Chapter 16: The new Aly A/N: Bago ang lahat-lahat. Salamat po sa pagbabasa nitong kuwento nina Aly at Laven. 2019 pa ang nobelang ito at na-hold po siya noong 2020. Ngayong taon din akong nag-decide na tapusin ito. Maraming salamat po sa suporta. 5 years later... ANG bilis lumipas ng panahon. Napaka-bilis na halos hindi ko na namalayan. Limang taon na rin ang nakakaraan...noong iniwan ako ni Laven at sumama siya sa bago niyang pamilya. Wala na rin akong balita tungkol sa kanya kahit sa kapatid niyang si Raven ay hindi ko na inusisa pa. May kanya-kanya na kaming buhay kaya kinalimutan ko na rin ang minsan siyang naging asawa at minahal ko. To be honest, halos hindi ko na nga siya maalala pa. Iilan lamang ang naaalala ko at kinailangan pa ni Raven na sabihin sa akin kung sinu-sino b

