin."
"Ay... n-naku nakakahiya naman po na tawagin kayo sa pangalan niyo. Anak po kayo ng amo ng asawa ko eh."
"Iyon na nga po eh, anak lang po ako kaya sana po Marco na lang po itawag niyo sa akin."
"Naku, 'wag na natin pagtuunan ng pansin iyang tawag-tawag na iyan. Tara na't pumasok sa loob," saad ni Mang Danny sa asawa.
Alam ko na ngayon kung kanino nakuha ni Rita ang hugis ng kaniyang mukha, ang kaniyang mata at labi. Simple ang ganda ng nanay niya. Nakatali ang mahaba nitong buhok, nakasuot ng mahabang palda at maluwang na polo shirt. Pawisan ang mukha at leeg. Walang bahid ng kung anong make-up sa mukha pero makinis. Ang kulay ng kaniyang ina ay hindi nalalayo sa kulay ni Rita, kayumanggi at pantay ang kulay. Ang kasama naman nito na tantiya ko ay hindi nalalayo ang edad kay Rita ay maganda rin, medyo light naman ang kulay ng balat nito kumpara sa dalawa. Mukhang magkapatid sila pero hindi ko mahulaan kung sino ang mas matanda sa kanila dahil halos magkasing-katawan at magkasing-tangkad sila.
Na-touch ako nang masaksihan ko ang pagkuha ni Rita ng face towel sa nanay niya. Siya ang nagpatuloy sa pagpupunas ng pawis nito. Inangat niya ang laylayan ng polo sa likuran nito at pinunasan ang likod. I felt guilt while seeing her doing that on her mother because I never did that to my mama. Hindi ko nga alam kung mayroon ba kaming sweet moments ni mama. Puro na lang kasi away at g**o ang ginagawa namin sa tuwing magkasama kami sa bahay. Kaya nga mas nakabuti rin na hindi ko kasama ang parents ko ngayong bakasyon dahil sawang-sawa na ako sa panenermon nila. Wala na silang nakitang tama sa mga ginawa ko.
"Hijo, pinapakilala ko sa iyo ang aking asawa at anak na si Faye, kakambal ni Rita." Hindi nga ako nagkamali na kapatid ito ni Rita pero... kakambal daw?
"A-ano po?! Kam..." Tumingin muna ako kay Rita nang may naisip na naman akong kalokohan. "Kambing po si Rita?" I tried hard not to laugh.
Napatingin siya agad sa akin at nagsalubong na naman ang mga kilay niya. Galit na galit siyang sumugod sa akin at kinaltukan ako. Hindi ko na napigilan pa at napatawa ako ng malakas.
"Siraulo ka ah!"
"Rita! Ang bibig mo," saway ng kaniyang nanay.
"Sorry po, jino-joke ko lang po siya. Masyado po kasing seryoso si Rita kaya madalas po ay binibiro ko po," I muttered laughing. "Pero totoo po bang kambal sila? Magkahawig naman sila and there's no doubt for them to be a sister pero not exactly the same face," I said while smiling. Hindi ko magawang magseryoso dahil sa talim ng titig sa akin ni Rita. Samantalang ang kapatid niya ay napapatingin lang sa kaniya. Siguro nagtataka rin ito bakit sila naging kambal.
"Ah eh...." Hindi malaman ng nanay ni Rita kung ano ang isasagot sa tanong ko. Nagkatinginan pa sila ni Mang Danny nang marinig kong sumagot ang kakambal ni Rita.
"Fraternal twins." Sumilay ang ngiti sa labi niya. Napatango na lang ako nang maobserbahan ko ang pagkakapareho nila ni Rita tuwing nakangiti. Pareho silang maganda pero mas gusto ko ang beauty ni Rita, nakakatakot.
"Ah..." Iyon na lang ang nasabi ko sa sinagot ng kapatid ni Rita.
*****
Nakapasok na kaming lahat sa bahay. Damit pala ni Rita ang nakalagay sa bayong. Tama, bayong pala ang tawag doon sa bitbit ni Mang Danny kanina. Tinanong ko kasi si Aling Marites kung ano ang tawag nun.
