Chapter One

2035 Words
The Kiss ZIA Park's Point of View "Tita, aalis na po ako!" Paalam ko kay Tita habang tinatali ang sintas ng aking sapatos. "Mag-ingat ka sa pagpasok. Tumingin ka sa dinadaanan mo at tsaka good luck sa exam." Nakangiting sabi ni Tita Belle habang nakasilip sa pintuan ng sala. "Sige po!" Tumayo ako bago umalis. Nagpara ako ng taxi pagkalabas ko ng bahay. "Saan ka miss?" "Sa Wingstone University po." Sagot ko kay manong driver bago nya pinaandar yung taxi. Ganito na lagi ang daily routine ko. After kung tumulong kay Tita Belle sa paghahanda ng mga gamit na kailangan sa restaurant niya umaalis na din ako para pumasok. Nakatira ako kina Tita Belle buhat ng mamatay si Mama dahil sa plane crush. Kasama ko noon si Mama pero swerte daw ako dahil nakaligtas ako. Hindi ko nga alam kung papano nangyari yon dahil wala akong maalala sa aking nakaraan. Ang simula nalang ng ala-ala ko ay nung magising ako ng hospital. At dahil iniwan na daw kami ni Papa bata palang ako, sina Tita Belle na ang nag-alaga at kumupkop sa akin.  *Beep* Kinuha ko saking bulsa iyong cellphone ko at binuksan ang messenger galing sa 4-2 class. Group chat namin yan ng aming section. Lahat kaming magkakaklase halos member ng group na 'to. Maski nga ako sinali nila kahit na ni isang beses hindi sumagi saking isipan na magchat dito. Biglang nag-appear yung picture nina Dwight sa screen ng cellphone ko at tsaka sinundan ng mga chat nang mga kaklase ko. "Whaa! Prince Dwight is back from Korea!" "Oh my Gosh! Ang gwapo talaga nila!" "Si Papa Trace may new hairstyle! Grabe nakakainlove!" "Si Prince Cedric naman ang hot pa din!" "Ang gwapo talaga nilang tatlo! Hindi na ako makapaghintay na masilayan ang kanilang kagwapuhan. Got to go to WU." Parang biglang nasira yung araw ko pagkabasa nung mga sinesent na message nang mga kaklase kong fans noong tatlo Bad Boys sa school namin. Bakit ba nila gusto iyong mga yon? Wala naman iyong mga alam kundi makipag-away at gumawa ng gulo. Dahil gwapo sila? Gwapo nga sila pero masama naman ang mga ugali. Napabuntong hininga ako. Parang magkakamind grain pa ata ako sa pag-iisip ng matinong sagot. "Miss, okay ka lang? Nandito na tayo sa school ninyo." Napalingon ako kay manong driver tsaka tipid na ngumiti. "Okay lang po ako." Inabot ko yung bayad kay manong bago lumabas ng taxi. Nandito na naman ako. Nandito na naman ako sa Wingstone University. "Oh my gosh! Pince Dwight is here!" "New hairstyle! Gosh! Ang gwapo ni Papa Trace!" "Prince Cedric marry me, Oppa!" Nasa hallway na ako nang bigla nalang nagtilian iyong mga babae na nakakasabay kong maglakad. Napatingin ako doon tatlong lalaking naglalakad palapit sa amin. As usual, hindi na naman sila nakauniform. May earrings pa sila na alam naman nilang pinagbabawal yon dito sa Wingstone University. Tapos may kulay pa iyong buhok ni Trace na alam naman ng lahat na bawal din iyon dito sa school. Pero pagdating kasi sa kanilang tatlo walang rules and regulations malaya nilang nagagawa ang gusto nilang gawin dahil tinuturing silang hari ng school. Kahit na sobrang crowd dito sa hallway nakapaglalakad ng matiwasay yung tatlo dahil walang naglalakas loob na harangan ang kanilang dinadaanan kasi once na humarang ka sa kanila parang gusto mo na ding magulpi. Akala mo mga artista o VIP kung bigyan sila ng daan. "Hoy Panget umalis ka nga sa harapan ko nakaharang ka diyan hindi ko makita ang boyfriend ko." Sabi ni Rajin kasama yung kaniyang mga alipores. Naglakad ako paalis pero hinarangan nila ako kaya tumabi nalang ako ng kunti para bigyan sila ng way para makadaan. "Sabi ko umalis ka sa harap ko hindi ko sinabing umusod ka lang!" "Paano ako makakaalis kung nakaharang din kayo sa daan?" Seriously? Paano ako makakalis kung sila yung nakaharang para makaalis ako ng tuluyan sa kanilang harapan? "Aba marunong ka na palang sumagot ngayon, huh! Do you know whose your messing with?" I know. Kahit pumikit pa ako kilalang kilala ko sya dahil siya lang naman si Rajin