Chapter Two

1872 Words
2: Why me?! ZIA Park's Point of View Papanong? Sino ang kumuha neto? Wait lang! Kinurot ko yung pisngi ko. Ouch! Masakit! Ibig sabihin hindi ako nananaginip! Napatingin ulit ako sa cp ko. Mukha ko talaga yung nakalagay doon kasama si Dwight habang magkadaiti ang labi naming dalawa. Kainis! Im dead! "Gosh! Ang kapal nyang halikan si Prince Dwight!" "Grrr ang landi nya!" "Haneks ah! Natalo pa kayo ni Nerd?" "Saan kaya sya kumuha nang kapal ng mukha para halikan si Prince Dwight?!" "Nakakainis! Humanda ka sa akin bukas panget na nerd!" Parang maghahang pa ata ang cp ko sa dami ng violent reactions ng mga kaklase kong babae. Sino ba kasing kumuha at naglagay ng picture namin dito ni Dwight? Akala ko pa naman walang nakakita sa nangyari kanina. Triny kong hanapin yung salaring naglagay ng picture namin dito sa group chat pero dahil sa daming reactions ng mga kaklase ko hindi ko na nagawang hanapin. Kainis! Kahit naman mahanap ko yon wala na akong magagawa dahil nalaman na din naman nila. I sighed. Patay na talaga ako neto! Dadagdag na naman ang gulo sa buhay ko. Humiga ulit ako saking kama tsaka tumitig sa kisame. What now?  Pinikit ko nalang ang aking mata para makatulog. After two hours Gosh! Hindi ako makatulog. Para kasing kinakabahan ako na ewan samahan pa nung pagreply ng nangyari kanina sa hagdan. "Utang na loob matulog ka na, Zia. Kailangan mo ng lakas bukas dahil alam mo namang hindi ka tatantanan ng fan girls ng Dwight na yon bukas." Bulong ko sa aking sarili. Pumikit ulit ako para makatulog. Time check, 2:00 a.m na! Madaling araw na pero hindi pa rin talaga ako nakakatulog. Bumaba ako ng sala at kumuha ng maiinom. Ang sakit na ng mata ko. Huhuhu. Bakit ba kasi hindi ako makatulog? Kainis! Please, makatulog naman na po sana ako ngayon Papa God! Naupo ako sa sofa tsaka nahiga na din. Pinikit ko yung aking mata at hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako sa wakas. Zzzz *T*B*B*T* Nagmulat ako ng aking mata feeling ko kasi may nakamasid sa akin. *Flash* *Flash* Tinabunan ko yung aking mukha gamit yung pillow na kamukha ni spongebob sa tabi ko. "Itigil mo nga yan Jaymin." Saway ko kay Jaymin ang makulit na anak ni Tita Belle na bunso. "Hahaha! Ang panget ng kuha mo dito, Noona. Tuloy laway ka tapos kita pa yung kalahati ng eyeball mo. Hahaha!" Napakasalbahe talaga ng pinsan ko na 'to manang mana sa Kuya Minho nya. "Oo na. Ako ng panget." Nag-inat ako tsaka tumayo. "Hoy anong ginagawa mo?" Taka kong tanong kay Jaymin dahil ang lakas ng tawa nya habang nagdudotdot ng cp nya. "Inaupload ko lang naman yung picture mo." Nakangisi nyang sabi. "Ano?! Ibigay mo sa aking yang phone mo." Sabi ko habang hinuhuli sya kasi may sofang nakaharang kaya hindi ko sya maabot. "Ayoko ko nga! Bleh!" Grr. Nakakagigil talaga tong batang to. Pero ang cute nya kainis >."Sabi nang ibigay mo sa akin yan e." "Kung mahuli mo ako." Sabi nya bago tumakbo. At ako itong si gaga hinabol naman sya. Ipagkakalat nya pa yung picture ko buti sana kung maganda yon e baka masuka pa makakita doon. Sa kakatakbo nya nacorner ko din sya sa dining room. "Akin na yang phone mo." "Tsk. Oh." Binigay nya naman yung cp nya tsaka tumakbo na ulit paalis. Di ko na sya hinabol dahil na sakin naman yung cp nya. Pagbukas ko ng phone nya may password. Kaya pala ang lakas ng loob nyang iwan sakin yung phone nya. "Jaymin!" Sigaw ko. "Jaymin--" "Oh Zia bakit nandito ka pa sa bahay? Akala ko nakaalis kana. 7:05 na ah." Parang nagpanting yung tenga ko sa sinabi ni Tita Belle. "7:05 na Tita?" Mali ba ako ng pagkarinig. 7:30 kaya ang pasok namin. "Oo, kaya nga nagtataka ako kung bakit ka pa nandito sa bahay. Wala ka bang pasok ngayon?" "Meron, Tita. Pakibigay nalang po to kay Jaymin." Binigay ko kay Tita yung cp ni Jaymin tsaka mabilis na pumasok sa aking kwarto para makapaligo na. "Thank you Tita!" Humalik pa ako sa kanyang pisngi bago mabilis na umalis. Nadapa pa nga ako sa kamamadali. Buhay nga naman ng lampa oh! Tumayo ako bago pa maraming makakita saking kalampahan. 7:26 nang makarating ako sa school. Buti nalang talaga hinatid ako ni Tita. "Ano ka ba namang bata ka?! Diba sabi ko mag-ingat ka!" Nag-aalalang sabi ni Tita Belle hindi ko naramdamang nakalapit na pala sya sakin. "Okay na ako Tita. Salamat po!" "Sige na pumasok kana doon. Aalis na ako." "Sige po." Sabi ko bago lumakad papasok ng WU. "Sya diba yon?" "Oo, sya nga yung nasa picture!" "Ang feeler no? Halikan ba naman si Prince Dwight?" Habang naglalakad ako sa hallway hindi ko mapigilang marinig yung mga binubulong nung mga schoolmates ko. Wait mali, hindi na nga bulong yon ginagawa nila pinaparinig pa nga ata nila sakin. Tsk. Kalat na pala. Great! Lakad lang ako ng lakad kahit na parang mamamatay na ako sa tingin nung ibang estudyante. Siguro kung may laser yung tingin nila kanina pa lasog lasog ang aking katawan. "Hoy Zia!" Napaangat ako ng tingin kay Rajin kasama nya ang kanyang mga alipores at parang dumami ata sila ngayon. "Bakit?" Sabi ko tsaka pasimpleng tumingin sa aking wristwatch. Saktong 7:30 a.m na ibig sabihin malelate ako kapag hindi pa ako umalis. "Akala mo mapapalampas ko yung ginawa mo. Landi mo din noh? Ang kapal din talaga ng mukha mong halikan ang boyfriend ko." Eh? Boyfriend? Baka 'EX'! Oo ex nya si Dwight. Alam nyo ba kung gaano katagal ang naging relasyon nila? Ayon, break ang world record. 1 minute lang kasi ang tinagal. Tinanong lang sya ni Dwight then after sumagot ni Rajin ng 'oo' nakipagbreak na din agad si Dwight. 2nd year pa kami nung mangyari yon. Ewan kung anong masamang elemento ang pumasok sa isip ng lalaking yon kaya niya yon ginawa Kay Rajin. "Wala akong alam sa sinasabi mo." Sabi ko saka naglakad na paalis. Late na ako! "Aah!" Bigla nalang may humila saking buhok. Sino pa ba? Di si Rajin the b***h. "Sa tingin mo makakatakas ka sakin matapos ang ginawa mo?" "Ano ba kasing gusto nyo?" Wala na 7:35 na late na talaga ako. "Aaah! Bitiwan mo ako." Huhuhu. Naiiyak na ako. Ang sakit nung pangkakasaabunot nya sa akin feeling ko makakalbo nya na ako kapag hindi nya ako binitawan. "At nag-iinarte ka na din ngayon? Alam mo sa lahat ng paget na nakilala ko ikaw yung pinaka." Hinila nya ulit ang buhok. "Pinakamakapal ang mukha! Sinong nagbigay sayo ng lakas ng loob na halikan si Dwight ha? Diba sabi ko naman sayo ang panget dapat lumugar sa kung saan sya dapat nababagay. Kaya ikaw matuto kang lumugar hindi porket running for valedictorian ka pwede ka ng umarte. Tandaan mo ang magaganda lang na katulad namin ang pwede mag-inarte at ang panget na katulad mo ay hindi." "Bi-Bitawan muna ako." Naiiyak ko nang sabi sa kanya. Ang sakit kaya ng pagkakasabunot nya sa akin. Parang lahat ng lakas nya ginagamit nya sa paghila ng buhok ko. "Gusto mong bitawan kita? Bakit masakit ba? Naiiyak ka na ata." Diniinan nya ulit yung pagkakahila nya sa aking buhok. Feeling ko pati anit ko sasama na sa pagkakahila nya. Tulong naman oh! May mabuti ba ang puso dyan na pwede akong tulungan at ipagtanggol kay Rajin? Pakita ka naman oh! Please.... Pero naisip ko. May tao pa kayang nag-e-exist na may mabuting puso na nag-aaral dito sa WU?? "Hey, anong ginagawa nyo sa kanya?" Lahat kami napatingin sa nagsalita. Wish granted