Chapter 12: Truth hurts AFTER that ay dumiretso ako sa company ng asawa ko. Gustung-gusto kong sabihin sa kanya ang katotohanan. Hindi ko na kayang maghintay pa ng matagal. Gusto ko ng magkaayos na kami at bumalik na sa dati. Sasabihin ko sa kanya ang lahat-lahat. Hindi puwedeng hindi pa. "M-Ma'am Aly," nauutal na tawag sa akin ng secretary ng asawa ko. Para siyang nakakita ng multo nang makita ako. "Hindi ba busy si Laven? Gusto ko sana siyang makausap, eh," nakangiting sabi ko at mabilis na napatingin siya sa nakasarang pinto ng opisina ni Laven at muli rin namang ibinalik sa akin ang tingin. "M-May client pong kinakausap si sir Laven, ma'am Aly," sagot niya bagamat nasa boses na talagang kinakabahan siya. Kaya hindi ko rin maiwasan na kabahan at tila may masama akong kutob. Nawala

