Take me back "GUSTO kong makausap ang asawa ko, Jullie," sabi ko sa kanya habang pinapakain niya ako. Hindi na ako katulad ng dati na palaging walang ganang kumain. Pero ngayon ay ganado ako at mas lumalakas sa pagkain, kaya siya pa ang nagkusa na subuan ako. Na madalas kahit katatapos ko lang kumain ay gusto ko ulit kumain. Tila palaging walang laman ang sikmura ko. "For what, Aly?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin. "Ibabalita ko lang na may baby na kami, Jullie," nakangiting sabi ko na hindi naman umabot sa mga mata ko. Dahil may pakiramdam ako na hindi na siya babalik pa sa akin. "Do you think, maniniwala pa siya sa 'yo, Aly? Minsan ka ng nagsinungaling kaya kahit isang beses lang iyon ay hinding-hindi ka na niya paniniwalaan pa... Nasaktan siya dahil naloko siya..." "P-P

