Chapter 25: Bon "AZRIEL. P-Paano mo nalaman na siya ang daddy niyo?" gulat na tanong ko sa anak ko. Ang bilis nang t***k ng puso ko at para akong maiiyak. B-Bakit? Bakit nalaman niya kaagad? "Hindi ko po 'yon, daddy, mom." "But how did you know, Azriel?" kalmadong tanong din ni Raven. Maski siya ay nagulat. "I saw your picture with him, mom. It's a wedding picture frame," sagot nito sa akin at mariin na kinagat ang pang-ibabang labi niya. Palatandaan na nagagalit siya. Mahigpit din nakakuyom ang mga kamao niya kaya hinawakan ko iyon. Masuyong hinaplos ko at kaagad na bumuka iyon. "Paano mo naman nalaman na wedding picture namin 'yon?" tanong ko pa. At bakit hindi pa tinatapon ng lalaking iyon ang letrato namin? "Nakasuot ka ng white gown, mom and he's wearing his white tuxedo, too. A

