- RITA - "Hindi natin poproblemahin 'yan. Ako na bahala sa'yo. Tara na at baka naghihintay na sila sa atin." Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas. Nakita namin sina papa, marco at Kuya Edmund sa salas na nagkukuwentuhan. Bigla naman akong nahiya. Kami na lang pala talaga ang hinihintay. Simple man ang suot nila pero nagmukha pa ring model sa paningin ko sina Kuya Edmund at Marco. Kahit si papa ay sobrang guwapo rin. Mas lalo pa ako nakaramdam ng hiya nang sabay-sabay pa silang nagpalakpakan. "Anak, ikaw ba 'yan?" pabirong tanong ni papa. "Hala. Ako pa rin po ito. Mas gumanda lang," pabiro ko rin sagot. Nagkatawanan kaming lahat maliban sa isa. "Oh, nakanganga na ang isa riyan. Teka, sarado muna natin." Pabirong tinikom ni papa ang bibig ni Marco. Pinunasan pa niya ang

