The Bad Boys Tutor
Tatlong lalaking mayayabang,
basagulero,
bully,
at womanizers.
Tatlong lalaking hindi ko hinangad na makausap o maturuan man lang.
Tatlong lalaking aking kinaiinisan.
Wala silang alam gawin kundi makipagsuntukan, magditch ng class, magliwaliw at magpakasaya.
Cedric Lee. Ang pinakababaero sa grupo. Parang undies kung magpalit ng girlfriend dahil halos araw-araw. Sikat, mayaman at gwapo. Never naging taken at hindi natatapos ang araw na wala siyang napapaiyak na babae. Kinaiinisan ko siya sa kanilang lahat.
Trace Navarro. Ang makulit at palangiti sa kanilang grupo. Akala ko noong una mabait siya but I was wrong dahil nasa loob din naman pala ang kulo niya dahil siya ang pinakabully sa kanilang lahat. Mayaman, gwapo, model at habulin ng mga chicks. Naiinis din ako sa kaniya dahil napakasadista niyang tao.
At ang panghuli..
Dwight Wingstone. Ang leader ng kanilang grupo. Kinakatakutan sa school at tinuturing na batas. Bakit? Simple lang, dahil pamilya niya ang may-ari ng pinapasukan kong school. Mayabang, mayaman, sikat, at mahilig magmura. Pati teacher takot sa kaniya. Pinaka basagulero, mahilig uminom at laging nagdiditch sa klase. Sa kanilang tatlo siya yung sobrang kinaiinisan ko.
At ako?
Ako si Zia Park. Ang number one hater ng grupo nina Dwight. Isa lang akong hamak na nerd at nobody sa school. Laging binubully at inaapi. Sanay na akong magulo ang buhay ko mula nang pumasok ako sa Wingstone University. Pero Maslalong gumulo yon nang maging Tutor ako ng tatlo.
Makakaya ko kaya silang tagalan?
Sinong unang gigive-up?
Sinong unang aalis?
Sinong tatagal?
Ako??
O
Sila?
The Bad Boy's Tutor
written by MariaAyagil
©All Right Reserved