Magkatabi kaming nakaupo ni Rita sa mahabang sofa, katabi naman niya sa kabilang side ang kakambal niya na si Faye. Habang magkahiwalay na nakaupo sa pang-isahang upuan ang mga magulang nila.
Nakapag-usap na kanina ang mag-ina. Kinumusta nila si Rita at masaya akong malaman na wala naman siyang masamang kinuwento laban sa akin. Medyo tumaba na raw si Rita buhat ng mag-stay dito sa beach house. Sa isip-isip ko, paanong hindi tataba eh sobrang katakawan nun sa saging at tinapay, tapos panay pa ang inom ng C2. Siya na ang umuubos ng stock ko sa ref eh. Tapos ang lakas din kumain ng mga chips.
Base sa usapan ng pamilya ni Rita, halata ang pagiging close nila sa isa't-isa. Panay lang ang tawanan at kulitan ng magkapatid. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan habang nag-uusap. May mga kapatid pa pala silang naiwan sa Lucena. Pinabantayan muna raw ni Aling Marites sa mga magulang niya para lamang maihatid ang mga damit ni Rita dito dahil nga nahihiya na si Mang Danny na isang linggo ng humihiram ng damit sa akin ang anak niya. Pero wala na akong balak na bawiin pa ang mga damit na iyon dahil hindi ko na naman masusuot ang mga iyon eh. Kasyang-kasya na sa kaniya ang mga t-shirt at shorts ko.
Habang nakaupo kami sa sala ay abala si Rita sa pagtutupi ng mga damit niya mula sa bayong. "Hinatid lang nila rito ang mga damit ni Rita kaya sila nandito. Pasensiya na, Sir Marco at inabot ng isang linggo ang pagpapahiram mo ng damit sa anak ko."
"Okay lang naman po, Mang Danny. Hindi ko na naman po sinusuot ang mga damit na pinahiram ko kay Rita kasi maliit na po sa akin. Bigay ko na po iyon sa kaniya."
Saglit na tumigil sa ginagawang pagtupi ng damit si Rita para bulungan ako. "Kita mo nga. Hindi mo naman pala sinusuot pero kung makapanakot ka sa akin, wagas," she whispered.
Nagtatakang napatingin sila sa amin. Bago pa sila makapag-isip ng kung anu-ano ay nagsalita ako para magpaliwanag. "Mang Danny, may sinabi po si Rita. Nagugutom na naman daw po siya."
Nanlaki ang mata ni Rita nang tumingin sa akin. "Hala uy! Wala akong sinabing ganiyan, Kuya Marco ah!"
"Ay, wala ba? Okay, peace," sabi ko habang naka-peace sign.
"Sir Marco, maraming salamat dahil pumayag ka na magbakasyon si Rita dito. Sana hindi siya nakakaabala sa iyo."
"Hindi naman po, Aling Marites. Mabait pong bata si Rita at masunurin." Iyon na naman ang nakakatakot na titig ni Rita sa akin. Akala ko ay magsasalita pa siya, mabuti na lang at pinagpatuloy niya ang pagtutupi ng mga damit niya.
"Ma."
"Oh bakit?" Takang tanong ni Aling Marites kay Rita.
"Hindi ko naman po damit ito eh. Kay Marifaye 'to." Tukoy niya sa isang t-shirt na hawak niya. "Oh, kay Marifaye din po ito na bra." Napanganga ako pagkakita sa b*a na hawak ni Rita.
Agad na inagaw ni Faye ang b*a at tinago sa likod nito. Napansin ko ang pamumula ng mukha nito habang nakatungo.
"Ako ang nagtupi at naglagay ng mga damit mo riyan, anak. Hindi ko lang siguro napansin na may ibang damit na nahalo riyan sa bayong."
"A-Ako po ang nag...lagay ng damit ko, Ma," Faye muttered.
"Huh? Bakit mo nilagay ang damit mo sa bayong?" Mang Danny asked his daughter.
"Gusto ko rin po magbakasyon dito. Puwede po ba, Mama? Papa?" Faye shyly mumbled.
Ow men. I murmered to myself.
*****