Heartbreaks TRIGGER WARNING! "HONEY!" masayang tawag ko sa asawa ko nang makita ko siyang umuwi na sa mansion namin at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Sinalubong ko kaagad siya nang mahigpit na yakap at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. May umagos na namang luha sa aking pisngi, hindi na dahil nasaktan ako kasi miss na miss ko na siya. Napaluha ako dahil umuwi pa rin siya. Bumalik na siya, bumalik na siya sa akin. "Laven, I miss you, so much, honey!" sabi ko at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa baywang niya. Naramdaman ko ang paggalaw ng magkabilang braso niya at inaasahan ko na ang pagyakap niya sa akin pabalik. Pero humawak lang iyon sa balikat ko at bahagya akong pinaatras. Saka siya lumayo sa akin, para akong batang naagawan ng laruan dahil sa ginawa niya. "H