Khan. Ang tinuturing na campus girlfriend. Akala mo kasi nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng boyfriends. Tapos bias yan. May favoritism. Sa lahat ng magiging paborito niya ako pa talaga. Ako pa yung paborito niyang bullyhin. Hindi ko nga alam kung insecure lang sya sa kapangetan ko o ano kaya galit na galit siya sa akin since never ko naman siyang ginawan ng masama. Sexy siya, maganda, at mayaman pero yung ganda niya hindi niya naman ginagamit sa ikinabubuti niya kaya naaawa ako sa kaniya. "Oh? Hindi kana makasagot ngayon? Hindi porket matalino ka at running for Salututorian ka pwede mo na akong sagut sagutin. Tandaan mo, ang panget dapat matutong lumugar sa kung saan siya nababagay. Kaya kung ako sayo shut up ka nalang!" Tiningnan ako ni Rajin ng masama bago ako tinulak. At dahil malakas ng pagkakatulak niya sa akin nadapa ako sa harapan mismo ni Dwight. Takte! Im dead! Lahat halos ng nakapaligid na estudyante at fan girls nung tatlo napatigil sa kanilang pagtitilian at natahimik habang nakatingin sa amin. Napatingin sa akin si Dwight na walang kahit na anong ekspresyon na makikita sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung bakit pero parang nawala ako sa sarili ko at napatingin lang din sa kaniya. Ngayon ko lang napansin brown eyes pala siya? Tumikhim si Trace hindi ko alam kung bakit pero thank you dahil sa pagtikhim niya bumalik yung matino kong pag-iisip. Gosh! Patay na talaga ako neto. Yumuko ako at.. "1.. 2.. 3" Mabilis akong tumakbo paalis doon na para bang wala nang bukas. Mas maganda nang umalis ako doon kesa naman patawan ako ng punishment ng Dwight na 'yon diba? Napahawak ako sa aking dibdib habang humihingal nang makarating ako sa third floor. "Muntik na ako doon ah. Buti nalang nakatakas agad ako." Huminga ako ng malalim bago ko inayos yung aking magulong buhok at bag bago pumasok ng room. Kunti palang yung nasa loob ng room pagkapasok ko. Umupo ako sa upuan ko malapit doon sa bintana. After a few minutes nagsidatingan na din iyong mga kaklase ko kasabay nang prof namin. *T*B*B*T* "Hoy panget na nerd anong sagot sa number 8?" Tanong ni Thea ang isa sa alipores ni Rajin. Nakatabon iyong test paper niya sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Binalikan ko yung tanong sa number 8 tsaka binasa ulit. "Ano na? Bilisan mo naman!" Hindi din siya atat no? Siya diba yung nagtatanong baka pwedeng maghintay siya? "Accelerator. Letter C." Sagot ko dahil parang sasabog na siya sa inip. Hindi man lang siya nagthank you sakin. Tsk. What do you expect from her, Zia? Ni sorry nga hindi yan makasabi thank you pa kaya? After Class. Dahil may one hour pa akong vacant time sa library nalang ako pupunta para tumahimik naman ang mundo ko. Pagdating ko sa library walang gaanong tao. Napangiti ako at naghanap nalang ng libro para may mabasa ako. Napili ko yung The Narrows ni Michael Conelly. Makalipas ang isang oras. Hindi ko na namalayang tapos na pala yung vacant time ko. Mabilis kong binalik yung libro na binabasa ako. Ang ganda pa naman nun nakakabitin! Babalikan ko talaga yon next time. Wait ka lang diyan mababasa din kita ng buo. Narinig ko nang nagring yung bell. Mabilis akong lumabas ng library at naglakad na ako pabalik ng room. Paakyat na ako sa first floor ng marinig ko yung hikbi ng isang babae. Dahil sa nangibabaw na naman ang kacuriousityhan ko sa aking katawan lumapit ako sa tunog ng hikbi na yon. Palakas ng palakas ang hikbi habang palapit ako ng locker room. Nagturn ako sa right at nakita ko si Cedric Lee na nakatayo doon sa harap ng babaeng nakasubsob sa palad ang mukha. Nainis ako sa aking nakita kahit na ilang beses ko nang nakikita ang ganitong pangyayari. Naaawa ako doon sa babae. Siya si Sirena Soberano, yung tinanghal na Miss Foundation 2016 nung October. Nakakaawa siya. Mabait siya at maganda pero niloko lang din siya ni Cedric. Kahit kelan talaga nakakainis yang Cedric Lee na yan ang sarap niyang ipakain sa gutom na mga sharks sa Pacific Ocean! Tss. Nakakasira ng araw. Makaalis na nga lang. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nakarating ako sa second floor at mabagal na naglalakad ng mapatigil ako sa aking nakita. Inayos ko yung salamin ko bago tinitigan yon grupo ng lalaki na pinagpipiyestahan yung kawawang estudyante sa ibaba. Hindi ako pwedeng magkamali si Trace Navarro nga yong bumabato ng bola ng baseball doon sa pader kung saan nakatayo iyong isang estudyante. May panibago na naman syang binubully. Parang maslalong nasira ang araw ko sa aking nakita. Sumusobra na talaga sila. Dapat na talaga silang pigilan dahil kung hindi marami pa silang masasaktang ibang estudyante. Mabilis akong tumakbo pababa. Pupunta ako ng Faculty para ireport sila. Masyado na sila. Halos araw-araw nalang silang may binubully o may kinakawawa. Hindi na school to impyerno na to. Mabilis akong bumaba ng hagdan at nagpatuloy lang ako sa ganoong bilis ng may matapakan akong madulas na bagay. Huli na nung mabasa ko yung nakalagay na sign na beware doon sa parte ng hagdan na yon. "Ahhhh" natumba ako doon sa nakasalubong kong lalaki. Pareho kaming bumagsak. Nakapatong ako sa kaniya habang siya iyong bumagsak sa semento. "s**t!" Daing nya. "Okey ka lang--" TSUP Biglang nanglaki yung mata ko sa bilis ng pangyayari. Mga ilang segundo din yung tinagal ng pagkakadaiti ng labi namin. Napatingin ako doon sa lalaki at bigla kong linayo yung mukha ko sa kanya tsaka ako tumayo. Napatabon ako sa labi ko ng kamay habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaking kaharap ko. Sa lahat ng pwede maingkwentro 'tong si Dwight pa! At yung--- gosh di ko masabi. Kinuskos ko iyong labi ko gamit iyong palad ko. "First kiss?" Nakangisi niyang sabi habang tumatayo sa kaniyang pagkakabagsak. Kung nakakamatay man iyong tingin na binigay ko sa kaniya kanina pa sana siya namatay. "Manyak! p*****t!" Magkahalong galit at inis kong sigaw sa kaniya. "Ako pa ang manyak? E ikaw kayang unang humalik sa akin." Hindi ko alam kung amusement ba iyong nasa tinig niya o nang-iinis lang siya. "Basta manyak ka! m******s!" "Kung di ka din naman feeler noh? Sino ka para manyakin ko? Akala mo si Liza Soberano ka? Ni hindi ka nga maganda. At tsaka wala ka ngang boobs." Nang-iinis niyang sabi. "Baka naman gusto mo lang ng round two ha?" Kahit kelan talaga manyak siya. "Mukha mo! Round twohin mo mukha mo! Never akong magpapahalik sa katulad mo!" Nanggagalaiti kong sabi sa kaniya. Hindi lahat ng babae magagawa nyang halikan kung gusto niya. "Sus pakipot ka pa alam ko naman gusto mo ding halikan kita." Lumapit siya sa akin napaurong naman ako. "Wag kang lalapit!" Naramdaman kong napasandal ako sa pader. "Scared?" Ngumisi siya. "As if naman gusto din kitang halikan. Ayaw kong magkavirus noh!" Sabi niya saka umalis nalang bigla. Nanghihina akong napaupo bago napahawak sa aking labi. Kapal ng mukha niyang kunin yung first kiss ko. Sa lahat ng tao bakit sa mayabang, arogante, at masamang Dwight pa na iyon napunta?! Ugh! Nakakainis! Makauwi na nga lang! *T*B*B*T* "Enjoy your meal Sir & Maam," naglakad na ako paalis matapos kong maibigay iyong order sa table 8. "Zia, out muna oh. 8 o clock na. Umuwi kana muna ng bahay." Sabi ni Tita Belle. Ngumiti ako sa kanya. "Sige po." Sagot ko bago nagtuloy sa locker room para makapagpalit ng damit. After kong magpalit naglakad na ako palabas ng resto ni Tita. At dahil walking distance lang naman iyong bahay nina Tita Belle kung saan ako nakatira linakad ko nalang din yon. Pagkadating ko ng bahay nagtuloy na agad ako sa aking kwarto tsaka nahiga sa aking kama. Grabe inaantok na talaga ako. Ipipikit ko na sana iyong aking mata ng mag vibrate yung cp ko saking bulsa. Binuksan ko naman yon. Galing na naman sa group chat. Iniopen ko yung chat sa 4-2 at tumambad sa akin iyong isang picture na nagpaalis ng aking antok. Napaupo ako sa aking kama habang titig na titig sa aking cellphone. Ano na naman to???!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD