9 ❤️

1784 Words
- RITA - "Ano?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Subuan ko raw siya?! Talagang paninindigan niya ang pagiging baby damulag. Dahil sa sinabi niya ay tinakpan ko ang bibig niyang nakanganga. "Baliw ka na talaga 'no? May kamay ka kaya kumain ka mag-isa mo." "Isa." Seryoso ang mata niyang tumitig sa akin. "Oh, ano iyang binibilang-bilang mo?" Nakapameywang pa akong humarap sa kaniya. Idadaan niya pa ako sa isa, dalawa, tatlo. Huh! "Dalawa." Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa ako na ang sumunod na nagsalita. "Tatlo." Ako na ang bumilang ng tatlo para malaman kung ano ang gusto nitong mangyari. Sa sinabi kong iyon ay tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa akin. Syempre hindi ako magpapatalo kahit nakyu-kyutan ako sa mukha at sa pagkakatali ko sa buhok niya. Hindi ako umatras. Nilabanan ko ang titig niya sa akin. Dahil matangkad siya sa akin at pataas ang titig ko sa kaniya ay medyo sumakit ang mata ko pero pinigilan ko ang hindi kumurap. Kung patagalan lang sa pagmulat ng mata, hindi ko talaga siya aatrasan diyan. Isang dipa na lang ang pagitan ng mga katawan namin. Nakatingala ako sa kaniya habang siya naman ay nakatungo sa akin. Ilang saglit pa ay kinulong na lang niya ako─kinulong niya ako! Kinulong niya ako sa pamamagitan ng dalawang braso niya. Halos sakupin niya ang patpatin kong katawan sa pagkakayakap niya. Hindi tuloy ako makagalaw. Sobrang nagulat ako dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Parang nanigas nga yata ang katawan ko eh. Hinintay ko na magsalita siya pero lumipas yata ang isang minuto ay nanatili lang siyang tahimik. Basta tahimik lang siyang nakayakap sa akin. Dahan-dahan kong tinaas ang dalawang braso ko para sana yakapin din siya dahil pakiramdam ko ay kailangan niya ng taong masasandalan sa ganitong sitwasyon, pero hindi ko na tinuloy nang marinig ko siyang nagsalita. "Thank you, Rita. You made me feel better now." Naramdaman ko ang pagpisil niya sa balikat ko. May kasamang panggigil? "S-salamat at nagsalita ka rin. Akala ko nakatulog ka na diyan eh." "Kung wala ka siguro, baka nagpakamatay na ako." Agad akong nag-react sa huling sinabi niya. Kakalas sana ako sa pagkakayakap sa kaniya pero hindi niya hinayaan na makawala ako. Nagsalita na lang ako habang nakadantay ang kanang pisngi ko sa dibdib niya. "Baliw ka talaga, Kuya Marco. Nang dahil lang kay Ate Ganda at Kuya Germs, magpapakamatay ka? Masyado kang guwapo para magpakamatay." Naramdaman ko ang pagyugyog ng katawan niya, sabay sa malakas na halakhak niya. "Guwapong-guwapo ka talaga sa akin 'no, Rita? Siguro may gusto ka sa akin 'no? Crush mo ako 'no?" Bahagya ko siyang tinulak nang marinig ko iyong sinabi niya. Pagtingin ko sa kaniya ay nakatawa ang mata at labi niya, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbalik sa pamumula ng mata at ilong niya. Mukhang nag-emote na naman ito at dinaan lang sa pagyakap sa akin para hindi ko makita. "Duh! Aym not cheppy 'no. Hindi kita crush. May iba akong gusto." Ang mata at labi niyang nakatawa ay biglang naglaho nang sabihin ko iyon sa kaniya. Anyareee sa mukha niya? ***** - MARCO - "Bato-bato pick!" sabay naming sigaw ni Rita. It's 1:00Pm. Katatapos lang namin kumain ng lunch and I feel so bored nang makaisip ng isang laro si Rita. I remembered when I was a kid, I used to play with my cousins such as luksong kuba or baka ba 'yon? Then there is also lukso tinik din, langit-lupa go to hell, nanay-tatay gusto ko ng tinapay, and Pateros? I don't remember the exact name of the game, basta it has a lot of square written in the road, tapos kailangan mo lampasan bawat square na may bantay sa bawat line kasi kapag nahawakan ka nila, talo ang team mo. And now, I felt so young and innocent because of bato-bato pick. May pustahan kami ni Rita at tatlo na lang ang kulang ko para manalo ako. Nakatambay kami sa pool side. Magkaharap kaming nakaupo sa deck chairs na pang-apatan. Hindi naman gaano mainit ang panahon dahil malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat at may payong naman na nakasuksok sa gitna ng mesa. "Ang daya! Dapat kapag sinabing pick, ibababa mo na agad 'yang kamay mo. Binabagalan mo kasi kaya ka nananalo eh." Nakasimangot na tumingin si Rita sa akin. Mukhang napansin na niya ang style na ginawa ko. Seven out of ten na ang score ko while her ay five pa lang. Pursigido ako manalo sa larong ito dahil excited na akong sabihin sa kaniya kung ano ang pusta ko. Sinabi ko kasi na kailangan muna namin tapusin ang bato-bato pick bago i-announce ang gusto mong pusta. "Rita, walang mabagal sa ginawa ko. You're just hallucinating," seryosong wika ko. Pero sa totoo lang, kanina pa ako nagpipigil na matawa dahil sobrang nakakatawa naman talaga ang mukha niya. "Ano ba kasi ang pusta mo at ayaw mo pang sabihin? Baka mamaya niyan, mahirapan akong gawin ang ipapagawa mo sa akin ah. O 'di kaya'y baka hindi ko kayang maibigay ang mga gusto mo. Wala akong sariling pera." "Sino ba naman kasi ang nagsabi na kailangan ko ng pera? Huwag kang mag-alala dahil kayang-kaya mo gawin ang ipapagawa ko sa iyo." "Yabang. Hindi ka pa panalo. Makakahabol pa ako," Rita asking with a pout. "I just need 3 more points, baby," pang-aasar ko. Tinaas niya ang kaniyang dalawang paa at pinatong sa kinauupuan niya. Nakasimangot na tumingin siya sa akin. "H-huwag ka nga. Masyado kang kampante diyan. Tara na, game na ulit. Saka huwag kang madaya. Dapat sabay bababa ang mga kamay natin." "Hindi po ako madaya. Oh, game na." Seryoso siyang tumingin sa akin at saka namin sabay na binanggit ang "Bato-bato pick!" Tabla. Parehong gunting ang gamit namin. Isa pang "Bato-bato pick!" Tabla ulit dahil parehong papel ang ginamit namin. "Bato-bato pick!" Hindi nagtagal ay nanalo rin ako sa laban namin. Ang laki ng ngiti ko dahil siguradong malalaman ko na kung sino ang crush na tinutukoy niya kagabi. "Yes! Panalo ako. Oh gusto mo na bang malaman kung ano ang gusto ko?" "Ayaw," Rita stubbornly replied. Napasimangot naman ako sa sinagot niya. "Huwag kang pikon. Patas akong nakipaglaro. Bago tayo naglaro ay pumayag ka na kung sino ang manalo, siyang susundin ng natalo." "Pero hindi pa rin patas kasi dapat bago natin ginawa iyon, sinabi muna natin kung ano ang ipupusta natin," she lectured. "Oh, bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin iyan? Dapat kanina ka pa nag-react before we start," I teased and she made a face. "Basta, ulitin natin," she answered before she looked away. Napailing na lang ako sa inakto niya. She's so childish and sensitive. "Sige, para wala kang masabi na nandadaya ako, sabihin mo iyong gusto mong ipagawa sa akin. Kapag nagawa ko iyon, iyong sa akin naman ang susundin mo huh." "Wala pa nga ako maisip eh," she replied not looking at me. Dahil hindi ko gusto na ang kumakausap sa akin ay kung saan-saan binabaling ang direksiyon ay inabot ko ang baba niya at hinarap ito sa direksiyon ko. Seryoso pa rin ang titig niya na halatang hindi magpapauto nang basta-basta. "Oh, wala ka pa naman palang naiisip eh. Eh 'di iyong sa akin na muna ang sundin mo para tapos na agad na tayo." Inalis niya ang kamay ko sa baba niya saka nagsalita. "Ano ba kasi ang ipapagawa mo?" she asked with a hesistant voice. Kahit parang galit ang hitsura niya, hindi pa rin maitatago na pinagkalooban siya ni Lord ng isang magandang pares ng mata. And I smiled when I saw her mouth. Nice lips. I thought. Her beautiful eyes met mine. I felt that she's very eager to know what's on my head right now. Well, I'm just curious who is the guy that she like. No more, no less. Just curious. "I just want to know something." "A-ano? Sam ting?" "Yeah, something that I want to know." "No?" "Hmmm, yes, know. Gusto kong malaman kung sino ang crush mo." "Crush ko?" "Hay naku, Rita, inuulit mo lang ang sinasabi ko eh,'' I groaned. "Ano nga kasi iyon?" she mumbled. "Iyon na nga, iyong pusta na sinasabi ko. Gusto ko malaman kung sino ang crush mo." "Eh bakit mo naman gusto malaman kung sino ang crush ko?" "Bakit? Masama ba?" "Oo, masama." "Grabe, parang crush lang, ayaw pang sabihin." "Sabihin mo muna kung sino ang crush mo bago ko sabihin ang sa akin." "Oh, bakit ako ang magsasabi ng crush ko eh ikaw ang tinatanong ko." "Hindi mo naman kasi kilala kung sino iyon eh kaya bakit gusto mo pang alamin?" "Eh 'di ipakilala mo sa akin para makilala ko siya." "Ang kulit mo, Kuya Marco! Ayoko nga. Ikaw nga, hindi mo pa sinasabi kung sino ang crush mo eh." "Wala akong crush." "Weeeh? Hindi mo crush si Ate Ganda?" "Ate Ganda? Sino iyon?" I know that she's referring to Hyacinth pero nagkunyari akong hindi kilala kung sino ang tinutukoy niya. Ugh, I just want to move on. "Iyong magandang babae na kasama ni Kuya Germs." Yes, Hyacinth is really pretty but I really want to move on and forget her. Pero kailangan ko ipakita kay Rita na hindi na ako apektado kahit pa magpakita siya ngayon din sa harap ko. "Ah, iyon ba?" I shook my head to disagree. "Hindi ko na crush iyon." "Talaga lang huh. Masakit pa ba puso mo?" "Teka, bakit ba ako ang tinatanong mo? Iyong crush mo ang tinatanong ko, sino ba siya?" "Ewan ko sa iyo. Hindi ko sasabihin." "Sige, kapag hindi mo sinabi kung sino iyon, hindi na kita pahihiramin ng damit ko." "Eh 'di wag!" "Talaga. Para wala ka ng suotin. Nauubos ang damit ko kakahiram mo eh. Umuwi ka na nga sa inyo." Pero syempre biro lang iyon.Wala namang problema kung pahiramin ko siya ng damit kasi hindi ko na rin talaga nasusuot ang iba kong damit. Napagliitan ko na kasi ang mga iyon. Naka-stock lang iyon sa cabinet ko. Mabuti na nga lang at hindi pinatapon ni mommy kay Mang Danny. Nilabhan na lang iyon ni Mang Danny dahil sa amoy cabinet na ang mga iyon. Bumili na lang silang mag-ama ng underwear ni Rita nang minsan lumabas sila para mamalengke. Nalaman ko na lang iyon nang tinanghali ako ng gising at naabutan ko silang naghahanda na ng pananghalian namin. "Talaga din. Uuwi na ako kasi nabubwisit na ako sa pang-aasar mo." She sarcastically replied and stand up. Hindi pa man siya nakakahakbang paalis sa kinatatayuan niya nang may marinig akong sumigaw. "Rita!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang dalawang tao na nakatayo malapit sa sliding door ng beach house. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD