Chapter 24: Questions A/N: Hindi natin napag-usapan ito, 'no? Si Chzean ba ay anak ni Aly? Hindi ko po alam. Haha. Bigyan ko na lang kayo ng clue. THIRD PERSON's POV "JULY 21, Monday. 8AM. tandang-tanda mo pa ba ang araw na ito, ha Alica?" tanong ni Chain kay Alica habang pinapanood niya ang kaibigan niya na abala sa pag-iimpake ng mga bagahe nito. Naisipan na kasi nito ang sumunod sa mag-ama nito sa Pilipinas. Pero sa tanong niyang iyon ay natigilan ang matalik niyang kaibigan at gulat na napatingin sa gawi niya. Bigla itong namutla na ikinatawa niya. "Of course, maaalala mo! Birthday kaya ng anak mo! Malapit na ang birthday ng inaanak ko," sabi niya at naglaho naman kaagad ang takot sa mga mata nito at ipinagpatuloy ang pag-aayos nito. Napabuntong-hininga siya. "Alica--" "Huwag m