agad ah! Pero.. Trace? As in, Trace Navarro?? Bakit sya nandito?? "Wag kang makiaalam dito Trace." Inis na sabi ni Rajin. Biglang nagbago yung aura ni Trace. Para syang mag-iivolve na Pokemon. "Yah Rajin! Ako ba sinasabihan mo?" Seryosong sabi nya. Nakakatakot pala sya kapag seryoso. "A-Ano bang gusto mo Trace?" Nauutal na sabi ni Rajin pero nadoon pa din yung katarayan. "Bitiwan mo sya." Totoo ba to? Si Trace?? Yung lalaking mahilig mangbully tinutulungan ako? Pasimple kong kinurot yung pisngi ko. Ouch! Masakit! Totoo nga to! Hindi to panaginip. Nag-aatubili pang sumunod si Rajin sa sinabi ni Trace. Binitawan nya nga ako. "Hindi pa tayo tapos!" Sabi ni Rajin sakin bago naglakad paalis kasama yung alipores nya. Naiwan kaming dalawa dito ni Trace. Awkward. Sobrang tahimik. "T-Thank you." Hindi ko lubos maisip na darating yung time na mag-ti- thank you ako sa kanya. Ngumiti sya. Yung tipo ng ngiti na matutunaw ka. Weird! Biglang kasing tumibok ng mabilis ang puso ko. "May utang ka sakin at ang utang dapat pinagbabayaran." Sabi nya. Sabi ko na nga ba e. Hindi talaga bukal sa kanyang tumulong gusto nya laging may kapalit. "Sorry wala akong pera." Pinangungunahan ko na sya dahil wala naman talaga syang makukuhang pera sakin. Sa kamamadali ko kasi kanina naiwanan ko pa yung wallet ko sa room ko kaya kahit singko wala akong dala. "Hindi ko kelangan nun. Basta tandaan mo may utang ka sakin at kukunin ko yung kabayaran nun sa tamang panahon. Okey?" Anong tamang panahon pinagsasabi neto? UmaAlDub din sya oh. Nakikiuso. Umalis na sya after nyang sabihin yon. Magdiditch na naman sya sa klase dahil papalabas sya ng school. Napailing nalang ako tsaka napatingin sa aking wristwatch. 8:05 na! 35 minutes na akong late! Patay! *T*B*B*T* "Miss Park, you're 37 minutes late! Ngayon ka lang nalate ng kanito katagal sa klase ko siguro naman may maganda kang dahilan kaya nalate ka." Yan ang bungad sakin ng Math prof ko pagdating ko ng room. "Sorry po maam tinanghali na po kasi ako ng gising. Sorry." Palusot ko dahil hindi ko naman pwedeng sabihin yung nangyari kanina dahil maslalo lang gugulo ang buhay ko kapag nagsumbong ako. "Okey, since ngayon lang naman to nangyari pagbibigyan kita. But, wag ka nang magpapalate ng ganito katagal next time okey?" Mabait naman talaga si Maam Chona Jarabata kaya nga isa sya sa mga paborito kong teacher dito WU e. "Okey maam. Thank you po." Sabi ko tsaka umupo na sa aking bangko. Yung tingin sakin nung mga babaeng kong kaklase ang sasama. "Tss. Halikan ba naman si Prince Dwight? Duh!" "Akala mo kung sinong hindi makabasag pinggan yon pala nasa loob din ang kulo." "Ang dami talagang disperada sa mundo. Wala na sigurong gustong humalik sa kanya kaya ang kapal ng mukha nyang manghalik ng iba." "Assuming much? Kala mo papatulan ka ni Prince Dwight?" Kaysa patulan sila dinedma ko nalang wala namang patutunguhan kong magsasalita ako. Mas mabuting makinig nalang ako sa prof namin may matutunan pa ako kesa naman makapagdebate sa kanila. After Class Ang galing talaga ni Maam Jarabata pag sya teacher mo sa Math lahat ng mahihirap dumadali. "Zia, pinapatawag ka sa director office." Sabi ni Yuna ang class president namin. Napakunot noo ako. "Bakit daw?" Taka kong tanong. Wala naman akong ginawang masama tsaka first time kong maipatawag sa DO. "Hindi ko alam." Sabi nya sabay upo sa kanyang upuan tsaka naglagay ng earphone. Parang sinabi nya na ding 'dont-talk-to-me'. Iniayos ko muna yung gamit ko tsaka lumabas ng room para pumunta sa DO.  "Bakit kaya? Bakit ako pinatawag?" Why me???!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD